Share

Chapter 136: Ignored

Hindi maiwasan ang pagsasalubong ng mga kilay ni Davidson habang nakatitig sa screen ng kanyang cellphone.

Nakakailang ulit na siyang nagda-dial ng sa numero ni Keirah ngunit paulit-ulit rin nitong pinapatay sa kabilang linya.

"What's goin' on?" hindi maiwasan ng binata ang magtaka.

Never siyang pinatayan ni Keirah ng telepono. Pwera lang kung galit ito sa kanya o nagtatampo. Pero sa ngayon ay wala siyang matandaan na pinagawayan nilang dalawa.

Isang beses pa niyang dinial ang numero ng dalaga at sa pagkakataong ito ay sumagot na rin ito.

"Hello?"

"Love? May problema ba? You're not answering my call," may halong pagtatampo sa tono niya.

"Ahm, busy lang ako. Sorry ha."

Nagsalubong na naman ang mga kilay ng binata kapagkuwa'y tumayo mula sa pagkakaupo sa swivel chair.

"Busy?"

"Yeah. I'll talk to you later, Dave."

"Uh?" napaawang ang mga labi niya nang babaan siya ng telepono ni Keirah. Napapabuntong-hininga na lamang siyang tumanaw sa kawalan.

Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status