You made our Mom happy today. Thanks a lot, Dave."Isang tapik sa balikat ang tinugon ni Davidson sa kapatid. Pagkatapos maiuwi sa condo ang nanay nila ay naisipan nilang magkapatid na dumalaw sa bar ni Leo. "Oh that? Bumabawi lang ako kay mama, sa dami ko ba namang nalampasan na birthday niya eh," sagot niya sabay lagok ng isang shot ng whiskey. "Pero salamat talaga, Dave." "Teka, I'm two years older than you, diba dapat kuya ang tawag mo sa'kin?" nangungutya na sabi ni Davidson. Gusto niya lang asarin si Alexander. "Seriously? Okay lang ba kung kuya itawag ko sayo? Kuya?" Muntik na siyang masamid sa sinagot ni Alexander. Hindi niya akalain na seseryosohin naman nito ang sinabi niya. Tumikhim muna siya bago magsalita. "K-kung gusto mo, bakit hindi? Pero nagbibiro lang naman ako." "You can't take back your words, kuya. From now on, I'll call you kuya. Better," natatawang dugtong ni Alexander. Wala namang masama kung kukuyahin niya ang kapatid. ~~~~ "Wait, a
"Bakit ka ba naglasing?" Ang nakahalukipkip at kunot-noong mukha ni Keirah ang bumungad kay Davidson. Sapo niya ang sentido habang bumabangon sa kama. Wala siyang maalala kung bakit siya nakauwi. Ang alam lang niya ay sobrang nalasing siya kagabi. Nagulat man sa presensya ni Keirah ay hindi siya nagpahalata o nagpakita ng excitement sa dalaga. Bagkus ay nagtampo-tampuhan pa siya para suyuin nito. "Ano sa tingin mo kung bakit ako naglasing?" Nakita niyang umawang ang bibig nito. Halatang nabigla sa inasta niya. Paraan niya talaga ito para suyuin siya ng dalaga. Ngunit nagkamali siya ro'n, umikot ang mga mata nito at lalo pang humalukipkip. "Bakit? Galit ka?" aniya pa. "I just want to know kung bakit ka naglasing?" mas matigas pa ang boses ng dalaga kaysa sa kanya. "Ah..Eh kasi ano..." mapupurnada pa yata ang pagtatampo-tampuhan niya ah. "Ano?" nagpantay na ang kilay ni Keirah. "Eh kasi...Bakit mo ba tinatanong? May pakialam ka pa pala," pilit niyang pinatigas ang
"A-anong kailangan mo, Maureen? What are you doing here?" "Ang gaganda naman ng mga damit mo Cassidy. Prinsesang-prinsesa." Hindi maiwasan na makaramdam ng takot at kaba si Cassidy habang pinagmamasdan ang palakad-lakad na si Maureen sa kanyang dressing room. Hinihimas ng babae ang bawat wardrobe na naroroon. Nagtataka siya kung bakit ito nakapasok do'n eh mahigpit ang mga bantay sa labas ng set. "A-anong ginagawa mo, dito?" nangangatal ang boses na tanong dito ni Cassidy. Hindi niya talaga alam kung anong ginagawa ng babae rito. Napaatras siya ng hakbang nang bigla itong naglakad palapit sa kanya. "Don't be afraid my dear old friend, I'm just here to be your personal hairstylist," parang nakakaloko ang mga ngiti nito. "I-I'm not your friend. Ni hindi nga kita naging kaibigan!" pinatapang ni Cassidy ang boses para sindakin ito. Matagal na siyang nananahimik. Ayaw na niyang manggulo at ayaw niya na rin madamay sa trouble ng babaeng 'to. Kaya naman ngayo
'What the hell is she planning?' "CUT!" Sabay-sabay na naglingunan sa direksyon ng Director ang lahat ng nasa set. Bumuntong-hininga si Cassidy saka inayos ang sarili bago mag-water break. Napansin yata ng Director nila na wala siya sa focus kaya nag-cut ito. Hindi nga siya nagkamali ng hinala nang lapitan siya nito para komprontahin. "Cassidy? Is there something wrong? Kanina ka pa wala sa focus!" singhal ng Director sa kanya. "Sorry, Direk--" "Mag-focus ka ha, nakaka-ilang cut na 'yan!" Muling humugot ng malalim na hininga si Cassidy bago bumalik sa set. Sa kabilang dulo naman ng set ay tahimik lang na nanonood si Maureen sa kinukuhanang eksena. Malalim ang kanyang iniisip at walang sinumang makababasa ng nilalaman ng isip niya. **** "Thank you to all the people who have attended this wonderful night for my daughter. I proudly announced that my daughter, Akira Benavidez will take the given position as the new CEO of Benavidez Company...." nagpal
