“ARE you ready?”
Natigil sa pag-iimpake si Jillian bago sinagot si Mark Wayne Toledo, ang kanyang mister. Alam niyang hindi lang nito tinutukoy ang kanyang mga bagahe kundi ang mismong pagbabalik nila sa sariling bansa. “Of course. Hindi naman pwedeng habambuhay ay nandito tayo sa America. Nagpunta lang tayo rito para makapag-masteral at tuparin ang pangarap kong maging International writer pero ang bankong kailangan mong pamahalaan ay nasa Pilipinas. Hmmm, hindi ba ikaw ang dapat kong tanungin kung handa ka na dahil sasakay tayo sa eroplano.”
"Oh, shit!" bulalas nito.
Hindi niya tuloy napigilan ang mapahalakhak sa reaksyon na iyon ni Mark Wayne. Halatang bigla itong kinabahan. Mayroon kasi itong acrophobia na na-develop nu'ng 10 years old sila. Nagpunta kasi sila carnaval at sumakay sa ferris wheel. Nasa tuktok na sila ng mag-malfunction ang ride.
Dahil sa tingin niya nagkukulay suka na ang asawa ay hindi na niya dinugtungan pa ang panunukso rito. Nang makita niyang nanghihina itong umupo sa kama ay nilapitan niya ito para kumandong tapos ay niyakap niya ito, tulad ng ginagawa niya kapag gusto niyang maglambing dito.
"Jillian..."
"Bumigat na ba ako?"
"Paano ba bibigat, eh, ang lakas ng panunaw mo?" panunukso nito sa kanya.
Napangisi siya sa sinabi nito. Time to revenge na kasi kaya nakuha na nitong ipaalala sa kanya kung gaano siya katakaw. "Kailangan kong kumain ng husto para gumana ang utak ko. Kailangan ko kaya ng pagkain para gumana ng husto ang imahinasyon ko. Alam mo naman International writer itong misis mo."
"And I'm so proud of you."
Damang-dama niya sa boses nito ang pamamalaki kaya talagang hindi niya napigilan ang sariling yakapin si Mark Wayne. Talaga kasing nabagbag ang damdamin niya sa sinabi nito. Ito kasi ang kauna-unahang naniwala na makakaya niyang abutin ang kanyang pangarap kahit nang mga panahong may pinagdaraanan siyang kabiguan.
"Thank you, Asawa ko."
Hindi ito agad kumibo kaya naman kumalas siya sa pagkakayakap niya dito at saka ito pinakatitigan. Dalawang dekada na sila magkakilala ni Mark Wayne kaya kabisado na niya kapag may malalim itong iniisip.
"What's wrong?" nag-aalalang tanong niya.
Hindi ito agad kumibo.
"Masyado mo akong pinapakaba sa ginagawa mong 'yan, eh. Kung may gusto kang sabihin sa akin, sabihin mo na," aniyang pigil na pigil ang kanyang paghinga. Tiyak niya kasing may kung anong naglalaro sa isipan nito ngayon.
“Eh, si Lance, handa mo na ba siyang harapin?” naghahamong tanong sa kanya ni Mark Wayne.
Hindi agad siya nakakibo sa tanong ni Mark Wayne dahil talagang pinipilit niyang kalimutan ang pangalan na iyon. Nang magdesisyon kasi siyang umalis, ginusto na niya ring burahin sa kanyang isipan ang pangalang iyon pero dahil wala naman siyang amnesia, hindi niya iyon magawa. At kahit siguro makalimutan ito ng kanyang isipan, hindi pa rin ito magagawang limutin ng kanyang puso. Ngayon pa nga lang narinig niya ang pangalan ng kanyang ex-boyfriend ay bigla ng kumabog ang kanyang puso.
Sa limang taong pamamalagi nila sa New York ay naging kalmante ang puso niya, naging maayos ang kanyang buhay pero ngayon ay parang biglang nayanig ang kanyang mundo.
“Napakalaki ng Pilipinas para magkita kami. I mean, tayong tatlo.” Napangiwi siya nang ma-realize niyang nasa iisang subdivision nga lang pala sila. “Anyway, it’s been five years, marami ng nabago. Baka nga lumipat na siya sa ibang lugar. Maaari ring mayroon na siyang pamilya.”
Hindi niya nilingon si Mark Wayne kaya hindi siya nakasisiguro kung anong ekspresyon niya nang sabihin niya iyon. Nahiling lang niya na hindi rumehistro sa mukha niya ang sakit na kanyang naramdaman dahil sa mga salitang sinabi niya.
Minsan kasi sa kanyang buhay ay nagawa niyang mahalin si Ysmael Lance Madrigal. Sa sobrang pag-ibig na naramdaman niya para rito, para rin siyang nagkaroon ng amnesia. Nagawa kasi niyang kalimutan na na mortal itong kaaway ng kanyang matalik na kaibigan at ngayon ay mister na niya, si Mark Wayne.
“Ikaw din naman, may pamilya na.”
“Right,” mabilis niyang sabi. Sadyang pinasigla ang tinig at iginala ang tingin sa kabuuan ng kanilang apartment. “Mami-miss ko itong bahay natin. Nasaan ba si Apple?”
