Share

Kabanata 0007

Author: LiLhyz
“Kyle, anong oras na? Alas nuwebe na ng gabi. Oras na para ibaba mo ang bago mong tablet,” wika ni Samantha bago siya pumasok ng banyo.

Magkahati sila ng kuwarto ng mga anak niya at pareho silang nasa kama. Binigyan sila pareho ni Matilda ng bagong tablet, isang manika para kay Kenzie at sling bag para kay Kyle.

Naghahanda na si Kenzie na matulog, pero nagdodownload pa ng mga apps si Kyle sa tablet niya, iyon ang akala ng nanay niya. Matapos marinig na pagsabihan siyang ibaba na ang tablet, bumuntong hininga siya at sinabi, “Okay, Mommy. Puwede ba ako magtanong tungkol kay Daddy?”

“Bibigyan kita ng sampung minuto pa sa tablet,” sambit ni Samantha bago pumasok ng banyo.

Matapos makita na iniwasan muli ng nanay nila ang topic, nagkatinginan sina Kyle at Kenzie. Natawa si Kenzie at umiling-iling si Kyle.

“Baka government spy si Dad!” suhestiyon ni Kenzie.

“O baka may lihim na mga anak,” sagot ni Kyle.

“Hah! Dapat tayo protektahan ng mayamang lalake mula sa mga masasamang mga tao!” naisip ni Kenzie. “Ito ang dahilan kung bakit lihim na mga anak tayo!”

“Whatever, Kenzie. Ang punto ay, may itinatago si Mommy tungkol kay Daddy,” sagot ni Kyle.

“Naintindihan mo ba ang sinabi ng babae kanina? Na kamukha ka ng boss nila?” tanong ni Kenzie.

“Oo, narinig ko. Kaya ako nasa tablet,” sagot ni Kyle “Wala siyang mga litarato.”

“Pero ang pangalan niya ay Ethan Wright,” dagdag ni Kyle.

Sumingkit ang mga mata ni Kyle sa litrato ng Wright Diamond Corporation Office. Sinabi niya, “Gaano kaya kalayo ang office building?”

“Balak mo ba pumunta doon?” tanong ni Kenzie, lumapit siya sa kapatid niya. “Hindi ka puwede sumakay ng bus mag-isa!”

Bumalik si Kyle sa tabi ng lamesa at nakita ang mga dokumento ng nanay niya sa Wright Diamont Corporation. Ngumiti siya at sinabi, “Mukhang… kailangan natin ito gawin.”

Sa sumunod na umaga, naghahanda si Samantha na ihatid ang mga bata sa bago nilang school. Masuwerte sila na nakaalis sila agad at dalawang linggo pa lang ng magsimula ang iskuwela. Naging madali itransfer ang mga kambal ni Samantha.

Ngunit, dahil walang sapat na pera si Samantha para mag advance pay para sa deposit, binigyan siya ng employment certificate na magpapatunay na kaya niyang magbayad.

Gusto niya itong ipakita sa school para hindi sila magkaroon ng problema sa pagtanggap sa mga anak niya. Ngunit, ang parehong employment certificate ay nawawala mula sa kanyang folder noong umaga.

Tinignan ni Samantha ang mga papeles habang natataranta. Halos alas siyete imedia na ng umaga at magsisimula ang klase ng alas nuwebe! Siguradong malalate sila! Hindi ito maiiwasan!

“Oh, my goodness! Bakit ito nangyayari ngayon?” napahawak si Samantha sa ulo niya, hidni alam kung saan napunta ang nawawalang papel.

Isa lang ang paraan para makakuha ng isa pa, at iyon ang tumungo sa Wright Diamond Corporation.

Habang nakasakay sa taxi, kinailangan niyang isama ang mga bata. Umaasa siyang matatapos niya ang certificate sa loob ng isang oras, para umabot pa din ang mga bata sa klase nila.

Alas otso imedia siya dumating sa lobby ng Wright Diamond Corporation. Habang nakasunod ang kambal niya, dumiretso siya sa reception at hiniling na makita si John Garcia.

“May appointment ka po ba, Miss Davis?” tanong ng isang receptionist.

“Sa kasamaang palad, wala at kanina ko pa sinusubukan makontak si Mr. Garcia, pero mukhang hindi siya sumasagot,” paliwanag ni Samantha dahil sa pagdating niya agad. “Kailangan ko talaga siyang makausap agad.”

