His Innocent Secretary

His Innocent Secretary

last updateLast Updated : 2023-07-10
By:  mindfreaklesslyCompleted
Language: Filipino
goodnovel16goodnovel
10
2 ratings. 2 reviews
58Chapters
25.8Kviews
Read
Add to library

Share:  

Report
Overview
Catalog
SCAN CODE TO READ ON APP

Gianna Amelia Denise Belarde. A pure innocent girl. At her age of 20 she tried to apply as an executive secretary, she's also a girl who doesn't understand yet how human reproduction works, or how people engage in sex for gratification. Will Zayne Andrius Javier, the company CEO, awaken the fire inside her, and turn her from someone innocent and inexperienced, to a woman who is not afraid to embrace her sexual desires?

View More

Chapter 1

Chapter 01

“Sure na ba kayo rito?” tanong ko sa mga kaibigan ko na nasa kabilang linya.

“Ano ka ba, Gian? Ngayon ka pa ba aayaw?” asik sa akin ni Ele ang pinakamainipin sa aming lahat siya rin ang palaging mainitin ang dugo, akala mo palaging may dalaw.

“Ano’ng meron? Saan ka ba pupunta Gian? Ba’t ‘di mo kami sinama?” si Made naman ang naguguluhang nagtanong, sa aming lahat siya naman ang mabagal makaintindi, low-gets kung baga.

“Alam mo Made minsan talaga tutulungan kitang linisan ang turnilyo mo sa utak para naman mag-function ng maayos!” reklamo naman sa kaniya ni Cali ang mataray sa lahat pero palabiro madalas.

“Talaga?!” excited na sagot naman ni Made, “Ano bang kailangan para makabili ako? Katulad ng sabon ‘yong mabula bibilhin ko para malinis talaga tapos bibili din ako ng fabric conditioner para mabango. Ano pa ba? alam ko na kailangan din ng brush ‘di ba? Para lang maglalaba lang gano’n. Yey! Excited ako.” Napailing na lang ako habang pinapakinggan ang pinagsasabi niya.

“Ewan ko sa ’yo! Masisiraan talaga ako ng ulo kapag ikaw kausap ko.” naiinis na sagot naman sa kaniya ni Cali.

“Edi mas masaya ‘yon! Pagkalinis mo ng akin, ‘yong sa ’yo naman lilinisan ko. Yehey! Excited na talaga ako! D’yan muna kayo ah bibili lang ako ng sabon!” magiliw na paalam nito.

“Sige lang, dumiretso ka na rin sa divisorya bili ka ng utak!” pagsang-ayon ni Ele.

“Meron ba do’n? Ang alam ko sa palengke ‘yon eh. Utak ba ng ano? manok, baboy, kalabaw o isda?” naguguluhan naman nitong sagot.

“Utak ng ipis, beh.” si Kylie naman ang sumagot, ang babae na mahilig sa mga social social media na ‘yan.

“Sige, magtatanong ako kay Aling Marites kung meron sila. Bye!” masayang paalam naman nito.

Masarap siya sakalin talaga promise.

“Parang sumakit bigla ulo ko, mygad!” reklamo pa ni Kylie.

“Hello! Andito pa kaya ako!” nakakangawit na kasi maghawak ng phone sa may tainga, saka ang lalakas ng mga boses nila kaya medyo nakakabingi. Kailangan pang ilayo sa tainga ang phone dahil baka ‘yon pa ang dahilan ng pagkasira ng eardrums ko. “Ano? Kayo-kayo na lang ba mag-uusap? Nakakahiya na kaya dito,” paliwanag ko pa.

Narito kasi ako sa labas ng malaking kompanya na ‘to. Pinagtitinginan na ako ng mga empleyado rito. Bakit ba kasi pumayag ako sa ganitong kalokohan?

“Inaarte mo d’yan? Wala nang atrasan ‘to. Sige na, pumasok ka na.” Sermon ni Ele sa kabilang linya.

“Kailangan ba talaga ‘to?” paninigurado ko, mamaya prank lang pala ‘to nagpa-uto naman ako.

