Share

Kabanata 6

"Putang*na! Ginawa 'yon ni Mr. Hernan?!"

Kaagad kong tinakpan ang aking tainga dahil sa sigaw na iyon ni Nylen. Nasa bahay nila ako dahil matapos ang nangyari sa akin sa cruise ship ay dito na ako dumiretso. Marcus, helped me in everything I needed to escape. Hindi ako nito iniwan. Ito rin mismo ang kumuha ng taxi para sa akin at nagbayad na rin.

"Hayaan mo na--"

"Anong hayaan?! Tanga ka ba, Apple? Muntik ka nang ma-rape ng gurang na 'yon! Hahayaan mo lang?"

I looked at Nylen pacing back and forth in front of me. Ramdam ko ang inis nito para sa akin at para sa nangyari sa akin. Sinubunutan din nito ang sariling buhok at nagmura ng paulit-ulit hanggang sa lumapit muli ito sa akin at tinitigan ako ng mariin.

"Hindi pwede ang ganiyan. Agrabyado ka kahit pumayag kang maging escort. P*ta naman, oh!" inis na wika pa rin nito. Kapagkuwan, ay tinapihan ako sa pagkakaupo sa kama nito. "Nasa kabilang bahay lang ang nanay mo? Paano kung hindi ka nakaligtas? Paano na--"

Ibinaling ko kay Nylen ang aking timgin. She was looking at me with pity in her eyes. I smiled, bitterly. "Ligtas naman ako. Sana huwag mo na lang sabihin kay Mommy ito, Nylen. Please," pakiusap ko dito.

Narinig ko ang pagbuntonghininga nito. Nakita ko rin kung paano ito napailing sa aking sinabi. Alam kong hindi ito payag sa aking sinabi pero maa gugustuhin ko na lang na huwag ipaalam kay Mommy ang nangyari. I am fine and it was enough. Ayaw ko nang bigyan pa si Mommy ng sakit sa ulo.

Itinaas ko ang paa at umusog ng kaunti sa kama ni Nylen. I bend my knees and hugged it tightly. Isinubsob ko rin ang aking mukha sa dito. Then, I started counting from one to hundred. Trying to ease the feeling of being uneasy and nervous. Trying to keep my calm just to keep my sanity. Trying to be strong to forget everything despite of what happened to me.

"Kailan ka ba uuwi? I'm sure, nag-aalala na ang nanay mo. Madaling araw na pero bukas pa rin ang ilaw sa sala niyo," paalala ni Nylez bago tumayo. Sinundan ko ito ng tingin at nakitang papunta ito sa kanilang maliit na kusina.

Maliit lamang ang bahay ng mga ito at lahat ng parte niyon ay kita kahit saan nakapwesto. Tanging kurtina lamang ang nagsisilbing tabing ng mga ito at pagitan. Bukod pa roon, halatang luma na rin ang apartment na tinitirhan dahil sa mga butas nito sa plywood na dingding. Kung tutuusin mas maayos ang tirahan namin ni Mommy kaysa sa tirahan ng mga ito.

Nang bumalik si Nylen ay dala na nito ang isang tasa ng kape. Iniabot nito iyon sa akin na kaagad ko namang tinanggap. Sinimangutan pa ako nito nang hindi ako sumagot sa tanong nito kung kailan ako uuwi. Kailan nga ba?

Ang totoo, hindi ko alam. Natatakot ako na kapag umuwi ako sa bahay ay mabasa ni Mommy ang mga kilos ko. Ayaw kong umuwi na hindi pa ako handa. Na may takot pa rin ako sa nangyari sa akin. Dahil ang totoo, takot pa rin ako. Takot akong balikan ni Mr. Hernan. Takot akong mas lalong gumulo ang buhay ko at buhay ni Mommy.

"Salamat Nylen," wika ko matapos inumin ang kapeng ibinigay nito. 

Ngumiti ito sa akin. "Alam mo Apple, walang mangyayari kapag magmumukmok ka lang d'yan. Matulog ka na. Ayusin mo 'yang sarili ko," wika ni Nylen.

Inabot ko naman ang tasang hawak dito at ngumiti na rin. "Salamat talaga," ulit ko sa aking sinabi.

Napailing muli ito. "Oo. Ililihim ko na. Pero kausapin mo si Mamita, ah. Baka ibinugaw ka pala niya kay Mr. Hernan ng hindi mo alam. Naku! Mukhang pera pa naman 'yon."

Tumango ako dito at hindi na sumagot pa. Kinuha naman nito ang tasa at iniwan ako. Ilang sandali ay nagbalik ito dala ang isang kumot at ibinigay sa akin. Nakangiting tinanggap ko naman ito kahit pa irap ang naging sukli ni Nylez sa akin. 

Kahit hindi naging maganda ang pinagdaanan ko sa loob ng cruise ship, nagpapasalamat pa rin ako dahil kahit papaano ay nakatulog pa rin ako ng mahimbing. Kung hindi pa ako ginising ni Nylen para kumain ay hindi ko malalamang tanghali na. Hindi na rin ako nag-abala pa na magmadali kahit absent na ako sa klase. Maging si Nylen ay ganoon din. Sinamahan ako nito buong araw hanggang sa nakapagdesisyon akong umuwi.

"Kapag nakita ko si Mr. Hernan mamaya, sisipain ko pinagmamalaki niya. P*ta siya!" inis pa ring turan ni Nylen. Nasa harapan kami ng gate ng aking bahay habang nagtatalak pa rin ito. Hinatid ako ng kaibigan dahil na rin sa kagustuhan nito, kahit pa ramdam ko ang inis nito para sa akin.

