‘IF I just know na ganito pala kahirap ang maglayas, I shouldn't done this’
Mangiyak-ngiyak na sa sarili si Keirah. Kanina pa sya pinapagalitan ni Mrs. Kim dahil palagi syang palpak sa mga pinapagawa nito. ‘I hate you, Dad! I really, really hate you!’ Sa isip na lamang nagwawala ang dalaga dahil wala naman siyang magawa dahil wala naman nag-utos sa kanya na umalis ng bahay nila. “Keirah, I need fifty copies of this contracts. Do you know how to xerox? O baka naman pati pagxe-xerox ay hindi mo alam,” masungit na utos na naman ni Mrs. Kim sa kanya. Lihim ng nakasimangot si Keirah. Halos kauupo lang nya. Wala naman siyang nagawa kundi sundin ang masungit na Head. Kung hindi lang ito para sa pagtakas nya sa Daddy nya ay wala naman sya sa ganitong lugar. Nasa kwarto lang sana sya at nakahiga habang nakikinig ng musics o nagbabasa ng libro sa private library niya. Pero hindi eh. Nananahimik ang buhay nya at bigla na lang ginulo ng kanyang ama mula ng sabihin nito na ipapakasal sya sa matandang business partner nito. Twenty-years old pa lamang si Keirah at nag-aaral ng Architecture. Malayo sa business management ang gusto niya. Tutol ang daddy nya na maging arkitekto sya kaya yon lang naiisip ng dalaga na dahilan para ipakasal siya nito. Hanggang sa nauwi na silang mag-ama sa pagtatalo. Umalis sya ng bahay at pinalitan ang pangalan nya bilang Keirah Gustavo. She used her grandmother’s last name. Wala din syang ideya kung sino ang gusto nitong ipakasal sa kanya. At ayaw din nitong sabihin ang tunay na dahilan. “Ikaw ba si Keirah?” Napukaw ang lumilipad nyang isipan ng lumapit sa kanya ang isang Marketing staff. “Oo ako nga, bakit?” sagot niya sa babaeng nagpakilalang Melanie. “Kanina pa kasi hinihintay ni Mrs. Kim yung mga pina-photo copy nya. Tapos na ba?” “H-ha? Ganun ba? Teka lang,” nagmamadaling tinipon ni Keirah ang mga kontratang xinerox nya. “Tapos na” Tinulungan naman sya ni Melanie na dalhin ang mga kontrata. Habang naglalakad patungong office ni Mrs. Kim ay nakikipag-kwentuhan ito sa kanya. “So, ikaw pala ang bagong secretary ni Mrs. Kim? Okay ka lang ba?” simula nito. “Okay lang naman,” matipid nyang sagot. “Alam mo ba, isang secretary lang ang tumagal sa kanya ng tatlong buwan?” mahinang bulong ni Melanie sa kanya. Halatang ayaw nitong may makarinig sa sinabi. “Talaga? Bakit naman?” curious nyang tanong. “Nagtanong ka pa ‘te! Hindi mo ba nahahalata yong ginagawa nya sayo?” Natawa sya sa sagot ni Melanie. Gusto pa yata nitong siraan si Mrs. Kim sa kanya. “Bakit mo ba naisipang pumasok dito sa Montevella?” “Hmm, may sakit kasi tatay ko”, ‘sakit sa negosyo’ gusto nya yon idugtong sa sinabi nya at buti na lang napigil niya ang bibig. “Ahh. Pero sana magtagal ka, Keirah. Kahit na masungit si Mrs. Kim, may gwapo naman tayong CEO,” nabigla siya ng tumingala ito sa ere at tila nag-ilusyon. “Hays, kung si Mr. Montevella lang ang makikita ko araw-araw, hindi na ‘ko tatamarin magtrabaho” “Mr. Montevella?” ulit niyang tanong sa nagi-ilusyong kasama. “Oo, hindi mo pa ba sya nakikita? Sabagay, malimit lang naman yon lumabas. Takot yatang ma-exposed ang gwapong mukha, ang matangos na ilong, ang mapuputing balat na mas makinis pa sa mukha ko, ang-” “Oras ng trabaho pero nag dadaldalan kayo,” isang malamig na boses ang gumulat sa kanilang dalawa. Sabay silang napalingon ni Melanie sa likuran. Nanlaki ang mga mata ni Melanie ng mapagtanto kung sino ang nagsalita. “K-kanina ka pa po ba dyan, sir?” “Hindi