Share

Kabanata 0002

Author: LiLhyz
last update Last Updated: 2024-10-29 19:42:56
Habang nakatayo sa balkonahe ng residential flat, isang babae na nasa early twenties ang edad ay nakatitig sa Christmas lights.

Ang elegante niyang mukha ay pinilit na ngumiti, habang nakikita ang kalsada na maraming tao sa Monroe City. Kuminang ang bughaw niyang mga mata, iniisip kung gaano siya sana kasaya kung kasama niya ang ama niya at lola.

Panandalian niyang naalala kung paano siya itinakwil ng kanyang ama at kung paano inagaw ng stepsister niya ang atensyon mula sa kanya, at kung paano inagaw ng parehong tao ang taong minahala niya ng dalawang taon.

May isang pagkakamali si Samantha Davis, at ito ang naging dahilan ng pagbagsak niya. Kahit ang pagmamakaaawa ng lola niya ay hindi sapat para ibalik ang estado niya sa pamamahay ng pamilya Davis.

Naalala niya muli ang sakit ng kaladkarin palabas sa sarili niyang bahay, at naluha siya.

Humikbi siya sa kalungkutan at pinunasan ang luha. Sinipon siya at bumuntong hininga, “Lola, namimiss na kita.”

Tumingala siya sa kalangitan at sinabi, “Ma, Sana hindi mo ako iniwan.”

Ang nanay niya ay namatay noong bata pa siya, at naging dahilan ito para magpakasal muli ang kanyang ama. Isa itong matinding aksidente na bumawi ng buhay ng kanyang ina, nasunog ang sasakyan at pati ang kanyang bangkay.

Habang hinahangin ang kulay ginto niyang buhok, tumingin siya sa kanyang tiyan at hinawakan ito.

Oo, may buhay sa loob niya at naalala niya ang magandang blessing na natanggap niya. Ang ibang mga babae ay hindi makapagdalang tao, habang siya naman ay dalawa ang parating. Ang lola niya, na si Matilda, ay paulit-ulit siyang sinabihan tungkol dito.

Ilang araw bago mag hatinggabi ng ika – dalawamput apat ng Disyembre, nakaramdam ng nostalgia si Samantha, nakilala ang isang sipa sa 35-week old niyang sinapupunan.

Sa halos siyam na buwan, nagdalang tao siya sa pagkakamali niya. Kahit na sa pressure ng ama niyang huwag ituloy ang pagbubuntis, nagdesisyon siya bilang ina.

Noon, sa kaloob-looban ni Samantha ay may kumumbinsi sa kanya na ituloy ang pagbubuntis.

Sa kasamaang palad, wala ang lola niya para manatili sa kanyang tabi. Nagsabi ang ama niya tungkol sa pagtulong kay Samantha, pero si Matilda, bilang maalagang lola, ay tumulong ng palihim.

Nakatira si Samantha kasama ang tita niya mula sa mother side sa Monroe City ng anim na buwan. Dito siya ipinadala ng kanyang lola matapos ipatapon.

Ang ama niya, si Heneral Winfield Davis, ay bagong inappoint na heneral sa military forces ng bansa.

Matindi ang inaasahan mula sa kanya at anak niya ng malaman na nabuntis ito bago natapos ang military academy, pinagusapan ng husto si Samantha.

Tulad ng sinabi ng kanyang ama, dinungisan niya ang pangalan ng pamilya Davis!

Maraming katanungan kung bakit hindi naturuan ng magaling na heneral ang kanyang anak at na pakawalang babae si Samantha bilang cadet.

Gusto ni Heneral Davis na palitan siya ni Samantha pagdating sa kanyang military rank. Kahit na may sarili siyang pangarap, isinuko siya ito para sundin ang kanyang ama at ipagpatuloy ang legacy ng pamilya Davis.

Pero, hindi kahit na nagsakripisyo si Samantha, hindi ito sapat para mabawi ang kahihiyan na dinala niya sa kanyang pamilya.

