Share

Chapter Three

last update Last Updated: 2021-05-20 14:09:58

NANLALAMIG pa rin ang kamay ni Mark Wayne kahit pa-take off na ang eroplano. “Relax,” masuyong sabi ni Jillian.

Saisipan niya ay nag-flashback ang hitsura nila nu'ng sampung taong gulang pa lang nila na nasa tuktok ng nag-malfunction na ferris wheel. Iyak nang iyak si Mark Wayne habang siya’y piniling magpakatatag kahit gusto na rin niyang umiyak. Alam niya kasing walang mangyayari kung magiging mahina siya. Kaya, kahit natatakot siya ay pinayapa niya si Mark Wayne na sobrang nagpa-panic na. 

“Andito ako. Hindi kita pababayaan,” pangako niya kay Mark Wayne pero may isa ring imahe na nag-flash sa isipan niya nang sabihin niya ang mga katagang iyon. Ipinilig niya ang ulo. Nagbabakasakali siyang maitaboy rin niya sa isipan ang mukhang iyon. 

Si Mark Wayne ang kasama niya kaya dito lang niya kailangang itutok ang kanyang atensyon. Nang magkaroon ng acrophobia, sinisi niya ang kanyang sari. Pakiramdam niya'y siya ang may kasalanan kung bakit ito nagkaroon ng ganoong sakit. Kaya naman, sinabi niya sa kanyang sarili na kahit na anong mangyari ay mananatili lang siya sa tabi nito. 

Mahigpit na mahigpit man ang hawak ni Mark Wayne sa kanyang kamay na parang gusto ng durugin iyon, hindi niya magawang umaray. Alam niya kasing kumukuha lang ng lakas sa kanya si Mark Wayne kaya nagagawa iyon. Maya-maya rin naman ay lumuwag na ang pagkakahawak nito sa kanya. Ang dahilan, nasa baba na sila. 

"Sorry," sabi ni Mark Wayne. 

Gulat niyang tiningnan ito. "Wala ka naman ginawang kasalanan."

"Nasaktan na naman kita."

"Hindi naman," masigla niyang sabi kahit totoo naman ang sinabi ni Mark Wayne. Talagang nasaktan siya nito. 

"Namumula kamay mo."

"Napahigpit lang ang hawak mo."

Hinalikan nito ang likod ng kanyang palad. "Hindi ko sinadyang saktan ka," wika nitong nakatitig sa kanyang mga mata. 

Hindi siya agad nakapag-react. Para kasing may ibig sabihin ang mga salita nito. Ayaw naman niyang isipin na may kinalaman iyon sa kanilang pagsasama. Dahil nagagawa naman nilang ipakita at ipadama sa isa't isa ang kanilang pagmamahal. 

"Kaya, huwag mo akong intindihin. Kung minsan naman talaga kahit na hindi natin sinasadya ay nagagawa pa rin nating saktan ang mahal natin. Ang importante lang naman ikaw ang pinipili ng taong mahalaga sa atin."

"Tulad ng ginawa mo?"

Hindi na siya nakakibo sa tanong ni Mark Wayne. Alam naman kasi niya kung ano ang tinutukoy nitong pangyayari at kung sino ang hindi niya pinili. 

“Ang suwerte ko talaga dahil bestfriend kita. Ooopps, nalimutan ko. Wife na nga pala kita.” Nakangiting sabi nito pero malungkot na malungkot naman ang mga mata. Marahil, hindi pa ito nakaka-recover sa takot na naramdaman. 

“I love you,” sabi na lang niya saka masuyo niyang hinaplos ang mukha ng asawa. Alam niyang sa tuwing babanggitin niya ang mga salitang iyon, gumagaan ang pakiramdam ng kanyang asawa. Kaya naman, hindi siya nagsasawang bigkasin rito ang mga salitang iyon. Mahal naman kasi niya talaga si Mark Wayne Toledo. 

“I love you more,” wika nito saka siya dinampian ng mabilis na halik sa labi.

Napangiti naman siya sa ginawi nito pero hindi niya maiwasan ang magtaka. Para kasing wala siyang excitement na naramdaman sa paghalik nito. Samantalang kapag si...

Stop! mariin niyang saway sa sarili. Si Mark Wayne ang kanyang asawa kaya hindi dapat may ibang lalaking pumapasok sa kanyang isipan. 

“Ako, walang kiss?” nakangusong tanong ni Apple.

Dahil siya ang katabi ng anak, siya ang unang humalik dito. Mabuti na nga lang at agad siyang natauhan kaya agad niyang ginawa ang dapat. Ayaw niyang mahalata man lang ni Mark Wayne na may alaala na namang pumapasok sa kanyang isipan dahil nasisiguro niyang sobra itong masasaktan. Siyempre, hindi niya gugustuhing mangyari iyon. 

Para tuloy gusto pa niyang magpasalamat dahil may lula si Mark Wayne sa matataas na lugar kaya hindi nito magawang pag-ukulan ng pansin ang saglit niyang pag-alaala sa nakaraan. Kung sa kanya kasi nakatuon ang atensyon ng asawa, tiyak niyang mahahalata nitong naalala na naman niya si Lance. Kilala kasi siya nito mula ulo hanggang paa. Natural iyon, dahil mag-bestfriends sila. 

“Mamaya na ang kiss ko kapag baba natin,” sabi naman ni Mark Wayne. Hindi kasi nito magagawang dukwangin si Apple para halikan dahil nga mahihilo ito dahil sa pagkalula. 