“As usual, naglalaro ng computer games. Magpa-practice daw muna siya bago niya ako kalabanin dahil sawa na raw siyang matalo. Kaya, siguradong maghapon siyang maglalaro at hindi titigil hanggang hindi napag-aaralan ang lahat ng technique,” natatawang sabi ni Mark Wayne.
Hindi niya napigilan ang mangiti dahil may alaala na namang nanumbalik sa kanyang isipan. Siyempre, may kinalaman iyon sa kabataan nila ni Mark Wayne.
Bestfriends sila mula pa nu’ng nasa kindergarten sila. Palibhasa matatalik na magkakaibigan ang kanilang mga magulang at magkatapat lang ang bahay na kanilang tinitirhan kaya naman nagkalapit sila ng todo tapos pareho pa silang nag-iisang anak. Tapos mula kindergarten hanggang magtapos sila ng highschool ay magkaklase sila. Kaya naman marami ang nagsasabing daig pa nila ang kambal tuko noon. KUng nasaan ang isa, tiyak na naroroon din ang isa.
“Manang-mana sa’yo,” sabay nilang bulalas ni Mark Wayne pero bigla siyang natigilan.
“Jillian…”
Hindi siya agad nakatugon dahil dama niya sa boses ni Mark Wayne ang pag-aalangan. Ang takot. Hindi niya tuloy napigilan ang mapalunok. Siya rin kasi’y may takot na naramdaman ngunit kailangan niyang palisin.
“Mahal kita…”
Dati’y pinananabikan lang niyang marinig sa labi ni Mark Wayne ang mga katagang ‘mahal kita’ o ‘I love you’ ngunit ngayon, araw-araw na niyang naririnig iyon. Dapat sana ay makaramdam siya ng sobrang saya ngunit parang hindi ganoon ang nararamdaman niya. Gayunpaman, kailangan niyang ngumiti ng pagkatamis-tamis kapag sinasabi sa kanya ni Mark Wayne ang mga salitang ito.
“Mahal din kita.”
Marahas na buntunghininga muna ang pinawalan nito bago siya niyakap ng sobrang higpit. “Sana sa susunod na sabihin mo sa aking mahal mo ako, may ningning na sa mga mata mo. Tulad nu’ng panahon na walang ibang laman ang puso mo kundi ako lang,” malungkot na sabi nito.
Gusto sana niyang kontrahin ang sinabi ni Mark Wayne dahil dama niyang dinapuan na naman ito ng insecurity sa katawan. Gayunpaman, wala ni isang katagang lumabas sa kanyang bibig lalo pa’t ang utak niya ay naglakbay pabalik sa nakaraan…
THIRD year college si Jillian Cordova nang ma-realize niyang more than bestfriends na ang nararamdaman niya kay Mark Wayne. Hindi niya kasi maiwasan ang makaramdam ng selos kapag nakikita niya itong may ibang kasama. Iyon nga lang, wala siyang magawa kundi sundan ito ng tingin.
“You’re in love with your bestfriend, huh.”
Hindi pa man niya nakikita kung sino ang nagsalita, kumukulo na ang kanyang dugo. Ibig sabihin nu’n, si Ysmael Lance Madrigal ang nagmamay-ari ng boses. Ang mortal na kaaway ni Mark Wayne mula pa noong mga bata sila kaya itinuturing na rin niya itong mortal na kaaway.
Ang pinakanakakabuwisit pa, ang kaaway nilang ito ni Mark Wayne ay kaklase niya sa lahat ng subject. Pareho kasi sila ng block section. AB Masscommunication ang kanilang kurso dahil pangarap niyang maging manunulat habang si Lance naman ay kinuha ang kursong iyon dahil ito ang kaisa-isang tagapagmana ng mga Madrigal at ang negosyo nito ay ang Channel 26, ang pinakasikat na tv station sa bansa.
“So, anong paki mo?” buong katarayan niyang tanong dito nang lingunin niya ito.
“Kulay pink na ang pisngi mo kaya huwag kang dadaan sa Retiro.”
“Ano?” mangha niyang tanong dito. Tulad ng kanyang inaasahan ay kita rin sa mukha nito ang sobrang pag-aalala ng lingunin niya.
“Baka mapagkamalan kang lechon,” seryosong sabi nito sabay hagalpak nang tawa.
“Buwisit ka!” singhal niya rito at alam niyang higit pang namula ang kanyang mukha. Bigla kasi siyang na-conscious sa kanyang hitsura. Kahit na marami ang nagsasabi sa kanyang kahit chubby siya ay maganda naman siya. Maamo raw kasi ang kanyang mukha kaya parang inosente ng kanyang dating. Mapupungay daw kasi ang mga mata niyang parang laging inaantok, matangos ang kanyang ilong at manipis ang kanyang labi. Kahit na morena siya ay makinis naman ang kanyang kutis.
Naningkit tuloy bigla ang kanyang mga mata. Kung bakit ba naman kasi nagtiwala siya ritong talagang seryoso ang pag-aalala nito. Dapat sana ay makaramdam siya ng galit ng mga sandaling iyon pero hindi iyon ang kanyang naramdaman. Sa ilang sandali ay napatitig siya rito habang tumatawa ito. Para kasing ang sarap-sarap pakinggan nu’n sa pandinig niya.
