Share

Mommy, Where Is Daddy? The Forsaken Daughter's Return
Mommy, Where Is Daddy? The Forsaken Daughter's Return
Author: LiLhyz

Kabanata 0001

“Ama, pakiusap… Hindi ko talaga alam kung sino siya—Ahhh!” Isang sampal ang tumama sa mukha ni Samantha at nagmula ito sa pinakamamahal niyang ama.

Ang lalake na tinatrato siyang prinsesa at minamahal siya ay sinaktan siya sa unang pagkakatan sa buong buhay niya!

“Winfield, tumigil ka na!” Anak mo siya!” Si Matilda, na lola niya, ay humarang sa harap ni Samantha at niyakap siya para protektahan.

Ama man si Winfield Davis, pero siya ang pinakanakakatakot na Heneral ng bansa. Gamit ang mga kamao niya at nag-aalab na galit, kaya niyang saktan ang sarili niyang anak.

“Anong klaseng babae ka? Hindi ba kita pinalaki ng tama?!” pinagalitan siya ng Heneral. Hinawakan niya ang panga ni Samantha at mahigpit siyang piniga. “Binaliktad ko ang buong military camp! Wala—uulitin ko wala! Walang umamin na sila ang ama ng anak mo!”

Sasampalin na niya sana muli si Samantha ng mag-makaawa si Matilda, “Tumigil ka na! Wala na tayong magagawa dito! Nangyari na!”

“Daddy, patawad! Kasalanan ko ito! Kung – Kung alam ko lang na gusto ni Samantha ng ganoong klaseng engkuwentro, nanatili sana ako satabi niya sa party! Huwag mo sana sisihin si Sam, Daddy! Kasalanan ko ito,” ang sambit ni Annie Jones, na stepsister ni Samantha noong lumapit siya sa kanila.

Umarte si Annie na tila tumutulong siya, pero malinaw na sinisiraan niya lalo si Samantha.

Napatingin si Samantha kay Annie! Para sa kanya, kasalanan talaga ito ng kapatid niya! Si Annie ang nagbigay sa kanya ng keycard sa hotel habang dumadalo sa kasal ng kaibigan; isang senior rank sa military.

Balak niyang ibigay ang sarili niya sa kanyang boyfriend ng dalawang taon, na si Clayton Brown, isa pang cadet at isang taon ang tanda sa kanya.

Lasing at wala sa sarili, hindi alam ni Samantha kung gaano siya kadaling nahulog sa patibong ng kapatid niya. Nagising siya sa sumunod na araw sa mga bising ng isang lalake.

Gusto kalimutan ni Samantha ang nakakatakot na gabing iyon, pero sa huli, nabuntis siya.

“Huwag ka makielam, Annie! Hindi ikaw ang may kasalanan! Decision ni Samantha ang ikama ng ibang lalake!” Habang mas lalong tumaas ang boses niya, sumigaw ng todo si Winfield, “Sa isang hindi kilalang tao!”

“Daddy, please – Akala ko. Akala ko siya si Clayton!” Nagbigay ng dahilan si Samantha. May gusto pa siyang sabihin, pero binawi ni Winfield Davis ang kamao niya, ipinapakita na maaari niyang saktan ang sarili niyang anak.

Napaatras si Samantha para protektahan ang sarili niya dahil sa kilos ng kanyang ama.

“Kahit na si Clayton siya o hindi! Hindi ko rin naman gusto na magkatuluyan kayo ni Clayton! Sila ay karibal ng pamilya natin pagdating sa military rank!” panlalait ng ama niya.

“Anong gagawin natin ngayon? Hah, Sam?” Paano tayo hahanap ng lalakeng hindi natin kilala? Hindi mo nga maalala ang hotel na pinasok ninyo! Naging pabaya ka at nabuntis ka!”

“Sino ang lalakeng ikinama ka? Sino?!!!” ulit ng Heneral.

“Darling, pakiusap! Itigil na natin ang paghahanap sa taong ito! Hindi natin mahahanap! Maaaring ikinasal na ang taong ito – o mas malala pa, baka drug lord o kaya bugaw! Ang suhestiyo ay nagmula kay Catherine Jones-Davis, ina ni Annie, at stepmother ni Samantha.