Nagkatinginan ang dalawang receptionist, nag-aalala sa kung anong desisyon ang gagawin nila. Ngunit, dahil elegante at makarisma ang babaeng nasa harap nila, napagtanto nila na hindi siya nagsisinungaling.

Bukod pa doon, tumulong si Kenzie sa pagsabi na receptionist, “Pakiusap! Pakiusap. Kailangan ni Mommy ng papeles para makapasok kami sa school. Tulungan mo kami.”

“Sige, tatawagan ko si Mr. Garcia. Sandali lamang,” sambit ng isang receptionist.

Mula sa ika-dalawampung palapag ng Wright Diamond Corporation, sinusuri ni John ang schedule ng boss niya para sa araw na iyon.

Bilang assistant niya, kailangan na sa opisina na siya ng alas siete ng umaga. Kadalasang dumadating si Ethan Wright ng alas siete imedia.

Ang kape niya ay dapat handa na sa oras na dumating siya, kabilang ang maihanda ang pinakamamahalagang mga dokumento na mapirmahan.

Noong nakatanggap siya ng tawag mula sa receptionist, natulala siya ng malaman na si Samantha Davis ito, ang magandang chef na iniisip ng boss niya na kasal na.

“Hmmm.” Sambit niya, “Paakyatin siya. Marahil mahalaga ito.”

Sampung minuto lang ang itinagal bago nakarating si Samantha sa floor kung nasaan ang opisina ng CEO, at madali niyang nakita ang desk ni John. Nagulat si John dahil kasama niya ang kambal niya!

Hindi natutuwa si John sa mga bata, pero nakakatuwang si Kenzie. Pareho ito ng naramdaman niya ng makita niya si Samantha.

Tila ba alam ni Kenzie ang tumatakbo sa isip ni John, lumapit siya sa kanya at iniabot ang kanyang kamay. Sinabi niya, “Hi, ako si Kenzie. Ang munting prinsesa ni Mommy!” Nag-hair flip siya at sinabi, “Ang pinakamagandang limang taong gulang na bata sa lungsod.”

“Apat. Magiging limang taon na siya sa December, pero apat na taong gulang pa din siya sa susunod na dalawang buwan,” paliwanag ni Samantha. Hinawakan niya ng anak niya at sinabi kay John, “Pasensiya na. Madalas siyang… palakaibigan.”

“Huwag ka humingi ng tawad! Nakakatuwa ang bata!” sambit ni John. “Kamukhang kamukha mo siya!”

“Hello, Kenzie. Ako si John. Puwede mo ako tawaging Tito John.” Masayang nakipagkamay si John kay Kenzie.

“Tito John?” humarap siya sa kanyang ina at nagtanong, “Binibigyan din ba tayo ni Tito John ng regalo kapag Pasko?”

Dahil sa sabik at tanong niya, natawa si John at napukaw ang atensyon ng ibang mga sekretarya na ilang cubicle ang layo.

“Pasensiya na,” sambit ni Samantha.

“Ang ang lalake sa likod mo ay si?” tanong ni John, sinusubukan hanapin ang kambal na nakahawak sa palda ng nanay niya.

“Ano, ito si Kyle—Kyle anak. Sige na. Ipakilala mo ang sarili mo kay Mr. Garcia,” wika ni Samantha habang hinahatak ang kamay ni Kyle at ipinapakita siya kay John.

Noong tumayo si Kyle sa harap ni John, malinaw na naging tahimik siya. Lumapit siya paatras at palapit.

Hindi alam ni John kung ilang beses niyang tinagilid ang ulo niya, dahil nakita niya ang pamilyar na itsura ng bata. “Pambihira! Kamukha mo ang boss ko!”

“Bata din ba ang boss mo?” sarcastic ang sagot ni Kyle, nakasingkit rin ang mga mata niya. Ang paraan ng pagsagot niya ay napatawa lalo ng malakas si John.

“Pambihira talaga! Pareho pa sila magsalita!” sagot ni John.

“Mr. Garcia, ano. Baka nagkataon lang na kamukha siya ng boss mo—ano, ang ibig ko sabihin, baka nagkataon lang, o kaya baka ganoon lang ang tingin mo,” suhestiyon ni Samantha bago siya dumiretso sa punto “Mr. Garcia, naparito ako para sa importanteng bagay, sana matulungan mo ako.”

“Oh, okay,” sambit ni John. Isinantabi niya ang hindi maipaliwanag na pagkakamukha sa pagitan ng anak niya at kanyang boss, at nagtanong, “Anong maitutulong ko sa iyo, Samantha?”

