Condrad Aguirre POVChance. When I was young and got the dream I wanted, I thought I have all the chance in the world. Madali sa akin ang makuha ito. Madali sa akin ang magtagumpay. Ngunit nang nagmahal ako, sinampal ako ng katotohanang may mga bagay na hindi para sa akin. But I was cruel. I took that chance for my own gain; kahit na ang kapalit ay ang pagkawala ng lahat sa akin. Apple Santibañez, an alluring woman that captured and melted the coldest part of my heart. Akala ko, hindi kailanman titibok ang puso ko para sa isang babae. But when she came, the chance was clear to me. Selfishly, I grabbed it, even if I was hurting her in the process. A chance to love. I had it once. I lived with it. The happiest of my life. Akala ko hindi na matatapos ang lahat. Ngunit kung ang mga bagay ay pinilit lang, wala iyong kásiguraduhan. The chance I had ended. Ang masakit, kasama ng pagkatapos ang pagkalimot. "Sino ka?" My eyes widened. I was in tears. My heart was in pain and scattered
Pinunasan ko pa ang pawis sa aking noo gamit ang aking kamay habang ang isa naman ay nilililis ang hem ng suot kong gown. Hanggang sa simbahan ay dala ko ang inis dahil sa katotohanang wala akong salawal. Napawi lamang iyon nang magsimula ang seremonyas at nagsimulang maglakad ang bride sa malawak na aisle ng simbahan patungo sa altar.Wearing a V-neck white long gown, Olive Trinidad walked like a queen. Sa saliw ng musikang Beautiful in White ni Shane Filan, dahan-dahan ang paglalakad nito patungo sa altar. Habang naghihintay naman doon ang dating asawa nitong si Atlas Ramirez.I smiled as I remember the memories. Ako ang dating sekretarya nito sa klinik. Ako ang nakakakita sa paghihirap nito dahil sa asawa. Sa mga impit na iyak nito kapag nag-iisa na lamang sa opisina. Ngunit ngayon, wala nang bakas ng sakit mula rito."Mahal kita, Olive. Mahal kita noon at mas mamahalin kita ngayon. Sampung taon tayong nagtiis. Tatlong
Napabuntonghininga ako matapos buksan ang plywood na pintuan ng aming apartment na tinitirhan. Mabilis ko ring sinuyod ang buong silid at napangiwi sa nakita. Kalat na naman ang buong bahay dahil sa pinilas na diyaryo at nilamukos na papel."'My!" malakas na tawag ko dito kasabay ng dahan-dahang pagpasok sa loob ng aming bahay. Padabog ko ring inilapag ang lumang shoulder bag na gamit ko sa eskwelahan.Hinanap ko kaagad si Mommy at napailing na lamang nang mabungaran ito sa maliit naming kusina na gawa rin sa plywood. Nakasubsob ang mukha sa lamesa at mukhang tulog. Tulad ng inaasahan ko, lasing na naman ito.Nagkalat ang basyo ng matapang na alak sa lamesa habang ang plastic na pitcher ay may laman pang kaunting juice. Nasa lamesa pa nga ang sachet niyon at humalo rin sa kalat. Mayroon namang isang platitong isaw na ginawa marahil nitong pulutan na sa hinuha ko ay sa itinitinda nitong barbecue na naman nanggaling.
