Kanina pa ako nababagot habang tinitingnan ko ang aking Prof. na nagsasalita sa harap. Matanda na ito pero napakalakas pa rin ng boses nito habang nagpapaliwanag tungkol sa pagkamatay ni Rizal. Dinig na dinig iyon sa buong classroom at pakiramdam ko pati na rin sa labas dahil nakikita kong napapalingon ang bawat estudyante na napapadaan sa hallway.
"Hoy!"
Sinamaan ko kaagad ng tingin ang aking katabi. Si Nylen, ang aking kaibigan. Katulad ko ay Teacher din ang kurso nito. Pareho rin kaming nagtatrabaho sa bar kapag gabi. Ang totoo, ito ang tumulong sa akin para makapasok sa Mariposa, ang bar na pinagtatrabahuan ko. Bukod pa roon, magkapitbahay din kami.
"Bakit?" mahinang bulong ko. Sinulyapan ko rin ang aming prof at nakitang nagsasalita pa rin ito. Mabuti na lamang at nasa huling row kami ng upuan kaya medyo tago ang aming kinaroroonan.
"Ngayon na daw 'yong escort service mo."
"Ano?!" malakas na tanong ko. Tiningnan kong muli si Prof. at nakitang papalapit ito sa amin. Napatampal na lamang ako sa noo nang tumigil ito sa aming harapan.
"Miss Santibañez, Miss Madrigal," wika nito. "Gusto niyo bang palayasin ko kayo sa klase?"
"Opo Sir."
Kinurot ko si Nylen sa tagiliran dahil sa sinabi nito. Ngunit, ni hindi man lamang ito nasaktan sa aking ginawa at walang kakurap-kurap na nakatingala pa rin kay prof. Seryoso ang hitsura na para bang nagmamakaawa pa itong palabasin nga kami sa klase. Tiningnan ko rin ang hitsura ni Prof. at gusto kong matawa dahil kunot na kunot ang noo nito habang masama ang tingin sa aking kaibigan.
"Pwede na po ba Sir lumabas?" ungot muli ni Nylen. Ngumiti pa ito ng marahan.
Humugot si Sir nang malalim na paghinga. Nakita ko pa kung paano pandilatan nito ang aking kaibigan. "Get out of my sight!" malakas na sigaw nito na umalingawngaw sa buong silid.
Nanlaki ang aking mga mata pagkatapos ng lahat. Namalayan ko na lang na hawak na ni Nylen ang kaliwang kamay ko at mabilis ang mga hakbang nito na naglakad papalayo sa classroom. Napamura na lamang ako sa isip nang maalala ang sling bag na lalagyan ng aking notebook. Kapagkuwan, ay habol namin ang hininga nang tumigil sa may locker room.
"Tang*na ni Sir! Akala ko hahampasin na ako ng dala niyang libro." Tumawang sambit ni Nylen habang habol ang paghinga. Nang mapakalma nito ang sarili ay kinandatan pa ako na para bang tuwang-tuwa ito sa ginawa.
Sinimangutan ko ito at inirapan. "Bruha! Dinamay mo pa ako sa kalokohan mo! Paano pag bumagsak ako? Sayang ang scholarship ko!" eksaheradong wika ko habang habol din ang sariling paghinga. Tumayo ako nang tuwid pagkatapos at hinampas ito sa braso.
"Tanga! Half scholar ka lang!" sumbat naman nito habang sinisimulang hubarin ang suot na uniform. Blouse and slack na kulay light green iyon na sadyang ginawa para sa mga Education student.
Napailing na lamang ako habang nakatingin kay Nylen. Sadyang makapal ang mukha nito sa kahihiyan dahil kahit ang paghuhubad ng damit ay ibinabalandra nito. Ni hindi nito alintana ang mga mata ng kapwa babaeng estudyanteng nakatingin sa amin samantalang gusto ko nang lamunin ng lupa sa mga sandaling iyon.
"Oh! Ano pang tinatanga mo d'yan? Bilisan mo na Apple. Baka ma-late ka pa sa sugar daddy mo," wika nito nang matapos sa ginagawa. Tumawa pa ito nang hampasin kong muli ito sa braso. "Choke me, Daddy," biro pa nito.
"I hate you," tanging nasabi ko na lamang dito at iniwan na ito para magbihis.