Habang ipinapaliwanag ni Samantha ang problema niya kay John, si Kyle at Kenzie ay naglakad-lakad sa opisina, nakita ang nameplate ni Ethan Wright.

Nakita nila ang pinto ng opisina ng CEO, nakatitig sa pangalan.

“Maaari kayang opisina ito ni Daddy?” tanong ni Kenzie

“Isa lang ang paraan para malaman natin,” sambit ni Kyle. “Pasok tayo.”
Comments (53)
goodnovel comment avatar
Adora Miano
oh yeah NAKU palapit na Ang kambal hahaha
goodnovel comment avatar
Dorina
Super nice
goodnovel comment avatar
Keith Tamayo
ilove the story
VIEW ALL COMMENTS

Related chapters

  • Mommy, Where Is Daddy? The Forsaken Daughter's Return   Kabanata 0008

    “Ready?” tanong ni Kyle sa kapatid niya.“Ready!” kumpirma ni Kenzie.Habang papasok ang kambal sa opisina ng CEO ng walang permiso, ipinapaliwanag ni Samantha kay John Garcia ang sitwasyon niya.Sinabi ni John, “Miss Davis, ganito kasi—”Naalerto si John ng marinig niya ang tunog ng mga bata na bin

  • Mommy, Where Is Daddy? The Forsaken Daughter's Return   Kabanata 0009

    “Mananatili po ba ako sa trabaho ko, Mr. Wright?”Pakiramdam ni Ethan Wright mauubos na ang pasensiya niya. Sumandal siya sa upuan niya at niluwagan ang neck tie niya habang nakatingin sa assistant niya.Kasunod ng malalim na buntong hininga, sarcastic niyang sinabi, “Tinanong kita John, tapos sasag

  • Mommy, Where Is Daddy? The Forsaken Daughter's Return   Kabanata 0010

    “Gusto ko po sana i-enroll ang mga anak ko,” sambit ni Samantha sa registration office ng the North Bright Academy. Iniabot niya ang check bilang bayad, kasabay ng enrollment ng mga anak niya, bukod pa sa online evaluation na kinuha nila bago pa sila lumipat sa Braeton.May online discussion assessm

  • Mommy, Where Is Daddy? The Forsaken Daughter's Return   Kabanata 0011

    Mula sa opisina ng CEO ng Wright Diamond Corporation, tinatapik ni Ethan Wright ang daliri niya sa lamesa, hindi siya halos makapagtrabaho habang iniisip ang mangyayari.Tiningnan ni Ethan ang oras at napagtanto na kalahating oras pa bago matapos ang task. Pero, nagulat siya dahil nakatanggap siya n

  • Mommy, Where Is Daddy? The Forsaken Daughter's Return   Kabanata 0012

    “Mr. Wright. May biglaan kang emergency meeting,” sambit ni John Garcia pagaktapos pumasok sa opisina ng CEO.Napasimangot si Ethan sa sinabi ni John, at sinabi niya, “Hindi ako tumatanggap ng late meeting requests. Alam mo iyon John—”“Sir, si Mr. at Mrs. Song ng Changdai—sa kabilang kontinente.” T

  • Mommy, Where Is Daddy? The Forsaken Daughter's Return   Kabanata 0013

    Sinulyapan ni Samantha ang opisina ng CEO, at nagtanong siya, “So makikita ko ba si Mr. Wright?”Si Kyle, walang problema sa usapan na naririnig niya. Nakatitig siya sa pinto ng opisina ng CEO na ilang hakban lang ang layo mula sa kanila. Narinig niya ang sinabi ni John sa nanay niya, “Well, ganito

  • Mommy, Where Is Daddy? The Forsaken Daughter's Return   Kabanata 0014

    Dalawampung minuto ang nakararaan.Isang cleaning lady ang nagvavacuum ng carpet sa eighteenth floor. Napansin niya na may sumusundot sa likod niya.Tumigil ang babae ng makakita siya ng dalawang cute na bata.“Hello, puwede ba kami ituro papunta sa main conference room?” tanong ni Kenzie habang nak

  • Mommy, Where Is Daddy? The Forsaken Daughter's Return   Kabanata 0015

    “Ako—Mula noong bata ako, isang beses lang ako isinama ng mga magulang ko sa isa—sa Gale City. Ipinasara nila ang buong park para sa akin para maglaro,” siwalat ni Ethan. “Aaminin ko, hindi ko naenjoy ang pagpunta ko sa theme park, at least sa pagkakaalala ko. Dapat may kalaro ako, hindi ba?”“Kaya

