Napabuntonghininga ako matapos buksan ang plywood na pintuan ng aming apartment na tinitirhan. Mabilis ko ring sinuyod ang buong silid at napangiwi sa nakita. Kalat na naman ang buong bahay dahil sa pinilas na diyaryo at nilamukos na papel.
"'My!" malakas na tawag ko dito kasabay ng dahan-dahang pagpasok sa loob ng aming bahay. Padabog ko ring inilapag ang lumang shoulder bag na gamit ko sa eskwelahan.
Hinanap ko kaagad si Mommy at napailing na lamang nang mabungaran ito sa maliit naming kusina na gawa rin sa plywood. Nakasubsob ang mukha sa lamesa at mukhang tulog. Tulad ng inaasahan ko, lasing na naman ito.
Nagkalat ang basyo ng matapang na alak sa lamesa habang ang plastic na pitcher ay may laman pang kaunting juice. Nasa lamesa pa nga ang sachet niyon at humalo rin sa kalat. Mayroon namang isang platitong isaw na ginawa marahil nitong pulutan na sa hinuha ko ay sa itinitinda nitong barbecue na naman nanggaling.
"Iinom tapos hindi naman pala kaya. Uubusin mo pa yata ang sarili mong paninda," pagmamaktol ko. Umupo rin ako sa plastik na upuan na nasa tapat nito at inabot ang baso na nasa lamesa. Ibinuhos ko roon ang natitirang laman ng alak habang kumukuha rin ng isaw ang isa kong kamay at kinain iyon.
Mapait. Kasing pait ng buhay ko ang lasa ng isaw ni Mommy. Ganunpaman, kinain ko pa rin iyon at mabilis na tinungga ang alak sa hawak kong baso. Pumikit ako at nilunok iyon na para bang tubig lamang sa akin. Ang init na nagmumula dito ay hindi ko na ininda. Maging ang pait na unti-unting nananalaytay sa aking lalamunan ay hindi ko pinansin.
Napangiwi ako matapos ilapag ang baso sa mesa. Umiling rin ako at ngumiti na para bang natutuwa sa lasa nito. Mapait, mapakla at mainit. Iba't ibang timpla na gusto kong sanayin ang sarili. Katulad ng pagsanay ko sa lahat ng timpla ng naging buhay ko mula noon hanggang ngayon.
"Hector, mahal kita. . ."
Napabuntonghininga akong muli nang marinig ang mahinang ungol ni Mommy. Sa araw-araw na ginawa ng Diyos pangalan ng Daddy ko ang lagi na lang sambit nito. Sa araw-araw na naglalasing ito, si Daddy ang dahilan. Siya ang dahilan ng lahat at ang kabit nito.
I remembered how my mother cried at night when I was nine years old. Pagkatapos ako nitong patulugin sa sarili kong kwarto ay iiwan ako nito. I remembered how I woke up every night too. I remembered how I walked straight to my parents room and heard my mom's begging, while my father was screaming.
I was outside. Takot na takot ako. I was young and I didn't know what was happening. Ang tanging laging karamay ko ay ang Spongebob kong unan kapag gabi habang naririnig ko ang bawat iyak at sigaw ng mga magulang ko. Until one day, I understand everything.
We used to have a good life. My Dad was a businessman and my Mom was a loving and good housewife. But, everything was ruined because of that wicked Nanny. She was wicked and heartless that she took away my father from us. Isa siyang gold digger bitch na mahilig mang-agaw ng pagmamay-ari ng iba.
That wicked woman ruined our life. I hated her for everything. I blamed my father for being weak. For not loving my mother enough to resist temptation. For abandoning us in exchange of his affair. My father left us behind. Mas importante ang kabit niya kumpara sa amin ni Mommy. My father was an example of an irresponsible man.
"Hector. . ."
My thoughts got interrupted when I heard my mother's low and painful voice. Pawang awa ang nararamdaman ko para rito kapag umiinom at umiiyak ito. Gulong-gulo ang hitsura na para bang pasan nito ang mundo. I am hurting for her, but I needed to be strong. I needed to be strong for us.