Matapos mapalayas mula sa military academy, malinaw na matitigil na ang tradisyon.

Sa isang kisapmata, nawala ang dating Samantha! Ang dating kilala na maganda at ninanais na anak ng Heneral ay kilala na ngayon bilang nakakahiyang babae!

Si Clayton Brown, ang boyfriend niya, isang senior cadet mula sa military academy, ay natural na hindi inamin na siya ang nakabuntis dahil hindi siya ang nakasama niya sa gabing iyon.

Nabuntis siya sa edad na dalawampu’t isa, at walang alam tungkol sa lalakeng ikinama niya.

Habang inaalala ang nakaraan, narinig niya na tinawag siya ng Tita Diana niya mula sa living room, “Sam, malamig dyan. Pasok ka na dito. Maghahating gabi na.”

Tumango si Samantha, “Opo, tita.”

Tinulungan siya ni Diana noong naupo siya sa harap ng maliit nilang lamesa, kung saan sila maghahati ng ham bilang hapunan ngayong Noche Buena nila.

Bigla niya naalala ang magarang marami na pagkain sa bahay nila sa tuwing sumasapit ang araw na ito, at napaisip siya kung iniisip ba siya ng kanyang ama.

Habang iniisip niya ito, napansin niya na may tubig na tumutulo mula sa mga binti niya.

Kinilabutan siya noong napagtanto niyang pumutok ang panubigan niya!

“Oh no, tita!” hinawakan niya ang kanyang tiyan at sinabi, “Hindi pa handa ang mga bata!”

“Oh dear,” sambit ng tita niya. “Kailangan – kailangan natin tumungo sa ospital.”

Sa sumunod na mga oras ay halong pagkabalisa at kaguluhan ng isip para kay Samantha at sa tita niya.

Mahirap makakuha ng taxi patungo sa direksyon ng ospital ngayon at magpapasko. Ang ospital, dahil holiday, ay understaffed at hindi matawagan ang gynecologist niya noong dumating siya.

Naramdaman niya ang contractions isang oras pa lang matapos siya madala sa maternity ward.

Mula sa puwesto niya, naririnig ni Samantha ang pag-aalala ng mga nurse at midwives habang humihiyaw siya sa sakit kada minutong lumilipas.

“Parating na si Dr. Wilma.”

“Walang ventilator na available para sa mga baby.”

“Baka makahinga sila ng mag-isa. Tignan natin.”

“Anong nangyayari? Pakiusap! Pakiusap sabihin ninyo sa akin,” iyak ni Samantha, nag-aalala sa kapakanan ng mga anak niya. Binalaan siya ng doktor niya na madalas maagang lumalabas ang mga kambal, ang resulta naman ng huling checkup niya ay malusog sila.

Gayunpaman, naghanda ng maaga ang doktor niya sakaling hindi sila umabot sa 36 weeks.

Ang head nurse ay dumating, binabalaan siya tungkol sa premature delivery. Sinabihan si Samantha, “Miss Davis. Dahil lalabas na ang mga bata. Gusto namin ipaalam sa iyo na ang mga anak mo ay maaaring kailanganin ng mechanical ventilator para makahinga-”

“Hindi, ano-ano.” Pumikit siya, sinusubukan tiisin ang sakit. “Ahh!”

Kasabay ng sigaw, tumulo ang luha niya bago sinabi, “Binigyan ako ng steroid shot ilang linggo na ang nakararaan. Ma-makukumpirma ito ng doktor ko,” sinubukan irason ni Samantha.

Ang steroids ay nakakatulong sa pagmamature ng mga lungs ng baby sakaling maaga sila ipanganak.

“Miss Davis, walang kasiguraduhan ang steroids para makahinga ang mga baby—” hindi natapos magsalita ang nurse ng sumigaw sa sakit si Samantha.

