11:00 AM sa Braeton International Airport.
“Kenzie, anong hinahanap mo?” tinanong ni Samantha ang anak niya habang naglalakad sila sa labas ng arrival area.
Tulad ni Samantha, blonde ang buhok ni Kenzie, pero mahaba at diretso ang kanya. Maganda at mala anghel ang mukha niya, bughaw na mga mata at pink na mga labi.
Simula ng dumating sila, hindi mapakali si Kenzie at tinitignan ng mabuti ang lahat ng mga lalakeng nadadaanan nila. Narinig niyang tinawag siya ng nanay niya at tuamkbo siya palapit para kunin ang kamay niya, “Mommy? Susunduin ba tayo ni Daddy?”
Bigla nakaramdam ng bara sa lalamunan si Samantha. Humarap siya sa tita niya, na hawak si Kyle at nakita niya kung paano umirap si Diana.
Si Kyle, ang anak niya ay mukhang naghihintay din ng sagot.
“Ano—Ang daddy ninyo ay nasa business trip! Tama.” Inilipat niya ang atensyon niya sa pinto at sinabi, “Oh, tignan ninyo! May pamilyar na mukha na gusto nating makita! Si Lola Matilda!”
Habang kumikinang ang mga mata, si Kenzie ang unang tumakbo palabas, at sinundan ni Samantha ang mabilis niyang mga yabag!
“Lola! Lola!” tawag ni Kenzie. Masayang masaya siya at tumalon sa mga bisig ni Matilda.
Ineescort si Matilda ng caregiver sa wheelchair. Nasa walumpu na ang edad niya at hindi na kayang maglakad ng malayo, pero malusog siya para sa edad niya.
Umiyak ang lola ni Samantha at niyakap ang bata. Tumingala siya kay Samantha at inabot ang kamay niya. “Sinabi niya, “Sam, Namiss—Namiss kita ng husto! Namiss kita ng sobra.”
“Namiss din kita, lola,” sagot ni Samantha bago siya yumakap sa lola niya.
Isa itong masayang reunion, pero hindi mapipigilan ang pagtulo ng mga luha nila mula as kanilang kinatatayuan. Halos anim na taon ang lumipas ng huli silang magkita. Si Samantha at Matilda, kasama si Kenzie, ay niyakap ang isa’t isa sa abalang espasyo ng arrival area ng Braeton airport.
Matapos ang isang minuto ng pagyayakapan at paghalik sa mukha ng isa’t isa, humarap si Matilda kay Kyle at sinabi, “Lumapit ka dito, iho! Yakapin mo naman si lola.”
“Hello, Lola Matilda. Ikinagagalak ko na makilala ka,” sambit ni Kyle bago yumakap.
Hinawakan ni Matilda ang mukha ng kambal at sinabi, “Maganda ka! Tulad ng nanay mo!”
Humarap siya kay Kyle at sinabi, “Guwapo kang bata ka.”
“Tulad ni Daddy?” tanong ni Kenzie habang nasasabik na humarap si Kenzie sa kambal niya.
Fraternal twins sina Kenzie at Kyle. Magkaiba ang hugis ng mukha nila at iba rin ang ugali nila.
Mas outgoing at bibo si Kenzie, samantala, si Kyle naman ay medyo mahigpit na bata. May ugali siyang maging obsessed sa pagkakaayos ng mga bagay at napakainteresado sa teknolohiya.
Kakaiba ang talino ng dalawa, kahit na hindi nagkukulang sa katalinuhan si Samantha, hindi niya mapigilang isipin kung saan namana ng mga anak niya ang kakaiba nilang intuition.
Matapos marinig ang suhestiyon ni Mkenzie, natawa si Matilda. Alam din niya na nagsinungaling si Samantha sa mga anak niya tungkol sa sinabi niya at sinabi niya, “Maaari!”
Habang pisil ang pisngi, sinabi ni Matilda, “May regalo ako—regalo para sa inyong dalawa!”
Napagkasunduan na nila na laging libangin ang mga bata at ialis ang atensyon nila mula sa kanilang ama, kahit si Diana, na tita ni Samantha ay kabilang dito!
“Saan? Nasaan ang regalo ko, lola?” sabik na sinuri ni Kenzie ang paligid niya.
“Nasa sasakyan, pero bubuksan natin ito sa bagong bahay ninyo,” suhestiyon ni Matilda bago natawa.
Para maiwasan malaman ng ama ni Samantha ang tungkol sa pagdating nila, umupa ng ibang driver si Matilda na sumundo sa kanila. Ang caregiver ni Matilda, na si Stella, ay kasabwat nila at hindi magsasabi ng kahit na ano kahit na kanino.
Madali silang nakatungo sa First Diamond Hotel, kung saan matatagpuan sa top floor ang condo units, ang iba ay para upahan, ang iba naman ay ipinagbibili. Ang isa dito ay bagong tahanan ni Samantha.
