Share

Kabanata 4

Hindi ko alam kung ano ang dapat kong maramdaman sa pagkakataong iyon. Pareho kaming nakatayo ni Sir Condrad sa gilid ng railing habang patuloy naman ito sa pagsasalita. Nakikinig lang din ako dito na para bang interesado ako sa lahat ng sinasabi nito. Tumatango kapag kailangan at sumasagot kapag tinatanong.

"So, you're taking up Education?" tanong ulit nito.

Ngumiti ako dito. "Yes, Sir."

Ibinaling kong muli ang paningin sa malawag na karagatan. Kalat na ang kadiliman sa buong paligid. May mangilan-ngilang ilaw akong nakikita ngunit napakalayo niyon. Hindi rin nakatulong ang mga bituin sa langit dahil wala namang gaanong naroon. Maging ang buwan ay payapang nagtatago sa makapal na ulap na para bang nahihiya.

"Please, don't call me Sir. Call me by my name," naagaw ang atensyon ko nang magsalitang muli si Sir Condrad. Tumango na lamang ako dito ng marahan bilang pagsang-ayon. I felt awkward but I just shrugged it off. Wala namang dahilan para maramdaman ko iyon. Maybe, he was just acting nice to me.

"Dito lang pala kita matatagpuan."

Mula sa malawak na tanawing aking natatanaw ay ibinaling ko ang tingin sa pinanggalingan ng boses. Umayos kaagad ako ng tayo nang nakalapit si Mr. Hernan sa amin. Agad itong nagpakilala kay Sir Condrad at nakipagkamay bago bumaling sa akin.

"I'm sorry but I will steal my date from you tonight Aguirre," wika ni Mr. Hernan. Inilahad din nito ang kamay sa akin. Tumango naman ako at inabot iyon.

Ilang sandaling nag-usap ang dalawa bago namin iniwan si Mr. Condrad sa roofdeck ng yate. Habang papalayo ay ramdam na ramdam ko pa rin ang mga titig nito sa akin. Hindi ko rin alam kung bakit naging pamilyar kaagad ito na para bang sa ilang oras na magkausap lamang kami ay naging kabisado na ito ng aking sarili. It was very odd. Hindi ko na lang inisip. Winaglit ko na lang din sa isip. Alam ko namang hindi na kami magkikita pang muli.

Nang marating namin ni Mr. Hernan ang bulwagan ay may nagsasayawan na roon. Hindi katulad kanina na tahimik pa ang lugar. Ngayo'y punum-puno na iyon ng mga tao na alam kong galing sa Alta Sociedad. Alam na alam ko dahil nagsusumigaw ang karangyaan sa bawat kilos at suot ng mga ito.

"Suit yourself, Apple. Mga kaibigan ko ang mga iyan," pag-agaw ni Mr. Hernan sa aking atensyon. Itinuro rin nito ang mesa sa aming harapan. Marami nang nakaupo roon.

"Opo, Sir."

"There you go, again. I told you to call me, Hernan." Napailing ito.

"Pasensya na po," hinging paumanhin ko.

Nang tuluyan kaming nakalapit sa mesang sinasabi nito ay agad akong inalalayan ni Mr. Hernan para umupo. Nagngitian ang mga naroon na nakakita. Nagbiruan pa ang mga ito na hindi ko naman maintindihan ang ibig sabihin. They even smiled at me and I smiled back at them, awkwardly. Namulatan ko man ang marangyang buhay habang kasama ang Daddy ko, ngunit nakalimutan ko na rin ang pakiramdam kung papaano.

"Here, drink this Apple. It is good for the night. The party is starting, so you should enjoy," agaw ni Mr. Hernan sa aking atensyon. Inabot din nito ang isang wine glass sa akin. I was hesitant to accept it, but in the end I took it and drank from it.

Mapait. Iyon kaagad ang unang naisip ko nang malasahan ko ang inumin. It was bitter yet it has something warm and cold mixture that blended together. Nag-iiba ang timpla nito habang tuluyan kung nalulunok. Nagiging banayad iyon sa aking pakiramdam at lalamunan. Ang pinipigilan kong pagngiwi ay hindi na rin natuloy. Unti-unti ay nasasanay na rin ako sa bawat tikim na aking ginagawa.

"You have a beautiful girlfriend, Hernan. I wonder if how young is she? Being divorced give advantage to you," wika ng isang kasama namin sa mesa.

My eyes instantly shifted to the man. He was smiling to me like he was very delighted to see me. Tumango pa ito sa akin at inilahad ang kopitang hawak. Gusto ko sanang magprotesta sa sinabi nito ngunit hindi ko na lamang ginawa. I am very much aware that it wasn't true, afterall. Bahala na ang mga ito kung ano ang iisipin nila tungkol sa amin ni Mr. Hernan. In the end, this was only for now.

"Apple is just a friend. Malapit na kaibigan," sagot naman ni Mr. Hernan.

Tumingin ako dito at ngumiti. Maging ito ay ngumiti rin sa akin. I saw his golden teeth again that made me feel awkward but I managed to hold back myself. Hindi na dapat ako mailang dito. Wala ng dahilan dahil hindi naman ito nagpakita ng kabastusan sa akin. I was happy too that he denied what his friend thought about us.

"Thank you--" I stopped midway.