I sighed and shrugged my thoughts off. I lazily got up and went to my mother's direction. Tulog pa rin ito kaya maingat ang mga kilos ko na nilinis ang lamesa. Maging ang mga plato sa lababo na nakita ko kaninang umaga ay hinugasan ko na rin. Pagod ako mula sa limang oras na duty sa pinagtatrabahun kong bar pero mas nakakapagod ang sitwasyon ko kapag nakikita ko ang bahay na ganito. Makalat at madumi. Miserable na para bang pinabayaan na lamang.
Nang matapos ay napabuntonghininga na lamang ako at nilapitan si Mommy. I hugged her from behind and kissed her head lightly. Umaasa akong sa susunod na araw ay matatanggap din nito ang sinapit mula sa Daddy ko. Umaasa akong magiging maayos na ito at makakawala sa sakit na dulot ng pagkabigo sa pag-ibig.
I was hoping and praying because I wanted my Mommy back. She wasn't like this. She used to be an elegant woman with class. She used to be a happy person. Carefree and positive. Ibang-iba sa naging buhay nito ngayon.
"Mahal kita kahit napakapasaway mo, 'My," bulong ko dito. Kinuha ko rin ang kamay nito at isinampay sa aking balikat. Mabigat si Mommy pero ayos lang sa akin. This was my responsibility as a child. I should gave her care in her every vulnerable state. Ito na lang ang magagawa ko para dito.
Dinala ko si Mommy sa loob ng aming silid. Agad ko siyang ilapag sa kama at kinumutan. Ni hindi ko na ito ginalaw sa takot na baka magising ito at umiyak na naman katulad ng dati.
I am hurting for my mother's agony. Watching her pale and skinny face made me promised that I wouldn't dare to ruin a family. I wouldn't dare to become a mistress. I would always chose what was right.
Pagkatapos kong masigurong maayos na ang kalagayan nito ay iniwan ko si Mommy sa loob ng kwarto at nagpunta ako sa maliit naming sala. Winalis ko ang mga nagkalat na papel doon at kinuha ang mga tissue sa ibabaw ng lamesita. Pinagpag ko rin ang kutson sa kawayang bangko at inayos ang mga iyon.
Hindi ko na kailangang tingnan kung sino ang nasa dyaryo na nagkalat. Alam na alam ko na kasi kung sino iyon. It was my father and her mistress with their kids. Pitong taon na rin ang panganay ng mga ito. Pitong taon na rin mula nang pinalayas kami sa mansion ng sarili kong Daddy.
I shook my head and tried to composed myself. Naninikip na naman ang dibdib ko kapag naaalala ko ang nakaraan. Kung paano kami itinaboy ni Mommy ng sarili kong ama. Kung paano ako lumuhod at nagmakaawa sa mura kong edad. Kung paano ako umiyak nang tuluyan kaming siniraduhan ng gate.
Hanggang ngayon, parang napakaimposible pa rin ng lahat. Marami nang nagbago mula noon. Parang kailan lang, isa akong prinsesa na nakaupo sa gintong tasa. Ngayon, ako pa rin naman ang prinsesa. Wala na nga lamang akong gintong tasa.
Natigil ang anumang iniisip ko nang tumunog ang aking cellphone na Cherry Mobile. Dinukot ko kaagad iyon mula sa bulsa ng kupas kong pantalon. Tumaas din kaagad ang kilay ko nang makita kung sino ang tumatawag. Si Tetchie, ang manager ng bar na pinagtatrabahuan ko.
"Mamita, bakit po?" bungad ko kaagad dito. Naglakad din ako ng bahagya para maupo. I abruptly closed my eyes and looked up. Pagod na ako pero kailangan ko pa ring lumaban sa hamon ng buhay.
"Payag ka na ba sa offer ni Mr. Hernan? Naku! Siguradong tiba-tiba ka do'n Apple," tanong nito sa kabilang linya.
Umiling ako na para bang nakikita ako nito. "Hindi ko kaya, Mamita."