“Mukha ba akong clown ha?!” this time naubusan na nga ng pasensya si Ele.

“Go, Gian! Galingan mo, ah. Sundin mo lahat ng sasabihin sa ‘yo. Maniwala ka sa ‘kin. H’wag mo kalimutang kumembot, ah. ‘Yong tinuro ko din sa ’yo na lakad na parang model. Saka medyo landian mo kapag ginawa mo ‘yon, sinasabi ko sa ’yo tanggap ka kaagad!” nakakasigurong habilin sa akin ni Cali.

“Siguradohin mo lang na gagana ’yan, ah. Lagot ka sa akin pag napakahamak ako dito,” paninigurado ko, mahirap na baka mapahiya ako, eh.

“Sure ‘yan! Ano ka ba? Gamay ko na ‘yan, ‘no. Gan’yan kasi gusto ng mga lalaki ngayon!” pagtitiyak niya pa.

“Oh, sig-”

“Good luck, bye!” sabay-sabay na sabi nila pagkatapos no'n ay binabaan na ako ng linya.

Bumuntong-hininga muna ako habang nakatingin sa harapan ng malaking kompanyang ‘to.

“Javier Construction Engineering Corporation.” Pagbasa ko sa isip lang sa pangalan ng kompanya na kapag napatingin ka sa gawi nito ay iyon agad ang mapapansin mo.

Pinahapyawan ko muna ang suot kong Floral Lace na blouse na p-in-artner-an ng Mustard Front Flap Detail Belted H-Line Skirt. Si Cali ang pumili sa suot kong ‘to. Sa amin kasi siya ang fashionista, hindi kasi ako magaling pumili ng mga sinusuot saka wala akong hilig sa ganito lagi nga nila akong sinasabihan na para akong manang sa paraan ko ng pananamit.

Sanay kasi ako na balot na balot ang katawan ko ‘di ako komportable sa mga suot na masyadong ma-e-expose ang katawan ko. Kahit ngayon ay ‘di pa rin ako komportable sa suot ko lalo na kapag may mga dumadaan na tao sa paligid ko na halos gusto ng idikit ang mata sa katawan ko sa paraan ng pagtitig nila.

Nang sa palagay ko ay ayos na ang itsura ko ngumiti ako sa kawalan at nagsimula na akong maglakad pataas ng hagdan, may pito kasing palapag ng hagdan bago makarating sa entrance ng kompanya.

“Hi, Miss!” bati sa akin ng guard.

“Um. Hello po, Manong guard,” nahihiyang bati ko rin sa kaniya pabalik.

“Ano pong sa atin, Miss?” mahinahon na tanong niya.

“Ah. Haha. Mag-a-apply po akong secretary, ito po ‘yong resume ko.” pag-abot ko sa kaniya ng resume na ginawa ni Kylie.

“Ah, sige Miss, umakyat na lang po kayo sa 11th floor, isa lang po ang room do'n. Sakto nando'n po si Sir,” masayang dugtong pa niya.

“Sige po, salamat po,” nahihiya pa rin na sagot ko.

“Walang anuman, Miss. Ayusin niyo lang po ang pakikipag-usap niyo kay Sir Javier, Miss. Mukhang mainit pa naman ang ulo no’n,” habilin niya pa.

“Si Manong guard naman, eh!” reklamo ko kaagad sa kaniya. “Tinatakot mo naman po ako, eh!”

“Nagsasabi lang po ako ng totoo, Miss,” natatawang sagot naman nito.

Kamot-kamot ako sa noo ng iwanan ko si Manong at naghanap ng elevator, pagkahanap ko ay pinindot ko ‘yon at hinintay na bumukas. Pagkabukas ay tumambad sa akin ang isang lalaking naka-formal attire at ang elevator girl, pumasok na ako.

“11th floor!”

“Sa floor number eleven po, Ate!” sinabi ko sa elevator girl kung saang floor ako lalabas, kasabay ko pang nagsalita ang lalaki.

