"Pasensya ka na, Apple. Hindi ko naman kasi akalain na magagawa iyon ni Mr. Hernan. Maayos ang usapan namin na kamay lang ang hahawakan sa iyo."
Iyon kaagad ibinungad sa akin ni Mamita nang makapasok ako sa opisina nito. Naglalakad ito sa harapan ko ng pabalik-pabalik habang hawak ang pamaypay nito. He looked apologetic to what happened to me. Ramdam ko rin sa boses nito ang pag-aalala.
Ipinatawag kaagad ako ni Mamita nang malamang nagbalik na ako sa trabaho. Isang linggo na rin ang lumipas nang lumiban ako. Isang linggo na ring kapos ang budget ko para sa bahay kaya naisipan kong bumalik. Ang totoo, ayaw ko na sanang bumalik sa bar. Natatakot na ako sa lahat ng posibleng mangyari. Ngunit, kung matatakot lang ako at maghihintay, gutom naman ang papatay sa akin. Hindi ko na nga halos alam kung saan pa ako kukuha ng pambayad para sa eskwelahan. Hindi ko na rin alam kung may natira pa ba sa perang iniipon ko.
Mahirap.
Palakpakan.Hiyawan.Panaka-nakang pagsipol.Normal na halos para sa akin ang ingay na nililikha ng mga parokyano sa bar. Normal na ang makakita ng nag-iinuman. Mga nagsasayawan at mga mukhang nagsasayahan. Ngunit sa mga nakalipas na araw, nagiging hindi ako sanay. Nakakapanibago. Lalo na dahil ang dahilan ng lahat ay si Marcus. Ang presensya nito at ang bughaw nitong mga mata na pakiramdam ko ay laging nakatitig sa akin."Ang galing talaga ni Marcus. Mas dumami ang costumer ng bar dahil sa kaniya," si Flor ang nagsalita. Magkatabi kaming tatlo nina Nylen sa labas ng pantry. Kaharap lamang nito ang bar counter kung saan pinagkakaguluhan at pinapalibutan ng mga kababaihan dahil sa isang palabas na ginawa ni Marcus."Sus! Kaya ko naman 'yang ginagawa niya, noh! Feeling gwapo lang 'yang kurimaw na 'yan!" may halong inis naman na wika ni Nylen.Napatingin ako sa direksyo
Isang tapik sa aking balikat ang nagpagising sa aking mahimbing na pagkakatulog. Binalak kong hindi ito pansinin at mas ipinulupot pa ang kumot sa aking katawan ngunit sadyang makulit ito. The tapping of my shoulder became vivid that I couldn't seem to sleep again. Sa huli, napabuntonghininga na lamang ako at ibinuka ang mga mata."Gumising ka na. Tanghali na, Apple. Mag-ayos ka na at kumain," narinig kong wika ni Mommy."Pwede po bang pass muna ngayon, My? Gusto ko pa pong matulog,"ungot ko rito. Nakatalukbong pa rin ako ng kumot habang nakatagilid ang aking posisyon.Ang totoo, pagod na pagod ako dahil sa ginawa naming paglalakad ni Marcus kagabi. Tulad nga ng sinabi nito, hinatid niya ako sa bahay. He accompanied me and talked nonstop. Para bang sobrang lapit namin sa isat-isa na halos lahat ng gusto nito ay nasabi na sa akin. He was very talkative which I found myself being engrossed to whatever he said. Hindi ko na ri
All my life I never really knew what was meant by true happiness. Matagal ko nang hindi naramdaman ang pakiramdam ng maging masaya. Mula noong itaboy kami ni Daddy at pinili ni Mommy na mamuhay ng malayo sa mga kamag-anak namin, hindi ko na rin alam ang pakiramdam. Pakiramdam na malayang nakakangiti at totoong kaligayahan sa puso.I admitted I caged my heart from seven years ago. Ikinulong ko ang sarili ko dahil pakiramdam ko kailangan. I made myself strong for the past years despite of the fact that I am really vulnerable. Kasama na roon ang ngumiti ng totoo. But now that Marcus was with me, I just couldn't explain the emotions that he brought to me. It was new yet it was also overwhelming. Sinungaling ako kung sasabihin kong hindi ako masaya. Sinungaling ako kapag sasabihin kong hindi ko gusto ang ginagawa nito sa akin."Ayos ka lang ba, Mansanas?"My thought got interrupted from Marcus' baritone voice. I instantly shift