naman. Do’n lang sa gwapong CEO ang narinig ko,” sarkastikong sagot nito, na ikinapula ng mga pisngi ni Melanie. Namukhaan ni Keirah ang lalake. Dalawang beses nya na itong nakaka-enkwentro ngayong araw pero hindi nya pa ito nakikilala. Ginawa nya nalang paraan ang pagyuko para bumati sa gwapong lalaking nasa harapan. “Keirah, bumati ka kay Mr-” “Bumalik na kayo sa trabaho,” putol nito kay Melanie. “Ayoko ng may pakalat-kalat sa hallway”Walang nagawa si Melanie kundi ang iwan sya. Nagpapaalam na tingin na lamang ang ipinukol nito sa kanya bago tuluyang umalis. Naiwan si Keirah na nakatanga sa lalake. Hindi nya namalayang pinagmamasdan nya na pala ito. “Miss, do you want to say something?” ang malamig na boses ng lalaki ay nakakapag paigtad sa kanya. “H-hm? Ahm sorry po, maiwan ko na po kayo,” nagmamadaling umalis si Keirah. Nakahinga siya ng maluwag nang makarating sa Marketing Head’s Office. “Bakit ang tagal mo? Nasayang na ang oras ko sa paghihintay!” nakasimangot na si Mrs. Kim pagbalik niya sa office nito. “Sorry po Mrs. Kim,” hingi nya ng paumanhin sabay lapag ng mga contracts sa table nito. Masama ang tingin na binalingan siya nito. “Sa susunod ayaw ko ng matagal, okay. Ayusin mo ang trabaho mo!” Napangiwi si Keirah sa sinabi nito. Mukhang ngayon ay alam nya na kung bakit walang nagtatagal na sekretarya dito. Sa tingin nya ay hindi naman ito matandang dalaga, o sadyang masungit lang talaga ito. ‘Kaya mo ‘to, Keirah!’ pagpapalakas nya ng loob sa sarili at hindi na ininda ang sermon ng Head. “Kabago-bago mo may attitude ka na? Hindi mo pinapansin ang mga sinasabi ko!” dugtong pa nito na ikinasinghap niya. Naririnig naman niya ito ayaw niya lang sumagot. “Pasensya na po ulit,” Magti-tyaga nalang syang magtrabaho sa kumpanyang ito kaysa bumalik sa bahay nila. Mas matitiis nya pa ang kasungitan ng Head kaysa ang pamimilit ng Daddy nyang magpakasal sya. Nagulat si Keirah ng biglang tumayo si Mrs. Kim at nakatingin sa pintuan. Maski sya ay napalingon na din sa pinto at nakita nya ang pagpasok ng lalaking kanina lang ay sumita sa kanila ni Melanie. “M-Mr Montevella?” natataranta na bumati ito sa lalake. Hindi mapigilan ni Keirah ang mapasinghap habang nanlalaki ang mga mata. Ito ba ang gwapong CEO na sinasabi sa kanya ni Melanie? “Keirah, ano pang hinihintay mo? You should greet Mr. Montevella!” “O-opo, h-hello po Mr. Montevella,” hiyang-hiya si Keirah at nagkakanda utal pa sya sa pagbati dito. Hindi nya naman alam na ito pala ang CEO ng Montevella. Akala nya ordinaryo lang din itong Senior, o kaya naman ay Supervisor. ‘Kaya pala sobra nalang ang pagba-blush ni Melanie kanina’ “Mrs. Kim, I know it’s hard for you to train our new employees. But you should take it easy at bawasan mo din ang kasungitan mo. Napapansin kong wala ng nagtatagal sa Department mo” Natigilan si Keirah sa deretsong sinabi ni Mr. Montevella kay Mrs. Kim. Nakita naman nya ang pagkatakot sa mukha ng Head. “Sir, I’m just building their respects to our company,” depensa ni Mrs. Kim. “Respect? How would you expect a respects from them kung ikaw mismo ay walang respeto sa mga tao mo?” seryoso ngunit parang kakain ng buhay ang mga titig nito kay Mrs. Kim. “Naririnig ko ang pagsinghal mo kay Ms. Gustavo, which is wrong. She’s just a new employee and willing to know our regulations. So bigyan mo naman sya ng tamang pagtrato” Hindi na nakapag-salita si Mrs. Kim at nanatili nalang na nakayuko. Pansin din ni Keirah na nanginginig ito sa