Share

Chapter 135: Position

Isang linggong nakalipas, nilabas na rin si Mr. Benavidez. Ngunit ang matanda ay pinayuhan ng Doctor na kailangang magpahinga para sa ikapagpapatuloy ng maayos na kalagayan nito.

"Dad, what are you doing? Bakit naman nandito ka na agad sa office mo?" nag-aalalang tanong ni Keirah ng makita ang ama na nasa private office nito sa bahay nila.

May mga binabasa itong documents at mukhang seryoso ang matanda.

"Marami akong pendings na trabaho. Marami na ring mga dokumento na kailangan ng pirma ko--"

"Pero Dad, ang sabi ng doktor--"

"Akira, wala namang ibang gagawa nito kundi ako. Unless, magbitaw ka na sa pag-aarkitekto mo at palitan mo na ang pwesto ko."

Natameme ang dalaga sa sinabi ng ama. Hindi siya makapaniwala na sasabihin nito iyon.

"Dad? What are you saying?"

"I'm saying, oras na siguro para ikaw na ang humalili sakin sa kompanya."

Nagsunod-sunod ang lunok niya ng laway. Ayaw niya mag-manage nito noon pa. Pero ngayon, nakikiusap na ang ama sa kanya.

An
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status