Mabilis ang aming naging byahe ni Nylen. Saktong alas-sais ng gabi ay narating namin ang Mariposa. Tulad ng nakagawian sa likod kami dumaan. May nakakasalubong kaming mga trabahante ng bar na bumabati ngunit sadyang isnabira si Nylen at sumisimangot lamang ito. Napailing na lamang ako at sumunod na dito papasok sa maliit na dressing room.
"Pu*ta! Ang kapal talaga ng mukha ni Buknoy. Nakita mo bang kinindatan ako? Feeling naman niya magugustuhan ko siya!" malakas na wika nito. Eksaherado na nga kung maituturing. Pinaypayan pa nito ang sarili habang nakaupo sa maliit na bangkong plastic kaharap ng salamin.
"Ano ka ba?! Eh, sana kinausap mo ng maayos ang tao na ayaw mong ginaganoon ka." Ipinatong ko ang dalang bag sa maliit na lamesa. "Saka, mabait naman iyon!" dagdag na wika ko.
"Hindi ako pwede sa mabait lang, Apple. Doon ako sa gwapo at marahas sa kama!" sagot muli nito.
Napailing na lamang ako. "Aanhin mo ang gwapo kung sasaktan ka lang naman sa huli," komento ko pa. Sinimulan ko na ring hubarin ang suot na damit. Hindi na ako nahiya kay Nylen dahil pareho naman kaming babae at alam kong hindi ito tomboy.
Ang totoo, maganda si Nylen. Sadyang garapal lang kung magsalita ito. Marahil impluwensya ng kinalakihan nito. Sa Tondo ito nanggaling bago lumipat sa katabi naming bahay ang pamilya nito. Noong una, akala ko hindi ito makabasag pinggan ngunit nagulat na lamang ako habang pinagmumura nito ang mga tambay sa kanto sa aming lugar.
"Oh, Tulala? Naku! Apple, bilisan mo na d'yan!"
Napasimangot ako nang maramdaman kong may pumalo sa aking pwetan. Tatawa-tawang lumipat si Nylen ng pwesto at mabilis na lumayo sa akin. Tiningnan ko ito ng masama at pinandilatan ngunit kinindatan lamang ako ng bruha. Ang sarap talagang sabunutan ni Nylen kung hindi ko lang siya kaibigan.
"Alam mo Apple, nakakasawa na rin talaga ang buhay ko. Minsan gusto ko na lang mawala para malimutan ang lahat."
Natigil ako sa pag-aayos nang marinig ko si Nylen. Sinilip ko ito sa salamin at nakitang nakayuko ito habang isinusuot ang tube dress nitong kulay itim kapares ng suot nitong fitted black skirt. Habang nakalugay naman ang hanggang leeg nitong buhok. Tuwid na tuwid iyon dahil kakaplantsa pa lamang ng aking kaibigan. Ang mukha nito na may make-up ay binagayan naman ng hikaw na halos kasing laki ng suot nitong bangle sa palapulsuhan nito.
"Sayang naman ang buhay mo kung magpapakamatay ka lang. Mababawasan ang maganda sa mundo!" pabirong turan ko dito.
Maganda si Nylen, iyon ang totoo. Mabait din ito kung minsan. Madalas man itong pilya at mapaglaro alam kong katulad ko ay malungkot din ito. Nakikita ko iyon sa mga mata nito kahit hindi pa ito magsabi sa akin. Ayaw ko na ring magtanong pa. I believed that it was better to respect each privacy. Lalo na kapag hindi na ito nagsasabi. Alam ko kasing kapag handa na ito, magsasabi rin ito ng mga hinaing sa buhay.
"Huwag ka nang malungkot, Nylen. Make-upan mo na lang ako, dali!" dagdag ko pa para mawala ang kakaibang awra na unti-unti sumisibol sa pagitan naming dalawa.
Ayaw kong malungkot. Ayaw kong isipin ang lahat ng problema na meron ako. Ayaw kong alalahanin ang lahat ng kamiserablehan ko sa buhay. Hindi naman kasi ako bato para hindi masaktan sa lahat. Hindi rin ako manhid para hindi maawa kay Nanay at sa sinapit namin. Kaya habang kaya ko pa, nagpapatianod na lamang ako sa daloy ng buhay. Ngingiti. Masasaktan. Ngunit, hinding-hindi susuko.