"Ano ka ba, Nylen? Huwag na!Ayaw ko ng gulo," wika ko. Umiling rin ako dito at ngumiti. Pagkatapos ay niyakap ko ito ng mahigpit. "Salamat Nylen," bulong ko.

"Apple, hindi ka magiging Santa sa kabaitan, tandaan mo 'yan! Minsan, kailangan mo ring manindigan at ipaglaban ang tama dahil karapatan mo 'yon!"

"Kapag lalaban ba ako, mabubura ba ang nangyari sa akin? Kapag ba nanindigan ako, magtatagumpay ba ako?" mahinang tanong ko dito. Lumayo rin ako kay Nylen at tinitigan ito sa mga mata. "May laban sa buhay natin na kailangan na lamang nating sarilinin, Nylen."

"Natatakot ka ba?" tanong nito.

Umiling muli ako. "Hindi. Alam ko kasing kapag papalakihin ko pa ang nangyari ako lang ang mapapahiya sa huli. I choose my own battle, Nylen. This one is not for me."

Sa wakas ay tumango ito. "Bahala ka na nga! Pero kapag ginago ka ulit ng matandang 'yon--"

"Hindi na mangyayari 'yon," nakangiting pag-agaw ko sa sasabihin nito. 

Naunang nagpaalam si Nylen sa akin. Tinanaw ko naman ito habang papasok rin sa bakuran ng tinitirhan nito. Kapagkuwan, ay binuksan ko nang tuluyan ang kalawanging gate at pumasok sa loob. Then, I sighed heavily and started walking slowly.

Napakatahimik ng buong lugar. Hindi nagtinda si Mommy sa labas ng bahay na aking pinagtakhan. Gayunpaman, alam kong hindi ito umalis dahil na rin sa sinabi ni Nylen. Nang buksan ko ang nakapinid na pinto ay napangiti na lamang ako ng mapait.

Hindi ko alam kung ano ang dapat kong maramdaman. Kung iiyak ba ako o kung tatawa na lang dahil sa aking nakikita. Kung saan pa ako huhugot ng lakas para sana maibsan ang aking nararamdaman. I didn't know. Wala na akong ibang maisip.

Hindi ko alam dahil habang nakamasid ako kay Mommy mula sa aking kinatatayuan lahat ng itinayo kong pag-asa para sa aking sarili at para sa amin ay unti-unting naglalaho. This was the reason why I didn't want to complicate things. Kasi hindi ko alam kung sino ang lalaban para sa akin.

"Oh, nakauwi ka na pala?" tanong nito nang nagsimula akong maglakad papalapit dito.

Ang kaninang nakayukyok na ulo mula sa lamesa ay bumaling sa akin. Namumungay ang mga matang tiningnan ako nito habang hawak sa kaliwang kamay ang isang baso. Lasing na naman ito. Alam ko dahil sa nagkalat na bote ng maliliit na beer sa kawayang mesa.

"Pasensya na po, My. May ginawa lang po ako," wika ko dito habang inaabot ang kamay nito para magmano ngunit iwinaksi iyon ni Mommy. Sumeryoso ang mukha nito at matalim na tumingin sa akin.

"Magsabi ka lang kung iiwan mo na ako! Hindi naman kita pinipilit na samahan ako dito. Kung gusto mo nang bumalik sa tatay mo, makakabalik ka na!"

I was caught off guard of what my Mommy said. Napakunot ang noo ko habang may hindi makapaniwalang tingin. "A-Ano pong sinasabi mo, My?" tanong ko.

Naguguluhan ako. Hindi ko alam ang dapat kong sabihin. How could she say that? How could she think that I would leave her side? Mula pa noon hanggang ngayon kahit mahirap nagtitiis ako pero hindi ko naisip ang mang-iwan. O ang iwanan si mommy dahil lang gusto kong kumuwala sa paghihirap. I am not that selfish. And, I felt a pain in my heart because Mommy thought otherwise.

"Alam kong pabigat na lang ako sa'yo. Hindi ka umuwi kagabi. Sa susunod uulitin mo na naman. Kaya ngayon pa lang Apple, iwan mo na ako. Darating ang araw na magiging katulad ka rin ng ama mo."

Laglag ang balikat na napangiti ako ng mapait sa tinuran ni Mommy sa akin. Ganunpaman, pinilit kong patatagin ang sarili at ibuka ang aking bibig. Masakit man ang nangyari sa akin, ngunit mas masakit pala kapag ang sarilu mong ina ang siyang lulukmok sa'yo sa kawalan.

"K-Kaya ko naman po ang hirap, Mommy. Kaya ko kahit habambuhay pa akong magtitiis. K-Konteng suporta lang po ang k-kailangan ko m-mula sa inyo," wika ko rito bago ito iniwan.

I turned my back to my mom. Iniwan ko ito bago pa mahulog ang pinipigilan kong mga luha. Masakit na kailangan ko pang pukpukin ng marahan ang dibdib ko para lang hindi umatungal ng iyak. Ngunit, tao pa rin ako. Hindi ko pa rin napigilan ang lahat. My tears fell on my cheeks and I just let it happen.

Why did life need to be cruel for me? Bakit ba mailap sa akin ang maging masaya? Sa ganitong pagkakataon hindi ko maiwasang mainggit sa iba. Gusto ko ring maranasan na mayroong taong handang saluhin ako mula sa pagkawasak na namamayani sa puso ko, mula pa noon.

@sheinAlthea

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status