“K.”

Nang makalabas silang mag-anak sa airport ay hindi lang si Mark Wayne ang nakahinga nang maluwag, pati na rin siya. Sa palagay niya kasi, sa muling pagtapak niya sa Pilipinas  ay handa na siyang harapin ang lahat.

Pati si Ysmael Lance Madrigal? 

Ipinilig niya ang kanyang ulo. Ayaw niya kasing isipin na magkukrus muli ang kanilang mga landas. 

MULA ng maging boyfriend niya si Lance ay naging mas sweet pa ito sa kanya kaya naman talagang nawalan na siya ng time kay Mark Wayne. Kunsabagay, sa tingin naman niya ay balewala lang din kay Mark Wayne ang pagdistansiya niya dahil marami rin naman itong girls na laging kasama. 

Sabi niya sa sarili, hindi na siya dapat pang masaktan dahil naglaho na ang nararamdaman niya sa kanyang matalik na kaibigan pero  miss na miss naman niya ang kanyang bestfriend. Gusto niyang ibahagi rito ang sayang kanyang nararamdaman. 

"Nasaan si Lance?" Nakangiting tanong niya kay Franco. Bestfriend ito ng boyfriend niya kaya tiyak niyang alam nito kung nasaan ang kanyang mahal. 

Nag-advance kasi ng ilang subject si Lance kaya naman may ilang subject silang hindi magkaklase. Siya naman ay nagsisi na hindi man lang naisip na mag-summer para makapagtapos agad dahil nga ang atensyon niya palagi ay na kay Mark Wayne. Gustung-gusto niyang palaging nakasunod at nakasuporta rito. 

"Huwag mo akong tanungin dahil ayokong magsabi ng totoo."

"Ano?" mangha niyang tanong dito. Salubong na salubong ang kilay niya dahil kapag siya lang ang kaharap nito'y parang ang laki-laki ng galit sa kanya samantalang kapag kaharap si Lance ay parang ang bait-bait sa kanya. 

"Hindi ako ang hanapan ng nagwawalang boyfriend."

"Nagwawala?" nagtataka niyang tanong. 

"I have to go," inis nitong sabi sa kanya at padabog na siyang tinalikuran.

"Lalaki ba talaga iyon?"

Nang marinig niya ang boses na iyon, hindi niya napigilan ang mapangiti. Miss na miss na kasi niya ito kaya naman nang lingunin niya si Mark Wayne ay abot tenga ang kanyang ngiti. "Long time no see, ah."

"May boyfriend ka na kasi."

"Ikaw nga itong maraming girlfriends," nakangiting tudyo niya rito. Sa kauna-unahang pagkakataon ay wala na siyang makapang sakit kapag naaalala niya kung gaano karami ang babaeng nagkakagusto rito pero wala naman itong ipinakikilalang girlfriend sa kanya. 

"Ikaw lang naman ang girl friend ko."

"What?" mangha niyang bulalas. 

"Girl friend as in babaeng kaibigan."

"Hindi na ba bestfriend?" masama ang loob niyang tanong dito.

Marahang tawa ang pinawalan nito. 

Noon ay parang maiihi na siya sa kilig kapag ngumingiti ng ganoon si Mark Wayne sa kanya pero ngayon ay parang natural na lang iyon sa paningin niya. Gayunman, masaya siyang nakikitang ngumingiti ito sa kanya, kaya lang, ibang ngiti na ang hinahanap ng kanyang mga mata at pinananabikan ng kanyang puso. 

"Ikaw lang siyempre ang bestfriend ko pero para kasing may kapalit na ako," malungkot nitong sabi. 

Sasabihin sana niyang hindi niya kailanman ipagpapalit ang kanilang pagkakaibigan pero hindi na niya nagawa dahil may bisig na pumulupot sa kanyang baywang. Hindi pa man niya ito nililingon ay pero alam na niyang si Lance ito base sa biglang pagbabago ng pintig ng kanyang puso. Sobra na kasi ang lakas ng kabog noon. 

"Hi Loves..." wika ni Lance saka siya binigyan nang mabilis na halik sa labi. 

Sa gilid ng kanyang mga mata ay nakita niyang agad iniwas ni Mark Wayne ang tingin nito sa kanya. 

"Its my Lance..." nakangiting sabi naman niya rito nang salubungin niya ang mapupungay nitong mga mata. Kinuha niya ang endearment niya rito sa pangalan nitong Ysmael Lance dahil nagseselos ito sa bansag niya kay Mark Wayne na My Wayne. Bahagya lang nawala kay Lance ang kanyang tingin nang marinig niya ang naiiritang buntunghininga ni Mark Wayne. 

"I have to go," wika nito. 

"Ingat ka," wika na lang niya kahit sa sulok ng puso niya ay nami-miss na rin niyang makasama ang kanyang bestfriend. 

"I miss you," bulong sa kanya ni Lance kaya naman bumalik dito ang kanyang atensyon. 

Matamis na ngiti rin ang ibinigay nito. "Miss you more."

At dahil sa legal na rin naman ang relasyon nila ni Lance sa kanilang mga magulang ay malaya siyang nakakasama rito kahit saan. Bukod sa pinagkakatiwalaan siya ng mga magulang, busy rin ang mga ito. Saka, close na rin naman ang kanyang mga magulang sa magulang ni Lance. Kaya masasabing pinagkakatiwalaan din ng mga magulang niya si Lance.

"Saan mo ba ako dadalhin?" tanong niya kay Lance.

"May surprise ako sa'yo."

