"A-anong kailangan mo, Maureen? What are you doing here?" "Ang gaganda naman ng mga damit mo Cassidy. Prinsesang-prinsesa." Hindi maiwasan na makaramdam ng takot at kaba si Cassidy habang pinagmamasdan ang palakad-lakad na si Maureen sa kanyang dressing room. Hinihimas ng babae ang bawat wardrobe na naroroon. Nagtataka siya kung bakit ito nakapasok do'n eh mahigpit ang mga bantay sa labas ng set. "A-anong ginagawa mo, dito?" nangangatal ang boses na tanong dito ni Cassidy. Hindi niya talaga alam kung anong ginagawa ng babae rito. Napaatras siya ng hakbang nang bigla itong naglakad palapit sa kanya. "Don't be afraid my dear old friend, I'm just here to be your personal hairstylist," parang nakakaloko ang mga ngiti nito. "I-I'm not your friend. Ni hindi nga kita naging kaibigan!" pinatapang ni Cassidy ang boses para sindakin ito. Matagal na siyang nananahimik. Ayaw na niyang manggulo at ayaw niya na rin madamay sa trouble ng babaeng 'to. Kaya naman ngayo
'What the hell is she planning?' "CUT!" Sabay-sabay na naglingunan sa direksyon ng Director ang lahat ng nasa set. Bumuntong-hininga si Cassidy saka inayos ang sarili bago mag-water break. Napansin yata ng Director nila na wala siya sa focus kaya nag-cut ito. Hindi nga siya nagkamali ng hinala nang lapitan siya nito para komprontahin. "Cassidy? Is there something wrong? Kanina ka pa wala sa focus!" singhal ng Director sa kanya. "Sorry, Direk--" "Mag-focus ka ha, nakaka-ilang cut na 'yan!" Muling humugot ng malalim na hininga si Cassidy bago bumalik sa set. Sa kabilang dulo naman ng set ay tahimik lang na nanonood si Maureen sa kinukuhanang eksena. Malalim ang kanyang iniisip at walang sinumang makababasa ng nilalaman ng isip niya. **** "Thank you to all the people who have attended this wonderful night for my daughter. I proudly announced that my daughter, Akira Benavidez will take the given position as the new CEO of Benavidez Company...." nagpal
"Hello Dad?" "Where are you? Bakit ka umalis nang hindi man lang nagpapakilala sa mga shareholder and investors natin? What the hell are you thinking?" Napakagat-labi si Keirah habang pinapakinggan ang sermon ng kanyang ama sa kabilang linya. Nalibang yata siya sa oras at hindi niya namalayan ang paglipas nito. "What's wrong?" tanong ni Alexander nang magbaba na siya ng cellphone. "Sinesermunan ako ng Daddy ko." "What? Ihahatid na kita. I'm sorry, napahamak pa yata kita." Nagmamadaling tumayo si Alexander at inalalayan siyang makatayo. Pinigilan niya ito at natatawang binalingan. "Geez. I'm already twenty-six, Alexander. Turning twenty-seven this year. Kaya ko na ang sarili ko. Kaya ko na rin i-handle ang sermon ng isang Benavidez." Nagpantay ang kilay ng binata habang nakatitig sa kanya. Natatawa ito. "Seriously? Lasing ka ba? Kaunti lang naman ang nainom mo ah." "Hindi ako lasing 'no," tanggi ni Keirah. Sabihin na niyang nakailang inom rin siya ng wine, pero alam