Naging obligado ang resident doctor na icheck ang lagay ni Samantha.

“Palabas na ang baby!” abiso ng resident doctor. “Dalhin siya sa delivery room.”

“Teka—teka! Nasaan ang doktor ko?!” humingi siya ng sagot.

“Parating na ang doktor mo,” sambit ng isang nurse.

Habang inihahatid siya sa stretcher patungo sa delivery room, walang nagawa si Samantha kung hindi mag-alala sa magiging kundisyon ng mga anak niya. Bukod pa doon, hindi siya makapagisip ng maayos dahil sa sakit ng mga contractions na nararamdaman niya.

Hindi kaya bayaran ni Samantha ang private room para makagsilang siya. Kaya, habang may kahati sa maternity ward, hindi siya makausap ng tita niya tungkol sa desisyon pagdating sa panganganak.

Sa gitna ng kaguluhan, halos hindi niya napansin kung paano lumipas ang oras at kung paano dumating ang doktor niya.

“Sam, magiging okay ang lahat. Ilabas na natin ang mga baby.” Sapat na para kay Samantha na kumalma ng marinig ang pamilyar na boses, at nakitan iya si Dr. Wilma sa harap niya. “Tandaan mo ang sinabi ko noon. Itulak mo kasabay ng contractions.”

Sa bawat tulak niya, lumuha siya. Sa bawat sigaw na lumabas sa bibig niya, nangako siya sa loob-loob niya na ang huling iyak niya ay dahil sa pagkakaalala ng pagkakamali niya noon.

“Malapit na, Sam. Kaunti na lang,” naririnig niya ang pagpapagaan ng loob ng doktor. “Magaling ang ginagawa mo.”

Sa isang malakas na sigaw, tumulak siya ng madiin at lumabas na; ang iyak ng una niyang anak.

“Baby girl Davis!” sambit ni Dr. Wilma.

Makalipas ang dalawampung minuto, lumabas ang ikalawang anak, umiiyak din ng malakas sa delivery room.

“Isang malakas na iyak mula kay baby boy Davis!” masayang sinambit ni Dr. Wilma.

“Sam, congrats! Pareho silang malusog at nakakahinga ng mag-isa,” sambit ng OB doctor niya bago inilagay ang mga sanggol sa tabi niya para mainitan.

Hindi na niya naisip ang kundisyon nila. Naluha siya ng maitabi sila sa kanya at maramdaman ang kinis ng balat nila pati pag-iyak.

Huminga ng malalim si Samantha, umiyak siya dahil alam niyang malusog ang kambal niya. Ginamit niya ang pagkakataong ito na halikan ang umiiyak niyang mga anak, nilalasap ang eksena dahil pareho silang ligtas.

“Salamat sa Diyos. Salamat sa Diyos,” buntong hininga niya habang kumukurap siya at mabilis ang tibok ng kanyang puso.

“Masaya akong makilala kayo, Kyle at Kenzie.” Pagkatapos ng isa pang halik, bumulong si Samantha, “Mahal kayo ni Mommy.”

2:45 AM, unang ipinanganak si baby girl Kenzie. Sumunod si baby boy Kyle ng 3:05 AM. Pareho silang malusog at ligtas, nakakahinga sila kahit na ipinanganak sila prematurely ng 35 weeks old. Ang timbang nila ay 4.2 pounds at 4 pounds, respectively.

***

Kasunod ng sapat na pahinga, pinuntahan ni Samantha ang mga anak niya noong kinagabihan ng araw ng pasko.

Ang tita niya ay kasama na niya sawakas, inaalagaan ang kambal sa loob ng nursery ng ospital. Ang mga anak niya ay kailangan pang obserbahan, pero okay na ang lagay nila.

Nagawa ni Samantha na hawakan sila sa mga bisig niya sa tulong ng midwife.