"Ano?"

"Just wait and see," nakangiti nitong sabi bago siya iginiya ni Lance papunta sa kinapaparadahan ng sasakyan nito. 

Dahil sa malaki naman ang tiwala niya sa kanyang boyfriend at sa tingin niya'y talagang desidido itong sorpresahin siya'y hindi na siya kumibo pa. 

"Wow..." bulalas niya nang dalhin siya nito sa isang condo building. Pagkaraan ay dinala siya nito sa isang unit at talagang namangha siya nang bumungad siya roon. Ngunit, hindi agad siya namangha sa ganda ng paligid kundi sa mga pagkaing nakahain sa mesa. Pagpasok kasi nila ay iyon na ang bumungad sa kanya. 

"Happy 1st Monthsary."

Gilalas siyang napatingin dito. 

"Nakalimutan mo ba?"

Bahagya siyang umiling. "Hindi ko lang alam na isi-celebrate natin iyon buwan-buwan."

"Ayaw mo ba?" 

Sa tingin niya ay na-disappoint ito sa kanyang sinabi kaya naman agad gumana ang kanyang utak para makabawi rito. "Sabi kasi, ang mga tao raw na nagsi-celebrate lang ng monthsary ay iyong mga taong binibilang lang kung ilang buwan lang silang magsasama."

"Gusto mo bang magkaroon tayo ng forever?" gulat nitong tanong. 

Kumunot ang noo niya sa tanong nitong parang hindi inaasahan na ganoon ang kanyang sasabihin. "Bawat girlfriend naman ay gustong magkaroon ng forever sa taong mahal nila."

"Ganoon mo ba ako kamahal?"

"Of course."

"Patunayan mo nga," nanunudyong sabi nito. 

Mahal na mahal na niya si Lance kaya naman  tinanggap niya ang hamon nito. Hinarap niya ito, niyakap at hinalikan. 

Si Lance ang first kiss niya kaya naman nang patikimin siya ni Lance ng halik nito ay para na siyang nawala sa kanyang katinuan. Gusto niya kasing palaging matikman ang halik nito. Kaya naman masasabi na niyang eksperto na siya sa pakikipaghalikan pero dahil gusto nga niyang ipadama kay Lance ang kanyang pagmamahal ay naging mapusok ang kanyang halik dito. 

"Jillian..." wika nito nang maghiwalay ang kanilang mga labi. 

Tinaasan niya ito ng kilay. "Bakit parang hindi mo nagustuhan ang halik ko?"

"Ayoko lang na makalimot tayo."

"Kapag ba nakalimot tayo ay hindi mo na ako paninindigan?" tanong niya rito. 

"What?"

"Forget it," sabi na lang niya. Napabuntunghininga siya. Baka naman kasi kahit na magkarelasyon sila ni Lance ay wala naman itong balak talaga na magkaroon sila ng forever. Baka gusto pa rin nitong makahanap ng ibang babae. "Kain na tayo."

Sinunod naman nito ang sinabi siya at todo-todo ang pag-aasikaso sa kanya. Ikinatuwa naman niya iyon pero sa sulok ng kanyang puso ay may takot siyang nararamdaman. Pakiramdam niya kasi'y maghihiwalay din sila. 

Ngunit, dahil ayaw niyang mangibabaw ang negatibong emosyon sa pagitan nila ay sinikap niyang palisin ang lungkot na kanyang naramdaman. Pinilit niyang maging masigla sa pagkain dahil talaga namang masarap ang mga nakahain. Mga paborito nila. Fried chicken, kare-kare at adobong atay at balumbalunan. 

Napahinto lang siya sa kanyang pagkain ng tumugtog ang King and Queen of Hearts.

"Ang lakas maka-highschool. Prom ba natin?" tukso niya kay Lance. 

"May I dance with you, my Queen?"

Ang tampong naramdaman niya rito kanina'y parang bulang naglaho nang tanggapin nito ang kamay na inilahad niya. 

"Alam mo bang ang pangarap ko nu'ng highschool ay maka-date ka sa Prom?" nalungkot na tanong nito sa kanya saka bumuntunghininga. 

Gusto niya sanang isipin na nagbibiro lamang ito pero kita niya sa  mga mata nito ang lungkot at kaseryosohan. Kaya naman, ilang beses siyang napakurap-kurap. Awtomatikong napahawak siya sa dibdib nito ng maramdaman niya ang kamay nito sa kanyang baywang. 

"Kaso, si Mark Wayne lang ang nakikita mo noon."

"Bestfriend ko kasi siya."

"At minahal mo."

Matamis siyang ngumiti kay Lance. Hindi dahil sa inaamin niya ang sinabi nito kundi dahil natutuwa siyang makitang nagseselos ito. Ibig sabihin, talagang mahal siya nito. 

"Pero, ikaw na ang mahal ko ngayon."

"Hindi na babalik ang feelings mo sa kanya?"

"Kung bibigyan mo ako ng rason para bumalik uli."

"No way!" 

Nang tumingala siya rito ay sinalubong din nito ang kanyang labi. 

Higit na mapusok at mapag-angkin. 

At dahil mahal na mahal niya si Lance ay nagawa niyang isuko ang sarili rito. 

“HAPPY  na happy ka, ah.”

            Nagniningning  ang mga mata ni Jillian nang lingunin niya si Mark Wayne. Kahit naman kasi hindi nagkaroon ng happy ending ang nararamdaman niya rito, maligaya na rin siya sa piling ni Lance. Naisip niyang siguro nga ay hindi talaga sila ang itinadhana para sa isa't isa kaya kailangan na niyang tanggapin iyon. 

