"Calm down, Keirah. 'Wag kang umiyak." "H-hayop ka! Sinasabi ko na nga ba k-kahit kailan hindi ka mapagkakatiwalaan!" patuloy na iyak ni Keirah. "W-Why are you doing this? A-Anong kasalanan ko sayo?" Lumong-lumo si Keirah sa mga oras na 'to. Wala siyang lakas. Kahit na ang pagsasalita ay nakakapagod. Hinahabol niya ang bawat paghinga. Hindi niya makayanan ang nangyayari. Lalo na ngayon, nasa harapan niya si Leo kasama ang Uncle ni Davidson. Hindi n'ya alam kung anong koneksyon ng mga ito. Isa lang ang alam niya, magkakampi ang mga ito. "A-anong kasalanan ko sayo, Leo?" "Hmm, wala kang kasalanan, Keirah. Ang kasalanan mo lang, mali ka ng minahal. Dapat kasi ako lang," anito at nagpalakad-lakad sa harapan niya. "Ako lang dapat ang mahal mo." "Yon lang? Niloko mo ko Leo! Pinaglaruan! Tapos sasabihin mo sa'kin ngayon, na dapat ikaw lang ang mahalin ko?! Nahihibang ka na!" Akmang sasampalin siya ni Leo ngunit inilag niya ang sarili. "HAYOP KA! WALA KANG KASING
"Maureen, I'm sorry." Ilang araw na silang hindi nag-uusap ni Maureen. Parang hindi siya nito nakikita kahit na sa loob ng classroom.Hanggang isang hapon ay hindi niya na kinaya pa ang pag-iiwasan nilang magkaibigan. "Bes, 'yong kiss...h-hindi ko 'yon gusto, maniwala ka." "Talaga? Kaya pala." "Maureen naman eh, alam kong gusto mo si Leo, bakit ko naman siya aagawin sayo?" "Ikaw ang gusto niya, Keirah. Okay lang ako, promise." "Huh?" medyo naguluhan siya sa sinabi ni Maureen. "Anong okay ka d'yan?" "Kung ikaw ang gusto niya, okay lang. Hindi ko naman mapipilit ang isang taong gustuhin din ako, no." "Maureen." "I'm okay, Akira. Besides, crush lang naman ang nararamdaman ko sa kanya eh. Masakit konti, kasi syempre, bestfriend tayo tapos ikaw pa yong gusto niya." "Kaya nga ayoko sa kanya eh." "Akira, alam kong gusto mo si Leo. Kaya go na girl." Bumuntong-hinga si Keirah. Hindi niya alam ang mararamdaman. Masasaktan ba s'ya o matutuwa. "No. Hindi
Three years later... Gumraduate silang magkasama ni Leo. Walang problema. Masaya naman silang dalawa sa piling ng isa't isa. Nakalimutan na rin ni Keirah ang mga nangyari sa high school. Ang mahalaga sa kanya ngayon ay kasama niya ang mahal niya. Magkakaibigan pa rin sila. Kahit si Eunice ay kasa-kasama pa rin nila sa mga get-together. Naging bestfriend niya na nga rin ito. Wala rin siyang nakikitang kakaiba kay Leo kapag magkakasama sila nila Maureen. Parang wala nga talagang nangyari. Pinanatag na lang niya ang kalooban niya. Hanggang isang araw... "Akira, ang tito Robert mo, patay na." "PO?" Nagulat siya sa balitang 'yon. Ang tinutukoy ng Daddy niya na tito Robert ay ang ama ni Maureen na kasosyo rin nila sa negosyo. "A-Ano pong kinamatay?" "Cardiac arrest." "Paanong nangyari yon? Napakalakas ni tito Robert!" Kaagad niyang pinuntahan si Maureen. Totoo nga ang balita. Patay na ang Daddy nito. Nadatnan niya si Maureen na lumong-lumo. Daddy na lang a
"Is this Alex?" "Who's this?" "Alex, si Cassidy 'to. You know me. I need your help!" Nagsalubong ang dalawang kilay ni Alexander habang pinapakinggan ang pamilyar na boses na tumawag sa kanya. Ilang segundo siyang hindi nagsalita at inalala kung nakikilala niya ang boses ng babae. "Cassidy?" "Yeah, your brother's friend. We met a couple times." "Anong kailangan mo?" "Alex, you're brother is now in danger! We don't have time to talk!" "Wait. Anong ibig mong sabihin?" mabilis na tumayo si Alexander mula sa swivel chair na inuupuan. "What do you mean?" "Tara na. Nandito ako sa labas ng condo niyo." Hindi na nagpatumpik-tumpik pa si Alexander at mabilis na lumabas ng opisina niya. Hindi niya masyadong kilala ang Cassidy na ito ngunit may kutob siyang nagsasabi ito ng totoo. At mag-iisang araw na rin niyang hindi nakikita ang kapatid niya. Kinakabahan na siya kahit hindi niya aminin. Nadatnan niya si Cassidy sa entrance ng condominium. Hindi ito mapakali a