Kanina pa ako nababagot habang tinitingnan ko ang aking Prof. na nagsasalita sa harap. Matanda na ito pero napakalakas pa rin ng boses nito habang nagpapaliwanag tungkol sa pagkamatay ni Rizal. Dinig na dinig iyon sa buong classroom at pakiramdam ko pati na rin sa labas dahil nakikita kong napapalingon ang bawat estudyante na napapadaan sa hallway."Hoy!"Sinamaan ko kaagad ng tingin ang aking katabi. Si Nylen, ang aking kaibigan. Katulad ko ay Teacher din ang kurso nito. Pareho rin kaming nagtatrabaho sa bar kapag gabi. Ang totoo, ito ang tumulong sa akin para makapasok sa Mariposa, ang bar na pinagtatrabahuan ko. Bukod pa roon, magkapitbahay din kami."Bakit?" mahinang bulong ko. Sinulyapan ko rin ang aming prof at nakitang nagsasalita pa rin ito. Mabuti na lamang at nasa huling row kami ng upuan kaya medyo tago ang aming kinaroroonan."Ngayon na daw 'yong escort service mo.""Ano?!" mal
Halos hindi ako makagalaw nang tuluyan akong pumasok sa magarang sasakyan ni Mr. Hernan. Isa itong black Chevrolet latest edition na fully costumized ang loob. May upuan na mukhang sofa na kung titingnan. Kulay asul iyon at magaan sa mata dahil bumagay sa kurtinang nakasabit sa bintana ng sasakyan. Mayroon ding malaking flat T.V. sa aming harapan. Habang sa hinuha ko ay soundproof naman ang buong lugar."I will be so lucky tonight. Apple right?"Natigil ang pag-iisip ko at tiningnan si Mr. Hernan. Nakangiti ito sa akin habang may kislap ang mga mata. Nakita ko na naman ang gintong bagay sa ngipin nito. Gusto ko sanang ikutan siya ng mga mata ngunit pinigilan ko ang sarili. Minura ko pa ang aking isip para lang huwag gawin ang bagay na iyon."Ah, yes Sir. Apple!"Ngumiti ako pero pakiramdam ko ngiwi ang nagawa ko. Umusog din ako ng konte papalayo dito dahil parang gusto kong masuka. Amoy na amoy ko ang paba
Hindi ko alam kung ano ang dapat kong maramdaman sa pagkakataong iyon. Pareho kaming nakatayo ni Sir Condrad sa gilid ng railing habang patuloy naman ito sa pagsasalita. Nakikinig lang din ako dito na para bang interesado ako sa lahat ng sinasabi nito. Tumatango kapag kailangan at sumasagot kapag tinatanong."So, you're taking up Education?" tanong ulit nito.Ngumiti ako dito. "Yes, Sir."Ibinaling kong muli ang paningin sa malawag na karagatan. Kalat na ang kadiliman sa buong paligid. May mangilan-ngilang ilaw akong nakikita ngunit napakalayo niyon. Hindi rin nakatulong ang mga bituin sa langit dahil wala namang gaanong naroon. Maging ang buwan ay payapang nagtatago sa makapal na ulap na para bang nahihiya."Please, don't call me Sir. Call me by my name," naagaw ang atensyon ko nang magsalitang muli si Sir Condrad. Tumango na lamang ako dito ng marahan bilang pagsang-ayon. I felt awkward but I just shrugg
Numb. I felt total numbness in my being. The water was soaking with my bareness but I couldn't feel anything. I could see the depths of the sea but it was all blurry. It was also empty and lonely. How ironic it was, when the only way that I could think to save me was the thing that could send me to destruction. How funny it was when I thought that I could trust the person was actually the one that could stab me behind my back. I was clearly tricked. And, I was too fool to believed all the lie. "Mommy, I will never leave you." I am numbed but I could still feel my heart ached when I remembered that certain memory from the past. Akala ko namanhid na ang puso ko dahil sa lamig at kawalang pag-asa. I thought, I could easily vanished. But, whenever I saw my mother's beautiful face, I just couldn't. Hindi pa dapat. She was waiting for me to come back home. Hindi dapat ako magpatalo
"Putang*na! Ginawa 'yon ni Mr. Hernan?!"Kaagad kong tinakpan ang aking tainga dahil sa sigaw na iyon ni Nylen. Nasa bahay nila ako dahil matapos ang nangyari sa akin sa cruise ship ay dito na ako dumiretso. Marcus, helped me in everything I needed to escape. Hindi ako nito iniwan. Ito rin mismo ang kumuha ng taxi para sa akin at nagbayad na rin."Hayaan mo na--""Anong hayaan?! Tanga ka ba, Apple? Muntik ka nang ma-rape ng gurang na 'yon! Hahayaan mo lang?"I looked at Nylen pacing back and forth in front of me. Ramdam ko ang inis nito para sa akin at para sa nangyari sa akin. Sinubunutan din nito ang sariling buhok at nagmura ng paulit-ulit hanggang sa lumapit muli ito sa akin at tinitigan ako ng mariin."Hindi pwede ang ganiyan. Agrabyado ka kahit pumayag kang maging escort. P*ta naman, oh!" inis na wika pa rin nito. Kapagkuwan, ay tinapihan ako sa pagkakaupo sa kama nito. "Nas