Share

Kabanata 0004

Author: LiLhyz
last update Last Updated: 2024-06-25 15:55:33
Kunin mo, Sam,” narinig ni Samantha na sinambit ng lola niya sa kabilang linya habang kausap siya.

Natural, sinabi niya sa kanyang lola ang oportunidad na dumating, umagang-umaga pa lang at tinawagan niya agad si Matilda Davis.

Mula sa balkonahe ng flat nila, tinignan ni Samantha ang paligid, ang mga gusali at iba pang mga istruktura, nararamdaman ang malakas na tibok ng kanyang puso. Napalunok siya habang kinukuwestiyon ang sarili, “Handa na ba ako para dito, lola?”

“Oo naman, Sam! At makikita na rin kita sawakas!” narinig niyang umiiyak ang lola niya bago idinagdag, “Tumatanda na ako, Sam at namimiss ko na ng husto ang apo ko! Ilang taon na akong nangungulila sa iyo.”

“Kunin mo, Sam! Kunin mo!” suhestiyon muli ni Matilda. “Ipakita mo sa ama mo ang nagawa mo, na kaya mo, kahit na wala ang tulong niya! Sam… oras na para bumalik.”

“Sige po, lola… gagawin ko,” sambit ni Samantha habang mahinhin ang tono.

Kahit na hindi maganda ang paghihiwalay nila ng kanyang ama, sa loob-loob niya, hinihiling ni Samantha na sana tanggapin siya pabalik balang araw. Si Heneral Winfield nga lang naman ang nag-iisa niyang ama, at mahal niya ito.

Huminga siya ng malalim at sinabi, “Ama, pabalik na ako… at sisiguraduhin ko na magiging proud ka sa akin… maghintay ka lang.”

***

Sa sumunod na araw, isang secretary ang nakipagkita kay Samantha sa The Emeral hotel at ipinakilala ang sarili niya na si John Garcia, executive assistant ng pinakamakapangyarihang tao sa Braeton City.

Pareho silang nasa isang sulok ng restaurant, pinaguusapan ang terms ng kontrata bago magsimula ang crew niy para sa paghahanda ng evening dinner.

“Ethan Wright,” inulit niya ang pangalan bago naisip na parang pamilyar ito. Hindi lang maalala ni Samantha kung saan. “Saan ko nga ba narinig ang pangalang ito noon?”

“Oo, tama ka, Miss Davis, iyon ang pangalan ng CEO namin, si Mr. Ethan Wright. Siya ang nag-iisang anak ni Daniel at Amanda Wright, ang nag-iisang tagapagmana ng Wright Diamond Corporation. Marahil narinig mo na ang pangalan niya mula sa business magazine o kaya social media,” suhestiyon ng lalakeng secretary na nakipagkita sa kanya.

Nakatingin siya sa kontrata ng mabasa ang pirma sa dulo ng huling pahina. Tinginan niya ang lalake sa harapan niya at sinabi, “Baka.”

“Miss Davis, ang boss ko ay mabuting tao. Isang hinahangad na bachelor at naging presidente sa edad na tatlumpu! Ngayon, tatlumput dalawa na siya, at nasa tamang edad para magpakasal,” sambit ng lalake bago ngumiti.

Hindi sigurado si Samantha kung anong ipinaparating niya at kung tama ba para sa kanya na ipagyabang ang boss niya sa ganitong paraan, pero hindi naman siya nababagabag dito. Kaya, hindi niya ito binigyan ng pansin kung paano niya ibida si Mr. Ethan Wright bilang karapat-dapat na bachelor.

Ibinalik niya ang kanyang atensyon sa salary package, nagtanong si Samantha, “Gusto ko lang maging sigurado na hindi ka nagkakamali. Inaalok mo ako bigyan ng bahay at ten thousand dollars bilang buwanang sahod para maging executive chef ng First Diamond Hotel?”

“Hindi… ako ang pinakamagaling,” nakanguso niyang sagot at huminga siya ng malalim. Naalala niya kung gaano siya kabago bilang chef.

“Hindi sa nagrereklamo ako, pero… masyado ata ito at gusto ko siguraduhin na walang ano.” Sumingkit ang mga mata niya bago idinagdag, “Walang pagkakamali o pagsisisi sa kontrata.”