Nang matapos ako sa pag-aayos sa tulong ni Nylen ay agad namang dumating si Mamita. Katulad ko ay bihis na bihis din ito. Isang formal sequined gown na kulay green ang suot nito habang may nakasukbit na Channel sa balikat. Peke iyon alam ko. Maayos din ang buhok nito na kinulot ng sadya. Habang punum-puno ng make-up ang mukha.
"Oh! Apple, handa ka na ba?" tanong nito kapagkuwan matapos sipatin ang aking kabuuan.
Magkatabi kami ni Nylen sa gitna ng dressing room habang kaharap naman namin si Mamita. Palipat-lipat ang tingin nito sa amin habang pinapaypayan ang sarili na para bang napakainit sa buong lugar. Istrikto ang hitsura nito na mas lalong nadepina sa makurba nitong kilay. Mukhang kilay is life din si Mamita.
"Apple? Nakikinig ka ba?"
"Ha? Ay, opo!"
Pinagalitan ko ang sarili matapos mautal. Narinig ko namang napahagikhik si Nylen kaya sinulyapan ko ito at sinamaan ng tingin. Nagkibit-balikat lamang ito at napailing habang muling binalingan ng tingin si Mamita na nakakunot ang noong nakatingin sa amin.
"Nakaka-distract kasi 'yang kapal ng make-up mo, Mamita. Mukhang make-up pamburol. Papanaw ka na ba?"
Tinampal ko si Nylen sa braso nito habang nanlalaki ang aking mga mata. Takot ko ring binalingan si Mamita at napapikit na lang nang makita ang hitsura nito. Halatang nagpipigil lamang ito ng galit habang nakasimangot ang mukha.
"Lumayas ka dito Nylen at baka mahampas kitang bata ka!" babala nito.
Mabilis namang tumalima ang aking kaibigan at iniwan kami ni Mamita. Kinindatan pa muli ako nito at sininyasan bago tuluyang lumabas nang may nakakalokong ngiti sa labi. Napailing na lamang ako nang tuluyan itong mawala sa aking paningin.
"Oh, ano? Kaya mo ba? Handa ka na ba? Naghihintay na sa iyo si Mr. Hernan," untag sa akin ni Mamita.
Huminga muna ako ng malalim bago sumagot, "Kakayanin." Ngumiti ako ng alanganin dito.
"Good! Now, tara na. Baka magbago pa ang isip mo," wika nito bago ako hinila papalabas ng dressing room.
Naglakad kami ni Mamita sa loob ng mismong bar. Wala pang gaanong tao dahil magbubukas pa lamang ito. Abala ang lahat sa pagprepara sa mga mesa habang ang iba naman ay naglilinis ng mga naiwang kalat nang nagdaang gabi. I even glanced and waved to Nylen who was busy doing her thing in the liquour counter. Tiyak akong magpapasikat na naman ito mamaya para sa mga parokyano. Isa kasi itong barista at performer rin kung minsan.
Nang tuluyan kaming makalabas sa Mariposa ay saka pa lamang dumagundong ng tibok ang aking puso. It was my first time to be an escort, and I didn't have any idea about it. Ang tanging alam ko lang, kamay lang ang hahawakan ni Mr. Hernan sa akin.
"Oh, nandito na tayo. Umayos ka," untag ni Mamita sa akin. Sumunod naman ako at agad na itinaas ang paningin.
Nag-aagaw ang araw at ang kadiliman ngunit hindi pa rin nito nagawang palisin ang imahe na nasa aking harapan. Klaro ko itong nakita habang nakatayo sa gilid ng sasakyan nito. Nakangiti sa akin kaya't kitang-kita ko ang kulay ginto sa gilid ng ngipin nito. Habang hindi rin maikakaila ang kislap na nagmumula sa mga mata nito. He was old and bald. Suot naman nito ay isang mamahaling tuxedo.
Gusto kong mapangiwi. Gusto ko ring tumakbo pabalik sa bar at mag-waitress na lang sa buong gabi. Ngunit, hindi ko nagawa. O sadyang hindi ko magawa dahil nagsusumiksik sa balintataw ko si Mommy at ang paghihirap nito.
This was for us.
Bahala na.