bawat salitang pinupukol ng CEO. “I’m sorry, sir. Hindi na mauulit,” tanging nasambit na lang nito. “Dapat lang Mrs. Kim, dahil kapag naulit pa ito kahit kaninong empleyado ng Montevella Corp., I won’t hesitate to fire you!” Pagkasabi no’n ay wala ng lingon-lingon lumabas ng office ni Mrs. Kim si Mr. Montevella. Nanginginig ang katawan na napaupo na lang si Mrs. Kim sa swivel chair nito. Hindi siguro nito inaasahan ang mga sasabihin sa kanya ni Mr. Montevella. Habang si Keirah ay naiwang nakatulala sa pintuang nilabasan ni Mr. Montevella. Aaminin nya sa sarili na kahit sya ay ninerbyos sa mga sinabi nito. Lalapitan nya sana si Mrs. Kim pero bigla itong tumayo. Sukbit ang bag, ay lumabas ito ng office. ‘Gosh, what do I do now? Mukhang kasalanan ko pa yata ang nangyari huhu’Chapter 5 Pagsenyas ni Davidson sa secretary, isa-isa nitong inilapag ang mga white folders sa harap ng mga Executive Members ng Montevella Corp. Isa-isa niyang tiningnan ang mga ito. Ang blankong ekspresyon ng mukha niya ay halatang nagpailang sa mga tao sa loob. “Do we have a problem, CEO Montevella? What a sudden meeting?” tanong sa kanya ni Mr. Gonzales, ang Director ng Montevella. Sa halip na sagutin si Mr. Gonzales, binalingan ni Davidson ang Marketing Manager ng Montevella. “What happened to Mrs. Kim? Bakit bigla siyang nag pasa ng resignation, Mr. Jo?” tanong nya kay Mr. Jo. “Hindi ko po alam, Mr. Montevella. As I know, napapagod na daw sya,” Umiling-iling si Davidson. Bakit pa ba sya nagtanong? As usual, alam nya naman na ang sagot kung bakit ito biglang nag-resign. Saka hindi namam niya intensyong mapahiya ito sa harap ng tao nito. “Now we’ll get back to our topic,” binuklat nalang ni Davidson ang folder sa harapan nya kaysa isipin pa si Mrs. Kim. “As
KANINA pa natapos ang meeting ngunit nanatili lang si Davidson sa conference room. Pinapakiramdaman ang sarili dahil sa tuloy-tuloy na bilis ng tibok ng dibdib nya. Napahawak na sya sa dibdib nya. Nasa ganoong kalagayan si Davidson ng pumasok ang secretary nyang si Sandra para sabihin na dumating si Mr. Benavidez. Itinago pansamantala ni Davidson ang paninikip ng dibdib. “Patuluyin mo na sa office ko. I’ll be there in a minute,” nakangiwi ang mukhang utos nya sa secretary. “Are you okay, sir?” napansin yata nito ang hitsura nya. “Yeah, I’m fine. Pagod lang ako” Nang bumalik ng office si Davidson ay nagulat pa sya ng hindi lang ang ninong nya ang naroroon. Kasama nito ang asawa, ang ipinagtataka nya pa ay namumugto ang mga mata ng ginang. “Ninong? May problema ba?” agad nyang tanong. “Oo, malaki,” mararamdaman mo sa boses ni Mr. Benavidez ang galit. “What happened?” naguguluhan na tanong ni Davidson. Hindi naman susugod ng basta ang ninong nya kung wa
Chapter Seven: Got to Know You Mabahong paligid at ingay ng mga taong sumisigaw ng mga paninda nila ang tumambad kay Keirah pagkababa niya ng tricycle. “Miss nandito na tayo sa palengke,” pasigaw na sabi sa kanya ng tricycle driver para marinig niya ito. “How much, manong?” tanong niya habang kumukuha ng pera sa wallet. “Sisenta na lang miss kahit na medyo malayo ang pinanggalingan natin, tawad ko na,” sagot nito. ‘Sisen-what?’ What does that mean?’ napapa kamot sa ulong tanong ni Keirah sa sarili. Hindi niya alam ang ibig sabihin ng salitang ngayon nya pa lang narinig. At sa halip na magtanong pa at ayaw na din naman niyang mapahiya, inabot niya na lang sa driver ang buong five-hundred pesos. Sumama pa ang mukha ng driver bago ulit ito magtanong. “Miss wala ka bang barya?” “Keep the change!” tinalikuran na lamang ni Keirah ang naiwang natutulala ang driver. Ikaw ba naman abutan ng five-hundred pesos eh, hindi ka ba matutulala? Hindi alintana ni Kei