“Miss Davis. Ang tinutukoy mo ay ang Wright Diamond Corporation. Kami ang isa sa pinakamalaking kumpanya sa bansa! Ang pamilya Wrights ang pinakamayaman sa lungsod,” sambit ni John. “Ang rason kung bakit namin inaalok sa iyo ito ay dahil gusto ka ng boss ko—”

Inubo siya at itinama ang kanyang sarili, “Gusto niya ang mga luto mo!” nilinaw ni John ang lalamunan niya at idinagdag, “Oo, tama. Gusto niya ang mga luto mo! At gamit ang kakayahan mo, maaari mo palaguin pa ang The First Diamond Hotel!”

“Naglakbay kami patungong Erupa—at iba pang mga bansa tulad ng America pero walang umabot sa standards namin!” nakaturo ang dalawang mga kamay niya kay Samantha, at sinabi, “Ikaw lang!”

“Kasama ko ang boss ng kumain kami dito, sinubukan namin ang set menu mo at humanga kami.” Malapad ang ngiti ng secretary bago idinagdag, “Nagustuhan talaga namin!”

“Noong nakita ng boss ko ang maganda mong mukha—ang ibig ko sabihin—ang magandang presentasyon ng plating! Oo, ang plate arrangement! Nabigla siya!” lumapit si John at sinabi, “Sa totoo lang, hindi pa ako nakakakita ng kahit anong bagay na naappreciate ng taong ito buong buhay ko!”

Naguluhan si Samantha habang naririnig ang paliwanag ng secretary pero narinig niya na may sense naman ang sinasabi niya.

“Noong natikman namin ang luto mo, pakiramdam namin nasa dreamland kami. Napakasarap—kakaiba, at natutunaw ang pagkain sa dila namin, napakatamis! Doon namin nalaman! Alam na alam namin! Alam namin na ikaw nga ang chef na matagal na naming hinahanap!” paliwanag ni John Garcia.

Itinuro niya muli si Samantha, idinagdag niya, “Ikaw ang susi sa puso niya—ibig ko sabihin sa hotel!”

Matapos makita ang natutuwang ekspresyon ni Samantha, ipinunto ni John, “Nagsisimula ito lagi sa masarap na pagkain! Ang pamosong hotel ay sumisikat sa masasarap nitong pagkain, ang pagiging magara at kumportable ay karaniwang matatagpuan sa ibang brand din.”

“Tama… Sangayon ako,” sagot ni Samantha. Ganoon din sa The Emerald. Lagi silang fully booked dahil umaasa sila na makakakain sila sa restaurant habang may planong overnight stay.

“So napagdesisyunan ito ng boss mo?” nilinaw niya muli habang nakatingin sa salary package.

“Oo! Oo, napagdesisyunan niya. Hindi niya gusto na mag-alinlangan ka. Personal sana niyang iaabot sa iyo ang kontrata pero kasi—abala siyang tao. Nasa Braeton City siya muli ngayon.” Kumuha si John Garcia ng panulat at iniabot ito kay Samantha. Sinabi niya, “Miss Davis, ikaw ang gusto namin! Ang iyo na iyang salary package… pirmahan mo lang ito!”

Isinantabi ni Samantha ang pagdududa niya at kinuha ang panulat at papel para pumirma.

Dito lang niya napagtanto na may mga tanong siya sa accomodation pagkatapos matapos ang apat na set ng dokumento.

“Ano, tungkol sa condo unit na ibibigay ninyo. Kaya ba nito ang apat na tao? Specifically, dalawang matanda at dalawang bata,” tanong niya bago ibinuka ang bibig niya.

“Oh, my goodness! Akala ko single ka! Kasal ka na?” tanong ni John Garcia habang nakahawak sa dibdib niya. Mukhang nakaramdam siya ng matinding takot!

Agad niyang sinuri ang dokumento na ibinigay ni Samantha, tinignan ang marital status niya. Hindi siya nag-abalang tignan ito dahil matindi ang rekomendasyon na nakuha niya mula sa The Emerald Hotel.

Bukod pa doon, sigurado siya na ang tawag ng General Manager ng hotel kay Samantha ay Miss Davis.

