KINABUKASAN,, tanghali na ng magising si Davidson. Hindi siya nakatulog sa kakaisip ng napag-usapan nila ng ninong Salvador niya at ang kagustuhan nitong pakasalan niya ang anak nito.
‘What was her name, again? Akira?’ Nakatitig si Davidson sa salamin ng banyo niya. Naalala niya ang sinabi ng ninong niya na hindi pa siya nagkaka-girlfriend. Well, bakit nga ba kailangan pa ng girlfriend ang isang Davidson Montevella? Nasa kanya na ang lahat. Masaya na siya bilang CEO of Montevella Corp. Ang Montevella lang naman ang pinakamalaking Business Industry sa bansa. Ang Montevella Corp. din ang nagmamay-ari ng mga expensive cars na binebenta ng billion sa loob at labas ng bansa- Ang Neon Sports Cars. Napabuga na lang sa hangin ang binata. Sa kabila pala ng karangyaan niya sa buhay ay malungkot pa din siya. Ten years ago ng bawian ng buhay ang Daddy niya sa sakit nitong lung cancer. Naiwan siyang mag-isa na dala-dala ang responsibilidad bilang isang Montevella. Never siyang lumapit sa kanyang ina nang mamatay ang Daddy niya. Katwiran niya ay aanhin niya ang nanay niya kung iniwan lang naman siya nito noong limang taong gulang pa lamang siya. Kaya sobrang lungkot ni Davidson nang iwanan din siya ng Daddy niya. Buti na lamang at nandyan ang ninong Salvador niya para gabayan siya. May mga ibang tao pa namang hindi siya pinabayaan, pero syempre iba pa din ang aruga ng isang ama. Bahagyang napangiwi si Davidson nang maalala nanaman ang ninong niya. Naghilamos na lang siya para maalis sa isipan niya ang sinabi nito. Pagkababa niya galing kuwarto ay agad na sumalubong sa kanya ang limang naka-unipormeng mga katulong kasama ang yaya niya. “Good morning, sir,” sabay-sabay na bati ng mga kasambahay sa kanya. “Dave, kumain ka muna bago ka magtrabaho. Hindi ka daw masyadong kumakain sabi ni Sandra,” ani Yaya Lucing. Ang yayang tinuring na niyang ina dahil ito ang nag-alaga sa kaniya mula ng iwan siya ng kanyang ina. “Kakain ako sa office, ‘ya. Don’t worry,” saglit na sinulyapan ni Davidson ang crystal glass table. As usual, isang plato lamang ang nakalagay sa pinaka dulo no’n at nakalaan para lamang sa kanya. Binalewala na lamang ni Davidson ang bahagyang lungkot na naramdaman. Nang makaalis ng bahay, sakay ng LEXUS dumiretso siya sa Montevella Hotel na pagmamay-ari din ng angkan ng mga Montevella. Pagkababa ng kotse agad siyang sinalubong ng mga staff ng hotel. Nakahilera pa ang mga ito para bumati sa kanya. Sakto din namang nasa lobby ang Auntie Jasmin niya, ang CEO ng hotel at agad na sinalubong siya nito pagka-kita sa kanya. Yumakap ito sa kanya at nagbeso. “What are you doing here, hijo? Kumain ka na ba?” Natawa siya sa tanong ng Auntie niya. Since pagkabata niya ay ito na ang bungad-tanong sa kanya ng Auntie. “Hindi pa Auntie. Shall we?,” tanong niya at inangkla ang braso ng fifty-years old niyang tyahin. “Okay, let’s go,” nakangiti naman itong tinanggap ang braso niya. Naglalakad sila sa lobby ng hotel papunta sa cafeteria nang may isang babaeng bigla nalang bumangga kay Davidson. Natumba ito at sumabog ang folder na dala nito sa sahig dahilan ng pagkalat ng mga papel sa loob niyon. Agad dinaluhan ni Davidson ang babae. “Are you okay?” Tiningala siya nito at inayos ang salamin sa mata na suot. “S-sorry po. Hindi ko po kayo masyadong nakita” “Yeah. Obviously,” malamig na sambit niya na ikinayuko ng babae. “Keirah Gustavo? Are you an applicant?” Sabay silang napatingin sa auntie niya at hawak na pala nito ang isang kopya ng resume. “O-opo. Aplikante po ako,” nakayukong sabi ng babae at inisa-isang pulutin ang nagkalat na papel. “Oh I see,” nang may nakitang staff sa paligid ay agad itong kinausap ng Auntie niya. “Please tell Ms. Ann, na may applicant dito sa lobby. Tell her to prepare an interview immediately, okay,” utos nito. “Yes ma’am,” agad namang tumalima ang staff na inutusan. “Just wait here hija, okay” Napapangiti na lamang si Davidson sa kinikilos ng auntie niya. Muli niyang sinulyapan ang babae. Mula sa suot nitong kupas na puting dress ay isang wrist watch lang ang accessories ng babae. Hindi din nakaligtas sa paningin niya ang medyo buhaghag nitong buhok na tila kinulang sa conditioner. Nagkibit-balikat na lang si Davidson, at niyaya na ang tiyahin. Mula sa reflection ng mga salamin ng lobby ay natatanaw pa din niya ang babae. ‘If she’s not an applicant, I’ll definitely think na nag so-solicit siya’ sa isip ni Davidson. Hindi niya na lamang pinansin ang pumasok sa isipan sa halip ay sinabayan niya na lang ang lakad ng tiyahin. Mula pa din sa repleksyon ng mga salamin, nakita niya pa ang babaeng sinundo ng Secretary ng Auntie niya. Hindi niya mapigilang sundan ng tingin ang papalayong babae. ‘Why did she look so familiar?’