Chapter 8: Got to Know You Pt: 2 "Uhm, Mr.- este Sir Dave, okay lang po ba kayo? Mukhang uulan na po eh," medyo nag-aalinlangan pa si Keirah na kausapin ang Boss na nananahimik. Pasulyap-sulyap siya sa madilim na kalangitan. Tila kaunting oras na lang ay babagsak na ang malakas na ulan. "Dad, paano ba yan? We need to go now" Napalingon si Keirah sa binata habang tumatayo ito mula sa pagkaka-upo sa damuhan at nagpaalam sa puntod ng ama. Hindi niya mapigilang pagmasdan ito. May sweet side din pala ito ngunit hindi nito pinapakita sa mga tao. Hindi katulad niya na showy. Sabagay iba-iba naman kasi ang mga tao. Tulad nitong Boss niya, halimaw sa opisina. Pero ang among tupa pag nasa harap ng puntod ng ama. "Sorry, if I have to tagged you here" Nagulat pa siya nang mag-salita ito. "Okay lang Sir, wala naman ako gagawin sa bahay eh" "Malayo ba bahay mo dito?" bigla nitong tanong na ikinalingon niya. Ilang segundong hindi sumagot si Keirah sa tanong ng bi
"Miss Cassidy, wala po kayong appointment, at saka wala din po dito si Sir Davidson" Tila walang naririnig ang sopistikadang babae at nagpatuloy lang ito sa paglalakad patungo ng office ni Davidson. "Miss Cassidy-" Isang matalim na tingin ang pumutol ng sasabihin ni Sandra. Binalingan siya nito at inalis ang shades na suot, saka salubong ang mga kilay na tiningnan siya. "I just want to give him this. Buong gabi akong gising just to make it perfect and I want to be the first person to give him a presents for his birthday," pagtataray nito sabay angat ng square na box at mukhang mga cupcakes ang laman no'n. "So let me in" "Pero Miss Cassidy, wala nga po si Sir Davidson" Bakit kasi hindi siya nito pinapakinggan? "Bilin niya pong wag ako tatanggap ng bisita kapag wala siya or walang appointment," dugtong pa ng sekretarya. Tila nairita na ang babae sa pagpipigil dito ni Sandra na makapasok sa office ng Boss niya. Padabog nitong dinukot ang cellphone sa
Gabi na ng makauwi si Keirah sa tinutuluyan. Ihahatid pa sana siya ni Davidson ngunit tumanggi na siya at pinauwi na ito para naman makapag-pahinga. Pagkatapos maligo ay dumiretso na siya sa kwarto. Pagod ang katawan na binagsak ni Keirah ang sarili sa maliit na kama. Tumingala sya sa kisame at saglit na nag muni-muni habang binibilang kung ilang butiki ang gumagapang doon. Nakaramdam sya ng lungkot nang bigla nyang ma-miss ang kwarto nya sa bahay nila. Mula sa pagiging prinsesa ay bumagsak sya sa pagiging ‘mahirap’. Sinulyapan nya ang durabox na nakatayo sa gilid ng higaan nya. Freebies lang yon ng apartment. Naalala nya din ang walk-in closet nya na punong-puno ng mamahaling mga damit, sapatos, bags at mga alahas. Ngayon ay apat na patong na lang ng durabox ang nakikita nya tuwing magigising sya ng umaga. ‘Hays masasanay din ako sa ganito. Pansamantala lang naman ‘to’ napa buntong-hininga na lamang ang dalaga. Isang malakas na katok ang narinig nya mula sa