Mag-a-apply din kaya siya? Sana ‘di siya matanggap, ako na lang dapat.

Napansin kong napatingin sa akin ang lalaki kasabay ang pagkunot ng noo niya.

“Who said that you can go at the 11th floor?” pagkakuwa’y tanong nito sa akin.

English speaking pa ang yawa, required bang magaling sa english? Patay! baka ‘di ako matanggap mahina pa naman ako sa pag-e-english.

“K-kailangan bang may parent consent bago pumunta do’n? ‘Di ako na-inform, eh,” napakamot ulit ako sa ulo ko. E 'di sasabihin ko na lang na wala na akong magulang kaya wala ako dalang parent consent. Totoo naman, eh. Wala naman talaga akong magulang.

“W-what? Who told you na p’wede kang pumunta ro’n?” pag-ulit niya ng mukhang naguluhan sa sinabi ko.

“E, do’n ka rin naman pupunta, sino ba nagsabi sa ‘yong p’wede ka pumunta do’n para makapagpaalam ako?” tanong ko sa kaniya.

“It's my own decision!” naiinis na sagot naman niya.

“Yon naman pala, eh. Gano’n na lang din ako. Sarili kong desisyon na pumunta do’n. Hehe, ano okay na?” katwiran ko naman.

“You can’t!” simpleng ma-awtoridad na sagot niya.

“Wow ha, para ano? Para ikaw lang ang makapag-apply at ikaw din ang makuhang secretary. Ulol!” naiinis na rin na sagot ko.

Ano siya si-ni-swerte?!

Gulat na nakatingin sa ’kin ang elevator girl at laglag pa ang panga niya. Ano kayang nangyari rito.

“Ate.” Pagtawag ko rito. “Bibig niyo po nakanganga, itikom niyo. Alam ko naman pong maganda ako, baka po kasi maglaway kayo, eh. O baka mapasukan ng mukhang . . .” sabay tingin ko sa lalaki.

“. . . Este langaw, kaya isarado niyo na, hehe!” natatawang saad ko lalo namang nanlaki ang mata niya pero sumunod naman siya sa akin na itikom niya ang bibig niya.

Iang saglit pa s’yang nakatitig sa ’kin bago inalis ang tingin at pahapyaw na umiling. Inggit siguro ‘to kasi mas maganda ako sa kaniya at mas maputi. Gano’n na ba ako kaganda para kainggitan.

“What did you say?” tanong bigla ng lalaki.

“Si Ate kausap ko, manahimik ka.” This time tinarayan ko na talaga siya, masyado na s’yang pa-epal eh.

Pasalamat siya g’wapo siya kaso negative pa rin siya sa akin pangit ugali, eh.

Pagkabukas ng pinto ay mabilis akong lumabas, narinig ko pa ang pagtawag sa akin ng elevator girl pero ‘di ko siya pinansin, tuloy-tuloy na akong lumabas at bumungad sa akin ang room na may nakasulat sa wall na, ‘Office of Zayne Andrius Javier’ kakatok na sana ako ng mapansin kong nasa tabi ko na pala ang lalaki.

Tatlong beses na akong kumakatok pero hindi pa rin bumubukas, ilang segundo na rin akong naghihintay pero wala pa rin talaga.

“Kung titignan mo lang ako’y napaka walang-kwenta mo pala!” sita ko sa lalaki, wala man lang kasing ginawa kun’di tumitig sa ’kin habang naka-krus pa ang mga kamay sa may dibdib. “Ikaw kaya kumatok para may maambag ka naman sa ekonomiya!” satsat ko pa kasabay ang ilang beses kong pagtaray.

“Keep rolling your eyes,” saad niya habang may kung anong kinuha sa bulsa niya at pagkaraan ng ilang segundo niyang pagkulikot do’n ay nilabas niya ang isang card. “Maybe you’ll find a brain back there.” Dagdag niya pa habang ini-swipe ang card sa may pinto pagkatapos no’n ay bumukas na ito at tuloy-tuloy na s’yang pumasok.