Napangiwi ako at biglang napapikit. My head suddenly hurts that I needed to calm myself desperarely just to not make a scene.  Pasimple ko ring inabot ang aking sentido at hinilot ito ng dahan-dahan para maibsan ang sakit. Inabot ko rin ang baso ng tubig na nasa harapan ko nang imulat kong muli ang aking mga mata.

"Are you okay, Apple?" may pag-aalala sa boses na tanong ni Mr. Hernan. Then, I felt him touched my arm.

Tumango naman kaagad ako dito bilang tugon, ngunit sadyang dumoble ang sakit na nararamdaman ko. I felt dizzy all of a sudden. Ipinikit kong muli ang aking mga mata at hinayaan muna ang sariling nakayuko. Nang pakiramdam kong kaya ko na ay tumayo ako at nagpaalam.

Hindi ko alam kung saan ako pupunta. The place was crowded and I am walking with no direction. Natapilok pa ako pero hindi ko na rin ininda. I am desperate to look for a restroom. Hindi naman ako nabigo at nnakahanap ako kahit pasuray-suray sa daan.

'Relax Apple. Relax.'  pagkausap ko sa sarili. I soaked my face with water and let it for minutes. Paulit-ulit kong ginawa iyon hanggang mapagod ako. But, my head was still aching. Mas lumala lamang iyon. Napadausdos na lamang ako sa sahig ng restroom. I felt helpless. Hindi ko alam ang nangyayari sa akin.

"Are you okay, Apple." That was Mr. Hernan. Hindi ko na ito kailangang tingnan.

"Ayos lang naman po," sagot ko.

"No, you're not. You look flushed." Naramdaman kung naglakad ito papalapit sa akin. I even felt his hand touched my forehead. At hindi ko gusto ang epekto nito sa akin. I am feeling hot that I abruptly moved away from him.

Tiningnan ko si Mr. Hernan. I even tried to stand up and fixed myself. "A-Ayos lang po ako, Sir. . ." ulit ko at ngumiti dito.

It was a lie. I am not okay. Hindi ko na nga alam kung ngiti pa ba ang nagawa ko o ngiwi. Hindi ko na rin alam ang sunod na nangyari dahil umiikot na ang paningin ko dahil sa hilo, bago ako nawalan ng malay.

Nagising ako dahil pakiramdam ko nanlalagkit ako. That someone was kissing my face. Inangat ko ang aking kamay ngunit pakiramdam ko pagod na pagod ito. I tried to push that someone on top of me too. Kasabay niyon ay ang pagbukas din ng aking mga mata.

"S-Sir?"

Horrified was an understatement of what I am feeling. My eyes widened and shocked was written all over my face. Kahit nahihilo ay pinilit ko pa rin na makawala mula sa pagkakadagan nito sa akin. It was my instinct that was telling me what to do.

"'Wag po!" I pushed Mr. Hernan hard. Pakiramdam ko pagod na pagod ako pero kailangan kong lumaban. "No!" I screamed when he started to lean down on my face again.

"Sshh. . . Huwag ka ng lumaban. Alam mo bang matagal na kitang gusto? Naging parokyano ako sa bar niyo dahil sa'yo," bulong nito.

Umiling ako at mabilis kong iniwas ang mukha ko dito. The respect that I have given to Mr. Hernan was gone. Nandidiri ako dito. He was shirtless on top of me. Kitang-kita ko sa mga mata nito ang kagustuhan nitong maangkin ako. But, I would never dare to allow him. Hinding-hindi ako papayag.

"Matigas ka talaga--"

Feared, I put all my efforts to kick him. Kahit natatakot ay siniguro kong masipa ko ang kahinaan nito. I succeded. Napahiyaw ito sa sakit at bahagyang lumayo sa akin. I grabbed the opportunity to push him. Nagawa ko naman kaya mabilis ang mga kilos ko na lumayo dito at umalis.

"Bumalik ka dito!" narinig kong sigaw ni Mr. Hernan.

Lakad. Takbo. Hingal. Hikbi. It was a continuous cycle of fear and devastation for me. Hindi ako dapat maabutan. Hindi ako dapat makita ng iba.

Tago doon. Tago dito. Para sa sariling kaligtasan. Nahahapo. Napapagod para makawala. Dinaig ko pa ang naglaro ng maze sa lahat ng aking ginagawa. My head was still aching but all I cared was to be safe. To be away to Mr. Hernan and all the people inside the yacht.

Nang marating kong muli ang roofdeck ng yate ay humalik kaagad sa aking balat ang lamig ng gabi. I sobbed as I have noticed that I didn't even have my dress on. Tanging ang suot kong lacy black two piece lamang ang nakatakip sa aking katawan. I abruptly hugged myself tight and went to the railing. Sa parehong lugar kung saan ko nakita si Mr. Condrad.

"B-Bakit ba ang malas ko?!" I screamed. My tears kept falling but I didn't care.

I went to the edge of the railing. Minagmasdan ko muna ang buong roof deck bago inilipat ang paningin sa mga ilaw na  natatanaw mula sa syudad ng Metro. The busy lights were visible. Alam kong malapit na kami sa pantalan. Pagkatapos magsawa ay tumingala ako sa langit at ngumiti ng mapait. I watched the night sky as the moon lightened its darkness.

I hope someone like the moon came to my life to give light to it. I wished and prayed before I breathed heavily and jumped to the sea.

@sheinAlthea

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status