"Escort girl lang naman 'yon. Saka, kamay lang ang sinabi kong hahawakan niya. Kapag lagpas na d'yan, ibang bayad na 'yon."
Napangiwi ako sa sinabi ni Mamita. Hindi ko kayang isipin na hahantong ako bilang escort. Kulang na kulang ang kinikita ko sa bar pantustos sa sarili ko at kay Mommy. Nag-aaral din ako sa isang university bilang isang teacher at kulang ang budget ko para sa buong semester. Second year pa lamang ako pero pakiramdam ko pasan ko na ang daigdig.
"Ano na?!" apura nito.
I let out a heavy sigh and nodded. Surrendering myself once again for my own benefit. This was for me and for my Mom. Iisipin ko na lang na nasa play ako at kailangang umarte para sa pera. Titiisin ko na lang na makasama si Mr. Hernan. Kahit na pakiramdam ko amoy lupa na ito.
"Sige po," sumusukong sambit ko. Inabot ko rin ang aking buhok at sinabunutan iyon ng marahan.
"Sure na 'yan, ah! I-book ko na ito."
"O-Opo."
Para sa pera, para sa akin at para kay Nanay gagawin ko ang lahat. Kahit pa ang maging escort ng mga matatandang walang asawa.
@sheinAlthea
Kanina pa ako nababagot habang tinitingnan ko ang aking Prof. na nagsasalita sa harap. Matanda na ito pero napakalakas pa rin ng boses nito habang nagpapaliwanag tungkol sa pagkamatay ni Rizal. Dinig na dinig iyon sa buong classroom at pakiramdam ko pati na rin sa labas dahil nakikita kong napapalingon ang bawat estudyante na napapadaan sa hallway."Hoy!"Sinamaan ko kaagad ng tingin ang aking katabi. Si Nylen, ang aking kaibigan. Katulad ko ay Teacher din ang kurso nito. Pareho rin kaming nagtatrabaho sa bar kapag gabi. Ang totoo, ito ang tumulong sa akin para makapasok sa Mariposa, ang bar na pinagtatrabahuan ko. Bukod pa roon, magkapitbahay din kami."Bakit?" mahinang bulong ko. Sinulyapan ko rin ang aming prof at nakitang nagsasalita pa rin ito. Mabuti na lamang at nasa huling row kami ng upuan kaya medyo tago ang aming kinaroroonan."Ngayon na daw 'yong escort service mo.""Ano?!" mal
Halos hindi ako makagalaw nang tuluyan akong pumasok sa magarang sasakyan ni Mr. Hernan. Isa itong black Chevrolet latest edition na fully costumized ang loob. May upuan na mukhang sofa na kung titingnan. Kulay asul iyon at magaan sa mata dahil bumagay sa kurtinang nakasabit sa bintana ng sasakyan. Mayroon ding malaking flat T.V. sa aming harapan. Habang sa hinuha ko ay soundproof naman ang buong lugar."I will be so lucky tonight. Apple right?"Natigil ang pag-iisip ko at tiningnan si Mr. Hernan. Nakangiti ito sa akin habang may kislap ang mga mata. Nakita ko na naman ang gintong bagay sa ngipin nito. Gusto ko sanang ikutan siya ng mga mata ngunit pinigilan ko ang sarili. Minura ko pa ang aking isip para lang huwag gawin ang bagay na iyon."Ah, yes Sir. Apple!"Ngumiti ako pero pakiramdam ko ngiwi ang nagawa ko. Umusog din ako ng konte papalayo dito dahil parang gusto kong masuka. Amoy na amoy ko ang paba