Naiwan naman akong nakanganga sa labas. “W-wait! What?” Mahinang pagkausap ko sa sarili ko “Totoo ba ‘to? Hindi kaya?” napatingin ulit ako sa pangalang nakadikit sa wall malapit sa kaliwang side ng pinto.

“. . . S-siya si Z-zayne!” Natapik ko ang sarili kong noo sa katangahan ko ngayong araw. “Siya si Zayne, Gian!b“Ang tanga mo self. Buset! Paano na ‘to? Anong gagawin ko? ‘Di ako nito tatanggapin panigurado. Hihingi na lang kaya ako ng tawad? Aishh. Tanga mo kasi, Gian. Ang tanga-tanga!” napalunok muna ako bago ako umayos ng tayo at pinipilit ko ang sariling pumasok sa loob.

Kailangan ko ‘tong job na ‘to. Bahala na!

“H-Hi, S-Sir!” nauutal kong bati sa kaniya pagkapasok ko, nanginginig na rin ang tuhod ko dahil sa kaba at hiya. Samantalang siya ay nakaupo habang pinaglalaruan ang ballpen sa mga daliri niya. Kunot-noong diretso ang titig niya sa akin. Mukhang inaasahan niya talagang papasok pa rin ako sa kabila ng pinagsasabi ko.

“Tell me about yourself?” nagulat ako ng agad siyang magtanong sa akin. Hindi man lang niya ako binati. Well, ano pang sense ng pagbati niya sa akin kung kawalang-hiya na ang nagawa ko sa kaniya. Hindi ko tuloy naintindihan ang sinabi niya.

“P-Po?” tanong kong muli.

“I only repeat the question, once.” Istriktong tugon niya na mas lalong nagpakaba sa akin. “Tell me about yourself?” pag-ulit niya sa tanong.

Ang sabi sa akin ni Cali dapat daw masagot ko agad ang tanong pero siguraduhin ko raw na may dating ang paraan ng pagsagot ko na parang nang-aakit. Kaya naman ang ginawa ko ay dahan-dahan akong lumapit sa harap ng table niya habang bahagyang kumikimbot ang bewang ko.

Kailangan daw parang model, eh. Nako! Cali, kapag ‘di ito gumana kakalbuhin talaga kita.

Medyo kataasan ang table niya pero dahil matangkad naman ako at mataas ang suot kong stilleto pinilit kong maupo ro’n sa mesa niya, inangat ko ng bahagya ang isa kong binti at ipinatong ‘yon sa isa pa. Hinawi ko rin ang buhok ko papunta sa kanang bahagi ng balikat ko para tumambad sa kaniya ang kaliwang parte ng leeg ko, bahagya ko rin pinadausdos ang daliri ko mula sa may leeg ko kunwari rin akong tumingala kasabay ang pagbaba ng kamay ko mula sa leeg papuntang balikat hanggang sa tuluyang makababa sa braso ko na pinatuloy ko pababa sa binti ko.

Hindi ko alam kung tama ba ang ginawa ko pero sinunod ko lang naman ang tinuro ni Cali, sana nga gumana.

Nang tignan ko siya ay saglit akong ngumiti pagkatapos ay bahagya ko rin kinagat ang pang-ibabang labi ko kasabay ang pagtitig ko sa kaniya “I’m Gianna Amelia Denise Belarde. You can call me Gian. I can do multitasking, I can do any job including blow job,” pauna kong sagot. ‘Di ko maintindihan kong ano ‘tong pinagtuturo sa akin ni Cali pero daw effective.

Napansin ko naman na parang bigla s’yang ‘di mapakali, umayos na rin siya sa pagkakaupo na parang kanina ay bagot na bagot na ngayon ay parang biglang nabuhayan at ginanahan.

Napapunas na rin siya gamit ang palad niya sa noo niya dahil bigla s’yang pinagpawisan. Nakakapagtaka naman dahil malamig naman sa loob ng office niya. “I’m at your service, moanday, tongueday, wetday, thirstday, freakday, sexday and suckday.” Pagkasabi ko no’n ay muli kong kinagat ang ibabang labi ko. Nagtaka ako dahil sabi sa akin ni Cali ay joke daw ‘yong sinabi ko panghuli pero bakit imbes na matawa si Zayne ay parang lalo s’yang ‘di napakali at napansin ko kung ilang beses siyang napalunok.