One year ago.. Twentieth birthday ni Eunice at inarkila ng kaibigan ang buong Bar na pagdarausan ng party. Dahil mga legal age na ay inuman at Disco ang kaganapan. Mababa ang alcohol tolerance ni Keirah kaya mabilis siyang nalasing. Kahit na sumusuray ay nagpaalam siya kay Eunice na magbabanyo. Nag-insist pa itong sasamahan sya pero tinanggihan nya ito. Hindi na niya kaya ang hilo at babaliktad na ang sikmura nya. Patakbo nya nang tinungo ang bukas na cubicle at doon inilabas lahat ng nainom. Nanatili lang syang nakayuko sa bowl nang maramdaman niyang may humahagod sa likuran nya. “Are you okay, miss? Mukhang marami kang nainom,” sabi ng boses ng lalake habang hinahagod ang likod nya. “Mukha b-ba a-akong oka- urrrgggh,” hindi pa nya natatapos ang sasabihin ay sumuka na naman sya. “I think you need some medical attention, para bumaba ang hilo mo,” suhestiyon ng lalake. Bahagyang natawa si Keirah sa sinabi ng lalake. Dim light lang ang nagpapaliwanag sa buong ba
"Mom, promise me that you will follow me to the Philippines after my business trip, got it?" Alexander turned the swivel chair forward and raised his feet on the office table. The young man couldn't contain his excitement every time he thought of going to the Philippines for a business proposal at the famous Montevella Corp. company. Alexander will not let his investment in the GX Neon Sports Car go to waste. Matagal na niyang gustong magkaroon ng koneksiyon sa Montevella Corp. At ang dahilan ay sasarilinin na lamang muna niya. Nang malaman niya ang gustong pagkansela ng mga board members ng SHEN GROUP sa Montevella Corp. ay agad niya iyong binawi. Hindi niya matukoy ang dahilan kung bakit gusto ng mga ito mag-back out sa investments sa GX Neon Sports Car ng Montevella gayong bilyon na ang halaga ng mga sales ng nasabing brand ng sports cars. Bilang Director ng SHEN GROUP na nagmamay-ari ng mga expensive cars sa China ay, malaking panghihinayang para kay Al
Keirah PoV "Yuan, is that true? Bakit mo ginawa yon? Pa'no kung nawala ka ha?" pinipigilan ko na lang na 'wag tumaas ang boses habang pinapagalitan ko ang anak ko. "Sorry po, mommy," humihikbing hingi niya ng paumanhin. Disappointed talaga ko sa ginawa niya. Buti na lang may tumulong sa kanila kung hindi...hay nako, ibabalik ko talaga 'to sa sinapupunan ko. Bumuntong-hininga ako para pakalmahin ang sarili ko. Wala naman akong magagawa, sadyang malikot lang talaga si Yuan. "Huwag mo na lang uulitin, okay." Tango naman ang sinagot niya. Halata namang nagsisisi siya sa ginawa niya. "Bakit kasi hindi ka na lang nagpasundo sa driver ng Auntie mo? Edi sana kanina pa tayo nakaalis rito," si Lorraine. "Gusto ko nga silang sorpresahin. Kaya nga hindi ko sinabi sa kanila na uuwi tayo," inirapan ko siya. "Hays, okay okay." Bumuntong-hininga ulit ako. Bakit nga ba ayaw kong sabihin? Wala lang. Mga ilang minuto pa kaming naghintay sa labas ng airport nang may p
(Keirah POV) "Mommy, mommy can I go to the bathroom?" Napatingin ako kay Yuan. Kasalukuyan kong inaayos ang mga passport ko nang magpaalam siya. "Ate Aida, pakisamahan naman si Yuan. Magkita na lang tayo sa waiting area, okay. May aayusin lang ako," pakiusap ko kay ate Aida. "Sige po, ma'am." Pagkatapos magpaalam, iniwan na nila 'ko. Tinatawagan ko rin si Melanie pero hindi naman sumasagot. Mahigit kalahating oras na rin kaming nagaabang dito sa NAIA. 'Nasan na kaya ang mga 'yon?'-------(Davidson POV) "Sir, 1:00 p.m. pa po ang schedule ng meeting niyo, Hongkong time po." "Okay, anything else?" tanong ko kay Sandra. Abala naman ito sa pag-check ng schedule ko sa tablet niyang hawak. "Wala na po, Sir." Nakahanda na ang private plane na sasakyan namin pa-Hongkong. Na-delay nga lang ang lipad dahil nagka-problema sa piloto. Habang naghihintay, hindi ako mapakali. Parang may kakaiba sa nararamdaman ko. Kumain naman ako, pero parang may paru-paro na naglilip