Sa pagkakatitig niya tuloy dito ay napagtanto niya kung bakit isa ito sa itinuturing na campus heart throb. Guwapo naman kasi itong talaga. Prince Charming nga ang dating nito dahil sa aura pa lang nito ay mukha na itong prinsepe.
Mestizo ito at talaga namang maamo ang mukha na kinapapalooban ng malalaki at mapupungay na mga matang may mahahabang pilik, matangos na ilong, manipis na mapupulang mga labi. Makinis ang kutis nitong mamula-mula kaya’t mas lumutang ang kaguwapuhan nito. Nasa anim na talampakan din ito at may malapad na pangangatawan kaya’t hindi na siya magtataka kung may 6 packs abs ito. Kahit naman hindi sila close nito'y lagi naman nitong ipinangangalandakan sa kanya na alaga sa gym ang katawan nito.
“Mas guwapo pa rin ang My Wayne ko,” bulong niya sa sarili. Nasa anim na talampakan din naman kasi si Mark Wayne at may maskuladong pangangatawan. At dahil moreno ito ay masasabi niyang knight in shining armour naman ang dating nito. Sa matatalim na titig pa lang kasi nito’y parang sinasabi na nitong kahit anong mangyari ay hindi siya pababayaan. May pagkasingkit ang mga mata nito kaya madalas ay napagkakamalan itong Koreano. Palibhasa, sa panahong ito ay sikat na sikat ang mga Korean actor.
“At least, you find me guwapo,” pakenkoy nitong sabi sa kanya sabay kindat. Dahilan, para kumabog ng husto ang kanyang dibdib.
“Ang kapal mo, ha!” singhal niya rito pero kahit na hindi siya nakaharap sa salamin ay alam niyang mapulang-mapula ang kanyang mukha. "Hindi ko sinabing guwapo ka."
"Hindi mo nga inaming naguguwapuhan ka sa akin pero sabi mo mas guwapo pa rin si Mark Wayne kaya ibig sabihin, guwapo ako sa paningin mo," wika ni Lance sabay kindat sa kanya. "Uyyy, nagba-blush siya."
Pinanlakihan niya ito ng mata kahit alam na alam niyang hindi ito nagsisinungaling. "Rosy lang ang cheeks ko, noh."
"Ngayon lang namula ng husto ang mukha mo."
"Ibang klase rin talaga ang taas ng self confidence mo, ang hirap ma-reach," wika niyang punung-puno ng sarkasmo ang boses. "I hate you."
Mas nagningning ang mga mata nito ng sabihing, “At least mapapatunayan kong totoo ang kasabihang the more you hate, the more you love. Sapat na sa akin iyon. Ibig sabihin, may pag-asa pa akong maagaw ka sa bestfriend mo.”
Hindi siya agad nakahuma sa sinabi nito. Paano ba naman kasi niya gagawin iyon kung bago nito sabihin sa kanyang ang huling sentence, humakbang pa ito palapit sa kanya at bumulong. Pakiwari niya tuloy ng mga sandaling iyon ay may paru-parong naghahabulan sa kanyang sikmura.
PAKIRAMDAM ni Jillian ay itinulos siya sa kanyang kinatatayuan nang makita niya si Mark Wayne na may kahalikan sa corridor ng IABF. Business Management kasi ang course nito kaya kailangan pa niyang lumipat ng building para makasama ito.
Sa sobrang sakit na naramdaman niya ng mga sandaling iyon ay hindi siya nakakilos. Basta ang alam niya’y tumutulo lang ang kanyang luha. Mula kasi ng ma-realize niyang mahal niya si Mark Wayne ay pinangarap na niyang balang araw ay matutugunan nito ang kanyang pag-ibig pero paano nito magagawa iyon kung may iba itong karelasyon.
Ayaw sana niyang isipin na girlfriend ni Mark Wayne ang babae pero naisip niyang hindi naman maghahalikan ang mga ito kung walang relasyon. At dahil doon higit pa siyang nasaktan.
“Don’t look at them,” naiinis na sabi ng boses na kinaiiritahan niyang marinig pero ngayon ay parang nagbibigay sa kanya ng kapanatagan. Para kasing gusto nitong sabihin na hindi siya nag-iisa ng mga sandaling iyon kaya’t sa ilang sandali ay hindi na niya nakita ang kissing scene ni Mark Wayne sa ibang babae. Tinakpan kasi ni Lance ang kanyang mata at pinihit siyang paharap dito kaya nang alisin nito ang takip sa kanyang mata, si Lance lang ang kanyang nakita.
“Siguro naman ngayon ay matatauhan ka na,” mariing sabi sa kanya ni Lance.
Dapat sana ay magalit siya sa uri ng tono nitong ginamit sa kanya. Para kasing sinasabi nitong tigilan na niya ang kanyang katangahan ngunit hindi niya magawa. Siguro dahil gusto niyang ayunan ang sinabi nitng tanga siya. Hanggang sa kasalukuyan kasi ay umaasa siyang magkakaroon sila ng happy ending ni Mark Wayne Toledo.