Hindi ko alam kung ano ang dapat kong maramdaman sa pagkakataong iyon. Pareho kaming nakatayo ni Sir Condrad sa gilid ng railing habang patuloy naman ito sa pagsasalita. Nakikinig lang din ako dito na para bang interesado ako sa lahat ng sinasabi nito. Tumatango kapag kailangan at sumasagot kapag tinatanong."So, you're taking up Education?" tanong ulit nito.Ngumiti ako dito. "Yes, Sir."Ibinaling kong muli ang paningin sa malawag na karagatan. Kalat na ang kadiliman sa buong paligid. May mangilan-ngilang ilaw akong nakikita ngunit napakalayo niyon. Hindi rin nakatulong ang mga bituin sa langit dahil wala namang gaanong naroon. Maging ang buwan ay payapang nagtatago sa makapal na ulap na para bang nahihiya."Please, don't call me Sir. Call me by my name," naagaw ang atensyon ko nang magsalitang muli si Sir Condrad. Tumango na lamang ako dito ng marahan bilang pagsang-ayon. I felt awkward but I just shrugg
Numb. I felt total numbness in my being. The water was soaking with my bareness but I couldn't feel anything. I could see the depths of the sea but it was all blurry. It was also empty and lonely. How ironic it was, when the only way that I could think to save me was the thing that could send me to destruction. How funny it was when I thought that I could trust the person was actually the one that could stab me behind my back. I was clearly tricked. And, I was too fool to believed all the lie. "Mommy, I will never leave you." I am numbed but I could still feel my heart ached when I remembered that certain memory from the past. Akala ko namanhid na ang puso ko dahil sa lamig at kawalang pag-asa. I thought, I could easily vanished. But, whenever I saw my mother's beautiful face, I just couldn't. Hindi pa dapat. She was waiting for me to come back home. Hindi dapat ako magpatalo
"Putang*na! Ginawa 'yon ni Mr. Hernan?!"Kaagad kong tinakpan ang aking tainga dahil sa sigaw na iyon ni Nylen. Nasa bahay nila ako dahil matapos ang nangyari sa akin sa cruise ship ay dito na ako dumiretso. Marcus, helped me in everything I needed to escape. Hindi ako nito iniwan. Ito rin mismo ang kumuha ng taxi para sa akin at nagbayad na rin."Hayaan mo na--""Anong hayaan?! Tanga ka ba, Apple? Muntik ka nang ma-rape ng gurang na 'yon! Hahayaan mo lang?"I looked at Nylen pacing back and forth in front of me. Ramdam ko ang inis nito para sa akin at para sa nangyari sa akin. Sinubunutan din nito ang sariling buhok at nagmura ng paulit-ulit hanggang sa lumapit muli ito sa akin at tinitigan ako ng mariin."Hindi pwede ang ganiyan. Agrabyado ka kahit pumayag kang maging escort. P*ta naman, oh!" inis na wika pa rin nito. Kapagkuwan, ay tinapihan ako sa pagkakaupo sa kama nito. "Nas
"Pasensya ka na, Apple. Hindi ko naman kasi akalain na magagawa iyon ni Mr. Hernan. Maayos ang usapan namin na kamay lang ang hahawakan sa iyo."Iyon kaagad ibinungad sa akin ni Mamita nang makapasok ako sa opisina nito. Naglalakad ito sa harapan ko ng pabalik-pabalik habang hawak ang pamaypay nito. He looked apologetic to what happened to me. Ramdam ko rin sa boses nito ang pag-aalala.Ipinatawag kaagad ako ni Mamita nang malamang nagbalik na ako sa trabaho. Isang linggo na rin ang lumipas nang lumiban ako. Isang linggo na ring kapos ang budget ko para sa bahay kaya naisipan kong bumalik. Ang totoo, ayaw ko na sanang bumalik sa bar. Natatakot na ako sa lahat ng posibleng mangyari. Ngunit, kung matatakot lang ako at maghihintay, gutom naman ang papatay sa akin. Hindi ko na nga halos alam kung saan pa ako kukuha ng pambayad para sa eskwelahan. Hindi ko na rin alam kung may natira pa ba sa perang iniipon ko.Mahirap.
