“Puwede rin namang si Zayne na lang. Magpapakalayo pa ba ako? Eh, mayroon namang mas madali at malapit,” dagdag ko pa. Ganito ata talaga ako kabangag pagkagising. “Pero ayaw ko pala sa kaniya dahil sa kadamutan niya. Gusto ko lang naman makita si pencil, kahit ‘yon lang ay pinagdadamot niya pa sa akin. Paano na lang kapag pumatol ako sa kaniya tapos magiging mag-asawa kami baka pagdamotan niya pa akong magkaanak.“Hey, wake up!”“Yes, baby. Nand’yan n-opo, Sir!” nabigla ako sa sinagot ko, paano ba naman ay nag-d-day dreaming pa ako bigla na lang s’yang kakatok tapos magsisisigaw. Nadulas tuloy ang bibig ko, wala pa naman ‘tong kapreno-preno.Kumakamot ako sa mata ng buksan ko ang pinto, nakita ko naman kung paano siya magpigil ng tawa.“A-Anong n-nakakatawa, Sir?” nag-aalangang tanong ko sa kaniya pero may hint na ako, narinig niya kaya ‘yon?“Nothing,” simpleng sagot niya na iminuwestra niya ang kamay papunta sa hagdan, pinapauna niya akong bumaba, iyon siguro ang ibig-sabihin niya.
Huling Na-update : 2023-06-16 Magbasa pa