@sheinAlthea
Halos hindi ako makagalaw nang tuluyan akong pumasok sa magarang sasakyan ni Mr. Hernan. Isa itong black Chevrolet latest edition na fully costumized ang loob. May upuan na mukhang sofa na kung titingnan. Kulay asul iyon at magaan sa mata dahil bumagay sa kurtinang nakasabit sa bintana ng sasakyan. Mayroon ding malaking flat T.V. sa aming harapan. Habang sa hinuha ko ay soundproof naman ang buong lugar."I will be so lucky tonight. Apple right?"Natigil ang pag-iisip ko at tiningnan si Mr. Hernan. Nakangiti ito sa akin habang may kislap ang mga mata. Nakita ko na naman ang gintong bagay sa ngipin nito. Gusto ko sanang ikutan siya ng mga mata ngunit pinigilan ko ang sarili. Minura ko pa ang aking isip para lang huwag gawin ang bagay na iyon."Ah, yes Sir. Apple!"Ngumiti ako pero pakiramdam ko ngiwi ang nagawa ko. Umusog din ako ng konte papalayo dito dahil parang gusto kong masuka. Amoy na amoy ko ang paba
Hindi ko alam kung ano ang dapat kong maramdaman sa pagkakataong iyon. Pareho kaming nakatayo ni Sir Condrad sa gilid ng railing habang patuloy naman ito sa pagsasalita. Nakikinig lang din ako dito na para bang interesado ako sa lahat ng sinasabi nito. Tumatango kapag kailangan at sumasagot kapag tinatanong."So, you're taking up Education?" tanong ulit nito.Ngumiti ako dito. "Yes, Sir."Ibinaling kong muli ang paningin sa malawag na karagatan. Kalat na ang kadiliman sa buong paligid. May mangilan-ngilang ilaw akong nakikita ngunit napakalayo niyon. Hindi rin nakatulong ang mga bituin sa langit dahil wala namang gaanong naroon. Maging ang buwan ay payapang nagtatago sa makapal na ulap na para bang nahihiya."Please, don't call me Sir. Call me by my name," naagaw ang atensyon ko nang magsalitang muli si Sir Condrad. Tumango na lamang ako dito ng marahan bilang pagsang-ayon. I felt awkward but I just shrugg
Numb. I felt total numbness in my being. The water was soaking with my bareness but I couldn't feel anything. I could see the depths of the sea but it was all blurry. It was also empty and lonely. How ironic it was, when the only way that I could think to save me was the thing that could send me to destruction. How funny it was when I thought that I could trust the person was actually the one that could stab me behind my back. I was clearly tricked. And, I was too fool to believed all the lie. "Mommy, I will never leave you." I am numbed but I could still feel my heart ached when I remembered that certain memory from the past. Akala ko namanhid na ang puso ko dahil sa lamig at kawalang pag-asa. I thought, I could easily vanished. But, whenever I saw my mother's beautiful face, I just couldn't. Hindi pa dapat. She was waiting for me to come back home. Hindi dapat ako magpatalo
"Putang*na! Ginawa 'yon ni Mr. Hernan?!"Kaagad kong tinakpan ang aking tainga dahil sa sigaw na iyon ni Nylen. Nasa bahay nila ako dahil matapos ang nangyari sa akin sa cruise ship ay dito na ako dumiretso. Marcus, helped me in everything I needed to escape. Hindi ako nito iniwan. Ito rin mismo ang kumuha ng taxi para sa akin at nagbayad na rin."Hayaan mo na--""Anong hayaan?! Tanga ka ba, Apple? Muntik ka nang ma-rape ng gurang na 'yon! Hahayaan mo lang?"I looked at Nylen pacing back and forth in front of me. Ramdam ko ang inis nito para sa akin at para sa nangyari sa akin. Sinubunutan din nito ang sariling buhok at nagmura ng paulit-ulit hanggang sa lumapit muli ito sa akin at tinitigan ako ng mariin."Hindi pwede ang ganiyan. Agrabyado ka kahit pumayag kang maging escort. P*ta naman, oh!" inis na wika pa rin nito. Kapagkuwan, ay tinapihan ako sa pagkakaupo sa kama nito. "Nas
"Pasensya ka na, Apple. Hindi ko naman kasi akalain na magagawa iyon ni Mr. Hernan. Maayos ang usapan namin na kamay lang ang hahawakan sa iyo."Iyon kaagad ibinungad sa akin ni Mamita nang makapasok ako sa opisina nito. Naglalakad ito sa harapan ko ng pabalik-pabalik habang hawak ang pamaypay nito. He looked apologetic to what happened to me. Ramdam ko rin sa boses nito ang pag-aalala.Ipinatawag kaagad ako ni Mamita nang malamang nagbalik na ako sa trabaho. Isang linggo na rin ang lumipas nang lumiban ako. Isang linggo na ring kapos ang budget ko para sa bahay kaya naisipan kong bumalik. Ang totoo, ayaw ko na sanang bumalik sa bar. Natatakot na ako sa lahat ng posibleng mangyari. Ngunit, kung matatakot lang ako at maghihintay, gutom naman ang papatay sa akin. Hindi ko na nga halos alam kung saan pa ako kukuha ng pambayad para sa eskwelahan. Hindi ko na rin alam kung may natira pa ba sa perang iniipon ko.Mahirap.