Palakpakan.Hiyawan.Panaka-nakang pagsipol.Normal na halos para sa akin ang ingay na nililikha ng mga parokyano sa bar. Normal na ang makakita ng nag-iinuman. Mga nagsasayawan at mga mukhang nagsasayahan. Ngunit sa mga nakalipas na araw, nagiging hindi ako sanay. Nakakapanibago. Lalo na dahil ang dahilan ng lahat ay si Marcus. Ang presensya nito at ang bughaw nitong mga mata na pakiramdam ko ay laging nakatitig sa akin."Ang galing talaga ni Marcus. Mas dumami ang costumer ng bar dahil sa kaniya," si Flor ang nagsalita. Magkatabi kaming tatlo nina Nylen sa labas ng pantry. Kaharap lamang nito ang bar counter kung saan pinagkakaguluhan at pinapalibutan ng mga kababaihan dahil sa isang palabas na ginawa ni Marcus."Sus! Kaya ko naman 'yang ginagawa niya, noh! Feeling gwapo lang 'yang kurimaw na 'yan!" may halong inis naman na wika ni Nylen.Napatingin ako sa direksyo
Isang tapik sa aking balikat ang nagpagising sa aking mahimbing na pagkakatulog. Binalak kong hindi ito pansinin at mas ipinulupot pa ang kumot sa aking katawan ngunit sadyang makulit ito. The tapping of my shoulder became vivid that I couldn't seem to sleep again. Sa huli, napabuntonghininga na lamang ako at ibinuka ang mga mata."Gumising ka na. Tanghali na, Apple. Mag-ayos ka na at kumain," narinig kong wika ni Mommy."Pwede po bang pass muna ngayon, My? Gusto ko pa pong matulog,"ungot ko rito. Nakatalukbong pa rin ako ng kumot habang nakatagilid ang aking posisyon.Ang totoo, pagod na pagod ako dahil sa ginawa naming paglalakad ni Marcus kagabi. Tulad nga ng sinabi nito, hinatid niya ako sa bahay. He accompanied me and talked nonstop. Para bang sobrang lapit namin sa isat-isa na halos lahat ng gusto nito ay nasabi na sa akin. He was very talkative which I found myself being engrossed to whatever he said. Hindi ko na ri
Condrad Aguirre POVChance. When I was young and got the dream I wanted, I thought I have all the chance in the world. Madali sa akin ang makuha ito. Madali sa akin ang magtagumpay. Ngunit nang nagmahal ako, sinampal ako ng katotohanang may mga bagay na hindi para sa akin. But I was cruel. I took that chance for my own gain; kahit na ang kapalit ay ang pagkawala ng lahat sa akin. Apple Santibañez, an alluring woman that captured and melted the coldest part of my heart. Akala ko, hindi kailanman titibok ang puso ko para sa isang babae. But when she came, the chance was clear to me. Selfishly, I grabbed it, even if I was hurting her in the process. A chance to love. I had it once. I lived with it. The happiest of my life. Akala ko hindi na matatapos ang lahat. Ngunit kung ang mga bagay ay pinilit lang, wala iyong kásiguraduhan. The chance I had ended. Ang masakit, kasama ng pagkatapos ang pagkalimot. "Sino ka?" My eyes widened. I was in tears. My heart was in pain and scattered
I still couldn't believe it. I couldn't even process everything. Parang sa isang iglap lang nagbago ang lahat. Kung paano at bakit, hindi ko alam. "So, bakit ka naiinis? Past is past na nga, 'di ba? Ikaw ang nagsabi." Napatitig ako sa monitor ng laptop. Napabuntonghininga. "Hindi ko alam, Nylen. Parang imposible kasi," wika ko. Nylen gave me a disapproving look. Alam ko na kaagad na hindi nito nagustuhan ang sagot ko. "Is it the other way around, Apple? Apektado ka pa rin ba sa kaniya?" Itinuon ko sa labas ng balcony ang paningin. "Hindi ka makasagot. I'll take your silence as a yes.""I wish you were here." Napangiti ako. Nasa kalangitan pa rin ang mga mata. Gumagabi na pero katulad nang nagdaan, hindi ako makatulog. My head was occupied with questions I badly wanted to know the answers. Pero wala akong lakas ng loob na magtanong. Duwag akong pag-usapan ang nakaraan lalo na at hindi na lang tungkol sa amin ni Condrad ang lahat, tungkol na rin ito kay lola. Natatakot akong baka kap
