Share

Mistress Series: Bedroom Negotiations
Mistress Series: Bedroom Negotiations
Author: Shein Althea

Simula

Pinunasan ko pa ang pawis sa aking noo gamit ang aking kamay habang ang isa naman ay nilililis ang hem ng suot kong gown. Hanggang sa simbahan ay dala ko ang inis dahil sa katotohanang wala akong salawal. Napawi lamang iyon nang magsimula ang seremonyas at nagsimulang maglakad ang bride sa malawak na aisle ng simbahan patungo sa altar.

Wearing a V-neck white long gown, Olive Trinidad walked like a queen. Sa saliw ng musikang Beautiful in White ni Shane Filan, dahan-dahan ang paglalakad nito patungo sa altar. Habang naghihintay naman doon ang dating asawa nitong si Atlas Ramirez.

I smiled as I remember the memories. Ako ang dating sekretarya nito sa klinik. Ako ang nakakakita sa paghihirap nito dahil sa asawa. Sa mga impit na iyak nito kapag nag-iisa na lamang sa opisina. Ngunit ngayon, wala nang bakas ng sakit mula rito.

"Mahal kita, Olive. Mahal kita noon at mas mamahalin kita ngayon. Sampung taon tayong nagtiis. Tatlong taon tayong naghiwalay. Apat na taon naman tayong naghintay na mangyari ang lahat ng ito. I love you and Baby Olive loves you too."

Napangiti ako nang makita ang pag-alog ng balikat ni Sir Atlas. Alam kong umiiyak ito dahil sa tuno ng boses nito habang nagsasalita. My tears fall when I saw Ma'am Olive hugged him tight. Maging ang anak nilang tatlong taon ay dahan-dahan ding naglakad papalapit sa mga ito habang nakasunod lamang si Senator sa likod ng bata.

Kay sarap sanang isipin na may isang taong handang maghintay sa tamang pagkakataon. May taong inilaan para sa bawat isa. Kaysarap sanang maranasan ang pag-ibig na kinababaliwan ng iba. Hindi ko tuloy maiwasang mainggit sa aking nakikita.

Miracle. Iyon ang kailangan ko. Katulad ng anak ni Ma'am Olive na ibigay ng Diyos para sa mga ito. Ngunit, sino nga ba ang maaawa sa isang katulad ko? Sa isang makasalanang babaeng tulad ko?

"Kanina pa kita hinihintay."

Hindi ko na kailangan pang lingunin kung sino ang nagsalita sa aking tabi. Bakit pa kung sa araw-araw na ginawa ng Diyos ay ang boses nito ang nagsisilbing almusal at hapunan ko? Ang aking kalbaryo.

"Bakit mo naman ako hahanapin? Kasal 'to ng pamangkin mo at nandito ang asawa mo Condrad. Gusto mo bang masira ka sa lahat?" tanong ko rito. Ni hindi ko man lamang ito sinulyapan.

"Sumasagot ka na talaga ngayon!"

Mahigpit ang pagkakahawak ni Condrad sa aking braso ngunit mas matigas ako. Masakit ang bawat diin nito sa aking balat ngunit mas masakit ang guwang sa puso ko. Ang akala kong taong tutulong sa akin ay siyang magsasadlak sa akin sa impyerno.

Habang nakatanaw ako sa bagong kasal na nasa altar kasama ang kanilang anak ay hindi ko napigilang mapangiti ng mapait. Hindi ko napigilang alalahanin ang nakaraan. Ang balikan ang mga alaala.

Paano nga ba nagsimula ang lahat?

Paano ko nga ba nakayang manira ng pamilya?

Paano nga ba ako naging isang kabit?

@sheinAlthea

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status