Palakpakan.Hiyawan.Panaka-nakang pagsipol.Normal na halos para sa akin ang ingay na nililikha ng mga parokyano sa bar. Normal na ang makakita ng nag-iinuman. Mga nagsasayawan at mga mukhang nagsasayahan. Ngunit sa mga nakalipas na araw, nagiging hindi ako sanay. Nakakapanibago. Lalo na dahil ang dahilan ng lahat ay si Marcus. Ang presensya nito at ang bughaw nitong mga mata na pakiramdam ko ay laging nakatitig sa akin."Ang galing talaga ni Marcus. Mas dumami ang costumer ng bar dahil sa kaniya," si Flor ang nagsalita. Magkatabi kaming tatlo nina Nylen sa labas ng pantry. Kaharap lamang nito ang bar counter kung saan pinagkakaguluhan at pinapalibutan ng mga kababaihan dahil sa isang palabas na ginawa ni Marcus."Sus! Kaya ko naman 'yang ginagawa niya, noh! Feeling gwapo lang 'yang kurimaw na 'yan!" may halong inis naman na wika ni Nylen.Napatingin ako sa direksyo
Isang tapik sa aking balikat ang nagpagising sa aking mahimbing na pagkakatulog. Binalak kong hindi ito pansinin at mas ipinulupot pa ang kumot sa aking katawan ngunit sadyang makulit ito. The tapping of my shoulder became vivid that I couldn't seem to sleep again. Sa huli, napabuntonghininga na lamang ako at ibinuka ang mga mata."Gumising ka na. Tanghali na, Apple. Mag-ayos ka na at kumain," narinig kong wika ni Mommy."Pwede po bang pass muna ngayon, My? Gusto ko pa pong matulog,"ungot ko rito. Nakatalukbong pa rin ako ng kumot habang nakatagilid ang aking posisyon.Ang totoo, pagod na pagod ako dahil sa ginawa naming paglalakad ni Marcus kagabi. Tulad nga ng sinabi nito, hinatid niya ako sa bahay. He accompanied me and talked nonstop. Para bang sobrang lapit namin sa isat-isa na halos lahat ng gusto nito ay nasabi na sa akin. He was very talkative which I found myself being engrossed to whatever he said. Hindi ko na ri
All my life I never really knew what was meant by true happiness. Matagal ko nang hindi naramdaman ang pakiramdam ng maging masaya. Mula noong itaboy kami ni Daddy at pinili ni Mommy na mamuhay ng malayo sa mga kamag-anak namin, hindi ko na rin alam ang pakiramdam. Pakiramdam na malayang nakakangiti at totoong kaligayahan sa puso.I admitted I caged my heart from seven years ago. Ikinulong ko ang sarili ko dahil pakiramdam ko kailangan. I made myself strong for the past years despite of the fact that I am really vulnerable. Kasama na roon ang ngumiti ng totoo. But now that Marcus was with me, I just couldn't explain the emotions that he brought to me. It was new yet it was also overwhelming. Sinungaling ako kung sasabihin kong hindi ako masaya. Sinungaling ako kapag sasabihin kong hindi ko gusto ang ginagawa nito sa akin."Ayos ka lang ba, Mansanas?"My thought got interrupted from Marcus' baritone voice. I instantly shift