“Mahal ko siya, eh,” sabi niya kaya parang gusto niyang mabingi sa sunud-sunod na murang pinawalan nito.
Nang igiya siya nitong palayo sa lugar na iyon ay nagpatianod na lang siya. Pakiramdam naman kasi niya’y wala siyang lakas na kumilos. Gayunpaman, hindi niya maiwasan ang magulat dahil inakala niyang iiwanan na siya nito nang makalayo sila pero hindi nito ginawa. Sa halip ay iginiya siya nito sa may canteen at laking gulat niya ng hindi siya tumutol.
“Anong gagawin natin dito?” nagtatakang tanong pa niya nang iupo siya nito sa pinakasulok ng canteen.
“Obviously, kakain,” nakangising sabi sa kanya ni Lance.
Kung dati’y naha-highblood na siya sa tonong iyon ni Lance na parang nang-aasar, ngayon ay hindi niya naiwasan ang matawa. Napakaistupida naman kasi ng tanong niya kaya’t napa-’whoa’ si Lance na parang nagulat din dhil hindi niya ito tinarayan at hindi siya nag-walkout. Well, may utang na loob siyang dapat na tanawin dito.
“Why?”
“Dahil nagugutom na tayo?”
I’m not hungry, gusto sana niyang sabihin pero hindi niya nagawa. Talaga naman kasing ang dahilan kaya sinadya niya si Mark Wayne sa building nito ay para yayaing kumain. Nais sana niyang mag-bonding naman sila tulad ng dati. Nito kasing nakalipas na mga buwan ay parang nabawasan na ang closeness nila.
“My treat,” wika ni Lance nang buksan niya ang bag para hagilapin ang kanyang wallet. Ayaw sana niyang magpalibre rito pero hindi na siya nakatanggi dahil bigla na itong lumayo sa kanya para mag-order ng pagkain.
“Ang dami naman niyan,” mangha niyang sabi habang isa-isang pinagmamasdan ang mga pagkaing ibinaba nito buhat sa tray. Dalawang order ng 2 pieces fried chicken meals, tigi-tig-isang order ng kikiam, fishball at squiid ball, may large french fries pa, sour cream ang flavor, 2 saging at dalawang large softdrinks. “At paborito ko lahat.”
“Talaga?” kunwa’y gulat nitong bulalas. “Pareho pala tayo ng paborito.”
“Oo nga,” wika niya na bahagyang nakaramdam ng disappointment.
“Kain na tayo.”
Magkaharap silang kumain kaya napansin niya nang ngumiti ito ay lumitaw ang dimple nito sa kaliwang pisngi. Dahilan para mas naging guwapo ito sa kanyang paningin pero ipinilig niya ang kanyang ulo dahil nais niyang itaboy ang ideya na iyon. Ang alam niya kasi ay si Mark Wayne ang gusto niya.
Hindi niya naiwasan ang makaramdam ng tensyon kaya wala sa loob na kinuha niya ang saging at binalatan. Hindi rin naman siya ang tipo ng babae na nagpapaka-mahinhin effect sa harap ng lalaki dahil mas gusto niyang makita ng kanyang kasama maging ang kanyang kapintasan. Kahit tuloy may kalakihan ang latundan na kinakain niya ay dinalawang subo lang niya iyon.
Kumunot ang noo niya nang mapansin niyang nakatitig si Lance sa kanyang labi saka ilang ulit na napalunok. “Pinagpapawisan ka ba?” nagtatakang tanong niya. Ayaw naman kasi niyang isipin na gusto siya nitong halikan kaya ganoon kung makatitig sa kanyang labi. Para naman kasing imposible iyon dahil maraming magagandang babae ang nagkakagusto rito.
“M-mainit kasi,” katwiran nito.
“May problema ba?” nagtatakang tanong niya. Ito kasi ang kauna-unahang pagkakataon na nautal si Lance ngunit pagkaraan ay napakibit-balikat siya. Kahit naman kasi naging kaklase niya ito nu’ng elementary at high school tapos naging kapitbahay din, hindi naman sila naging close para masabi niyang hindi ito nauutal sa harap ng ibang tao.
“Nothing,” paos nitong sabi na para bang tuyung-tuyo ang lalamunan kaya agad naghagilap ng tubig. Tapos pagkaraan, ilang ulit pa itong lumunok bago nagsalita. “Hindi lang ako sanay na makitang dessert muna ang unang kinakain bago ang meal.”
“Style ko iyon para ganahan sa pagkain,” nahagilap niyang ikatwiran . Never niya siyempreng aaminin dito na pakiramdam niya’y makakalimutan niyang naguwapuhan siya rito at ang pagkain ng saging ang naisipan niyang gawin sa pag-aakalang maglalaho agad ang atraksyong bigla niyang naramdaman para rito.
“Really?” manghang bulalas niya.
Ayaw na siyempre niyang dugtungan pa ang pagdadahilan dahil pakiramdam niya’y tutubuan na siya ng sungay. Ayaw na ayaw kasi niya ang nagsisinungaling. Pakiwari niya’y nababawasan ang tsansa niya na mapunta sa langit kapag namatay siya. “Mauubos ba natin ito?” tanong na lang niya pagkaraan.