           As if namang hindi ka pa nakakapag-move on, natatawa niyang sabi sa sarili. Mula ng maging magkasintahan sila ni Lance ay para na silang tuko na hindi mapaghiwalay. Kunsabagay, magkaklase naman sila kaya palagi silang magkasama. Hatid-sundo rin siya nito at tanggap ng mga magulang niya ang relasyon nila ni Lance.

             Iyon nga lang, vocal din naman ang mga ito na labis na nanghihinayang ang mga itong hindi sila ni Mark Wayne ang naging magkasintahan. Iyon daw kasi ang pangarap ng kanilang mga magulang, ang maging isa silang pamilya. Ginusto rin naman niyang mangyari iyon kaso lang hindi naman siya ang minahal ni Mark Wayne at ngayon ay iba na rin ang kanyang mahal. 

            “In love, eh.” Nakangiti niyang sabi. Dahil bestfriend naman niya ito, hindi na niya ipinagkaila kay Mark Wayne ang kilig na kanyang nararamdaman.

            Ngumiti ito pero hindi abot sa mga mata nito ang kasiyahan. “Halata nga.”

            “Ikaw, kamusta na ang lovelife mo?” masigla niyang tanong. Kung dati’y parang gusto na niyang umiyak kapag nakikita niyang may kasama itong babae, ngayon ay ngiting-ngiti pa siya. Pakiramdam niya tuloy,  hindi pag-ibig ang dahilan kaya minahal niya ito kundi dahil sa nasanay siyang ito ang palagi niyang kasama. Ibig niyang maging sanggang dikit sila habambuhay.

            “May iba ng mahal ang mahal ko,” anitong nakatitig sa kanya ng diretso. Wari’y gusto nitong mabasa niya ang tunay nitong damdamin.

Ewan niya kung bakit nakaramdam niya ng pagkailang dito kaya ibinaling niya sa ibang direksyon ang mata. “Kung ganoon, better luck next time.”

Marahang tawa ang pinawalan nito. “Hindi na magkakaroon ng next time. Isang babae lang namn kasi ang mahal ko mula noon hanggang ngayon. Sayang, late ko ng na-realize iyon. May iba ka ng mahal,”mariin nitong sabi habang nakatitig sa kanyang mga mata.

“What?” gilalas niyang sabi.

“I love you.”

Matagal na niyang gustong marinig ang mga salitang iyon buhat kay Mark Wayne pero ngayon ay wala na iyong dating sa kanya. Naisip niyang talagang naglaho na ang damdamin niya rito.

“Mark Wayne…”

"Hindi na My Wayne," mapait nitong sabi. 

"Kasi..." wika niya pero hindi na niya alam kung paano ba siya magpapaliwanag. Ayaw din naman niyang saktan ito pero hindi niya talaga mahagilap ang tamang salita. 

“Yah, I know. Si Lance na ang mahal mo. Kitang-kita ko naman at hindi ako umaasa na makikipag-break ka sa kanya at magsasabi ka rin sa akin ng I love you too. Ang gusto ko lang hayaan mo akong mahalin ka. Na kahit may Lance ka na, ituring mo pa rin akong bestfriend.”

“Oo naman. Hindi naman mababago iyon.”

“Payakap nga.”

Siyempre, hindi niya ipagkakait dito ang mahigpit na yakap na hinihiling ng kanyang matalik na kaibigan. -

WHAT’S wrong with him? Nagtatakang tanong ni Jillian sa sarili. Kahit naman kasi hinahatid at sinusundo pa rin siya ni Lance ay damang-dama niya ang panlalamig nito.

            Sawa na ba ito sa kanya?

            Ayaw naman niyang isipin na porke may nangyari na sa kanila ng ilang beses ay bibitawan na rin siya nito. Hindi ganoon ang pagkakakilala niya kay Lance. Tiyak niyang may problema lang itong hindi masabi sa kanya. 

            Sabado noon pero hindi sila magkikita ni Lance na talagang ikinabahala niya. Palagi kasi nitong sinasabi sa kanya na kung maaari lang ay araw-araw na siya nitong makasama. Kapag ganoon ang dialogue nito ay hindi niya mapigilan ang umasa na pagka-graduate nila ay yayayain na siya nitong magpakasal.

            Dahil sa pag-ibig niya kay Lance ay gusto na niyang kalimutan ang pangarap niyang kapag nakapagtapos siya ng pag-aaral ay pupunta siya sa America para mag-masteral at doon tuparin ang pangarap niyang maging manunulat. Nang planuhin kasi niya iyon ay si Mark Wayne pa ang pinapangarap niyang makasama sa buhay. 

            Nang tanungin niya kagabi si Lance kung saan ito mag-i-stay, sabi nito sa condo lang nito kaya naisipan niyang sorpresahin ito. Alam niya ang password ng unit nito kaya hindi na niya kailangan pang kumatok. Alam niyang nung nakaraang linggo ay masyado itong abala sa paggawa ng thesis. Ganoon din naman siya kaso forte niya ang pagsusulat kaya madali lang sa kanyang natapos iyon.

            “Kailan ka ba magpapakasal, bestfriend?” nanunudyong tanong ni Franco kay Lance pagkaraan ng ilang sandali. Ewan niya kung napansin nito ang kanyang presensiya. Bahagya rin naman kasi siyang umatras dahil gusto rin niyang marinig ang isasagot ni Lance sa matalik nitong kaibigan na parang ang laki ng galit sa kanya. 

