Share

Chapter 146: Peligro

"TULONG!"

"TULUNGAN N'YO KO!"

Namamaos na sa kasisigaw si Keirah ngunit wala pa ring lumalapit sa kanya. Namimintig na ang mga paa niya at sobrang nangangawit na rin ang mga braso niya.

Nangangatog na siya sa takot, bukod sa madilim ang lugar ay napakatahimik pa ng paligid. Tanging mga kaluskusan lang na parang mga dagang naghahabulan ang naririnig niya.

Idagdag pa ang tunog ng mga patak ng tubig na nakakapanindig ng kanyang balahibo.

"Diyos ko! Maawa po kayo, hindi ko po alam kung nasaan ako," naiiyak niyang panalangin sa isip.

Pangalawang beses na itong nangyari na may dumukot sa kanya. Una si Maureen ang may salarin, ngayon may kutob siyang ang babae pa rin ang may pakana nito.

Hindi niya talaga alam kung anong kasalanan niya at kung bakit nangyayari sa kanya ang ganito.

Tuluyan nang humagulgol ang dalaga. Natatakot na siyang talaga.

Sa gitna ng kanyang pag-iyak, nakarinig siya ng mga kaluskos na tila mga hakbang na papalapit sa direksyon niya.

Tinuyo ni
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status