“Um… ano… hindi… Ano ako… Isang single mother. Titira ako kasama ang tita ko at kambal,” nahihiyang sinabi ni Samantha, nilinaw niya ang hindi pagkakaintindihan. “Sana… hindi ito problema.”

Tumigi sa pagpapanic si John Garcia matapos makita ang alinlangan ni Samantha. Ngumiti siya at sinabi, “Hindi! Siyempre hindi! Walang problema.”

Siniguro niya si Samantha, “Miss Davis, kinuha ka namin dahil sa talento mo at hindi dahil sa kalagayan mo.”

Bumalik siya sa tanong kanina at sumagot si John, “Ang condo unit ay may dalawang kuwarto. Okay na ba iyon?”

Tumango siya at sinabi, “Oo, puwede ako matulog kasama ang mga baby ko.”

“Kung ganoon, okay na.” iniabot ni John ang kamay niya kay Samantha at sinabi, “Welcome sa Wright Diamond Corporation.”

“Salamat, Mr. Garcia,” sambit ni Samantha bago nakipagkamay kay John Garcia.

***

Matapos pirmahan ang kontrata, isang mahalagang tungkulin ang natitira kay Samantha. Kailangan niyang sabihin sa mga anak niya at tita ang desisyon niya na lumipat sa Braeton City.

Noong tanghalian sinabi ni Samantha ang announcement.

“Tita, tinanggap ko ang trabaho,” sambit ni Samantha.

Ngumiti lang si Diana, “May tiwala ako sa desisyon mo, Sam. Lagi akong nandyan para sa iyo.”

Matapos makita ang natutuwang reaction ng mga anak niya, sinabi ni Samantha, “Mga bata, may bagong job offer si Mommy, at may libre na tayong bahay sa hotel mismo! Bukod pa doon, maganda ang bayad. Mabibili ko kayo ng bagong mga bag… baka pati bagong sasakyan!”

“Wow! Mommy, nakakatuwa naman!” masayang sambit ni Kenzie.

“Bagong hotel ba ito, Mommy?” tanong ni Kyle.

Dito sinabi ni Samantha… “Ano… sa totoo lang… lilipat tayo sa Braeton City.”

“Kumimang ang mga mata ng mga bata. Sabay na tumingala si Kyle at Kenzie at sinabi, “Daddy!”

“Makikita na natin si Daddy sawakas!” sambit ni Kenzie.

Bumuntong hininga si Kyle, “Sawakas.”

“Mommy, excited ba si Daddy na makita kami?” tanong ni Kenzie habang kumikinang ang mga mata niya.

Napanganga si Samantha. Bigla natuyo ang lalamunan niya at humarap siya sa kanyang tita para humingi ng tulong.

Habang nakatitig si Kyle, nagtanong siya, “Mommy?”

“Ummm… hindi ko pa sinasabi sa inyo kung sino ang Daddy ninyo! Ano…napaka busy niya… sobrang busy… Haha! Oh, tignan ninyo ang oras! Oras na para pumasok si Mommy sa trabaho!” nakahanap na naman muli si Samantha ng palusot. Iniwan niya ang mga anak niya habang umaasa na makita niya sana ang ama nila.

Matapos umalis ni Samantha, nagtipon sa kuwarto ang kambal kung saan sila natutulog kasama ang nanay nila.

Mula sa kama, nakasandal si Kyle sa headboard, may isinusulat sa notebook.

Nagtanong si Kenzie, “Anong ginagawa mo, Kyle?”

“Isinusulat ko ang mga sinasabi ni Mommy tungkol kay Daddy. Sa oras na mahanap natin ang tugmang tao, siguradong mahahanap natin si Daddy,” sambit ni Kyle. “Kung abala si Daddy para makita tayo, kailangan natin siyang hanapin mismo… sama ka ba sa akin, Kenzie?”