'Agh! Ang sakit na ng ulo ko! Kung alam ko lang, sana pinursue ko na lang yung Business Management na gusto ni Dad.' Nakasubsob sa mesa at gulong-gulo ang isipan. 'Yan ang itsura ni Keirah. Nangangalumata na nga yata siya eh, buti na lang at magaling ang make up artist niya at kayang takpan ang kanyang mga eyebags. Sobrang sakit na talaga ng ulo niya. Idagdag pa ang isiping hindi pa sila nagbabati ni Davidson. Nang iangat ang ulo'y nangalumbaba naman siya. Tinitigan niya ang mga nakatambak na files sa mesa niya. "Haaaysss nanganganak ba kayo?!" muli niyang sinubsob ang mukha sa mesa. Gusto niya ng umiyak talaga! "Keirah." Nabigla si Keirah nang biglang may tumawag sa kanya. Nabosesan niya agad si Davidson. Huli na para ayusin niya ang sarili dahil nakapasok na ito sa office niya at nakita ang miserable niyang itsura. "D-Dave, what are you doing here? May trabaho ako--" "Wala sa itsura." Umawang ang mga labi niya sa sinabi nito. "Anong wala sa itsura? Hindi
"Ahhh..." sinusubuan ni Lorraine ng hotdog si Matmat ngunit panay lang ang iling ng bata. "Ako na nga. Tinatakot mo kasi eh," ani Keirah na kanina pa nanonood sa ginagawa ng mga ito. "Ayaw talagang kumain, Keirah," ani Lorraine saka umusog ng upuan para bigyang daan siya. "Mat, say ahhh," aniya habang minumwestra ang hotdog malapit sa bibig ng bata. "I don't want to eat po." Bumuntong-hininga na lang silang dalawa nang hindi nila ito napilit. "See?" ani Lorraine. Makahulugan na lang silang nagkatinginan ni Lorraine saka parehong umiling. Maya-maya naman ay nakatulog na si Matmat. Siya namang dating ng mga magulang nito galing sa pag-gogrocery. "Salamat sa pagtingin kay Matmat ha. Pagod na kasi kaya hindi na namin sinama," ani Melanie habang inaayos ang mga pinamili. "Okay lang," aniya. "Mga babaita, mauuna na 'ko ha. May trabaho pa 'ko eh, baka sesantihin na ako ng jowa mo," paalam ni Lorraine na ang tinutukoy ay si Davidson. Nagkatawanan silang tatlo sa sin
Maya't maya na ang sulyap ni Davidson sa relong-pambisig. Mag-iisang oras na siyang naghihintay sa mamahaling restaurant kung saan sila magkikita ni Keirah. Pansin niya ring medyo nangangawit na sa kakatayo ang waiter na magse-serve sa kanila. "Ah, you can sit down. Mukhang matatagalan pa ang pagdating ng girlfriend ko," aniya sa waiter. Tila napipilitan na lang kasi itong tumayo. Nakita niya itong huminga nang maluwag. "Salamat po, Sir." Tinanguan niya na lang ito. 'Hays, nasaan na ba kasi siya?' Inabot ni Davidson ang phone para tingnan kung may message man lang si Keirah na mahuhuli ito. Ngunit wala siyang nakita. Blanko ang notification niya. "Sir, malapit na po ang closing time ng resto. Willing naman po kaming mag-extend kung gusto niyo po," ang manager na mismo ang lumapit at nakipag-usap sa kanya. "Gano'n ba? Sige, just another ten minutes, please." Babayaran niya na lang ang mga oras na makakaabala siya. "Okay Sir." Napapabuntong-hininga na siya
"TULONG!" "TULUNGAN N'YO KO!" Namamaos na sa kasisigaw si Keirah ngunit wala pa ring lumalapit sa kanya. Namimintig na ang mga paa niya at sobrang nangangawit na rin ang mga braso niya. Nangangatog na siya sa takot, bukod sa madilim ang lugar ay napakatahimik pa ng paligid. Tanging mga kaluskusan lang na parang mga dagang naghahabulan ang naririnig niya. Idagdag pa ang tunog ng mga patak ng tubig na nakakapanindig ng kanyang balahibo. "Diyos ko! Maawa po kayo, hindi ko po alam kung nasaan ako," naiiyak niyang panalangin sa isip. Pangalawang beses na itong nangyari na may dumukot sa kanya. Una si Maureen ang may salarin, ngayon may kutob siyang ang babae pa rin ang may pakana nito. Hindi niya talaga alam kung anong kasalanan niya at kung bakit nangyayari sa kanya ang ganito. Tuluyan nang humagulgol ang dalaga. Natatakot na siyang talaga. Sa gitna ng kanyang pag-iyak, nakarinig siya ng mga kaluskos na tila mga hakbang na papalapit sa direksyon niya. Tinuyo ni
