"I'm sorry, Keirah," marahang bulong ni Davidson sa kanya. Nasa restroom pa rin silang dalawa at nagsusuyuan. Pinapakalma niya ang praning nitong utak. "Gosh, girl. He's so freakin' hot!" Mabilis na nagkatinginan si Keirah at Davidson nang makarinig ng boses ng mga babaeng papasok ng restroom. "Oh my God!" nanlalaki ang mga matang bulalas niya sabay tulak kay Davidson palayo. "Anak ng-- may paparating, baka kung anong isipin nila--" Naputol ang sasabihin niya nang mabilis siyang hilahin ni Davidson papasok sa isang bakanteng cubicle. Aangal pa sana siya ngunit mabilis na tinakpan ni Davidson ng palad nito ang bibig niya. "Shhh. Quiet!" maawtoridad na utos ng binata habang dahan-dahang inaalis ang palad sa kanya. Gusto niyang matawa, para silang bagong mag-jowa na nagme-make love at takot mahuli. 'Echosera' "He's staring at me... But why did he looks so sad? Despite of his pretty face, there's a sadness. I can tell it," ani pa ng isang babae. Nasisilip nil
"Congratulations, Mr. Montevella." Katatapos lang ng carshow, lahat ng mga big investors ay lumalapit kay Davidson para makipag-kamay sa kanya. Tuwang-tuwa ang binata dahil naging successful naman ang carshow kasama na ang mga sasakyan niya. Lalong lalaki ang sales ng mga sportscar niya dahil sa mga big investor na mag-iinvest dito. "Sir, deretcho na po tayo sa Shangri-La Hotel para sa party," bulong sa kanya ni Sandra. "Okay. Si Keirah?" kanina pa nga niya ginagala ang paningin ngunit hindi niya makita si Keirah sa paligid. Kanina lang ay magkasama sila ngunit bigla na lamang itong nawala. Hindi na niya nagawa pa itong hanapin dahil naharang na siya ng mga investors na gustong makipag-usap sa kanya. "Hindi ko po s'ya napansin, Sir," tipid na sagot ni Sandra at binalik ang tuon sa schedule na binabasa. "I'll just call her na lang." Iniwan niya sandali ang sekretarya para lumabas ng building at tawagan si Keirah. Nagri-ring naman ang cellphone nito ngunit hindi sumasag
"Is there anything you want, Ma'am?" magalang na pagtatanong ng isang waitress sa sopistikadang babae na kasalukuyang umu-order ng drinks sa isang mamamahaling restaurant sa Tokyo. Ang babaeng ito ay walang iba kundi si Maureen. Nang malaman niya ang pagpunta ni Keirah ng Japan ay agad siyang nag-book ng flight para sundan ang babae. Ngunit malaki ang Tokyo kaya nahihirapan siyang tuntunin ito. "Ma'am?" pukaw ng waitress sa kanya. Hinubad niya ang suot na shades at saka tumingin sa naghihintay na waitress sa kanyang tabi. "No. I'm good," matipid niyang sagot kapagkuwa'y tumingin sa orasang-pambisig. Mag-aalas-singko na ng hapon, Japan time. Ngunit hindi niya pa rin alam kung anong mga sunod na gagawin. Nagliwaliw muna siya bago mag-check-in sa isang hotel. Wala namang nakakakilala sa kanya sa bansang ito kaya malaya siyang maglakad-lakad at pumunta kung saang lugar niya gusto. Gusto niya lang talagang malaman kung anong ginagawa ni Keirah. Gusto niya i
"Are you okay? Don't think too much, Keirah. Mag-enjoy na lang tayo and don't worry hindi kita pababayaan." Naibsan ang kabang nararamdaman ni Keirah nang yakapin siya ni Davidson. Nasa balkonahe siya ng unit nila at nag-iisip. Halos mag-iisang oras na nga siyang tulala sa kawalan. "Okay lang ako. Huwag ka masyadong mag-aalala sa'kin," hinawakan niya ang kamay ng binata na nakayakap sa likod niya. Kahit na malalim ang iniisip ay hindi siya nagpapadala sa emosyon niya. Kailangan niyang samahan si Davidson sa pag-cecelebrate nito dahil successful ang nagdaang drift. Hindi niya lang talaga maiwasang maisip si Maureen. (Krrrngggg) Bumitaw sa pagkakayakap sa kanya si Davidson nang tumunog ang phone niya hudyat na may tumatawag. Napangiti ang dalaga nang mabasa ang pangalan ni Melanie sa caller's name. "Hello?" "Hoy babae! Nandito na pala kayo sa Japan, bakit hindi mo man lang ako hinanap?" "Ah haha--" napangiwing bigla si Keirah. Nakalimutan niya ang pangako kay Melanie