MELTING THE CEO'S COLD HEART:IKATLONG YUGTOSIX YEARS LATER...(Keirah Pov) Sa paglipas ng mga taon, marami na ang nangyari. Meron na 'kong malusog at bibong anak na lalake. Six years old na si Yuan Dave sa susunod na buwan at balak ko na ring dalhin siya sa Pilipinas. "Lorraine, yung visa mo at passport, okay na ba?" tanong ko kay Lorraine. Busy ang gaga sa pagme-make up. "Oh yes, kahapon pa nasa bag ko," hindi niya talaga maitago ang excitement niya na uuwi na pagkalipas ng maraming taon. Bahagya akong natawa sa hitsura niya. London girl na rin ang pormahan nitong si Lorraine. Ang laki rin ng pasasalamat ko sa kanya, kung hindi dahil sa kanya, hindi ko kakayanin mag-isa si Yuan. "Mommy! Mommy, we're home!" Sabay kaming nagkatinginan ni Lorraine at nagkangitian rin. Nagpatiuna na 'kong lumabas ng kwarto niya para salubungin ang kararating kong anak. "Yuan? How's my baby?" hinalikan ko sa pisngi si Yuan. Hindi nakaligtas sa paningin ko ang gasgas sa may t
THREE MONTHS LATER "Meeting dismissed! You all can go back to work now." Natapos na ang meeting nina Davidson at ng mga tauhan niya ngunit ang kanyang Auntie Jasmine ay hindi man lang tumalima. "Is there anything you want, Auntie?" Tiningnan muna siya malamlam ng ginang bago magsalita. "Are you okay, Davidson? Hanggang ngayon ba ay nasa isip mo pa rin si Keirah?" Tila naudlot ang pag-upo ng binata nang marinig ang sinabi ng tiyahin. "What do you mean, Auntie?" tanong niya saka tuluyang hinila ang swivel chair para makaupo. Hindi niya inakala talaga na magtatanong ng ganoon ang tiyahin niya. Kunsabagay, baka concern lang ito. Botong-boto pa naman ito kay Keirah. Sa totoo nga lang ay ito pa ang numero unong tagasuporta niya pagdating kay Keirah. Kaso wala eh, wala na itong magagawa, tapos na ang sa kanila ng dalaga. Kahit na manghinayang pa ang tiyahin, eh huli na rin naman ang lahat. Hindi niya nga alam kung nasaan si Keirah eh. Sinubukan niyang itanong sa mga kaibigan ng
"Magre-resign ka?" "Ah eh, yes po Sir," nanlalamig ang mga kamay ni Lorraine habang kaharap si Mr. Montevella. "What's the reason? You're one of the most trusted employee ko dito sa Montevella, and you're now resigning?" Hindi naman galit ang amo niya ngunit ang kaba sa dibdib ng dalaga ay hindi maiwasan. "Ahm kasi po..u-uwi po kasi ako ng probinsya, Sir. May aalagaan po akong kamag-anak," nakagat ni Lorraine ang pang-ibabang labi. Sana lang ay hindi mapansin ni Mr. Montevella na nagsisinungaling siya. Bakit naman kasi kailangan pa siyang isama ni Keirah sa England? Mahigit anim na taon na siyang nagtatrabaho sa Montevella Corp. kaya ngayon ay nahihirapan siyang magpaalam. "Sir? Payagan niyo po ako please." Nakita ni Lorraine ang pagbuntong-hininga ni Mr. Montevella. Pinagdaop rin nito ang palad sa harap ng mukha para ipakita kung interesante ba ito sa sinasabi niya. "Well, kung yan ang desisyon mo, Miss Lorraine. Who am I para pigilan ka, 'di ba?" Muli ay