Sabi na nga ba hindi ‘to effective. Lagot baka magalit ‘to sa akin at paalisin ako rito. Sabi kasi ni Cali ay gagana raw ang joke na ‘yon mukhang na-corny-han naman si Zayne.

Bumaba na lang ako galing sa mesa at inosenteng tumayo sa may gilid. Napagmasdan ko pa rin ang ilang beses n’yang paglunok bago ako itinuro.

“Y-you can l-leave your resume here in the t-table.” Nauutal n’yang pagkasabi no’n, anong nangyari sa kaniya ba’t bigla s’yang nautal?

Dahan-dahan naman akong lumapit at ipinatong ang resume ko sa ibabaw ng mesa niya.

“Now, leave.” Mahinahon n’yang wika kaya mabilis ang tumango at naglakad palapit sa pinto. “You will start tomorrown. Be ready, Gian!” napatigil ako ng muli s’yang magsalita, gulat akong napatingin sa kaniya.

Totoo ba ‘to? Akala ko ‘di na niya ako tatanggapin. Effective nga.

“Please, l-leave.” Pakiusap niya pa sa akin, tumango naman ako at mabilis na lumabas.

Expand
Next Chapter
Download

Latest chapter

To Readers

Maligayang pagdating sa aming mundo ng katha - Goodnovel. Kung gusto mo ang nobelang ito o ikaw ay isang idealista,nais tuklasin ang isang perpektong mundo, at gusto mo ring maging isang  manunulat ng nobela online upang kumita, maaari kang sumali sa aming pamilya upang magbasa o lumikha ng iba't ibang uri ng mga libro, tulad ng romance novel, epic reading, werewolf novel, fantasy novel, history novel at iba pa. Kung ikaw ay isang mambabasa, ang mga magandang nobela ay maaaring mapili dito. Kung ikaw ay isang may-akda, maaari kang makakuha ng higit na inspirasyon mula sa iba para makalikha ng mas makikinang na mga gawa, at higit pa, ang iyong mga gawa sa aming platform ay mas maraming pansin at makakakuha ng higit na paghanga mula sa mga mambabasa.