Habang nagpapahinga ang kambal sa mga bisig niya, nagbigay ng suhestiyon si tita Diana, “Ang ganda nila. Tawagan natin ang lola mo. Gustong-gusto na niya makita ang mga bata.”

Si Matilda Davis, ang lola niya, ang kumampi sa kanya sa buong pagdadalang tao niya, at sinusuportahan siya financially habang kasama ang tita niya. Kahit na lungsod ang layo nila sa isa’t isa, palagi silang magkausap habang nagdadalang tao siya.

Sa oras na naging online ang lola niya sa video call, umiyak siya kasama ni Samantha, na buhat ang mga anak niya sa magkabilang bisig.

“Sam, ang ganda ng mga apo ko sa tuhod. Sila ang regalo natin ngayong pasko—lalo na sa iyo,” sambit ng lola niya. “Alagan mo sila ng mabuti.”

Nasundan pa ito ng dagdag na pag-iyak at hikbi, pero hindi nagtagal, kumalma ang mga emosyon nila, nagsalita muli si Matilda Davis, “Sam, ipangako mo sa akin na magsisimula ka muli. Ang—ang tita mo ay tutulong sa iyo mag-aral habang tumatanda sina Kyle at Kenzie. Itabi natin ang iba sa pera na naipon natin para sa pag-aaral mo.”

“Pasensiya na at hindi kita mabisita… pero—pero sana… balang araw, makita ko ang mga apo ko sa tuhod,” idinagdag ng lola niya, ipinapaalala kay Samantha ang edad niya. Dahil nasa late seventies na siya, hindi na niya naeenjoy ang malayong mga biyahe.

Matapos makita si Samantha na sumangayon, nagpatuloy si Matilda na magsalita, “Mangako ka sa akin, papasikatin mo ang pangalan mo. Patunayan mo sa ama mo na kaya mo!”

“Opo, lola. Gagawin ko,” sagot ni Samantha habang patuloy na lumuluha. Sinipon na siya habang nahihirapan huminga.

“Sam, mahal kita, apo ko. Lakasan mo ang loob mo,” abiso ni Matilda mula sa kabilang linya.

Habang nagpapatuloy ang lola niya sa pagtingin sa kambal, napaisip si Samantha. Ang nasa isip niya ay, “Ama, ipinapangako ko sa iyo na makikita mo na magiging mas higit ako.”

Para sa lalakeng akala niya na minahal siya pero inabando na siya noong mahirap ang kanyang pinagdadaanan, nangako siya sa magsisisi siya balang araw.

“Annie, maaaring kinuha mo ang lahat mula sa akin, pero balang araw, pangako ko sa iyo, papatunayan ko sa iyo na mas marami akong napala dahil pinili ko ang mga anak ko.” Ito ang mga iniisip ni Samantha tungkol sa stepsister niya, na ang parehong babae na naging dahilan ng pagbagsak niya

Sa huli, tinignan ni Samantha ang mga kambal niyang natutulog. Hinalikan niya muli ang noo ng bawat isa at nangako, “Kayo ang magiging lakas ko, ang dahilan ko para lumabas at magiging pamilya tayo. Wala na akong iba na kailangan.”
Comments (8)
goodnovel comment avatar
Adora Miano
buti, nalang may Lola mapagmahal talaga
goodnovel comment avatar
Sylvia Gatila
very interesting story.I want to finish reading.
goodnovel comment avatar
Rubie Lesaca
sana may next episode, Ang Ganda Ng story
VIEW ALL COMMENTS

Related chapters

  • Mommy, Where Is Daddy? The Forsaken Daughter's Return   Kabanata 0003

    Sa paglagay ng recognition plaque sa glass cabinet sa living room, ngumiti si Samantha sa award na natanggap niya. Noong isang araw lang, inawardan siya ng Mayor ng lungsod bilang isa sa pinakamagaling na chef ng Monroe!Ngumiti siya habang nilalasap ang achievement, habang nakatingin dito.Mula sa

