"Hello 'ya? Napatawag ka?" medyo namamaos at nanunuyo pa ang lalamunan ni Keirah habang nagsasalita. Naalimpungatan kasi siya mula sa pagkakatulog. Kinusot-kusot ni Keirah ang kanyang mga mata bago tuluyang magising. "Hello 'ya?" ulit niya ulit. Hindi kasi ito agad sumagot. "Keirah ang Daddy mo--" "May problema ba? A-ano si Daddy?" napatayong bigla ang dalaga ng makaramdam ng kaba. Agad siyang kinutuban. "Yaya?" "Sinugod sa hospital si Sir, Akira. Inatake siya!" "A-ano po? W-wait, pupunta ako diyan ngayon na. Stay with him, yaya please," hindi malaman ni Keirah kung anong uunahin. Kung magbo-book ng emergency flight o mag-iimpake. "May problema ba?" nilingon niya si Davidson na pupungas-pungas na bumabangon sa kama. "Si Dad sinugod sa hospital." "WHAT?" napatayo na rin bigla ang binata dahil sa narinig. "Anong nangyari?" "I-inatake daw," hindi na niya naitago pa ang pag-aalala sa boses niya. Nangangatog na rin ang katawan ni Keirah at binab
Isang linggong nakalipas, nilabas na rin si Mr. Benavidez. Ngunit ang matanda ay pinayuhan ng Doctor na kailangang magpahinga para sa ikapagpapatuloy ng maayos na kalagayan nito. "Dad, what are you doing? Bakit naman nandito ka na agad sa office mo?" nag-aalalang tanong ni Keirah ng makita ang ama na nasa private office nito sa bahay nila. May mga binabasa itong documents at mukhang seryoso ang matanda. "Marami akong pendings na trabaho. Marami na ring mga dokumento na kailangan ng pirma ko--" "Pero Dad, ang sabi ng doktor--" "Akira, wala namang ibang gagawa nito kundi ako. Unless, magbitaw ka na sa pag-aarkitekto mo at palitan mo na ang pwesto ko." Natameme ang dalaga sa sinabi ng ama. Hindi siya makapaniwala na sasabihin nito iyon. "Dad? What are you saying?" "I'm saying, oras na siguro para ikaw na ang humalili sakin sa kompanya." Nagsunod-sunod ang lunok niya ng laway. Ayaw niya mag-manage nito noon pa. Pero ngayon, nakikiusap na ang ama sa kanya. An
Hindi maiwasan ang pagsasalubong ng mga kilay ni Davidson habang nakatitig sa screen ng kanyang cellphone. Nakakailang ulit na siyang nagda-dial ng sa numero ni Keirah ngunit paulit-ulit rin nitong pinapatay sa kabilang linya. "What's goin' on?" hindi maiwasan ng binata ang magtaka. Never siyang pinatayan ni Keirah ng telepono. Pwera lang kung galit ito sa kanya o nagtatampo. Pero sa ngayon ay wala siyang matandaan na pinagawayan nilang dalawa. Isang beses pa niyang dinial ang numero ng dalaga at sa pagkakataong ito ay sumagot na rin ito. "Hello?" "Love? May problema ba? You're not answering my call," may halong pagtatampo sa tono niya. "Ahm, busy lang ako. Sorry ha." Nagsalubong na naman ang mga kilay ng binata kapagkuwa'y tumayo mula sa pagkakaupo sa swivel chair. "Busy?" "Yeah. I'll talk to you later, Dave." "Uh?" napaawang ang mga labi niya nang babaan siya ng telepono ni Keirah. Napapabuntong-hininga na lamang siyang tumanaw sa kawalan.