“Siyempre!” sagot ni Kenzie bago nag apir ang kambal. “Daddy! Heto na kami!”
Comments (5)
goodnovel comment avatar
Marriane Glino Baula-Atienza
i love the story... exciting!!
goodnovel comment avatar
Jean Idaosus
nice story
goodnovel comment avatar
Ros Lyn
Nice story
VIEW ALL COMMENTS

Related chapters

  • Mommy, Where Is Daddy? The Forsaken Daughter's Return   Kabanata 0005

    Mula sa loob ng hotel room, si John Garcia, ang executive assistant ni Ethan Wright, ay kinokolekta ang mga gamit niya, naghahanda para umalis patungong airport.Sapagkat napapirma na niya si Samantha Davis sa kontrata, tapos na ang trabaho niya. Kailangan niyang bumalik sa boss niya kung saan maram

    Last Updated : 2024-06-25
  • Mommy, Where Is Daddy? The Forsaken Daughter's Return   Kabanata 0006

    11:00 AM sa Braeton International Airport.“Kenzie, anong hinahanap mo?” tinanong ni Samantha ang anak niya habang naglalakad sila sa labas ng arrival area.Tulad ni Samantha, blonde ang buhok ni Kenzie, pero mahaba at diretso ang kanya. Maganda at mala anghel ang mukha niya, bughaw na mga mata at p

    Last Updated : 2024-06-25
  • Mommy, Where Is Daddy? The Forsaken Daughter's Return   Kabanata 0007

    “Kyle, anong oras na? Alas nuwebe na ng gabi. Oras na para ibaba mo ang bago mong tablet,” wika ni Samantha bago siya pumasok ng banyo.Magkahati sila ng kuwarto ng mga anak niya at pareho silang nasa kama. Binigyan sila pareho ni Matilda ng bagong tablet, isang manika para kay Kenzie at sling bag p

    Last Updated : 2024-06-25
  • Mommy, Where Is Daddy? The Forsaken Daughter's Return   Kabanata 0008

    “Ready?” tanong ni Kyle sa kapatid niya.“Ready!” kumpirma ni Kenzie.Habang papasok ang kambal sa opisina ng CEO ng walang permiso, ipinapaliwanag ni Samantha kay John Garcia ang sitwasyon niya.Sinabi ni John, “Miss Davis, ganito kasi—”Naalerto si John ng marinig niya ang tunog ng mga bata na bin

    Last Updated : 2024-06-25
  • Mommy, Where Is Daddy? The Forsaken Daughter's Return   Kabanata 0009

    “Mananatili po ba ako sa trabaho ko, Mr. Wright?”Pakiramdam ni Ethan Wright mauubos na ang pasensiya niya. Sumandal siya sa upuan niya at niluwagan ang neck tie niya habang nakatingin sa assistant niya.Kasunod ng malalim na buntong hininga, sarcastic niyang sinabi, “Tinanong kita John, tapos sasag

    Last Updated : 2024-06-25
  • Mommy, Where Is Daddy? The Forsaken Daughter's Return   Kabanata 0010

    “Gusto ko po sana i-enroll ang mga anak ko,” sambit ni Samantha sa registration office ng the North Bright Academy. Iniabot niya ang check bilang bayad, kasabay ng enrollment ng mga anak niya, bukod pa sa online evaluation na kinuha nila bago pa sila lumipat sa Braeton.May online discussion assessm

    Last Updated : 2024-06-25
  • Mommy, Where Is Daddy? The Forsaken Daughter's Return   Kabanata 0011

    Mula sa opisina ng CEO ng Wright Diamond Corporation, tinatapik ni Ethan Wright ang daliri niya sa lamesa, hindi siya halos makapagtrabaho habang iniisip ang mangyayari.Tiningnan ni Ethan ang oras at napagtanto na kalahating oras pa bago matapos ang task. Pero, nagulat siya dahil nakatanggap siya n

    Last Updated : 2024-06-25
  • Mommy, Where Is Daddy? The Forsaken Daughter's Return   Kabanata 0012

    “Mr. Wright. May biglaan kang emergency meeting,” sambit ni John Garcia pagaktapos pumasok sa opisina ng CEO.Napasimangot si Ethan sa sinabi ni John, at sinabi niya, “Hindi ako tumatanggap ng late meeting requests. Alam mo iyon John—”“Sir, si Mr. at Mrs. Song ng Changdai—sa kabilang kontinente.” T