“GOOD MORNING, SIR” Every employees that Davidson passes are slightly confused and bow to greet him. He couldn't escape the sight of some employees rushing to clean their cubicles. He doesn't like dirty things. He’s strict when it comes to the cleanliness of Montevella. Takot lang ng mga itong ma-fire kapag hindi siya sinunod. Seryoso lang at taas-noong naglalakad sa hallway si Davidson, nang may mahagip ang kanyang paningin. Nilapitan niya ang HR na may kasamang pamilyar na babae. “G-good morning po, sir,” nauutal na bati ng HR sa kanya, ngunit hindi niya ito pinansin. Bagkus ay binalingan niya ang babaeng kasama nito. “Hindi ba ikaw yung babae na nasa Montevella Hotel? What are you doing here?” baling niyang tanong sa babae, sa pagkakatanda niya Keirah ang pangalan nito. “Itinurn-over po siya dito ni Mrs. Lee, sir. Kayo na daw po ang bahala sa kanya,” ang HR na ang sumagot sa tanong nya, ang tinutukoy nitong Mrs. Lee ay ang auntie Jasmin niya. “What?” nagtak
‘IF I just know na ganito pala kahirap ang maglayas, I shouldn't done this’ Mangiyak-ngiyak na sa sarili si Keirah. Kanina pa sya pinapagalitan ni Mrs. Kim dahil palagi syang palpak sa mga pinapagawa nito. ‘I hate you, Dad! I really, really hate you!’ Sa isip na lamang nagwawala ang dalaga dahil wala naman siyang magawa dahil wala naman nag-utos sa kanya na umalis ng bahay nila. “Keirah, I need fifty copies of this contracts. Do you know how to xerox? O baka naman pati pagxe-xerox ay hindi mo alam,” masungit na utos na naman ni Mrs. Kim sa kanya. Lihim ng nakasimangot si Keirah. Halos kauupo lang nya. Wala naman siyang nagawa kundi sundin ang masungit na Head. Kung hindi lang ito para sa pagtakas nya sa Daddy nya ay wala naman sya sa ganitong lugar. Nasa kwarto lang sana sya at nakahiga habang nakikinig ng musics o nagbabasa ng libro sa private library niya. Pero hindi eh. Nananahimik ang buhay nya at bigla na lang ginulo ng kanyang ama mula ng sabihin nito na ipapakasal sy
Chapter 5 Pagsenyas ni Davidson sa secretary, isa-isa nitong inilapag ang mga white folders sa harap ng mga Executive Members ng Montevella Corp. Isa-isa niyang tiningnan ang mga ito. Ang blankong ekspresyon ng mukha niya ay halatang nagpailang sa mga tao sa loob. “Do we have a problem, CEO Montevella? What a sudden meeting?” tanong sa kanya ni Mr. Gonzales, ang Director ng Montevella. Sa halip na sagutin si Mr. Gonzales, binalingan ni Davidson ang Marketing Manager ng Montevella. “What happened to Mrs. Kim? Bakit bigla siyang nag pasa ng resignation, Mr. Jo?” tanong nya kay Mr. Jo. “Hindi ko po alam, Mr. Montevella. As I know, napapagod na daw sya,” Umiling-iling si Davidson. Bakit pa ba sya nagtanong? As usual, alam nya naman na ang sagot kung bakit ito biglang nag-resign. Saka hindi namam niya intensyong mapahiya ito sa harap ng tao nito. “Now we’ll get back to our topic,” binuklat nalang ni Davidson ang folder sa harapan nya kaysa isipin pa si Mrs. Kim. “As
KANINA pa natapos ang meeting ngunit nanatili lang si Davidson sa conference room. Pinapakiramdaman ang sarili dahil sa tuloy-tuloy na bilis ng tibok ng dibdib nya. Napahawak na sya sa dibdib nya. Nasa ganoong kalagayan si Davidson ng pumasok ang secretary nyang si Sandra para sabihin na dumating si Mr. Benavidez. Itinago pansamantala ni Davidson ang paninikip ng dibdib. “Patuluyin mo na sa office ko. I’ll be there in a minute,” nakangiwi ang mukhang utos nya sa secretary. “Are you okay, sir?” napansin yata nito ang hitsura nya. “Yeah, I’m fine. Pagod lang ako” Nang bumalik ng office si Davidson ay nagulat pa sya ng hindi lang ang ninong nya ang naroroon. Kasama nito ang asawa, ang ipinagtataka nya pa ay namumugto ang mga mata ng ginang. “Ninong? May problema ba?” agad nyang tanong. “Oo, malaki,” mararamdaman mo sa boses ni Mr. Benavidez ang galit. “What happened?” naguguluhan na tanong ni Davidson. Hindi naman susugod ng basta ang ninong nya kung wa