"Hello 'ya? Napatawag ka?" medyo namamaos at nanunuyo pa ang lalamunan ni Keirah habang nagsasalita. Naalimpungatan kasi siya mula sa pagkakatulog. Kinusot-kusot ni Keirah ang kanyang mga mata bago tuluyang magising. "Hello 'ya?" ulit niya ulit. Hindi kasi ito agad sumagot. "Keirah ang Daddy mo--" "May problema ba? A-ano si Daddy?" napatayong bigla ang dalaga ng makaramdam ng kaba. Agad siyang kinutuban. "Yaya?" "Sinugod sa hospital si Sir, Akira. Inatake siya!" "A-ano po? W-wait, pupunta ako diyan ngayon na. Stay with him, yaya please," hindi malaman ni Keirah kung anong uunahin. Kung magbo-book ng emergency flight o mag-iimpake. "May problema ba?" nilingon niya si Davidson na pupungas-pungas na bumabangon sa kama. "Si Dad sinugod sa hospital." "WHAT?" napatayo na rin bigla ang binata dahil sa narinig. "Anong nangyari?" "I-inatake daw," hindi na niya naitago pa ang pag-aalala sa boses niya. Nangangatog na rin ang katawan ni Keirah at binab
Isang linggong nakalipas, nilabas na rin si Mr. Benavidez. Ngunit ang matanda ay pinayuhan ng Doctor na kailangang magpahinga para sa ikapagpapatuloy ng maayos na kalagayan nito. "Dad, what are you doing? Bakit naman nandito ka na agad sa office mo?" nag-aalalang tanong ni Keirah ng makita ang ama na nasa private office nito sa bahay nila. May mga binabasa itong documents at mukhang seryoso ang matanda. "Marami akong pendings na trabaho. Marami na ring mga dokumento na kailangan ng pirma ko--" "Pero Dad, ang sabi ng doktor--" "Akira, wala namang ibang gagawa nito kundi ako. Unless, magbitaw ka na sa pag-aarkitekto mo at palitan mo na ang pwesto ko." Natameme ang dalaga sa sinabi ng ama. Hindi siya makapaniwala na sasabihin nito iyon. "Dad? What are you saying?" "I'm saying, oras na siguro para ikaw na ang humalili sakin sa kompanya." Nagsunod-sunod ang lunok niya ng laway. Ayaw niya mag-manage nito noon pa. Pero ngayon, nakikiusap na ang ama sa kanya. An
Hindi maiwasan ang pagsasalubong ng mga kilay ni Davidson habang nakatitig sa screen ng kanyang cellphone. Nakakailang ulit na siyang nagda-dial ng sa numero ni Keirah ngunit paulit-ulit rin nitong pinapatay sa kabilang linya. "What's goin' on?" hindi maiwasan ng binata ang magtaka. Never siyang pinatayan ni Keirah ng telepono. Pwera lang kung galit ito sa kanya o nagtatampo. Pero sa ngayon ay wala siyang matandaan na pinagawayan nilang dalawa. Isang beses pa niyang dinial ang numero ng dalaga at sa pagkakataong ito ay sumagot na rin ito. "Hello?" "Love? May problema ba? You're not answering my call," may halong pagtatampo sa tono niya. "Ahm, busy lang ako. Sorry ha." Nagsalubong na naman ang mga kilay ng binata kapagkuwa'y tumayo mula sa pagkakaupo sa swivel chair. "Busy?" "Yeah. I'll talk to you later, Dave." "Uh?" napaawang ang mga labi niya nang babaan siya ng telepono ni Keirah. Napapabuntong-hininga na lamang siyang tumanaw sa kawalan.
"Hey, Dave! Wake up!" Nagising si Davidson sa malakas na katok mula sa labas ng kwarto niya. Kinusot niya ang mga mata saka tumingin sa alarm clock. Napabuntong-hininga na lang siya nang ma-realize niyang hindi niya narinig ang alarm. Tinanghali tuloy siya ng gising. Ngunit ang isang pinagtatakhan niya ay ang marinig ang boses ni Alexander sa labas ng kwarto niya. "What?" tanong niya habang sinusuot ang shirt na hinubad kagabi. "Open your door!" "Tsk! Bakit ba kasi?!" gustong mag-alburuto ni Davidson habang papalapit sa pintuan. "It's mom!" "Huh?" Mabilis niyang binuksan ang pinto at bumungad sa harapan niya ang humahangos na itsura ng kapatid. Habol-habol nito ang paghinga na pinagtaka niya. "Anyare?" kunot ang noong tanong niya. Binabasa niya pa ang itsura ni Alexander. Base sa nagaalala nitong mukha ay tila may hindi magandang nangyari. "Just come with me, okay," walang nagawa si Davidson nang hilahin siya ni Alexander palabas ng pinto