    Last Updated : 2024-06-25

Latest chapter

  • Mommy, Where Is Daddy? The Forsaken Daughter's Return   Kabanata 0179

    Buwan makalipas ang honeymoon ni Samantha at Ethan, balik na sila sa mga busy nilang buhay.Dahil full operation na ang ikalawang hotel, limang restaurant na ang minamanage ni Samantha sa kabuuan. Mayroon na siyang mahigit sa dalawang daang chef sa ilalim niya, kinakailangan niya magpromote ng dalwa

  • Mommy, Where Is Daddy? The Forsaken Daughter's Return   Kabanata 0178

    Maraming taon ang lumipas simula ng ikasal si Ethan at Samantha. Pero, nanatili ang ganda ni Samantha sa edad niyang tatlumput tatlo. Ang gintong kulay ng buhok niya ay abot na hanggang likodn iya, at mukhang hindi siya tumanda.Medyo dumiretso ang buhok niya, sapat na ang kulot para magmukha siyang

  • Mommy, Where Is Daddy? The Forsaken Daughter's Return   Kabanata 0177

    Isa na namang taon ang lumipas."Winfield, do you take Sarah to be your wedded wife, to live together in marriage? Do you promise to love her, comfort her, honor and keep her for better or worse, for richer or poorer, in sickness and health, and forsaking all others, be faithful only to her, for as

  • Mommy, Where Is Daddy? The Forsaken Daughter's Return   Kabanata 0176

    “Kasunod ng maraming taon ko ng pagsisilbi, opisyal ko na iaanunsiyo ang retirement ko. Isa itong memorable at challenging na taon, sa pagsisilbi sa bansa ko, pero dumating na ang oras para ibigay ang atensyon ko sa maganda kong asawa, si Sarah at sa anak ko,” anunsiyo ni Winfiled Davis habang nakat

  • Mommy, Where Is Daddy? The Forsaken Daughter's Return   Kabanata 0175

    Itinuro ni Blake ang druglord, na kumakain kasama ang grupo ng mga inmate na limang lamesa ang layo at sinabi, “Puwede ninyo subukan kung suwerte kayo at makukuha ang pabor ni Ramon. Ang mga kaibigan niya ay nakakakuha ng manok… at higit pa.”Matapos dalhin ang tray niya, umalis si Blake at iniwan s

  • Mommy, Where Is Daddy? The Forsaken Daughter's Return   Kabanata 0174

    “Dok? Kumusta ito? Tanong ni Ethan matapos bumalik ang doktor dala ang resulta ng recent laboratories ni Samantha.Naupo ang doktor sa desk niya at sinuri ang mga dokumento. Pagkatapos, sumagot siya, sinabi niya, “Ang lahat ay normal, at mahigit sa isang taon na rin naman na.”Habang nakangiti, idin

  • Mommy, Where Is Daddy? The Forsaken Daughter's Return   Kabanata 0173

    Lumipas ang anim na buwan.Lumalaki ng maayos sina Kaleb at Kate. Mabilis din na nadadagdagan ang timbang ng kambal.Madali na silang nakakaupo ng kauti lang ang tulog sa edad na anim na buwan, nagagawa na nilang maglaro kasama ang mga kapatid nila, utal na nagsasalita at tumatawa ng masaya.“Gapang

  • Mommy, Where Is Daddy? The Forsaken Daughter's Return   Kabanata 0172

    Dahil proud siya sa effort ng kanyang asawa, nagtanong si Samantha, “Sigurado ka ba, hon? Madami ka ng sakripisyo lately.” Natawa siya bago sinabi, “Hindi ito bagay para sa CEO.”Natawa si Ethan at sinabi, “Huwag mo lang ito sabihin sa mga executives ko. Hayaan nating manatili silang takot sa pangal

  • Mommy, Where Is Daddy? The Forsaken Daughter's Return   Kabanata 0171

    “John, magpapaternity leave ako ng dalawang linggo,” sambit ni Ethan sa assistant niya sa phone.Narinig niya ang naiilang na sagot ni John, “Ah, boss. Ang pamilya mo ang may-ari ng kumpanya, kaya hindi mo kailangan humingi ng permisso.”May katahimikan sa pagitan nila bago sinabi ni Ethan, “Alam ko

DMCA.com Protection Status