"Hey, Dave! Wake up!" Nagising si Davidson sa malakas na katok mula sa labas ng kwarto niya. Kinusot niya ang mga mata saka tumingin sa alarm clock. Napabuntong-hininga na lang siya nang ma-realize niyang hindi niya narinig ang alarm. Tinanghali tuloy siya ng gising. Ngunit ang isang pinagtatakhan niya ay ang marinig ang boses ni Alexander sa labas ng kwarto niya. "What?" tanong niya habang sinusuot ang shirt na hinubad kagabi. "Open your door!" "Tsk! Bakit ba kasi?!" gustong mag-alburuto ni Davidson habang papalapit sa pintuan. "It's mom!" "Huh?" Mabilis niyang binuksan ang pinto at bumungad sa harapan niya ang humahangos na itsura ng kapatid. Habol-habol nito ang paghinga na pinagtaka niya. "Anyare?" kunot ang noong tanong niya. Binabasa niya pa ang itsura ni Alexander. Base sa nagaalala nitong mukha ay tila may hindi magandang nangyari. "Just come with me, okay," walang nagawa si Davidson nang hilahin siya ni Alexander palabas ng pinto
You made our Mom happy today. Thanks a lot, Dave."Isang tapik sa balikat ang tinugon ni Davidson sa kapatid. Pagkatapos maiuwi sa condo ang nanay nila ay naisipan nilang magkapatid na dumalaw sa bar ni Leo. "Oh that? Bumabawi lang ako kay mama, sa dami ko ba namang nalampasan na birthday niya eh," sagot niya sabay lagok ng isang shot ng whiskey. "Pero salamat talaga, Dave." "Teka, I'm two years older than you, diba dapat kuya ang tawag mo sa'kin?" nangungutya na sabi ni Davidson. Gusto niya lang asarin si Alexander. "Seriously? Okay lang ba kung kuya itawag ko sayo? Kuya?" Muntik na siyang masamid sa sinagot ni Alexander. Hindi niya akalain na seseryosohin naman nito ang sinabi niya. Tumikhim muna siya bago magsalita. "K-kung gusto mo, bakit hindi? Pero nagbibiro lang naman ako." "You can't take back your words, kuya. From now on, I'll call you kuya. Better," natatawang dugtong ni Alexander. Wala namang masama kung kukuyahin niya ang kapatid. ~~~~ "Wait, a
"Bakit ka ba naglasing?" Ang nakahalukipkip at kunot-noong mukha ni Keirah ang bumungad kay Davidson. Sapo niya ang sentido habang bumabangon sa kama. Wala siyang maalala kung bakit siya nakauwi. Ang alam lang niya ay sobrang nalasing siya kagabi. Nagulat man sa presensya ni Keirah ay hindi siya nagpahalata o nagpakita ng excitement sa dalaga. Bagkus ay nagtampo-tampuhan pa siya para suyuin nito. "Ano sa tingin mo kung bakit ako naglasing?" Nakita niyang umawang ang bibig nito. Halatang nabigla sa inasta niya. Paraan niya talaga ito para suyuin siya ng dalaga. Ngunit nagkamali siya ro'n, umikot ang mga mata nito at lalo pang humalukipkip. "Bakit? Galit ka?" aniya pa. "I just want to know kung bakit ka naglasing?" mas matigas pa ang boses ng dalaga kaysa sa kanya. "Ah..Eh kasi ano..." mapupurnada pa yata ang pagtatampo-tampuhan niya ah. "Ano?" nagpantay na ang kilay ni Keirah. "Eh kasi...Bakit mo ba tinatanong? May pakialam ka pa pala," pilit niyang pinatigas ang
"A-anong kailangan mo, Maureen? What are you doing here?" "Ang gaganda naman ng mga damit mo Cassidy. Prinsesang-prinsesa." Hindi maiwasan na makaramdam ng takot at kaba si Cassidy habang pinagmamasdan ang palakad-lakad na si Maureen sa kanyang dressing room. Hinihimas ng babae ang bawat wardrobe na naroroon. Nagtataka siya kung bakit ito nakapasok do'n eh mahigpit ang mga bantay sa labas ng set. "A-anong ginagawa mo, dito?" nangangatal ang boses na tanong dito ni Cassidy. Hindi niya talaga alam kung anong ginagawa ng babae rito. Napaatras siya ng hakbang nang bigla itong naglakad palapit sa kanya. "Don't be afraid my dear old friend, I'm just here to be your personal hairstylist," parang nakakaloko ang mga ngiti nito. "I-I'm not your friend. Ni hindi nga kita naging kaibigan!" pinatapang ni Cassidy ang boses para sindakin ito. Matagal na siyang nananahimik. Ayaw na niyang manggulo at ayaw niya na rin madamay sa trouble ng babaeng 'to. Kaya naman ngayo
'What the hell is she planning?' "CUT!" Sabay-sabay na naglingunan sa direksyon ng Director ang lahat ng nasa set. Bumuntong-hininga si Cassidy saka inayos ang sarili bago mag-water break. Napansin yata ng Director nila na wala siya sa focus kaya nag-cut ito. Hindi nga siya nagkamali ng hinala nang lapitan siya nito para komprontahin. "Cassidy? Is there something wrong? Kanina ka pa wala sa focus!" singhal ng Director sa kanya. "Sorry, Direk--" "Mag-focus ka ha, nakaka-ilang cut na 'yan!" Muling humugot ng malalim na hininga si Cassidy bago bumalik sa set. Sa kabilang dulo naman ng set ay tahimik lang na nanonood si Maureen sa kinukuhanang eksena. Malalim ang kanyang iniisip at walang sinumang makababasa ng nilalaman ng isip niya. **** "Thank you to all the people who have attended this wonderful night for my daughter. I proudly announced that my daughter, Akira Benavidez will take the given position as the new CEO of Benavidez Company...." nagpal