Comments

user avatar
dolly Colance
mabasa nga sabi kc sa comment maganda...
2023-08-05 15:49:18
1
user avatar
Ayang V Luz
Nakakatuwa cia at maganda ang kuwento
2023-07-03 13:51:52
2
58 Chapters
Chapter 01
“Sure na ba kayo rito?” tanong ko sa mga kaibigan ko na nasa kabilang linya.“Ano ka ba, Gian? Ngayon ka pa ba aayaw?” asik sa akin ni Ele ang pinakamainipin sa aming lahat siya rin ang palaging mainitin ang dugo, akala mo palaging may dalaw.“Ano’ng meron? Saan ka ba pupunta Gian? Ba’t ‘di mo kami sinama?” si Made naman ang naguguluhang nagtanong, sa aming lahat siya naman ang mabagal makaintindi, low-gets kung baga.“Alam mo Made minsan talaga tutulungan kitang linisan ang turnilyo mo sa utak para naman mag-function ng maayos!” reklamo naman sa kaniya ni Cali ang mataray sa lahat pero palabiro madalas.“Talaga?!” excited na sagot naman ni Made, “Ano bang kailangan para makabili ako? Katulad ng sabon ‘yong mabula bibilhin ko para malinis talaga tapos bibili din ako ng fabric conditioner para mabango. Ano pa ba? alam ko na kailangan din ng brush ‘di ba? Para lang maglalaba lang gano’n. Yey! Excited ako.” Napailing na lang ako habang pinapakinggan ang pinagsasabi niya.“Ewan ko sa ’yo!
last updateLast Updated : 2023-06-08
Read more
Chapter 02
Pagkauwi ko sa bahay galing sa kompanyang ‘yon, naabutan ko ang apat na nasa sala. Natigil sila sa panonood at sa akin napunta ang atensiyon nila ng magsimula ako maglakad palapit sa kanila.“You’re here na!” excited na bati sa akin ni Cali, samantalang ako naman ay bagot na naupo sa sofa pagkapatong ko ng mga pinamili ko sa center table.“Hala? Ba’t gan’yan ang itsura mo? ‘Di ka ba natanggap?” nag-aalalang tanong naman ni Kylie.“Saan ba siya nag-audition?” si Made naman ang sunod na nagsalita.“Anong audition pinagsasabi mo d’yan?” tanong sa kaniya pabalik ni Kylie.“Sabi mo kasi ‘di siya natanggap. Saan ba kasi siya nag-audition? Poster making contest? Quiz Bee? Spelling Bee? O kaya naman sa Slogan making contest? Ba’t ‘di mo ‘ko sinama Gian sana nag-audition din ako.” Pagpapaliwanag niya at pagrereklamo sa akin.“Shunga ka beh? ‘Di kailangan ng audition sa gano’n.” asik pabalik ni Kylie.“Wow ha? Bakit naman tayo sasali sa gano’n? Eh ‘di naman tayo nag-aaral.”“Kausapin mo ‘yang h
last updateLast Updated : 2023-06-08
Read more
Chapter 03
Hindi ko pa nadidikit ng mabuti ang tainga ko sa pinto para sana pakinggan ang nasa loob kaso bigla itong bumukas kaya muntikan tuloy akong dumiretso papasok ng office."Ah. Haha!" iyon lang ang sinabi ko at peke akong tumawa "Ikaw kaya ma-late ng gising tignan natin kung makapasok ka ng maaga," mahinang saad ko na ako lang ang makakarinig."Are you saying something, Ms. Belarde?" tanong niya sa akin.Kailangan ba talaga english? Papahirapan pa ata ko nito. Hanggang kailan kaya ako tatagal sa kaniya? Baka kasi laging magka-menstruation ang ilong ko sa kaka-english niya."You don't care!" sagot ko naman na ikinakunot ng noo at ikinalaglag ng panga niya. Tatanga-tanga ka na naman self, mapapahamak ka talaga dahil d'yan sa katangahan mo self, baka tuluyan na talaga akong alisin nito. Kailangan kong makaisip ng paraan, hindi ko kasi alam kung anong dapat isagot sa tanong niya kaya 'yon ang nasabi ko saka gano'n lang ang alam kung mga english, eh. "I don't care . . ." dagdag ko pa mas lal
last updateLast Updated : 2023-06-08
Read more
Chapter 04