"D-Davidson, na-nasa'n ka na ba? Tulungan mo 'ko, please," hikbi ni Keirah na s'ya lang ang tanging nakaririnig. Wala ang mga lalake. Mag-isa na naman s'ya. Ngunit hindi tulad kanina na nakatayo at nakatali s'ya ay pinaupo s'ya ng mga ito. Ngunit nakatali pa rin ang dalawang kamay n'ya sa likod ng silya. Alam kaya ng mga ito ang nangyayari sa kanya ngayon? Alam kaya ng Daddy n'ya kung nasa'n s'ya? Tahimik na umuusal ng panalangin ang dalaga. Panalangin n'ya na sana buhayin s'ya ng mga ito. Pero paano namang mangyayari 'yon? Eh, heto't nga't nakatali s'ya sa kadiliman? Sa gitna ng tahimik na paligid, nakarinig na naman siya ng kaluskusan. Tila malalaking hakbang na papalapit ulit sa kanyang direksyon. Siguro ito na naman 'yong masasamang-loob kanina. "S-sino yan?" nauutal n'yang tanong sa kawalan. "Keirah?!" Nanlaki ang mga mata ng dalaga sa gulat. Si Davidson! Naglalakad papalapit sa kanya at tinutulak ng isang lalakeng may hawak na baril. Gusto n'yang tu
MELTING THE CEO'S COLD HEART:IKATLONG YUGTOSIX YEARS LATER...(Keirah Pov) Sa paglipas ng mga taon, marami na ang nangyari. Meron na 'kong malusog at bibong anak na lalake. Six years old na si Yuan Dave sa susunod na buwan at balak ko na ring dalhin siya sa Pilipinas. "Lorraine, yung visa mo at passport, okay na ba?" tanong ko kay Lorraine. Busy ang gaga sa pagme-make up. "Oh yes, kahapon pa nasa bag ko," hindi niya talaga maitago ang excitement niya na uuwi na pagkalipas ng maraming taon. Bahagya akong natawa sa hitsura niya. London girl na rin ang pormahan nitong si Lorraine. Ang laki rin ng pasasalamat ko sa kanya, kung hindi dahil sa kanya, hindi ko kakayanin mag-isa si Yuan. "Mommy! Mommy, we're home!" Sabay kaming nagkatinginan ni Lorraine at nagkangitian rin. Nagpatiuna na 'kong lumabas ng kwarto niya para salubungin ang kararating kong anak. "Yuan? How's my baby?" hinalikan ko sa pisngi si Yuan. Hindi nakaligtas sa paningin ko ang gasgas sa may t
THREE MONTHS LATER "Meeting dismissed! You all can go back to work now." Natapos na ang meeting nina Davidson at ng mga tauhan niya ngunit ang kanyang Auntie Jasmine ay hindi man lang tumalima. "Is there anything you want, Auntie?" Tiningnan muna siya malamlam ng ginang bago magsalita. "Are you okay, Davidson? Hanggang ngayon ba ay nasa isip mo pa rin si Keirah?" Tila naudlot ang pag-upo ng binata nang marinig ang sinabi ng tiyahin. "What do you mean, Auntie?" tanong niya saka tuluyang hinila ang swivel chair para makaupo. Hindi niya inakala talaga na magtatanong ng ganoon ang tiyahin niya. Kunsabagay, baka concern lang ito. Botong-boto pa naman ito kay Keirah. Sa totoo nga lang ay ito pa ang numero unong tagasuporta niya pagdating kay Keirah. Kaso wala eh, wala na itong magagawa, tapos na ang sa kanila ng dalaga. Kahit na manghinayang pa ang tiyahin, eh huli na rin naman ang lahat. Hindi niya nga alam kung nasaan si Keirah eh. Sinubukan niyang itanong sa mga kaibigan ng