Maaga akong nagising kinabukasan. Ewan ko ba. Hindi nga yata ako nakatulog dahil sa nangyari sa harap ng Manila Bay. Dahil sa halik ni Marcus sa akin. Iba kasi ang epekto nito sa aking sarili na pakiramdam ko hindi nawala ang halik nito. O, sadyang ako lang ang tanging nag-iisip na hindi ito nawala? Habang nakaharap ako sa malaking salamin ng sarili kong tokador hindi ko maiwasang iangat ang kamay at haplusin ang aking labi. It was still warm. Katulad na katulad ng pakiramdam ko habang nakalapat ang labi ni Marcus sa akin.“Oh, hindi ka ba papasok?" tanong ni Mommy sa akin. Kakapasok lang nito sa loob ng aking silid bitbit ang basket ng may maruruming damit.“Mamaya pa po ang klase ko, My. Half day lang po ako ngayon,” sagot ko rito.Nakita kong tumango ito habang maingat na inilalagay ang nga damit ko sa basket. I smiled as I watched her every move. Dispite of being skinny, my mom was still beautiful. Ma
Hindi ko alam kung paano ko pa nagawang maging matatag sa kabila ng lahat ng nangyari. Hindi ko alam kung paano ko nagawang patuloy na nakatayo kahit halos hindi na maproseso ng isip ko ang lahat. Hanggang narating namin ang presinto at ikinulong nila sa selda si Mommy, hindi ko pa rin halos maintindihan ang lahat.The truth was, I wanted to break down. I wanted to whipped and screamed my heart out for what was happening. Gusto kong awayin ang lahat at sabihing nagkakamali sila, ngunit sadyang pagod na ako. Pagod na ang puso ko sa lahat. Na kung may pagkakataon lamang ito mas gugustuhin na lamang nitong sumuko. Pero hindi maaari. Because I knew it was not the best option as of the moment."Ayos ka lang ba?" narinig kong wika ni Nylen sa aking tabi. Naramdaman ko rin ang mga kamay nito sa aking likod na marahang humahaplos doon."Hindi ko alam kung magiging maayos pa ako," mahinang sagot ko rito."Ano ka ba
Umuwi kami ni Nylen kinaumagahan. Iniwan ko si Mommy kahit ayaw ko sanang gawin. Naisip kong tama si Nylen. I should always keep my sane. Ngayon ko dapat gamitin ang utak ko. Ngayon ko dapat mas lalong patatagin ang sarili. Marahil tama siya nang sabihin niyang pagsubok lang ito sa akin.Hindi na ako natulog pagdating sa bahay. Mabilis akong naligo at nagbihis ng maayos. Maong na kupas at T-shirt na puti na pinatungan ko ng maong ring jacket. Hinayaan kong nakalugay ang alon-alon kong buhok at isunuot ang aking sneakers.Desidido ako sa pupuntahan. Hindi ko man sigurado na tutulungan ako nito pero kailangan kong sumugal. Kinuha ko ang papel na nasa ibabaw ng mesa na ibinigay sa akin ng pulis na kinausap ko kagabi para hingan ng tulong.Akala ko wala na itong pakialam ngunit nagulat na lamang ako nang iabot nito ang isang maliit na papel sa akin. Nakasulat doon ang pangalan ng isang kilalang attorney. Mas lalo akong n
"Are you okay, Apple? Kinakabahan ka ba?"Naagaw kaagad ang aking pansin nang magsalita si Attorney Kraius Montreal. Magkatabi kaming dalawa sa kotse nito habang binabaybay ang kahabaan ng EDSA. Hindi gaanong traffic kaya mas magaan ang pagpapatakbo nito. Mabilis nga iyon kumpara sa normal na araw ko kapag sasakay ng jeep. Gayunpaman, mararamdaman pa rin ang pag-iingat sa bawat kambyo at tapak nito sa preno."Ayos lang naman po ako. Medyo kinakabahan lang ng konti," sagot ko rito. Binalingan ko rin ito ng tingin at nakitang seryoso lamang ang mga mata nitong nakatuon sa harapan.Kraius chuckled beside me. Sinulyapan rin ako nito. "Masyado na ba akong matanda para i-po? Call me by my name, instead."Tumango ako kahit hindi na nito iyon nakikita. I even smiled a bit because what Mr. Montreal told me lessen my nervousness and uneasiness. Masyado rin itong madaldal at kung minsan masyadong gwapong-gwapo sa sar
When you were a woman full of hope, it would always make you stronger. Bolder and ready to risk despite everything that would block your way. Aasa ka. Mananalig. Hanggang sa pakiramdam mo kaya mo na ang lahat. Pakiramdam mo hinding-hindi ka mabibigo.But in every challenge, fate always had an oddly way of playing the game. Baited. Puzzled. Undeniable doubts and turns of events. Kung gaano kabilis nangyari ganoon din kabilis natapos ang lahat. Na ang pinanghahawakan mong pag-asa ay maaari ring mawala at maglaho.Good luck.It would not happen everytime. It never worked every time. Sometimes, it may give you hope that could lead you to the destruction that you never wished that exist. Hanggang malalaman mo na lang na hindi pag-asa ang dala nito kundi sakit. Sakit na hindi mo aakalaing posibleng mangyari."Apple." Tinig iyon ni Mommy.Every time I heard her voice, for me, it was the mos