“Isang oras pa ang susunod nating klase kaya sigurado akong mauubos natin ‘yan. Saka, first time kong nakasabay ka sa pagkain kaya mas maiging busugin kita para may next time pa.”
Maang siyang napatingin dito. “G-gusto mong makasabay ulit akong kumain?”
“Yes.”
“Why?”
Bumuka ang bibig ni Lance para magsalita pero parang nagbago ang isip kaya’t itinikom muna ang bibig. “Dahil magkaklase tayo,” parang walang anumang sabi nito.
“Enemy tayo, hindi ba?”
Marahang tawa ang pinawalan nito. “Sa pagkakaalam ko, kami ni Mark Wayne ang magkalaban.”
“Well, bestfriend ako ni Mark Wayne. Ang kalaban niya, kalaban ko rin,” mayabang niyang sabi. “Anyway, thank you.”
“Sa treat?”
Umiling siya. “Na nandun ka nu’ng madurog ang puso ko. Masyado akong na-in love kay My Wayne.”
“It’s Mark Wayne.”
Napangiti siya sa mariin nitong pagbigkas sa pangalan ng matalik niyang kaibigan. Kung umasta naman kasi ito ay parang nagseselos ito. “Nasanay kasi akong tawagin siyang…”
“Then, stop calling him that! Hindi mo siya boyfriend para gumamit ka ng ‘my’ sa pangalan niya gayung hindi naman kayo,” buong diing sabi nito sa bawat katagang binitawan.
“Aray naman…”
“Nasaktan ka sa sinabi ko pero totoo. Hindi ko sinasabi ito dahil ayokong umasa ka sa wala. Kahit naman kalaban ang tingin mo sa akin, ayokong masaktan ka.”
“Why?”
“Dahil ang babae, pinaliligaya, hindi pinaiiyak. Eat!” utos nito sa kanya kahit parang gustong bumuka ng bibig niya para magtanong kaya nga lang, hindi niya alam kung paano itatanong ang gumugulo sa kanyang isip. Kaya sa sarili na lang siya nagtanong, we are not even friends pero, bakit concern ka sa feelings ko?
“DON’T mind them,” bulong sa kanya ni Lance. Kung hindi lang niya napigilan ang kanyang sarili’y napatalon na siya. Wari kasi’y ayaw nitong may ibang makarinig nang ibinulong nito sa kanya pero kakaibang reaksyon naman ang naramdaman niya ng mga sandaling iyon. Para kasing may naramdaman siyang kuryente na dumaloy sa kanyang katawan nang maramdaman niya ang mainit nitong hininga sa kanyang tenga. Bakit ba ganoon ang reaksyon niya kay Lance samantalang kapag kay Mark Wayne ay kampante lang naman ang tibok ng kanyang puso kahit ganoon din sila kalapit? May pagkakataon nga na nakakatabi niyang matulog ang kanyang matalik na kaibigan pero balewala pa rin sa kanya. Kaya nga ayaw niyang maniwala sa mga romance writer kapag sinasabing kakaibang damdamin ang mararamdaman mo kapag nagdaiti ang balat ninyo, ngunit, bakit ngayon ay ganoon ang kanya
NANLALAMIG pa rin ang kamay ni Mark Wayne kahit pa-take off na ang eroplano. “Relax,” masuyong sabi ni Jillian. Saisipan niya ay nag-flashback ang hitsura nila nu'ng sampung taong gulang pa lang nila na nasa tuktok ng nag-malfunction na ferris wheel.Iyak nang iyak si Mark Wayne habang siya’y piniling magpakatatag kahit gusto na rin niyang umiyak. Alam niya kasing walang mangyayari kung magiging mahina siya. Kaya, kahit natatakot siya ay pinayapa niya si Mark Wayne na sobrang nagpa-panic na. “Andito ako. Hindi kita pababayaan,” pangako niya kay Mark Wayne pero may isa ring imahe na nag-flash sa isipan niya nang sabihin niya ang mga katagang iyon. Ipinilig niya ang ulo. Nagbabakasakali siyang maitaboy rin niya sa isipan ang mukhang iyon. Si Mark Wayne ang kasama niya kaya dito lang niya kailangang itutok ang kanyang atensyon. Nang magkaroon ng acrophobia, sinisi niya ang kanyang sari. Pakiramdam niy
MASAKIT na masakit na ang ulo ni Jillian sa kakaiyak pero hindi pa rin niya magawang huminto hangga’t hindi nauubos ang lahat ng tubig sa kanyang katawan. Ngunit, paano naman mangyayari iyon kung panay naman ang painom ng tubig sa kanya ni Mark Wayne? Talagang kahit kailan ay para itong super hero na maaasahan. Agad itong dumating ng tawagan niya. Sobra nga itong nataranta nang makitang umiiyak siya tapos agad pa niya itong niyakap nang lapitan siya ng tanungin siya kung anong nangyari. Siyempre, hindi niya ito nasagot agad dahil ang sikip-sikip ng dibdib niya. Hindi niya talaga inakala na lolokohin lang siya ng kauna-unahang lalaking minahal niya. Masyado kasi siyang nadala sa mga I love you nito, sa sobra nitong ka-sweet-an. Sa maiinit at mahihigpit nitong mga yakap na dama niyang unti-unting naglalaho habang tumatagal. At ngayon ay nasagot na ang katanungang