"Magre-resign ka?" "Ah eh, yes po Sir," nanlalamig ang mga kamay ni Lorraine habang kaharap si Mr. Montevella. "What's the reason? You're one of the most trusted employee ko dito sa Montevella, and you're now resigning?" Hindi naman galit ang amo niya ngunit ang kaba sa dibdib ng dalaga ay hindi maiwasan. "Ahm kasi po..u-uwi po kasi ako ng probinsya, Sir. May aalagaan po akong kamag-anak," nakagat ni Lorraine ang pang-ibabang labi. Sana lang ay hindi mapansin ni Mr. Montevella na nagsisinungaling siya. Bakit naman kasi kailangan pa siyang isama ni Keirah sa England? Mahigit anim na taon na siyang nagtatrabaho sa Montevella Corp. kaya ngayon ay nahihirapan siyang magpaalam. "Sir? Payagan niyo po ako please." Nakita ni Lorraine ang pagbuntong-hininga ni Mr. Montevella. Pinagdaop rin nito ang palad sa harap ng mukha para ipakita kung interesante ba ito sa sinasabi niya. "Well, kung yan ang desisyon mo, Miss Lorraine. Who am I para pigilan ka, 'di ba?" Muli ay
Tulala. Tulala sa kawalan si Keirah. Walang pumapasok sa kanyang isip. Nakipaghiwalay siya kay Davidson ng ganoon kadali. Parang wala siyang ideya kung bakit niya 'yon nagawa. "Keirah, kaya mo 'to, okay. Magiging okay din ang lahat. Magiging okay ka rin," patuloy na pang-aalo niya sa sarili. Para maiban ang lungkot na nadarama, isinubsob niya ang mukha sa unan at doon ay umiyak nang umiyak. Nasasaktan din naman siya. Hindi niya gustong hiwalayan si Davidson. Pero dahil sa miserable niyang sitwasyon, ayaw niya itong madamay. Gusto niyang sarilinin ang lahat ng problema. Ngunit sa ginawa niyang ito, malaking parte rin sa buhay niya ang nawala. ***** "S-sigurado ka ba sa gagawin mo, Akira?" "Yes Auntie. Pupunta ako ng England para ayusin do'n ang business ni Dad. Gusto kong i-expand ang branch do'n." "Well, kung yan ang nararapat at desisyon mo. Paano naman ang company dito sa Pilipinas?" "Five years lang ang kailangan ko, Auntie Laida. Babalik din ako dito
"Mr. Montevella, she's here." Nakangiting tinanguan ni Davidson ang manager ng isang mamahaling restaurant. Special ang gabing ito. Nag-rent pa siya ng buong restaurant para sa surpresa niya kay Keirah. Kailangan niyang gawin ang lahat para pagaanin ang loob ng nobya. Gusto niyang kahit papaano ay sumaya naman ang dalaga at sandaling makalimot mula sa mapapait na mga nangyari. "Yung music, ha. I want this night to be more special," hindi mawala ang ngiti sa kanyang mga labi. Muling tiningnan ni Davidson ang isang diamond ring na nakalagay sa crystal box. Tonight, he' gonna propose. Yayayain niya na ng kasal si Keirah. Alam niyang hindi ito tatanggi pagkat mahal na mahal siya nito. At ganun din naman siya sa dalaga. In short, nagmamahalan silang talaga. Habang papalapit nang papalapit si Keirah sa kanya mas lalo namang bumibilis ang tibok ng kanyang puso. Bahala na. "Hi, babe," nakangiting bati niya sa dalaga nang makalapit na ito ng tuluyan sa direksyon niya. Ma
"Dad? Bakit ngayon pa?" Sobrang gulo na ng isipan ni Keirah. Halos buong unang lamay ng kanyang ama ay wala na siyang ginawa kundi ang umiyak. Masakit na masakit na rin ang kanyang mga mata. Mugtong-mugto na sa kakaiyak. Pakiramdam niya nga ay wala na siyang mailabas na luha. Hindi naman umalis sa tabi niya si Davidson. Tulad niya ay nangungulila rin ito. Alam niya ang pinagsamahan ng dalawa. Halos ama na rin ni Davidson ang Daddy niya dahil ito na ang gumabay rito mula noong namatay ang Daddy nito. "Keirah, tahan na," pang-aalo ni Davidson. Nakahilig siya sa balikat nito. "I don't think I can move on." "Keirah, you have me pa. Magiging okay din ang lahat--" "Okay? People are dying! Because of me! Paano magiging okay?!" hindi namamalayan ng dalaga na tumataas na ang boses niya. "What if, ikaw ang sumunod ha Davidson? "Ano bang sinasabi mo?" maski si Davidson ay kumunot ang noo at bahagya na ring tumaas ang boses. Umalis siya sa pagkakahilig sa balikat nito at marah