           May mga pagkakataon kasing nahuhuli niyang matalim na matalim ang tingin ni Franco sa kanya na para bang gusto siyang sakalin. Nang minsang kumprontahin niya ito ay tinawanan lang siya nito at sinabing walang dahilan para magalit ito sa kanya. Hindi siya kumibo pero alam niyang nagkakaila ito.

            “Pagputi ng uwak,” inis na sabi ni Lance.

            Kumunot ang noo niya sa tono ng pananalita ni Lance. Para kasing iritado ito o sadyang hindi nito nagustuhan ang tanong ng matalik nitong kaibigan. 

            “Akala ko ba, in love na in love ka na kay Jillian?” mapang-asar na tanong ni Franco.

            “Shut up!”

            “Don’t tell me itinuloy mo lang ang plano mong patunayan kay Mark Wayne na pati ang pag-ibig sa kanya ni Jillian ay kaya mong agawin.”

            Kung hindi niya napigilan ang sarili’y napasinghap na siya ng malakas pero pinigilan niya.Ayaw niyang ipabatid kay Lance na alam na niya ang pinlano nito. Salamat na lang at nakatalikod ito sa kanya. Hindi niya ito bibigyan ng kasiyahan na makita nitong nasaktan siya. Kaya, minabuti na lang niyang umalis at tawagan ang taong alam niyang hindi sasadyain na saktan siya kahit kailan.

            Si Mark Wayne.

                                                                          

Comments (1)
goodnovel comment avatar
Iyah Yhang
kaninong anak si apple? hay naku lance...
VIEW ALL COMMENTS

Related chapters

  • My Bestfriend's Enemy   Chapter Four

    MASAKIT na masakit na ang ulo ni Jillian sa kakaiyak pero hindi pa rin niya magawang huminto hangga’t hindi nauubos ang lahat ng tubig sa kanyang katawan. Ngunit, paano naman mangyayari iyon kung panay naman ang painom ng tubig sa kanya ni Mark Wayne? Talagang kahit kailan ay para itong super hero na maaasahan. Agad itong dumating ng tawagan niya. Sobra nga itong nataranta nang makitang umiiyak siya tapos agad pa niya itong niyakap nang lapitan siya ng tanungin siya kung anong nangyari. Siyempre, hindi niya ito nasagot agad dahil ang sikip-sikip ng dibdib niya. Hindi niya talaga inakala na lolokohin lang siya ng kauna-unahang lalaking minahal niya. Masyado kasi siyang nadala sa mga I love you nito, sa sobra nitong ka-sweet-an. Sa maiinit at mahihigpit nitong mga yakap na dama niyang unti-unting naglalaho habang tumatagal. At ngayon ay nasagot na ang katanungang

    Last Updated : 2021-05-21
  • My Bestfriend's Enemy   Chapter Five

    MAAARI ngang ang limang taon ay napakatagal na panahon na para sa marami ngunit para kay Ysmael Lance Madrigal ay hindi sapat ang panahon na iyon para paghilumin ang sugat na nasa kanyang puso mula ng araw na talikuran siya ni Jillian Cordova para sa bestfriend nitong si Mark Wayne Toledo. Hindi niya kasi talaga inasahan na magagawa pa iyon sa kanya ni Jillian dahil damang-dama naman niya ang pag-ibig nito. Nakikita niya ang ningning sa mga mata nito kapag siya'y tinititigan. Ganoon din kasi ang tingin niya rito. Parang may nakatambay na stars sa kanyang mga matakapag kasama niya ito't kausap.Ngunit, kahit na alam niyang may pagtingin na sa kanya si Jillian, parang hindi pa rin nabubura sa isipan nito na si Mark Wayne ang una nitong minahal. Pero, mahal din naman siya ni Jillian. Iyon ang gusto niyang paniwalaan. Nang araw kasing sabihin sa kanya ni Jillian na mahal siya nito'y umasa siya na tuluyan na niyang natalo s

    Last Updated : 2021-05-22
  • My Bestfriend's Enemy   Chapter Six

    MALALIM na buntunghininga ang pinawalan ni Mark Wayne nang malaman niya sa kanyang ama ang tunay na dahilan kung bakit pinabalik sila nito sa Pilipinas -- si Lance. Naglagak ito ng 200 milyon sa Mabuhay Bank at ngayon ay gusto na sana nitong kunin kung di lang nakiusap ang kanyang ama. Kahit na gusto sana niyang magalit sa kanyang ama dahil hindi muna nito kinunsulta sa kanya ang tungkol sa pagbibigay ng mataas na interes sa bawat depositor ay wala na siyang magagawa pa. "Pasensiya ka na sa kapalpakan ko, anak?" nahihiyang sabi ng kanyang ama. Bahagyang sulyap na lang ang ibinigay niya kay Denmark Toledo dahil ang isip niya ngayon ay nakatuon na sa kung anong binabalak na gawin ni Lance. Alam niyang masyadong nasaktan ang pride nito dahil tinalikuran ito ni Jillian at nagawa niyang manalo sa laban na ginawa nito. Ngunit, talaga nga bang nanalo siya? Sarili lang niya ang kanyang lolokohin kung sasabihin niyang oo dahil talaga na