MAAARI ngang ang limang taon ay napakatagal na panahon na para sa marami ngunit para kay Ysmael Lance Madrigal ay hindi sapat ang panahon na iyon para paghilumin ang sugat na nasa kanyang puso mula ng araw na talikuran siya ni Jillian Cordova para sa bestfriend nitong si Mark Wayne Toledo. Hindi niya kasi talaga inasahan na magagawa pa iyon sa kanya ni Jillian dahil damang-dama naman niya ang pag-ibig nito. Nakikita niya ang ningning sa mga mata nito kapag siya'y tinititigan. Ganoon din kasi ang tingin niya rito. Parang may nakatambay na stars sa kanyang mga matakapag kasama niya ito't kausap.Ngunit, kahit na alam niyang may pagtingin na sa kanya si Jillian, parang hindi pa rin nabubura sa isipan nito na si Mark Wayne ang una nitong minahal. Pero, mahal din naman siya ni Jillian. Iyon ang gusto niyang paniwalaan. Nang araw kasing sabihin sa kanya ni Jillian na mahal siya nito'y umasa siya na tuluyan na niyang natalo s
MALALIM na buntunghininga ang pinawalan ni Mark Wayne nang malaman niya sa kanyang ama ang tunay na dahilan kung bakit pinabalik sila nito sa Pilipinas -- si Lance. Naglagak ito ng 200 milyon sa Mabuhay Bank at ngayon ay gusto na sana nitong kunin kung di lang nakiusap ang kanyang ama. Kahit na gusto sana niyang magalit sa kanyang ama dahil hindi muna nito kinunsulta sa kanya ang tungkol sa pagbibigay ng mataas na interes sa bawat depositor ay wala na siyang magagawa pa. "Pasensiya ka na sa kapalpakan ko, anak?" nahihiyang sabi ng kanyang ama. Bahagyang sulyap na lang ang ibinigay niya kay Denmark Toledo dahil ang isip niya ngayon ay nakatuon na sa kung anong binabalak na gawin ni Lance. Alam niyang masyadong nasaktan ang pride nito dahil tinalikuran ito ni Jillian at nagawa niyang manalo sa laban na ginawa nito. Ngunit, talaga nga bang nanalo siya? Sarili lang niya ang kanyang lolokohin kung sasabihin niyang oo dahil talaga na
"HEY --" hindi na naituloy pa ni Jillian ang pagbati niya sa kanyang My Wayne dahil parang wala ito sa sarili nang pumasok sa kanilang silid. Mabuti na lang at wala si Apple, isinama ng lolo at lola na magmu-mall. Siya naman ay hindi sumama dahil gusto niyang kapag aalis siya ay kasama niya ang kanyang mister. Ngunit, ngayon ay parang hindi naman nito pansin ang presensiya at nagtuloy-tuloy lang sa cr. Baka naman masakit ang tiyan, nahagilap niyang sabihin. Hindi kasi ang tipo ni Mark Wayne ang nang-iisnab lalo na at wala naman silang pinag-awayan. Maliban na lang kung may problemang pinagdaraanan. Bigla niyang naalala ang pinag-usapan nila nu'ng isang araw at hindi niya naiwasan ang makaramdam ng guilt. Kahit kasi anong pigil niya ay hindi niya naiwasang balikan ang nakaraan. Hindi pala sapat ang limang taon para tuluyang mabura sa kanyang isipan ang lahat. Ah, kung maaari nga lang hilingin na magkaroon siya ng amnesia ay ginawa na niya ngunit wala naman
HINDI man magsalita si Mark Wayne, alam na alam ni Jillian na malaki ang naging epekto dito ni Lance. Ayaw man nitong aminin sa kanya pero tiyak niyang pagdating sa kanilang mag-ina ay malaki ang insecurity na na nararamdaman nito sa mortal na kaaway. At siyempre, alam niyang may kinalaman siya doon. Hindi man nagbabangayan ang mga ito ngayon matatanda na ay alam niyang nagtuturingan pa rin ang mga ito na mortal na magkaaway. Masakit naman kasi talaga kay Mark Wayne na ginamit lang siya noon ni Lance para masaktan ito. Tapos, kahit sa palagay niya ay walang karapatan si Lance, nagagalit dito dahil hindi nito napagtagumpayan ang pananakit kay Mark Wayne. But deep inside, siya ang higit na nasaktan. Mahal na mahal niya si Lance pero hindi niya nasabi dito ang mga salitang iyon noon dahil ginamit lang siya nito para masaktan si Mark Wayne at ayaw niyang panindigan lang siya nito dahil sa may dapat itong panagutan sa kanya.Paano kung hindi rin nito gust
