Share

Chapter 158: Positive

Tulala.

Tulala sa kawalan si Keirah. Walang pumapasok sa kanyang isip. Nakipaghiwalay siya kay Davidson ng ganoon kadali.

Parang wala siyang ideya kung bakit niya 'yon nagawa.

"Keirah, kaya mo 'to, okay. Magiging okay din ang lahat. Magiging okay ka rin," patuloy na pang-aalo niya sa sarili.

Para maiban ang lungkot na nadarama, isinubsob niya ang mukha sa unan at doon ay umiyak nang umiyak.

Nasasaktan din naman siya. Hindi niya gustong hiwalayan si Davidson. Pero dahil sa miserable niyang sitwasyon, ayaw niya itong madamay.

Gusto niyang sarilinin ang lahat ng problema.

Ngunit sa ginawa niyang ito, malaking parte rin sa buhay niya ang nawala.

*****

"S-sigurado ka ba sa gagawin mo, Akira?"

"Yes Auntie. Pupunta ako ng England para ayusin do'n ang business ni Dad. Gusto kong i-expand ang branch do'n."

"Well, kung yan ang nararapat at desisyon mo. Paano naman ang company dito sa Pilipinas?"

"Five years lang ang kailangan ko, Auntie Laida. Babalik din ako dito
Locked Chapter
Continue to read this book on the APP

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status