Latest chapter

  • Mommy, Where Is Daddy? The Forsaken Daughter's Return   Kabanata 0179

    Buwan makalipas ang honeymoon ni Samantha at Ethan, balik na sila sa mga busy nilang buhay.Dahil full operation na ang ikalawang hotel, limang restaurant na ang minamanage ni Samantha sa kabuuan. Mayroon na siyang mahigit sa dalawang daang chef sa ilalim niya, kinakailangan niya magpromote ng dalwa

  • Mommy, Where Is Daddy? The Forsaken Daughter's Return   Kabanata 0178

    Maraming taon ang lumipas simula ng ikasal si Ethan at Samantha. Pero, nanatili ang ganda ni Samantha sa edad niyang tatlumput tatlo. Ang gintong kulay ng buhok niya ay abot na hanggang likodn iya, at mukhang hindi siya tumanda.Medyo dumiretso ang buhok niya, sapat na ang kulot para magmukha siyang

  • Mommy, Where Is Daddy? The Forsaken Daughter's Return   Kabanata 0177

    Isa na namang taon ang lumipas."Winfield, do you take Sarah to be your wedded wife, to live together in marriage? Do you promise to love her, comfort her, honor and keep her for better or worse, for richer or poorer, in sickness and health, and forsaking all others, be faithful only to her, for as

  • Mommy, Where Is Daddy? The Forsaken Daughter's Return   Kabanata 0176

    “Kasunod ng maraming taon ko ng pagsisilbi, opisyal ko na iaanunsiyo ang retirement ko. Isa itong memorable at challenging na taon, sa pagsisilbi sa bansa ko, pero dumating na ang oras para ibigay ang atensyon ko sa maganda kong asawa, si Sarah at sa anak ko,” anunsiyo ni Winfiled Davis habang nakat

  • Mommy, Where Is Daddy? The Forsaken Daughter's Return   Kabanata 0175

    Itinuro ni Blake ang druglord, na kumakain kasama ang grupo ng mga inmate na limang lamesa ang layo at sinabi, “Puwede ninyo subukan kung suwerte kayo at makukuha ang pabor ni Ramon. Ang mga kaibigan niya ay nakakakuha ng manok… at higit pa.”Matapos dalhin ang tray niya, umalis si Blake at iniwan s

  • Mommy, Where Is Daddy? The Forsaken Daughter's Return   Kabanata 0174

    “Dok? Kumusta ito? Tanong ni Ethan matapos bumalik ang doktor dala ang resulta ng recent laboratories ni Samantha.Naupo ang doktor sa desk niya at sinuri ang mga dokumento. Pagkatapos, sumagot siya, sinabi niya, “Ang lahat ay normal, at mahigit sa isang taon na rin naman na.”Habang nakangiti, idin

  • Mommy, Where Is Daddy? The Forsaken Daughter's Return   Kabanata 0173

    Lumipas ang anim na buwan.Lumalaki ng maayos sina Kaleb at Kate. Mabilis din na nadadagdagan ang timbang ng kambal.Madali na silang nakakaupo ng kauti lang ang tulog sa edad na anim na buwan, nagagawa na nilang maglaro kasama ang mga kapatid nila, utal na nagsasalita at tumatawa ng masaya.“Gapang

  • Mommy, Where Is Daddy? The Forsaken Daughter's Return   Kabanata 0172

    Dahil proud siya sa effort ng kanyang asawa, nagtanong si Samantha, “Sigurado ka ba, hon? Madami ka ng sakripisyo lately.” Natawa siya bago sinabi, “Hindi ito bagay para sa CEO.”Natawa si Ethan at sinabi, “Huwag mo lang ito sabihin sa mga executives ko. Hayaan nating manatili silang takot sa pangal

  • Mommy, Where Is Daddy? The Forsaken Daughter's Return   Kabanata 0171

    “John, magpapaternity leave ako ng dalawang linggo,” sambit ni Ethan sa assistant niya sa phone.Narinig niya ang naiilang na sagot ni John, “Ah, boss. Ang pamilya mo ang may-ari ng kumpanya, kaya hindi mo kailangan humingi ng permisso.”May katahimikan sa pagitan nila bago sinabi ni Ethan, “Alam ko

Scan code to read on App
DMCA.com Protection Status