Isa. Dalawa. Tatlong oras. . .Hindi ko alam kung ilang oras na ba ang nakalipas mula nang tumuntong ako ng Pilipinas. Pakiramdam ko napakabilis at halos kisap-mata lang na nangyari ang lahat. It was so sudden. Unexpected. Ni sa hinagap ay hindi ko naisip na siya kaagad ang makikita ko sa aking pagbabalik. "So! How was the graduation, hija? Pasensya ka na at hindi na ako nakadalo. This old woman is useless. Ah, how I wish I was there." Boses ni Lola ang nagpabalik sa akin sa kasalukuyan. I looked at her. "Ayos lang naman po. Normal na graduation pa rin." Totoo naman iyon. There's no special about that event. Pagkatapos kong matanggap ang diploma at mag-picture taking kasama sina Franco at Nylen, umuwi na rin kami. "Oh, my poor child." My grandmother's voice sounded in frustration. Naiintindihan ko naman siya. Marahil, matindi ang pagnanais niya na dumalo sa espesyal na okasyon na iyon. Nang maghiwalay ang mga magulang ko noon, nawalan na rin kami ng komunikasyon sa isa't isa. I tho
"Ladies and gentle, we have just landed at Ninoy Aquino International Airport. We welcomed you to Manila, Philippines."Dahan-dahan kong iminulat ang mga mata. Huminga nang malalim matapos hamigin ang sarili. Sinulyapan ko rin ang bintana sa aking tabi at nakita ang liwanag na nagmumula sa papalubog na araw. Hindi naman ako nakatulog. Bagkus, kanina ko pa pinapakalma ang puso kong nagsisimula ng tumibok nang malakas. I was nervous.Scared. Alone. Nakapaninibago pala na muli kong maranasan ang pag-iisa. Pakiramdam ko. . . hindi ako sanay. Marami rin akong naiisip; mga posibilidad. Kahit naman kasi limang taon na ang nakalipas, at wala akong anumang komunikasyon sa lahat maliban kay lola, hindi maikakaila na maliit lamang ang Pilipinas. Santibañez was born rich. Iisa ang ginagalawan tulad ng mga Trinidad. 'Come on, Apple. Nag-o-overthink ka na naman!'I shook my head. There's no use of turning back now. May konting takot ako at kaba, oo, pero hindi ibig sabihin niyon na apketado pa r
Why do you want to be an attorney? That was the question I have been thinking for a while now and I still doesn't have a concrete answer to it. Bakit nga ba? Is it because I wanted to help those who are accused but are actually innocent? Is it because of my mother and the fate she experienced? Is it because I was afraid that someone might experience the same ill fate as me. Hindi ko alam. I wasn't sure either. Basta ang alam ko, gusto kong maging abogado. "I heard your grandmother is throwing a party. Uuwi ka ba?" Franco said while giving me a cup of coffee. Kinuha ko iyon. "Oo," tipid na sagot ko. "Salamat. Hindi lang naman dahil sa party kaya ako uuwi," dagdag ko pa matapos amuyin ang aroma niyon. Umaga at nakaupo lamang ako sa veranda ng villa na pagmamay-ari ni lola. My father's mother. Hindi ko alam kung paano niya ako nahanap noon, but I was fortunate that she found me. Hindi na rin ako nagtanong. Masyadong maraming nangyari na kinailangan kong iwan ang lahat at magpak