“This time you need to process the bills and expenses. Did you get it?” iyon agad ang bungad sa akin ni Sir Zayne pagkarating ko, siya pa rin ang unang nakapasok kaysa sa akin.Buti na lang ay maaga akong nakapasok, akala ko talaga ay ma-l-late naman ako. Buti na lang mas maaga akong ginising ni Kylie, siya naman kasi ang mag-a-apply ngayong araw. “P’wede magtanong, Sir Zayne?” pagkakuwa’y wika ko sa kaniya habang nag-l-log ako ng mga bills.“Nagtatanong ka na,” simple n’yang sagot na nakatutok sa laptop niya na ‘di man lang ako tinignan.“Umuuwi ka pa ba Sir sa bahay niyo?” hinayaan ko na lang ang pagpipilosopo niya, nagtanong na lang ako.“Ano pang purpose ng bahay kung hindi uuwian,” sagot n’yang muli na ‘di pa rin ako nililingon. Patuloy lang siya sa pag-scroll ng mouse na diretso ang tingin sa monitor ng laptop niya.“P’wede ba akong pumunta sa bahay niyo?” request ko sa kaniya, this time tumingin na siya sa akin.“W-What? Ano namang gagawin mo ro’n. I don’t bring ladies in my h
last updateLast Updated : 2023-06-16
Read more
Chapter 05
Hindi na ako nagreklamo pa. Una, ako naman talaga ang nagsabing gagawin ko lahat huwag niya lang ako alisin. Pangalawa, ako rin ang may kasalanan kung bakit nawala ang report niya.Pasalamat nga ako’t iyon lang ang ginawa niya, hindi kasi talaga ako p’wedeng matanggal dito. Hindi pa.“P’wede ba muna akong umuwi sa bahay, Sir?” nagbabaka-sakaling tanong ko sa kaniya habang inaayos ko ang mga papel sa ibabaw ng mesa niya.“Hindi na kailangan,” sagot naman nito.“Okay,” iyon lang ang sinabi ko at nagpatuloy na ako sa ginagawa ko. Uuwi lang naman napakadamot, hmp!“Eto bahay mo?” pagtatanong ko sa kaniya ng tumigil ang sasakyan niya sa isang malaking bahay sa loob ng village. Ano pa bang ine-expect ko sa kaniya? Malamang gan’yan kalaki bahay n’yan. Alangan namang tumira iyan sa barung-barong o kaya sa pinagtagpi-tagping yero. Minsan talaga may pagka-Made na rin ako, eh. Kailangan ko na sigurong huwag dumikit do’n parati, baka kapag kinatagalan ay pareho na kami. Shocks, I can’t!“Obvious
last updateLast Updated : 2023-06-16
Read more
Chapter 06
Natagalan siguro s’yang patulugin si pencil dahil anong oras na hindi pa siya nakakababa, inabot na siya ng ilang minuto siguro’y kalahating oras na rin ‘yon.Aakyat na sana ako ulit para alamin kung ano na ang nangyayari kaya lang nakita ko na s’yang pababa sa hagdan kaya naupo na lang ulit ako.Napansin ko kaagad na pawis na pawis siya, “Nahirapan ka ba’ng patulugin si pencil? Ba’t parang pinagpawisan ka masyado?” nagtataka kong tanong habang pinagmamasdan ko ang mukha n’yang may mga butil ng pawis.“Y-yup! Ayaw n’yang kumalma, eh,” sagot niya na malayo ang tingin, napansin ko pa ang pamumula ng mukha niya.“Paano mo napatulog?” tanong kong hinuhuli ang paningin niya pero huli na dahil tumungo na siya sa center table para ilapag ang bitbit n’yang laptop at mariin s’yang naupo sa sofa kaharap ng laptop.“Kailangan ko pang i-stroke pababa’t pataas hanggang sa mapagod siya kaya ayon naglabas din siya ng pawis. Saka pa lang siya nanlambot, dahil do’n tuluyan na s’yang nakatulog,” pagpap
last updateLast Updated : 2023-06-16
Read more
Chapter 07
“Puwede rin namang si Zayne na lang. Magpapakalayo pa ba ako? Eh, mayroon namang mas madali at malapit,” dagdag ko pa. Ganito ata talaga ako kabangag pagkagising. “Pero ayaw ko pala sa kaniya dahil sa kadamutan niya. Gusto ko lang naman makita si pencil, kahit ‘yon lang ay pinagdadamot niya pa sa akin. Paano na lang kapag pumatol ako sa kaniya tapos magiging mag-asawa kami baka pagdamotan niya pa akong magkaanak.“Hey, wake up!”“Yes, baby. Nand’yan n-opo, Sir!” nabigla ako sa sinagot ko, paano ba naman ay nag-d-day dreaming pa ako bigla na lang s’yang kakatok tapos magsisisigaw. Nadulas tuloy ang bibig ko, wala pa naman ‘tong kapreno-preno.Kumakamot ako sa mata ng buksan ko ang pinto, nakita ko naman kung paano siya magpigil ng tawa.“A-Anong n-nakakatawa, Sir?” nag-aalangang tanong ko sa kaniya pero may hint na ako, narinig niya kaya ‘yon?“Nothing,” simpleng sagot niya na iminuwestra niya ang kamay papunta sa hagdan, pinapauna niya akong bumaba, iyon siguro ang ibig-sabihin niya.