Habang nandidiri ang mukha niya, idinagdag ni Annie, “Siguradong hindi natin gusto malaman ng buong lungsod kung sino ang ama—”

“Tumahimik ka, Catherine! Hindi ko hinihingi ang opinyon mo!” tumingin ng masama si Winfield sa asawa niya. “Ikaw at si Annie, umakyat na kayo sa mga kuwarto ninyo!”

Bumalik ang atensyon ng Heneral kay Samantha at nagtanong muli, “Samantha, sabihin mo sa akin… Sino ang ama?”

Habang nasa bisig pa ng lola niya, sumagot si Samantha habang nanginginig ang boses niya, “Ama, patawad! Hindi-Hindi ko talaga alam! Umalis ako habang tulog siya sa oras na malaman ko na hindi siya si Clayton!”

Habang lumuluha siya, nagmakaawa si Samantha, “Ama, pakiusap. Patawarin mo ako! Patawad!”

“Layas! Lumayas ka at huwag ka ng babalik sa pamamahay na ito!” sambit ng ama niya habang nakaturo sa pinto.

“Winfield! Umuulan sa labas! Buntis ang anak mo—”

“Wala akong pakielam! Kailangan niyang matuto! Dapat sumangayon siya sa abortion noong may pagkakataon siya! Ngayon, alam na ng lahat!” sagot ni Winfield Davis.

“Dinungisan niya ang pangalan ng pamilya Davis, at ngayon pati sarili kong pangalan nilalait ng mga kapwa ko commander!” Nagmura ng Heneral bago sinabi, “Alam na ng buong military academy! Alam na din ng buong military camp, Diyos ko!”

“Ikinakahiya kita, Samantha! Ito ang pagkakataon na nakita ni Samantha na lumuha ang ama niya. Mabilisi itong tumulo.

Narinig niya ang sinabi niya, “Sinira mo ang tiwala ko sa iyo, ang respeto ko sa iyo. Mahal na mahal kita, pero ngayon, dinurog mo ang puso ng ama mo at hindi ko, hindi kita matatanggap sa pamamahay ko! Matuto ka sa pagkakamali mo at doon mo lang mapapagtanto ang pagkakamali mo sa akin!”

Gamit ang nakabibinging boses, sumgiaw siya, “Layas!”

Hinawakan ng ama niya ang kanyang braso at kinaladkad siya palabas ng mansyon. Iniwan siya sa labas habang umuulan, sa harap ng malaking pinto.

Ganoon na lang at inabandona siya ng kanyang ama para sa pagkakamali niyang ginawa. Ang lola niya ay walang nagawa para pigilan ang Heneral.

Dalawang oras na nanatili sa pinto si Samantha, hinihintay ang ama niya na buksan ang pinto, pero hindi iyon nangyari. Basang-basa siya sa ulan, umiiyak ng malakas at hinihingi ang kapatawaran ng kanyang ama.

Habang nakatingin sa isa sa mga kuwarto sa itaas, pinanood niya kung paano lasapin ng stepmother niya at stepsister niya ang kanyang pagdurusa.

Maling-mali talaga siya at nagtiwala siya sa kanila, lalo na kay Annie.

Matapos ang dalawang oras na pagtawag sa ama niya, lumapit ang dating driver ng pamilya Davis at dinala siya palayo. Ang taong ito ay ang pinagkatiwalaan ng lola niya na ihanap siya ng mas ligtas na kapaligiran para maipagpatuloy niya ang kanyang pagdadalang tao.

Lumipad palayo si Samantha mula sa Monroe City sa sumunod na araw. Isang araw lang na pahinga ang mayroon siya bago niya nilisan ang lungsod na nagbigay ng pinakamatinding sakit sa buhay niya.
Comments (23)
goodnovel comment avatar
Adora Miano
chapter 1 palang Ang sakit na sinapit ng bida babae,,,NAKU ubos na Ang luha ko author sa kwento NABASA ko,,
goodnovel comment avatar
Aria Khim Pamintuan
Maganda po ...️
goodnovel comment avatar
Yoly
Nice reading, suspenseful!
VIEW ALL COMMENTS

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status