WHAT'S wrong with my heart? naiinis na tanong ni Jillian sa puso niyang parang nakikipagkarerahan. Mabilis na mabilis na tumitibok iyon dahil lang sa nagkasalubong ang mga mata nila ni Lance. Well, si Ysmael Lance Madrigal ay hindi lang ordinaryong lalaki dahil nga ito ang ama ng kanyang anak. At iyon ang dahilan kaya masyado siyang kinakabahan ngayon. Magkaharap din kasi ang kanyang mag-ama ngayon. Bigla tuloy siyang kinabahan. Naniniwala kasi siya sa lukso ng dugo. Paano kapag naramdaman ni Lance iyon kapag tinitigan nito si Apple. Para tuloy gusto na lang niyang hilahin si Apple at umalis ngunit kapag ginawa niya iyon, mas malalaman ni Lance na may itinatago siya rito. Kaya, kahit kabado siya ngayon, kailangan niyang harapin ang kanyang ex-boyfriend. Relax, mariin din niyang sabi sa puso niyang parang ayaw pang makampante dahil lang nndito sa harapan niya ang ama ng kanyang anak. Anak ni Mark Wayne si Apple, gusto sana niyang sabi
"MAHAL kita," hindi napigilang ibulalas ni Jillian nang kumalas na siya sa pagkakayakap kay Lance. Marahil, masyado itong nabigla sa kanyang presensiya kaya natuod ito sa kinatatayuan."Totoo ka ba?" Tanong nito.Bilang sagot, hinawakan niya ang magkabila nitong mukha saka niya inangkin ang labi nito. Mahal na mahal niya talaga si Lance kaya talagang hindi niya makakayang nawala ito sa kanyang buhay."Jillian?" Wika nito matapos tugunin ng buong alab sng kanyang halik.Parang gusto niyang maiyak dahil damang dama din niya ang paghihirap ni Lance. Ang higpit nga ng hawak nito sa kanyang balikat na para bang natatakot nito na kapag lumuwag ang kapit sa kanya ay bigla siyang mawala, kaya, hindi na niya napigilan pa ang sarili na yumakap dito. Iyong mahigpit na mahigpit. Gusto rin kasi niy
MAHAL na mahal ni Mark Wayne si Jillian kaya naman nasasaktan na rin siya kapag nakikita niya itong nasasaktan. Kahit na nagawa na ring kumpirmahin ng doktor na buntis si Jillian, nakita niya ang kislap sa mga mata nito, ngunit, saglit lang at alam na alam niya kung bakit.Hindi siya ang gusto nitong makasama kapag nagpapa-check up, hindi siya ang gustong lambingin ni Jillian kapag may nais itong ipabili kaya kalimitan ay hindi na lang ito nagsasalita. Malungkot na lang itong tumatanaw sa malayo habang hinihimas-himas ang puson nito.Nang hindi na siya nakatiis, lumapit siya rito at tinanong niya kung maaari rin bang himasin ang puson nito ay pumayag naman ito. Kahit hindi siya ang ama ng ipinagbubuntis ni Jillian, parang walang nagbago sa pakiramdam niya. Mahal pa rin niya ito at gusto niya itong makasama sa habambuhay."Why?" Gu
"BUNTIS ka ba?"Kahit na gusto pang magsuka ni Jillian ay bigla siyang natigilan sa tanong na iyon ng ina. Nang mga oras na iyon lang kasi niya naalala na hindi pa aiya dinaratnan mula noong panahon na nagtatalik sila ni Lance. Nang mga oras na iyon kasi ay wala namang mahalaga sa kanya kundi ang pagmamahalan nila.Ang pangako rin naman sa kanya ni Lance, kahit na anong mangyari ay hindi siya nito pababayaan. Dahil nga sa mahal na mahal niya ito, hindi niya naisip na mag-take ng pills at hindi rin nag-condom si Lance.Siguro dahil wala naman talaga sila planong maghiwalay ng mga sandaling iyon. Kaya lang, nang bumalik ang kanyang memorya ay napagtanto niyang hindi lang puso ang dapat pairalin. Kailangan din gamitin ang utak para makapagdesisyon ng tama at mali.Tama lang na kalimutan niya ang nararamdaman niya para kay Lance dahil mayroon na siyang asawa. Sabihin man na di si Mark Wayne ang pinakasalan niya, hindi pa rin mababago a
"WALA ka nang inatupag kundi ang pag-inom. Baka naman magkasakit ka niyan," wika ng kanyang Mama.Natigil sa pagtungga ng alak si Lance dahil talaga namang ikinagulat niya ang paglapit na iyon ng kanyang ina. Ngayon lang kasi ito lumapit sa kanya at nagpakita ng matinding pag-aalala."Gusto ko lang makalimot," wika niya. Hindi man sila close na mag-ina pero wala naman siyang mapagsasabihan ng mga sandaling iyon kundi ito lang. Pakiramdam din kasi niya'y sasabog na ang kanyang dibdib sa sobrang sakit na kanyang nararamdaman.Sabi ni Franco kapag kailangan niya ito'y tawagan lang niya. Maaari ngang nagkaayos sila dahil sa pagtulong na ginawa nito nu'ng malaman niya kung saan dinala ni Mark Wayne si Jillian pero hindi pa rin dahilan iyon makalimutan na niya na ito ang dahilan kaya nawala sa kanya si Jillian at nawalan siya ng pagkaka