last updateLast Updated : 2023-06-16
Read more
Chapter 08
Ngayong araw din pala mag-a-apply si Cali sa napili n’yang kompanya, nagsipag-alisan na rin sina Ele at Kylie maliban kay Made, siya lang pala ang maiiwan dito sa bahay.Pagkaraan ng isang oras ay natatapos pa lang akong mag-ayos sa sarili ko. Pagkalabas ko ng bahay napahinto ako ng maalala kong nasa kompanya nga pala ang kotse ko. “Hala! Oo nga pala!” nang maalala kong hindi pala ako sumakay sa kotse ko papunta sa bahay nila Zayne, mayroon naman kasi akong kotse bakit ‘di na lang ako sumakay do’n pagpunta ko sa bahay ng sungit na ‘yon. Anong gagawin ko ngayon?“Oh, ba’t bumalik ka? May nakalimutan ka ba?” tanong sa akin ni Cali na ngayon ay nagsusuot ng high heels niya.“Waaaah! Iyong kotse ko naiwan sa kompanya!” sumbong ko pa.“Oh? Really? Eh di, maganda!” sagot pa nito. Ano raw? Ayos lang sa kan’yang wala akong kotse? Paano ako makakapasok nito?Kinunutan ko naman i’ya ng noo, “Anong maganda ro’n? Paano ako papasok, aber?”“Mag-c-commute tayo!” masaya pang sagot niya na kinuha ang
last updateLast Updated : 2023-06-16
Read more
Chapter 09
Natapos ang buong maghapon na iyon ay hindi pa rin niya ako pinapansin, hindi ko na lang siya ginulo dahil mukhang abala siya at abala din naman ako.Kinabukasan ay gano'n pa rin ang nangyari, pagkapasok ko ay naroon na siya sa loob ng room niya kahit sulyapan man lang ako ay hindi niya ginawa. Pinabayaan ko na lang siya kung wala s’yang balak pansinin ako, e ‘di don’t. Akala naman niya pipilitin ko siya, Tss. Ang problema nga lang parang wala na talaga akong pag-asa na makita si pencil.“Sorry, pencil. Mukhang wala na yata tayong pag-asa na magkita pa,” pagkausap ko sa sarili ko, nakatayo ako sa harapan ng sliding door papasok sa room ni Sir, wala man lang talaga s’yang balak na tignan ako, kunot-noong nakatitig siya sa monitor ng laptop niya, ang aga-aga ay abalang-abala na agad siya.Tutungo na sana ako sa table ko ng may biglang kumatok. Napatingin ako kay Sir Zayne baka sakaling utusan niya akong pagbuksan ‘yon, tumingin naman siya sa akin saglit bago siya tumayo at naglakad. Nap
last updateLast Updated : 2023-06-16
Read more
Chapter 10
Warning: This part are not suitable for young readers and sensitive minds. It contains strong and potentially offensive languages, highly explicit and excessive sexual activity that maybe offensive or disturbing to some readers. You have been warned.Pero dahil hindi ka na inosenteng bata ka't matigas ang ulo mo, babasahin mo pa rin. Basta bawal, nagwarning na ako. Sa inyo na 'yan kung susundin niyo o hindi.'KAPAG MAY WARNING, MAS EXCITING!'•••"Anong ibig mong sabihin?" nakakunot-noong pagtatanong ko sa kaniya."Stop asking, I'm just doing this for you!" napapansin ko na parang sumungit na naman siya."Para sa akin o para sa 'yo?" 'di ko alam kung saan ko nakuha ang tanong na iyon o bakit ko 'yon natanong sa kaniya, napapansin ko kasing nag-iiba na ang mga ikinikilos niya. Sadyang concern lang ba talaga siya o may iba pa s'yang rason?"What kind of question is that?" nakataas ang isa n'yang kilay habang laglag ang kan'yang panga na nagtanong sa akin."Napapansin ko lately parang ma
last updateLast Updated : 2023-06-16
Read more
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status