Tulala. Tulala sa kawalan si Keirah. Walang pumapasok sa kanyang isip. Nakipaghiwalay siya kay Davidson ng ganoon kadali. Parang wala siyang ideya kung bakit niya 'yon nagawa. "Keirah, kaya mo 'to, okay. Magiging okay din ang lahat. Magiging okay ka rin," patuloy na pang-aalo niya sa sarili. Para maiban ang lungkot na nadarama, isinubsob niya ang mukha sa unan at doon ay umiyak nang umiyak. Nasasaktan din naman siya. Hindi niya gustong hiwalayan si Davidson. Pero dahil sa miserable niyang sitwasyon, ayaw niya itong madamay. Gusto niyang sarilinin ang lahat ng problema. Ngunit sa ginawa niyang ito, malaking parte rin sa buhay niya ang nawala. ***** "S-sigurado ka ba sa gagawin mo, Akira?" "Yes Auntie. Pupunta ako ng England para ayusin do'n ang business ni Dad. Gusto kong i-expand ang branch do'n." "Well, kung yan ang nararapat at desisyon mo. Paano naman ang company dito sa Pilipinas?" "Five years lang ang kailangan ko, Auntie Laida. Babalik din ako dito
"Mr. Montevella, she's here." Nakangiting tinanguan ni Davidson ang manager ng isang mamahaling restaurant. Special ang gabing ito. Nag-rent pa siya ng buong restaurant para sa surpresa niya kay Keirah. Kailangan niyang gawin ang lahat para pagaanin ang loob ng nobya. Gusto niyang kahit papaano ay sumaya naman ang dalaga at sandaling makalimot mula sa mapapait na mga nangyari. "Yung music, ha. I want this night to be more special," hindi mawala ang ngiti sa kanyang mga labi. Muling tiningnan ni Davidson ang isang diamond ring na nakalagay sa crystal box. Tonight, he' gonna propose. Yayayain niya na ng kasal si Keirah. Alam niyang hindi ito tatanggi pagkat mahal na mahal siya nito. At ganun din naman siya sa dalaga. In short, nagmamahalan silang talaga. Habang papalapit nang papalapit si Keirah sa kanya mas lalo namang bumibilis ang tibok ng kanyang puso. Bahala na. "Hi, babe," nakangiting bati niya sa dalaga nang makalapit na ito ng tuluyan sa direksyon niya. Ma
"Dad? Bakit ngayon pa?" Sobrang gulo na ng isipan ni Keirah. Halos buong unang lamay ng kanyang ama ay wala na siyang ginawa kundi ang umiyak. Masakit na masakit na rin ang kanyang mga mata. Mugtong-mugto na sa kakaiyak. Pakiramdam niya nga ay wala na siyang mailabas na luha. Hindi naman umalis sa tabi niya si Davidson. Tulad niya ay nangungulila rin ito. Alam niya ang pinagsamahan ng dalawa. Halos ama na rin ni Davidson ang Daddy niya dahil ito na ang gumabay rito mula noong namatay ang Daddy nito. "Keirah, tahan na," pang-aalo ni Davidson. Nakahilig siya sa balikat nito. "I don't think I can move on." "Keirah, you have me pa. Magiging okay din ang lahat--" "Okay? People are dying! Because of me! Paano magiging okay?!" hindi namamalayan ng dalaga na tumataas na ang boses niya. "What if, ikaw ang sumunod ha Davidson? "Ano bang sinasabi mo?" maski si Davidson ay kumunot ang noo at bahagya na ring tumaas ang boses. Umalis siya sa pagkakahilig sa balikat nito at marah
"Kamusta ka na?" pangangamusta ni Melanie kay Keirah nang minsa'y naisipan nilang lumabas na magkaibigan. Ayaw niya pa nga sana kaya lang baka masiraan na siya ng ulo kapag nagmukmok lang siya sa bahay. "Okay lang naman. Pilit na bumabalik sa dati," matipid niyang sagot. "Dapat lang ano. Hindi naman pwedeng habang-buhay ka nang magmukmok r'yan. Mag-refresh ka." "Ano pa bang ginagawa ko?" nagpangalumbaba siya saka tinuon ang panson sa paghahalo ng kapeng inorder. "Si Matmat?" minabuti ni Keirah na ibahin na lang ang usapan. "Kamusta naman ang school niya?" "Nako, ayon. Napakakulit sa school. Lagi nga akong napapatawag ng teacher," umiirap pa ito habang nagkukwento. "Syempre bata." Kahit anong pilit na pag-iiba ni Keirah ng usapan, nanghihina pa rin talaga siya at nawawalan ng gana. Ayaw naman niyang makahawa ang bad energy na bumabalot sa katawan niya kaya pinipilit niya na ring maging masaya nang hindi naiisip ang mga nangyari. Nasa gitna sila ng usa