Sinamahan sila ng isang hotel staff at isang bellman habang patungo sila sa fortieth floor papunta sa flat niya. Ang bagong accomodation niya ay isang one hundred square feet floor area, sapat para sa kanya, tita, at kambal niya.
Matapos pumasok sa fully furnished condominium, humanga ang mga bata.
“Wow! Ito ang bago nating bahay, Mommy? Ang ganda!” sambit ni Kenzie habang nakahawak sa mukha niya.
Samantala, si Kyle naman ay tumatango habang sinusuri ang living room space. Sinabi niya, “Ang kintab at bago. Perpekto ito.”
Tumaas ang kilay ni Matilda sa sinabi ni Kyle. Tinignan niya ng masama ang apo niya at sinabi, “Senyales ito. Maaaring katulad siya ng ama niya, Sam.”
“Ano—hindi ko alam, lola,” naiilang na sumagot si Samantha habang mahina ang boses niya
“Chef Samantha, ito ang tahanan ninyo at okay lang maging feeling at home, ichecheck kayo ni Mr. Garcia bukas para pag-usapan ang nalalapit na grand opening ng hotel,” sambit ng hotel staff na ipinakilala kanina ang sarili niya bilang si Cindy.
“Salamat, Cindy, sa pagtulong mo sa amin. Maganda sana ang araw mo,” sambit ni Samantha habang nakangiti.
“Siyempre, Chef Samantha. At oo nga pala, hindi ko mapigilan na sabihin ito. Napaka… ganda mo! Dahil ikaw ang executive chef, hindi aabsent ang kitchen staff sa trabaho!” sambit ni Cindy.
“Napakaganda ni Mommy kaya napakaganda ko din!” sambit ni Kenzie sa pag-uusap nila.
Natawa ang lahat sa living room. Natuwa ng husto si Matilda sa pagiging positibo ni Kenzie at hindi niya napigilan tumawa.
“Tama ka!” sagot ni Cindy habang malapad ang ngiti. Pinuri niya ang bata, “Kaya napakacute mo!”
Humarap si Cindy kay Kyle at sinabi, “Guwapo din ang kapatid mo!” Tinignan niya sandali ang mukha ni Kyle at hindi napigilan sabihin, “Parang… kamukha niya ang boss. Haha! Baka… lang.”
“Kamukha ng boss mo ang kapatid ko?” tanong ni Kenzie. Humarap siya kay Kyle at mukhang may pagkakaintindihan ang dalawa.
“Baka lang. Isang beses ko lang nakita ng personal ang boss, at malayong malayo siya! Wala rin siyang masyadong mga litrato online. Pinipigilan niya ang media na kunan siya ng litrato! Bukod pa doon, siya ang secret CEO ng Wright Diamond Corporation,” paliwanag ni Cindy.
“Anyway, mauna na ako. Ikinagagalak ko na makilala ka, Chef,” sambit ni Cindy bago namaalam.
“Sige, mga bata. Oras na para buksan ang mga regalo ninyo!” sabik na sinabi ni Matilda matapos makita si Cindy umalis.
Habang masaya sina Kyle at Kenzie sa pagbubukas ng mga regalo, kinuha ni Samantha ang pagkakataong ito para lumabas ng balkonahe ng condo unit. Chineck niya ng mabuti ang mga lock, lalo na at may mga anak siya.
Kuntento siya sa safety standards at doon lang niya binuksan ang bintana para makita ang lungsod na minsan siyang tumira, mula sa kanyang flat.
Nagbago na ang Braeton City sa nakalipas na anim na taon. Hindi maitatangging overwhelming ang bagong mga istruktura.
Sa kaliwa niya, nakikita niya ang dating mall kung saan siya isinasama ng ama niya. Tumigil siya sandali bago humarap sa kanan.
Ang mga nagtataasang mga gusali ay nakita niya, pero mukhang lampas dito ang tingin niya at iniisip niya ang military camp sa malayo sa border ng timog ng lungsod.
Huminga ng malalim si Samantha, alam niya na ang direksyon na iyon ay ang mansyon ng kanyang ama. Ang parehong bahay kung saan siya minsan naging masaya hanggang sa nagasawa muli ang kanyang ama.
“Hello Braeton, ako’y nagbabalik,” sinabi niya matapos bumuntong hininga.
“Sam,” lumapit si Matilda sa kanya, naglalakad mag-isa ng walang tungkod.
“Lola, gamitin mo ang wheelchair mo,” ipinaalala ni Samantha.
“Okay lang. Kaya ko pa naman maglakad… hindi lang puwede sa malayuan,’ sambit ni Matilda matapos pilitinn gumiti. “Sam, may kailangan akong sabihin sa iyo.”
“Ano iyon, lola?” sambit ni Samantha habang tinutulungan siya tumungo sa ligtas na lugar sa balkonahe.
“Ang stepsister mo, si Annie? Engaged na sila ni Clayton,” isiniwalat ni Matilda.
Tumango lang si Samantha at sinabi, “Mabuti, lola. Nararapat sila sa isa’t isa.” Habang nakangiti, idinagdag niya, “Hindi na ako nababagabag.”