    Last Updated : 2021-05-23
  • My Bestfriend's Enemy   Chapter Seven

    "HEY --" hindi na naituloy pa ni Jillian ang pagbati niya sa kanyang My Wayne dahil parang wala ito sa sarili nang pumasok sa kanilang silid. Mabuti na lang at wala si Apple, isinama ng lolo at lola na magmu-mall. Siya naman ay hindi sumama dahil gusto niyang kapag aalis siya ay kasama niya ang kanyang mister. Ngunit, ngayon ay parang hindi naman nito pansin ang presensiya at nagtuloy-tuloy lang sa cr. Baka naman masakit ang tiyan, nahagilap niyang sabihin. Hindi kasi ang tipo ni Mark Wayne ang nang-iisnab lalo na at wala naman silang pinag-awayan. Maliban na lang kung may problemang pinagdaraanan. Bigla niyang naalala ang pinag-usapan nila nu'ng isang araw at hindi niya naiwasan ang makaramdam ng guilt. Kahit kasi anong pigil niya ay hindi niya naiwasang balikan ang nakaraan. Hindi pala sapat ang limang taon para tuluyang mabura sa kanyang isipan ang lahat. Ah, kung maaari nga lang hilingin na magkaroon siya ng amnesia ay ginawa na niya ngunit wala naman

    Last Updated : 2021-05-24
  • My Bestfriend's Enemy   Chapter Eight

    HINDI man magsalita si Mark Wayne, alam na alam ni Jillian na malaki ang naging epekto dito ni Lance. Ayaw man nitong aminin sa kanya pero tiyak niyang pagdating sa kanilang mag-ina ay malaki ang insecurity na na nararamdaman nito sa mortal na kaaway. At siyempre, alam niyang may kinalaman siya doon. Hindi man nagbabangayan ang mga ito ngayon matatanda na ay alam niyang nagtuturingan pa rin ang mga ito na mortal na magkaaway. Masakit naman kasi talaga kay Mark Wayne na ginamit lang siya noon ni Lance para masaktan ito. Tapos, kahit sa palagay niya ay walang karapatan si Lance, nagagalit dito dahil hindi nito napagtagumpayan ang pananakit kay Mark Wayne. But deep inside, siya ang higit na nasaktan. Mahal na mahal niya si Lance pero hindi niya nasabi dito ang mga salitang iyon noon dahil ginamit lang siya nito para masaktan si Mark Wayne at ayaw niyang panindigan lang siya nito dahil sa may dapat itong panagutan sa kanya.Paano kung hindi rin nito gust

    Last Updated : 2021-05-25
  • My Bestfriend's Enemy    Chapter Nine

    WHAT'S wrong with my heart? naiinis na tanong ni Jillian sa puso niyang parang nakikipagkarerahan. Mabilis na mabilis na tumitibok iyon dahil lang sa nagkasalubong ang mga mata nila ni Lance. Well, si Ysmael Lance Madrigal ay hindi lang ordinaryong lalaki dahil nga ito ang ama ng kanyang anak. At iyon ang dahilan kaya masyado siyang kinakabahan ngayon. Magkaharap din kasi ang kanyang mag-ama ngayon. Bigla tuloy siyang kinabahan. Naniniwala kasi siya sa lukso ng dugo. Paano kapag naramdaman ni Lance iyon kapag tinitigan nito si Apple. Para tuloy gusto na lang niyang hilahin si Apple at umalis ngunit kapag ginawa niya iyon, mas malalaman ni Lance na may itinatago siya rito. Kaya, kahit kabado siya ngayon, kailangan niyang harapin ang kanyang ex-boyfriend. Relax, mariin din niyang sabi sa puso niyang parang ayaw pang makampante dahil lang nndito sa harapan niya ang ama ng kanyang anak. Anak ni Mark Wayne si Apple, gusto sana niyang sabi

    Last Updated : 2021-05-26
  • My Bestfriend's Enemy   Chapter Ten

    "ARE you sure about this?" Kung hindi lang masyadong seryoso ang boses ni Mark Wayne nang tanungin siya, gusto nang humagalpak nang tawa ni Jillian. Hindi na kasi niya mabilang kung ilang beses nitong tinanong iyon at parang hindi pa rin pumapasok sa isip nito ang pagsagot niya ng 'yes'. Tapos na niyang iligpit ang mga pinagkainan nila pero parang ayaw pa niyang umalis. May takot kasi siyang nararamdaman. Maaari kasing kapag labas nila ni Apple ay sumulpot na lang sa harapan nila si Lance. Maaaring kaya niya itong harapin kapag kasama niya si Mark Wayne pero hindi niya maiwasan ang makaramdam ng takot kapag siya lang mag-isa, tapos kasama pa niya si Apple. Akala niya ay handa na siya sa muling paghaharap nila ni Lance pero malaking bahagi ng pagkatao niya ang nagsasabing, kailanman ay hindi siya magiging handa. Hindi naman kasi siya pinakalaking sinungaling kaya parang mabubuking siya kapag nagkaroon ng pagkakataon na kumprontahin siya. Ngunit, si