"L-Leo, please, parang awa mo na. Pakawalan mo na kami," mangiyak-ngiyak sa pakikiusap si Keirah. Ngunit kahit anong pakiusap ng dalaga ay mukhang hindi ito mapapakiusapan. Nanatili itong nakatayo sa harapan nila at nakatutok ang hawak na baril sa kanila. Mukhang wala na nga sa katinuan ang lalake habang nakangisi sa kanila. "Leo, please. Don't do this. Hindi ikaw 'yan!" ang baritonong boses ni Davidson ay umalingawngaw sa paligid. "Oh, shut up, Dave! Isa ka pa eh, nevermind. Ang mahalaga magkasama kayo ni Keirah," sinundan ni Leo ng malakas na tawa ang sinabi. Gulong-gulo na silang dalawa dahil hindi talaga nila ito maintindihan. "Pakawalan mo na kami!" matigas na utos ni Keirah kahit alam niyang hindi ito gagawin ni Leo. Sa gitna ng pag-uusap nilang tatlo, ginulantang sila ng mga serena ng patrol na nanggagaling sa labas. Tiyak na mga pulis yon. "Shit!" bulyaw ni Leo. Hindi yata nito alam kung bakit may mga pulis. Kahit naman sila Keirah ay nagulat din, ngun
"Alex? N-no, oh my God! A-ALEX!" nanginginig ang buong katawan ni Keirah habang dinadaluhan si Alexander na nakahandusay sa semento. Hinahabol ng binata ang paghinga at pinipilit pang bumangon kahit unti-unti nang dumadanak ang dugo nito sa semento. "ALEXANDER!" hindi na nagpapigil pa si Davidson. Nabingi siya sa alingawngaw ng baril at tila umurong ang dila niya nang makitang bumagsak ang kapatid. Natigil ang aktong pagtakbo ni Davidson palapit kina Keirah nang magpaputok ang mga pulis sa kinaroroonan nila Leo. Tila natauhan naman si Leo sa ginawa niya. Nanginig bigla ang mga kamay niya nang mapagtantong nabaril niya si Alexander. "Leo, nabaril mo siya!" singhal ni Maureen sa lalake na ngayon ay natataranta na rin ito. "He deserves it. Tumatakas na tayo, bilis!" mabilis niyang hinila si Maureen para makabalik sa loob ng building. Ngunit isang hakbang pa lamang nila ay nagpaputok na ang mga pulis. Nagulat pa si Leo nang biglang yumakap sa kanya si Maureen. "L
Alexander's death leads to their Mom's depression. Kahit na hindi magpakita si Alicia ng sisi kay Davidson, ramdam pa rin ng binata na sinisisi siya ng ina sa pagkamatay ng kapatid. Nararamdaman niya yun sa t'wing kinakausap niya ang ina at kung paano ito katipid sumagot sa kanya. "Ma? Kumain ka na. May dala akong pagkain," aniya, minsang siya ang nagdala ng pagkain sa kwarto nito. "Iwan mo na lang r'yan. Busog pa 'ko," matipid na sagot ni Alicia. Isang linggo na ang lumilipas mula nang maihatid nila si Alexander sa huling hantungan nito. Walang may gustong pag-usapan ang pagkamatay ng binata. Naghahatid lamang kasi ito ng lungkot sa kanilang lahat. Gayundin sa parte ni Keirah. Sobrang lungkot at galit sa sarili ang nararamdaman niya ngayon. Gusto niyang sisihin ang sarili niya sa pagkamatay nito. Kahit alam niyang wala siyang kasalanan, pero nadamay pa rin si Alexander dahil sa kanya. "Kumusta ka na? 'Wag mo sabihing sinisisi mo na naman ang sarili mo?" ani Davidson. Mag
Chapter 1: “Dad, I’m so messed up right now. I think I need your help,” he sighed while talking to his father’s grave. He was currently talking to his father's grave when one of his personal bodyguards approached him. “Did you find him?” he asked. “No, sir. But we received a flight history and he’s now leaving to Tokyo” “ANO? Pumunta kayo ngayon din sa airport!” nagmamadali niyang utos. “Pero sir, isang kotse lang ang dala natin. Pa’no po kayo?” Davidson took a deep breath before he spoke. Kapag talaga nakalayo ang Uncle niya ay humanda talaga sa kanya ang bodyguard niyang tanong nang tanong. “‘Wag nyo ‘kong alalahanin. Just go and hurry before it’s too late” Ngunit hindi nakinig ang bodyguard niya at iniwan pa din nito ang kasama para samahan siya. Napapailing na lamang si Davidson. Nang makaalis ang bodyguard ay siya at ang isa pang bodyguard nalang ang naiwan sa private cemetery na yon. Muling tiningnan ni Davidson ang lapida ng Daddy niya. ‘Rogelio M