"Hello Dad?" "Where are you? Bakit ka umalis nang hindi man lang nagpapakilala sa mga shareholder and investors natin? What the hell are you thinking?" Napakagat-labi si Keirah habang pinapakinggan ang sermon ng kanyang ama sa kabilang linya. Nalibang yata siya sa oras at hindi niya namalayan ang paglipas nito. "What's wrong?" tanong ni Alexander nang magbaba na siya ng cellphone. "Sinesermunan ako ng Daddy ko." "What? Ihahatid na kita. I'm sorry, napahamak pa yata kita." Nagmamadaling tumayo si Alexander at inalalayan siyang makatayo. Pinigilan niya ito at natatawang binalingan. "Geez. I'm already twenty-six, Alexander. Turning twenty-seven this year. Kaya ko na ang sarili ko. Kaya ko na rin i-handle ang sermon ng isang Benavidez." Nagpantay ang kilay ng binata habang nakatitig sa kanya. Natatawa ito. "Seriously? Lasing ka ba? Kaunti lang naman ang nainom mo ah." "Hindi ako lasing 'no," tanggi ni Keirah. Sabihin na niyang nakailang inom rin siya ng wine, pero alam
'Agh! Ang sakit na ng ulo ko! Kung alam ko lang, sana pinursue ko na lang yung Business Management na gusto ni Dad.' Nakasubsob sa mesa at gulong-gulo ang isipan. 'Yan ang itsura ni Keirah. Nangangalumata na nga yata siya eh, buti na lang at magaling ang make up artist niya at kayang takpan ang kanyang mga eyebags. Sobrang sakit na talaga ng ulo niya. Idagdag pa ang isiping hindi pa sila nagbabati ni Davidson. Nang iangat ang ulo'y nangalumbaba naman siya. Tinitigan niya ang mga nakatambak na files sa mesa niya. "Haaaysss nanganganak ba kayo?!" muli niyang sinubsob ang mukha sa mesa. Gusto niya ng umiyak talaga! "Keirah." Nabigla si Keirah nang biglang may tumawag sa kanya. Nabosesan niya agad si Davidson. Huli na para ayusin niya ang sarili dahil nakapasok na ito sa office niya at nakita ang miserable niyang itsura. "D-Dave, what are you doing here? May trabaho ako--" "Wala sa itsura." Umawang ang mga labi niya sa sinabi nito. "Anong wala sa itsura? Hindi
"Ahhh..." sinusubuan ni Lorraine ng hotdog si Matmat ngunit panay lang ang iling ng bata. "Ako na nga. Tinatakot mo kasi eh," ani Keirah na kanina pa nanonood sa ginagawa ng mga ito. "Ayaw talagang kumain, Keirah," ani Lorraine saka umusog ng upuan para bigyang daan siya. "Mat, say ahhh," aniya habang minumwestra ang hotdog malapit sa bibig ng bata. "I don't want to eat po." Bumuntong-hininga na lang silang dalawa nang hindi nila ito napilit. "See?" ani Lorraine. Makahulugan na lang silang nagkatinginan ni Lorraine saka parehong umiling. Maya-maya naman ay nakatulog na si Matmat. Siya namang dating ng mga magulang nito galing sa pag-gogrocery. "Salamat sa pagtingin kay Matmat ha. Pagod na kasi kaya hindi na namin sinama," ani Melanie habang inaayos ang mga pinamili. "Okay lang," aniya. "Mga babaita, mauuna na 'ko ha. May trabaho pa 'ko eh, baka sesantihin na ako ng jowa mo," paalam ni Lorraine na ang tinutukoy ay si Davidson. Nagkatawanan silang tatlo sa sin
Maya't maya na ang sulyap ni Davidson sa relong-pambisig. Mag-iisang oras na siyang naghihintay sa mamahaling restaurant kung saan sila magkikita ni Keirah. Pansin niya ring medyo nangangawit na sa kakatayo ang waiter na magse-serve sa kanila. "Ah, you can sit down. Mukhang matatagalan pa ang pagdating ng girlfriend ko," aniya sa waiter. Tila napipilitan na lang kasi itong tumayo. Nakita niya itong huminga nang maluwag. "Salamat po, Sir." Tinanguan niya na lang ito. 'Hays, nasaan na ba kasi siya?' Inabot ni Davidson ang phone para tingnan kung may message man lang si Keirah na mahuhuli ito. Ngunit wala siyang nakita. Blanko ang notification niya. "Sir, malapit na po ang closing time ng resto. Willing naman po kaming mag-extend kung gusto niyo po," ang manager na mismo ang lumapit at nakipag-usap sa kanya. "Gano'n ba? Sige, just another ten minutes, please." Babayaran niya na lang ang mga oras na makakaabala siya. "Okay Sir." Napapabuntong-hininga na siya