    Last Updated : 2024-10-29
  • Mommy, Where Is Daddy? The Forsaken Daughter's Return   Kabanata 0004

    Kunin mo, Sam,” narinig ni Samantha na sinambit ng lola niya sa kabilang linya habang kausap siya.Natural, sinabi niya sa kanyang lola ang oportunidad na dumating, umagang-umaga pa lang at tinawagan niya agad si Matilda Davis.Mula sa balkonahe ng flat nila, tinignan ni Samantha ang paligid, ang mg

    Last Updated : 2024-10-29
  • Mommy, Where Is Daddy? The Forsaken Daughter's Return   Kabanata 0005

    Mula sa loob ng hotel room, si John Garcia, ang executive assistant ni Ethan Wright, ay kinokolekta ang mga gamit niya, naghahanda para umalis patungong airport.Sapagkat napapirma na niya si Samantha Davis sa kontrata, tapos na ang trabaho niya. Kailangan niyang bumalik sa boss niya kung saan maram

    Last Updated : 2024-10-29
  • Mommy, Where Is Daddy? The Forsaken Daughter's Return   Kabanata 0006

    11:00 AM sa Braeton International Airport.“Kenzie, anong hinahanap mo?” tinanong ni Samantha ang anak niya habang naglalakad sila sa labas ng arrival area.Tulad ni Samantha, blonde ang buhok ni Kenzie, pero mahaba at diretso ang kanya. Maganda at mala anghel ang mukha niya, bughaw na mga mata at p

    Last Updated : 2024-10-29
  • Mommy, Where Is Daddy? The Forsaken Daughter's Return   Kabanata 0007

    “Kyle, anong oras na? Alas nuwebe na ng gabi. Oras na para ibaba mo ang bago mong tablet,” wika ni Samantha bago siya pumasok ng banyo.Magkahati sila ng kuwarto ng mga anak niya at pareho silang nasa kama. Binigyan sila pareho ni Matilda ng bagong tablet, isang manika para kay Kenzie at sling bag p

    Last Updated : 2024-10-29
  • Mommy, Where Is Daddy? The Forsaken Daughter's Return   Kabanata 0008

    “Ready?” tanong ni Kyle sa kapatid niya.“Ready!” kumpirma ni Kenzie.Habang papasok ang kambal sa opisina ng CEO ng walang permiso, ipinapaliwanag ni Samantha kay John Garcia ang sitwasyon niya.Sinabi ni John, “Miss Davis, ganito kasi—”Naalerto si John ng marinig niya ang tunog ng mga bata na bin

    Last Updated : 2024-10-29
  • Mommy, Where Is Daddy? The Forsaken Daughter's Return   Kabanata 0009

    “Mananatili po ba ako sa trabaho ko, Mr. Wright?”Pakiramdam ni Ethan Wright mauubos na ang pasensiya niya. Sumandal siya sa upuan niya at niluwagan ang neck tie niya habang nakatingin sa assistant niya.Kasunod ng malalim na buntong hininga, sarcastic niyang sinabi, “Tinanong kita John, tapos sasag

    Last Updated : 2024-10-29
  • Mommy, Where Is Daddy? The Forsaken Daughter's Return   Kabanata 0010

    “Gusto ko po sana i-enroll ang mga anak ko,” sambit ni Samantha sa registration office ng the North Bright Academy. Iniabot niya ang check bilang bayad, kasabay ng enrollment ng mga anak niya, bukod pa sa online evaluation na kinuha nila bago pa sila lumipat sa Braeton.May online discussion assessm

    Last Updated : 2024-10-29

Latest chapter

  • Mommy, Where Is Daddy? The Forsaken Daughter's Return   Kabanata 0179

    Buwan makalipas ang honeymoon ni Samantha at Ethan, balik na sila sa mga busy nilang buhay.Dahil full operation na ang ikalawang hotel, limang restaurant na ang minamanage ni Samantha sa kabuuan. Mayroon na siyang mahigit sa dalawang daang chef sa ilalim niya, kinakailangan niya magpromote ng dalwa