"Kamusta ka na?" pangangamusta ni Melanie kay Keirah nang minsa'y naisipan nilang lumabas na magkaibigan. Ayaw niya pa nga sana kaya lang baka masiraan na siya ng ulo kapag nagmukmok lang siya sa bahay. "Okay lang naman. Pilit na bumabalik sa dati," matipid niyang sagot. "Dapat lang ano. Hindi naman pwedeng habang-buhay ka nang magmukmok r'yan. Mag-refresh ka." "Ano pa bang ginagawa ko?" nagpangalumbaba siya saka tinuon ang panson sa paghahalo ng kapeng inorder. "Si Matmat?" minabuti ni Keirah na ibahin na lang ang usapan. "Kamusta naman ang school niya?" "Nako, ayon. Napakakulit sa school. Lagi nga akong napapatawag ng teacher," umiirap pa ito habang nagkukwento. "Syempre bata." Kahit anong pilit na pag-iiba ni Keirah ng usapan, nanghihina pa rin talaga siya at nawawalan ng gana. Ayaw naman niyang makahawa ang bad energy na bumabalot sa katawan niya kaya pinipilit niya na ring maging masaya nang hindi naiisip ang mga nangyari. Nasa gitna sila ng usa
Alexander's death leads to their Mom's depression. Kahit na hindi magpakita si Alicia ng sisi kay Davidson, ramdam pa rin ng binata na sinisisi siya ng ina sa pagkamatay ng kapatid. Nararamdaman niya yun sa t'wing kinakausap niya ang ina at kung paano ito katipid sumagot sa kanya. "Ma? Kumain ka na. May dala akong pagkain," aniya, minsang siya ang nagdala ng pagkain sa kwarto nito. "Iwan mo na lang r'yan. Busog pa 'ko," matipid na sagot ni Alicia. Isang linggo na ang lumilipas mula nang maihatid nila si Alexander sa huling hantungan nito. Walang may gustong pag-usapan ang pagkamatay ng binata. Naghahatid lamang kasi ito ng lungkot sa kanilang lahat. Gayundin sa parte ni Keirah. Sobrang lungkot at galit sa sarili ang nararamdaman niya ngayon. Gusto niyang sisihin ang sarili niya sa pagkamatay nito. Kahit alam niyang wala siyang kasalanan, pero nadamay pa rin si Alexander dahil sa kanya. "Kumusta ka na? 'Wag mo sabihing sinisisi mo na naman ang sarili mo?" ani Davidson. Mag
"Alex? N-no, oh my God! A-ALEX!" nanginginig ang buong katawan ni Keirah habang dinadaluhan si Alexander na nakahandusay sa semento. Hinahabol ng binata ang paghinga at pinipilit pang bumangon kahit unti-unti nang dumadanak ang dugo nito sa semento. "ALEXANDER!" hindi na nagpapigil pa si Davidson. Nabingi siya sa alingawngaw ng baril at tila umurong ang dila niya nang makitang bumagsak ang kapatid. Natigil ang aktong pagtakbo ni Davidson palapit kina Keirah nang magpaputok ang mga pulis sa kinaroroonan nila Leo. Tila natauhan naman si Leo sa ginawa niya. Nanginig bigla ang mga kamay niya nang mapagtantong nabaril niya si Alexander. "Leo, nabaril mo siya!" singhal ni Maureen sa lalake na ngayon ay natataranta na rin ito. "He deserves it. Tumatakas na tayo, bilis!" mabilis niyang hinila si Maureen para makabalik sa loob ng building. Ngunit isang hakbang pa lamang nila ay nagpaputok na ang mga pulis. Nagulat pa si Leo nang biglang yumakap sa kanya si Maureen. "L