Chapter Seven: Got to Know You Mabahong paligid at ingay ng mga taong sumisigaw ng mga paninda nila ang tumambad kay Keirah pagkababa niya ng tricycle. “Miss nandito na tayo sa palengke,” pasigaw na sabi sa kanya ng tricycle driver para marinig niya ito. “How much, manong?” tanong niya habang kumukuha ng pera sa wallet. “Sisenta na lang miss kahit na medyo malayo ang pinanggalingan natin, tawad ko na,” sagot nito. ‘Sisen-what?’ What does that mean?’ napapa kamot sa ulong tanong ni Keirah sa sarili. Hindi niya alam ang ibig sabihin ng salitang ngayon nya pa lang narinig. At sa halip na magtanong pa at ayaw na din naman niyang mapahiya, inabot niya na lang sa driver ang buong five-hundred pesos. Sumama pa ang mukha ng driver bago ulit ito magtanong. “Miss wala ka bang barya?” “Keep the change!” tinalikuran na lamang ni Keirah ang naiwang natutulala ang driver. Ikaw ba naman abutan ng five-hundred pesos eh, hindi ka ba matutulala? Hindi alintana ni Kei
Chapter 8: Got to Know You Pt: 2 "Uhm, Mr.- este Sir Dave, okay lang po ba kayo? Mukhang uulan na po eh," medyo nag-aalinlangan pa si Keirah na kausapin ang Boss na nananahimik. Pasulyap-sulyap siya sa madilim na kalangitan. Tila kaunting oras na lang ay babagsak na ang malakas na ulan. "Dad, paano ba yan? We need to go now" Napalingon si Keirah sa binata habang tumatayo ito mula sa pagkaka-upo sa damuhan at nagpaalam sa puntod ng ama. Hindi niya mapigilang pagmasdan ito. May sweet side din pala ito ngunit hindi nito pinapakita sa mga tao. Hindi katulad niya na showy. Sabagay iba-iba naman kasi ang mga tao. Tulad nitong Boss niya, halimaw sa opisina. Pero ang among tupa pag nasa harap ng puntod ng ama. "Sorry, if I have to tagged you here" Nagulat pa siya nang mag-salita ito. "Okay lang Sir, wala naman ako gagawin sa bahay eh" "Malayo ba bahay mo dito?" bigla nitong tanong na ikinalingon niya. Ilang segundong hindi sumagot si Keirah sa tanong ng bi
"Miss Cassidy, wala po kayong appointment, at saka wala din po dito si Sir Davidson" Tila walang naririnig ang sopistikadang babae at nagpatuloy lang ito sa paglalakad patungo ng office ni Davidson. "Miss Cassidy-" Isang matalim na tingin ang pumutol ng sasabihin ni Sandra. Binalingan siya nito at inalis ang shades na suot, saka salubong ang mga kilay na tiningnan siya. "I just want to give him this. Buong gabi akong gising just to make it perfect and I want to be the first person to give him a presents for his birthday," pagtataray nito sabay angat ng square na box at mukhang mga cupcakes ang laman no'n. "So let me in" "Pero Miss Cassidy, wala nga po si Sir Davidson" Bakit kasi hindi siya nito pinapakinggan? "Bilin niya pong wag ako tatanggap ng bisita kapag wala siya or walang appointment," dugtong pa ng sekretarya. Tila nairita na ang babae sa pagpipigil dito ni Sandra na makapasok sa office ng Boss niya. Padabog nitong dinukot ang cellphone sa
Gabi na ng makauwi si Keirah sa tinutuluyan. Ihahatid pa sana siya ni Davidson ngunit tumanggi na siya at pinauwi na ito para naman makapag-pahinga. Pagkatapos maligo ay dumiretso na siya sa kwarto. Pagod ang katawan na binagsak ni Keirah ang sarili sa maliit na kama. Tumingala sya sa kisame at saglit na nag muni-muni habang binibilang kung ilang butiki ang gumagapang doon. Nakaramdam sya ng lungkot nang bigla nyang ma-miss ang kwarto nya sa bahay nila. Mula sa pagiging prinsesa ay bumagsak sya sa pagiging ‘mahirap’. Sinulyapan nya ang durabox na nakatayo sa gilid ng higaan nya. Freebies lang yon ng apartment. Naalala nya din ang walk-in closet nya na punong-puno ng mamahaling mga damit, sapatos, bags at mga alahas. Ngayon ay apat na patong na lang ng durabox ang nakikita nya tuwing magigising sya ng umaga. ‘Hays masasanay din ako sa ganito. Pansamantala lang naman ‘to’ napa buntong-hininga na lamang ang dalaga. Isang malakas na katok ang narinig nya mula sa