"Kailangan mo ba talagang gawin ito? Paano kung hindi ka niya maintindihan? Paano kung saktan ka niya? Paano kung magmakaawa siya sa 'yo? Ano ang gagawin mo, Apple?" Matiim kong tinitigan si Nylen na nasa aking harapan. Kanina pa siya nag-iingay rito sa isang sikat na cafè sa loob ng BGC at mukhang wala pa rin itong balak na tumigil. Alam kong nag-aalala lamang siya sa akin pero alam ko rin sa sarili na kailangan kong gawin ang bagay na dapat matagal ko nang ginawa. "Hindi pa naman kasi kami nag-uusap ng pormal. Besides, Marcus is a good man. He won't hurt me," sagot ko. Nylen looked more frustrated. Mas lalong naging mariin ang titig niya sa akin. "I got your point. Kaso, iba na ang sitwasyon ngayon. Natatakot ako para sa 'yo." Her eyes turned weary after. I grabbed her hand and pressed it lightly. I heaved a deep sigh and smiled, then I said, "Ayos lang ako. Praning ka lang masyado. I'm stronger now, you know." That was meant to be a joke. But when I saw Nylen's death glare, I la
Nakita ko kung paano nagbago ang ekspresyon sa mukha ni Condrad. I felt him stiffened beside me. Shocked. Alam kong hindi nito inaasahan ang sinabi ko, at marahil hindi rin nito naisip iyon. Who would, if I hid it from him from the start. Isang buwan matapos kong tanggapin ang alok niya sa akin ay hindi na maganda ang aking pakiramdam. Nag-drop ako sa school dahil iyon ang gusto ni Condrad kahit labag sa gusto ko. He offered me to tour every place I desired and I gladly accepted it because I had my own agenda too. Masaya ako sa pagdating ni Lila. But I couldn't afford to lose my only chance to save my mother. Kahit masakit, tinago ko ang lahat para sa sarili kong interes. Nanloko ako ng tao para sa nanay ko, kahit kapalit nito ang katapusan ng pagiging ina ko kay Lila. Masakit. Masakit na isuko ko ang pagiging ina para maging isang mabuting anak, pero sa huli, hindi pa rin pala sapat. What I did to save my mother couldn't redeem me from the sin of abandoning my own child. I deserv
Pareho kaming nanatiling tahimik ni Marcus. Matagal. Mariin ang bawat titig niya sa akin. Nang-aarok. Maybe, he was weighing things on his own understanding. Ako naman ay tanggap ko na ang lakat nang salitang matatanggap ko mula sa kaniya. Hindi ko na kailangan pang magkunwari dahil alam ko naman na mali ako. We both did wrong. Mas malala nga lamang ang akin dahil sinira ko rin ang relasyon ng ina niya at ni Condrad. I have been thinking about my mistakes while healing. I have been thinking about all my regrets. Pero kahit gaano ko pa isipin, humahantong pa rin sa katotohanan na hindi ko na maibabalik ang lahat. May mga nasaktan ako na hindi naman dapat, dahil naging makasarili ako. "Sorry for deceiving you." Si Marcus ang unang pumutol sa katahimikan. Tumango ako. Wala naman akong dapat na sabihin o hinanakit dito dahil pareho naming niloko ang isa't isa. "Sorry for hiding the truth from you and your family. Sa maniwala ka man o hindi, I don't have any idea that Angeline is your m
I woke up feeling heavy. My head is aching too bad and my body seemed numb. Kinalma ko ang isip at unti-unting ibinuka ang mga mata. The usual white ceiling greeted me. Halos masilaw ako sa kaputian niyon. Napakurap hanggang sa masanay na rin sa liwanag. Inikot ko ang tingin at nakita ang katabing aparato. It was ticking and the sound of it made me wanted to scream for help. Hindi ako sanay. Nasasaktan ako. Gusto kong magsalita ngunit mabigat ang aking bibig at tila barado ang aking paghinga. I felt suffocated. Ayaw ko ng ganitong pakiramdam!"T-tubig. . ." I mumbled. The place was too quiet. Nagsalita muli ako ngunit mahina pa rin ang aking boses.I whispered for water again to ease my thrist but no one came. Nanubig ang mga mata ko. Sumakit ang dibdib.I felt so alone. Weak and helpless. I felt miserable. Mas lalo akong nasaktan. Pumikit at humikbi kahit nahihirapan. Bakit pa ako nagising kung pawang kahungkagan lang ang sasalubong sa akin? Bakit pa ako bumalik kung alam kong