    Last Updated : 2021-05-27
  • My Bestfriend's Enemy   Chapter Eleven

    HE'S the right man for us, hindi napigilang ibulalas ni Jillian habang nakatingin kay Mark Wayne na tutok na tutok sa pagmamaneho nito. Pupunta na sila sa Kingdom of Fun kaya naman hinawakan niyaang braso ni Mark Wayne at tinapik tapik. IBig niyang iparamdam dito na siya'y labis na nasisiyahan sa klase ng pagmamahal na ipinagkakaloob nito sa kanilang mag-ina. Kahit may acrophobia si Marne Wayne ay hindi nito makayang pahindian si Apple kaya tiyak niyang mahal na mahal ni Mark Wayne ang kanyang anak. At dahil sa mga pagsasakripisyong ginawa ni Mark Wayne sa kanilang mag-ina ay masasabi niyang hindi niya talaga maipagpapalit si Mark Wayne sa kahit sino. Kahit kay Lance? nanunudyong tanong ng isang bahagi ng kanyang utak. "Baka naman masyado akong matunaw sa titig mo," nakangiting sabi sa kanya ni Mark Wayne. Kahit kasi abala sa pagmamaneho si Lance ay hindi niya napigilan ang sarili na pagmasdan ito. At alam niyang kahit hindi si

    Last Updated : 2021-05-28

Latest chapter

  • My Bestfriend's Enemy   Chapter Eighty One 

    "MAHAL kita," hindi napigilang ibulalas ni Jillian nang kumalas na siya sa pagkakayakap kay Lance. Marahil, masyado itong nabigla sa kanyang presensiya kaya natuod ito sa kinatatayuan."Totoo ka ba?" Tanong nito.Bilang sagot, hinawakan niya ang magkabila nitong mukha saka niya inangkin ang labi nito. Mahal na mahal niya talaga si Lance kaya talagang hindi niya makakayang nawala ito sa kanyang buhay."Jillian?" Wika nito matapos tugunin ng buong alab sng kanyang halik.Parang gusto niyang maiyak dahil damang dama din niya ang paghihirap ni Lance. Ang higpit nga ng hawak nito sa kanyang balikat na para bang natatakot nito na kapag lumuwag ang kapit sa kanya ay bigla siyang mawala, kaya, hindi na niya napigilan pa ang sarili na yumakap dito. Iyong mahigpit na mahigpit. Gusto rin kasi niy

  • My Bestfriend's Enemy   Chapter Eighty

    MAHAL na mahal ni Mark Wayne si Jillian kaya naman nasasaktan na rin siya kapag nakikita niya itong nasasaktan. Kahit na nagawa na ring kumpirmahin ng doktor na buntis si Jillian, nakita niya ang kislap sa mga mata nito, ngunit, saglit lang at alam na alam niya kung bakit.Hindi siya ang gusto nitong makasama kapag nagpapa-check up, hindi siya ang gustong lambingin ni Jillian kapag may nais itong ipabili kaya kalimitan ay hindi na lang ito nagsasalita. Malungkot na lang itong tumatanaw sa malayo habang hinihimas-himas ang puson nito.Nang hindi na siya nakatiis, lumapit siya rito at tinanong niya kung maaari rin bang himasin ang puson nito ay pumayag naman ito. Kahit hindi siya ang ama ng ipinagbubuntis ni Jillian, parang walang nagbago sa pakiramdam niya. Mahal pa rin niya ito at gusto niya itong makasama sa habambuhay."Why?" Gu

  • My Bestfriend's Enemy   Chapter Seventy Nine 

    "BUNTIS ka ba?"Kahit na gusto pang magsuka ni Jillian ay bigla siyang natigilan sa tanong na iyon ng ina. Nang mga oras na iyon lang kasi niya naalala na hindi pa aiya dinaratnan mula noong panahon na nagtatalik sila ni Lance. Nang mga oras na iyon kasi ay wala namang mahalaga sa kanya kundi ang pagmamahalan nila.Ang pangako rin naman sa kanya ni Lance, kahit na anong mangyari ay hindi siya nito pababayaan. Dahil nga sa mahal na mahal niya ito, hindi niya naisip na mag-take ng pills at hindi rin nag-condom si Lance.Siguro dahil wala naman talaga sila planong maghiwalay ng mga sandaling iyon. Kaya lang, nang bumalik ang kanyang memorya ay napagtanto niyang hindi lang puso ang dapat pairalin. Kailangan din gamitin ang utak para makapagdesisyon ng tama at mali.Tama lang na kalimutan niya ang nararamdaman niya para kay Lance dahil mayroon na siyang asawa. Sabihin man na di si Mark Wayne ang pinakasalan niya, hindi pa rin mababago a

  • My Bestfriend's Enemy   Chapter Seventy Eight 

    "WALA ka nang inatupag kundi ang pag-inom. Baka naman magkasakit ka niyan," wika ng kanyang Mama.Natigil sa pagtungga ng alak si Lance dahil talaga namang ikinagulat niya ang paglapit na iyon ng kanyang ina. Ngayon lang kasi ito lumapit sa kanya at nagpakita ng matinding pag-aalala."Gusto ko lang makalimot," wika niya. Hindi man sila close na mag-ina pero wala naman siyang mapagsasabihan ng mga sandaling iyon kundi ito lang. Pakiramdam din kasi niya'y sasabog na ang kanyang dibdib sa sobrang sakit na kanyang nararamdaman.Sabi ni Franco kapag kailangan niya ito'y tawagan lang niya. Maaari ngang nagkaayos sila dahil sa pagtulong na ginawa nito nu'ng malaman niya kung saan dinala ni Mark Wayne si Jillian pero hindi pa rin dahilan iyon makalimutan na niya na ito ang dahilan kaya nawala sa kanya si Jillian at nawalan siya ng pagkaka