ANG sabi ni Jillian ay dapat na siyang maging masaya dahil nandito na siya sa tapat ng kanilang bahay. Makakasama na niya si Apple. Sa mahigit isang buwan niyang pagkawala, sigurado niyang maraming tanong sa kanya na di niya alam kung paano sasagutin. Tiyak din niyang uulanin siya ng tanong ng kanyang mga magulang at biyenan.Ngunit, hindi iyon ang mas nagpapakaba sa kanya, kundi kung paano niya haharapin si Mark Wayne. Nang bumalik sa isip niya ang paulit-ulit na pagpili niya kay Lance, parang gusto niyang manliit. Natanong din niya sa kanyang sarili, anong klaseng babae ka?Kahit alam na niyang si Mark Wayne ang kanyang asawa, hindi pa rin niya tinalikuran si Lance. Mas guato nga niyang panindigan ang pagmamahal dito. Ilang beses din niya itong pinagtaksilan. Pakiramdam niya tuloy ay wala siyang kuwentang babae.Walang kuwentang asawa.Wala siyang kuwentang bestfriend.Matalik niyang kaibigan si Mark Wayne pero pinili pa r
"BAKIT ikaw ang nandito?" Manghang tanong ni Jillian nang pumasok na si Lance sa kanyang hospital room. Ang sabi kasi ng nurse na nasa pumasok kanina pagkagising niya ay lumabas lang ang asawa niya para bumili ng pagkain. Kaya, talagang namangha siya nang si Lance ang masilayan niya."Jillian…" wari'y nagtatakang bulalas nito."Bakit ikaw ang may dala ng pagkain?" Mangha niyang bulalas. Bumuka ang bibig ni Lance na parang may sinabi pero hindi na iyon nakarating sa kanyang pandinig dahil sumakit na naman ang ulo niya.Maya-maya lamang ay may doktor nang pumasok sa kuwarto. Marami itong tinanong na hindi niya maintindihan at wala rin naman siyang panahong intindihin lalo na't mayroon siyang nararamdaman. Ngunit, sa kabila ng paghihirap na kanyang nararamdaman hindi niya maiwasan ang magtaka kung bakit hinahayaan niyang yakapin siy
"ANG pogi-pogi talaga ng My Wayne ko," parang wala sa sariling wika ni Jillian, sabay buntunghininga. Sa kanyang isipan kasi'y ini-imagine na niyang naglalakad siya sa aisle, nakatrage de boda na puting-puti dahil sa wagas niyang pag-ibig para kay Mark Wayne Toledo."May diprensiya naman ang mga mata mo," wika ng boses na talagang kinaiiritahan niya buong buhay niya – si Ysmael Lance Madrigal.Ngunit, kahit buwisit na buwisit naman siya rito'y hindi niya ito mapigilang di lingunin. Iyon nga lang, dahil nakaupo siya sa bench at nakatayo ito, hindi mukha nito ang kanyang nakaharap. Sa halip tuloy na iiwas niya agad ang tingin niya dito'y napalunok muna siya.Nineteen years old na siya noon kaya alam na alam niya kung anong bukol ang nakita niya. Ewan nga lang niya
GUSTO sanang irespeto ni Jillian ang pagiging mag-asawa nila ni Mark Wayne, hindi niya napigilan ang kanyang sarili nang makita niya si Lance. Para rin siyang naging bingi. Sinabi na kasi sa kanya ni Mark Wayne na huwag siyang bumaba pero binuksan pa rin niya ang pintuan ng sasakyan at tumakbo kay Lance.Maaari ngang wala pa siyang matandaan sa kanyang nakaraan pero ang puso niyang labis na umiibig, sapat na para magtiwala siya kay Lance. Ang higpit-higpit ng yakap niya rito nang magtagpo sila."Okay ka lang ba?" Tanong sa kanya ni Lance. Hinawakan pa nito ang magkabila niyang pisngi at tinitigan siya ng diretso sa kanyang mga mata. Wari'y nais nitong makasigurado na magsasabi siya ng totoo.Tumango siya sunud-sunod."Sa tingin mo ba sinaktan ko ang asawa ko?" Tanong ni Mark Wayne.
"KUNG may anak kaming talaga ni Lance, kami ang dapat na magsama," wika ni Jillian. Litung-lito pa rin kasi siya kung dapat niyang paniwalaan ang sinabi Mark Wayne. Nakagat lang nya ang kanyang labi dahil kahit anong isip ang gawin niya ang hindi niya maalalang nanganak siya.Marahang tawa ang pinawalan nito. "Tayo ang mag-asawa."Hindi siya nakakibo. Tama naman kasi ang sinabi ni Mark Wayne, sila ang mag-asawa kaya dapat lang na kalimutan na niya si Lance, ngunit, tumatanggi ang kanyang puso. Talaga kasing hindi niya kayang malayo kay Lance. Mahal na mahal niya ito. Sa sobrang pagmamahal nga niya ay nagawa niya itong patawarin nang magpanggap itong asawa niya. Alam naman kasi niyang kaya nito ginawa iyon ay…Para lokohin ka, wika ng isang bahagi ng kanyang isipan kaya napasinghap siya. Para kasing ang nais lang niyang isipin ay mahal siya ni Lance."Bakit ba kasi ako nagpakasal sa'yo?" Hindi makapaniwalang tanong niya."Ako nama