Share

Chapter Three: Pagsubok

“GOOD MORNING, SIR”

Every employees that Davidson passes are slightly confused and bow to greet him. He couldn't escape the sight of some employees rushing to clean their cubicles. He doesn't like dirty things. He’s strict when it comes to the cleanliness of Montevella.

Takot lang ng mga itong ma-fire kapag hindi siya sinunod.

Seryoso lang at taas-noong naglalakad sa hallway si Davidson, nang may mahagip ang kanyang paningin. Nilapitan niya ang HR na may kasamang pamilyar na babae.

“G-good morning po, sir,” nauutal na bati ng HR sa kanya, ngunit hindi niya ito pinansin. Bagkus ay binalingan niya ang babaeng kasama nito.

“Hindi ba ikaw yung babae na nasa Montevella Hotel? What are you doing here?” baling niyang tanong sa babae, sa pagkakatanda niya Keirah ang pangalan nito.

“Itinurn-over po siya dito ni Mrs. Lee, sir. Kayo na daw po ang bahala sa kanya,” ang HR na ang sumagot sa tanong nya, ang tinutukoy nitong Mrs. Lee ay ang auntie Jasmin niya.

“What?” nagtaka si Davidson at tinawagan ang auntie Jasmin niya.

Bago pa makapag-dial si Davidson ay isang mensahe na ang natanggap nya mula sa tiyahin.

‘Dave, take care of her. She looks like ignorant and innocent, pero mukha naman siyang mabait. Bigyan mo siya ng trabaho, okay’

Napamaang si Davidson sa message ng auntie niya. Akala niya ba ay bibigyan ito ng trabaho sa hotel. Anong nangyari?

Hindi na lamang nireplayan ni Davidson ang mensahe, at binalingan ang babae.

“You? What’s your name?” tanong niya kahit alam na nya kung ano.

“K-Keirah Gustavo, sir,”nakayuko’t nauutal na sagot nito.

Muling sinipat ni Davidson ang hitsura ng babae. Tingin niya ay bata pa ito, mukhang wala pang experience sa trabaho.

‘Did she even know how to use a typewriter?’

“What is your capability? Are you willing to work here?” tanong niya.

“Opo naman sir,” mabilis na sagot ng dalaga, this time ay tumingin na ito sa kanya. She didn’t look that bad pero lagi itong nakayuko.

“Ms. Rodriguez, ikaw na ang bahala sa kanya. Ibigay mo sya kay Mrs. Kim,” utos niya sa HR.

“But sir-”

“No more buts, Ms. Rodriguez. Kapag hindi siya nag-resign within two days ay saka mo lang i-finalize ang kontrata nya,” matigas nyang utos.

“Y-yes sir. Let’s go, Ms. Keirah,” iginiya na nito ang babae palayo sa kanya. Alam nya ang dahilan ng pag aalangan ni Ms. Rodriguez na i-assign ang babae kay Mrs. Kim.

‘I’m sorry miss, but that was just my own way to see if you are capable to work here’ bulong ni Davidson sa sarili saka naglakad na patungong CEO’s office.

“NAKATANGGAP kami ng report galing Tokyo, Mr. Montevella,” paninimula ng Senior Investigator na kausap ni Davidson patungkol sa walanghiya niyang Uncle.

Kasalukuyan silang nasa lobby ng building ng Montevella Corp.

“Did you find him?” tanong niya.

“Umalis siya ng Tokyo papuntang Europe,” sagot nito na ikina-dismaya ng binata. “Mukhang ayaw talaga magpahuli ng Uncle mo, Mr. Montevella”

Napabuntong-hininga na lamang siya sabay tumayo.

“Just do everything you can to find him. Gusto ko siyang makita na nasa selda,” matigas niyang utos. Palagi na lang silang natatakbuhan nito.

“Yes, Mr. Montevella. Tumawag na din kami sa Europe Embassy para subaybayan siya,” anito at tumayo na rin.

Nauna na itong magpaalam sa kaniya. Bumalik sa pagkakaupo si Davidson sa couch ng lobby, at pinagmasdan ang mga paroo’t paritong mga empleyado.

‘Dad, I promise na pagbabayarann ni Uncle Henry ang mga kasalanan niya sayo’ tahimik na bulong niya sa sarili.

Wala naman siyang pakialam sa tatlong bilyong nawala sa Montevella. Ang nawala lang sa kanya ay ang tiwala sa uncle niya.

Huwag na huwag lang talaga itong magpapakita sa kanya at hindi nya alam kung anong magagawa niya dito kahit na kadugo niya pa ito.

“Excuse me, Mr. Montevella”

Bahagyang napukaw ang lumilipad na isipan ng CEO sa paglapit sa kanya ni Ms. Andres.

Ano namang ginagawa ng sekretarya ng ninong niya sa Montevella Corp?

“Yes? What are you doing here?” tanong niya agad sa nagpapa-cute na sekretarya.

“Ipinaaabot ni Mr. Benavidez ang mga documents na ito, Mr. Montevella,” malambing ang tono ng pananalita nito.

Kahit na ano pang pa-cute ng babae ay wala siyang pakialam. Napapailing na lang si Davidson na kinuha ang folder na puno ng documents.

“Okay. Thank you, Ms. Andres. You may go now,” pagtataboy niya dito.

He sighed habang pinagmamasdan ang sekretaryang makalayo. Agad niyang binuklat ang folder. Agad niya iyong binasa at nagulat pa siya sa nilalaman ng documents.

‘WHAT? SHEN GROUPS WANT TO CANCEL THEIR INVESTMENT?’

Agad hinagilap ni Davidson ang phone sa bulsa ng coat niyang suot, at tinawagan ang ninong niya.

“Hel-”

“Anong ibig sabihin nito, ninong?” napalakas ang boses niya kaya naglingunan ang ilang mga staffs sa direksyon ni Davidson. Agad naman siyang umalis sa pwesto at napagpasyahan bumalik nalang sa office at mukhang confidential ang usapang iyon.

“Bakit gustong i-cancel ng SHEN GROUP ang investments sa Neon?” naka-kunot noong tanong niya.

“Well, may nakarating sa kanila na nalulugi na ang Montevella,” anito sa kabilang linya.

“But that isn’t true, you know that ninong,” napapahawak na sa sentido si Davidson. Problema nanaman.

“SHEN GROUP is the most highest brand of cars sa China, Dave. So you’ll get it kung aatras sila sa investments at magca-cancel ng mga kontrata ng partnership,” huminga muna ito ng malalim bago ulit magsalita. “They didn’t want to have a partnership sa mga naluluging kumpanya”

Nakuyom ni Davidson ang mga palad at napatiim-bagang na lamang siya sa mga narinig mula sa ninong niya.

Matagal niyang pinaghirapang makakuha ng partnership sa SHEN GROUP para sa mga Sports Cars na iti-trade sa China. Pero masasayang lang yata ang lahat ng yon.

Lalo siyang napatiim-bagang, mukhang pinamumukha talaga ng ninong niya na nalulugi na ang Montevella.

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status