  • My Bestfriend's Enemy   Chapter Seventy Seven 

    ANG sabi ni Jillian ay dapat na siyang maging masaya dahil nandito na siya sa tapat ng kanilang bahay. Makakasama na niya si Apple. Sa mahigit isang buwan niyang pagkawala, sigurado niyang maraming tanong sa kanya na di niya alam kung paano sasagutin. Tiyak din niyang uulanin siya ng tanong ng kanyang mga magulang at biyenan.Ngunit, hindi iyon ang mas nagpapakaba sa kanya, kundi kung paano niya haharapin si Mark Wayne. Nang bumalik sa isip niya ang paulit-ulit na pagpili niya kay Lance, parang gusto niyang manliit. Natanong din niya sa kanyang sarili, anong klaseng babae ka?Kahit alam na niyang si Mark Wayne ang kanyang asawa, hindi pa rin niya tinalikuran si Lance. Mas guato nga niyang panindigan ang pagmamahal dito. Ilang beses din niya itong pinagtaksilan. Pakiramdam niya tuloy ay wala siyang kuwentang babae.Walang kuwentang asawa.Wala siyang kuwentang bestfriend.Matalik niyang kaibigan si Mark Wayne pero pinili pa r

  • My Bestfriend's Enemy   Chapter Seventy Six 

    "BAKIT ikaw ang nandito?" Manghang tanong ni Jillian nang pumasok na si Lance sa kanyang hospital room. Ang sabi kasi ng nurse na nasa pumasok kanina pagkagising niya ay lumabas lang ang asawa niya para bumili ng pagkain. Kaya, talagang namangha siya nang si Lance ang masilayan niya."Jillian…" wari'y nagtatakang bulalas nito."Bakit ikaw ang may dala ng pagkain?" Mangha niyang bulalas. Bumuka ang bibig ni Lance na parang may sinabi pero hindi na iyon nakarating sa kanyang pandinig dahil sumakit na naman ang ulo niya.Maya-maya lamang ay may doktor nang pumasok sa kuwarto. Marami itong tinanong na hindi niya maintindihan at wala rin naman siyang panahong intindihin lalo na't mayroon siyang nararamdaman. Ngunit, sa kabila ng paghihirap na kanyang nararamdaman hindi niya maiwasan ang magtaka kung bakit hinahayaan niyang yakapin siy

  • My Bestfriend's Enemy   Chapter Seventy Five 

    "ANG pogi-pogi talaga ng My Wayne ko," parang wala sa sariling wika ni Jillian, sabay buntunghininga. Sa kanyang isipan kasi'y ini-imagine na niyang naglalakad siya sa aisle, nakatrage de boda na puting-puti dahil sa wagas niyang pag-ibig para kay Mark Wayne Toledo."May diprensiya naman ang mga mata mo," wika ng boses na talagang kinaiiritahan niya buong buhay niya – si Ysmael Lance Madrigal.Ngunit, kahit buwisit na buwisit naman siya rito'y hindi niya ito mapigilang di lingunin. Iyon nga lang, dahil nakaupo siya sa bench at nakatayo ito, hindi mukha nito ang kanyang nakaharap. Sa halip tuloy na iiwas niya agad ang tingin niya dito'y napalunok muna siya.Nineteen years old na siya noon kaya alam na alam niya kung anong bukol ang nakita niya. Ewan nga lang niya

  • My Bestfriend's Enemy   Chapter Seventy Four 

    GUSTO sanang irespeto ni Jillian ang pagiging mag-asawa nila ni Mark Wayne, hindi niya napigilan ang kanyang sarili nang makita niya si Lance. Para rin siyang naging bingi. Sinabi na kasi sa kanya ni Mark Wayne na huwag siyang bumaba pero binuksan pa rin niya ang pintuan ng sasakyan at tumakbo kay Lance.Maaari ngang wala pa siyang matandaan sa kanyang nakaraan pero ang puso niyang labis na umiibig, sapat na para magtiwala siya kay Lance. Ang higpit-higpit ng yakap niya rito nang magtagpo sila."Okay ka lang ba?" Tanong sa kanya ni Lance. Hinawakan pa nito ang magkabila niyang pisngi at tinitigan siya ng diretso sa kanyang mga mata. Wari'y nais nitong makasigurado na magsasabi siya ng totoo.Tumango siya sunud-sunod."Sa tingin mo ba sinaktan ko ang asawa ko?" Tanong ni Mark Wayne.

  • My Bestfriend's Enemy   Chapter Seventy Three

    "KUNG may anak kaming talaga ni Lance, kami ang dapat na magsama," wika ni Jillian. Litung-lito pa rin kasi siya kung dapat niyang paniwalaan ang sinabi Mark Wayne. Nakagat lang nya ang kanyang labi dahil kahit anong isip ang gawin niya ang hindi niya maalalang nanganak siya.Marahang tawa ang pinawalan nito. "Tayo ang mag-asawa."Hindi siya nakakibo. Tama naman kasi ang sinabi ni Mark Wayne, sila ang mag-asawa kaya dapat lang na kalimutan na niya si Lance, ngunit, tumatanggi ang kanyang puso. Talaga kasing hindi niya kayang malayo kay Lance. Mahal na mahal niya ito. Sa sobrang pagmamahal nga niya ay nagawa niya itong patawarin nang magpanggap itong asawa niya. Alam naman kasi niyang kaya nito ginawa iyon ay…Para lokohin ka, wika ng isang bahagi ng kanyang isipan kaya napasinghap siya. Para kasing ang nais lang niyang isipin ay mahal siya ni Lance."Bakit ba kasi ako nagpakasal sa'yo?" Hindi makapaniwalang tanong niya."Ako nama

Scan code to read on App
DMCA.com Protection Status