Share

Chapter 128: scenario

Makalipas ang ilang araw pagkatapos ng kaarawan....

"Anak! Anak!" sigaw ni Nanang Dolor habang tumatakbo palabas ng gate. Pupuntahan niya ang malaking truck na nakaparada sa tabi ng bakuran nila.

"Belle! Bilisan mo anak..."

Humahangos na lumabas ng bahay si Belle para puntahan ang Nanang niyang sumisigaw.

Nagsalubong ang dalawang kilay ng dalaga nang matanaw ang truck na nakaparada.

"Nang, bakit ho may truck r'yan?" kunot-noong tanong ni Belle.

"Ewan ko ba, tatanungin ko nga eh," sabay lapit sa tabi ng bintana ng truck.

Tumingala si Dolor sa bintana ng truck at siya namang dungaw ng isang pahinante.

"Belle Soriano po?" magalang na tanong ng pahinante.

Sa labis na pagtataka, lumapit na si Belle sa direksyon ng Nanang niya.

"Nang, anong meron?"

"Ah delivery lang po ma'am. Belle Soriano po ang magre-recieved."

"Ha? Ako yun ah. Pero wala akong matandaan na may in-order ako," bulalas ni Belle. Kung ano mang laman ng truck na yun, kinakabahan siyang talaga!

Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status