  • Mommy, Where Is Daddy? The Forsaken Daughter's Return   Kabanata 0178

    Maraming taon ang lumipas simula ng ikasal si Ethan at Samantha. Pero, nanatili ang ganda ni Samantha sa edad niyang tatlumput tatlo. Ang gintong kulay ng buhok niya ay abot na hanggang likodn iya, at mukhang hindi siya tumanda.Medyo dumiretso ang buhok niya, sapat na ang kulot para magmukha siyang

  • Mommy, Where Is Daddy? The Forsaken Daughter's Return   Kabanata 0177

    Isa na namang taon ang lumipas."Winfield, do you take Sarah to be your wedded wife, to live together in marriage? Do you promise to love her, comfort her, honor and keep her for better or worse, for richer or poorer, in sickness and health, and forsaking all others, be faithful only to her, for as

  • Mommy, Where Is Daddy? The Forsaken Daughter's Return   Kabanata 0176

    “Kasunod ng maraming taon ko ng pagsisilbi, opisyal ko na iaanunsiyo ang retirement ko. Isa itong memorable at challenging na taon, sa pagsisilbi sa bansa ko, pero dumating na ang oras para ibigay ang atensyon ko sa maganda kong asawa, si Sarah at sa anak ko,” anunsiyo ni Winfiled Davis habang nakat

  • Mommy, Where Is Daddy? The Forsaken Daughter's Return   Kabanata 0175

    Itinuro ni Blake ang druglord, na kumakain kasama ang grupo ng mga inmate na limang lamesa ang layo at sinabi, “Puwede ninyo subukan kung suwerte kayo at makukuha ang pabor ni Ramon. Ang mga kaibigan niya ay nakakakuha ng manok… at higit pa.”Matapos dalhin ang tray niya, umalis si Blake at iniwan s

  • Mommy, Where Is Daddy? The Forsaken Daughter's Return   Kabanata 0174

    “Dok? Kumusta ito? Tanong ni Ethan matapos bumalik ang doktor dala ang resulta ng recent laboratories ni Samantha.Naupo ang doktor sa desk niya at sinuri ang mga dokumento. Pagkatapos, sumagot siya, sinabi niya, “Ang lahat ay normal, at mahigit sa isang taon na rin naman na.”Habang nakangiti, idin

  • Mommy, Where Is Daddy? The Forsaken Daughter's Return   Kabanata 0173

    Lumipas ang anim na buwan.Lumalaki ng maayos sina Kaleb at Kate. Mabilis din na nadadagdagan ang timbang ng kambal.Madali na silang nakakaupo ng kauti lang ang tulog sa edad na anim na buwan, nagagawa na nilang maglaro kasama ang mga kapatid nila, utal na nagsasalita at tumatawa ng masaya.“Gapang

  • Mommy, Where Is Daddy? The Forsaken Daughter's Return   Kabanata 0172

    Dahil proud siya sa effort ng kanyang asawa, nagtanong si Samantha, “Sigurado ka ba, hon? Madami ka ng sakripisyo lately.” Natawa siya bago sinabi, “Hindi ito bagay para sa CEO.”Natawa si Ethan at sinabi, “Huwag mo lang ito sabihin sa mga executives ko. Hayaan nating manatili silang takot sa pangal

  • Mommy, Where Is Daddy? The Forsaken Daughter's Return   Kabanata 0171

    “John, magpapaternity leave ako ng dalawang linggo,” sambit ni Ethan sa assistant niya sa phone.Narinig niya ang naiilang na sagot ni John, “Ah, boss. Ang pamilya mo ang may-ari ng kumpanya, kaya hindi mo kailangan humingi ng permisso.”May katahimikan sa pagitan nila bago sinabi ni Ethan, “Alam ko

DMCA.com Protection Status