Home / Romance / Marupoked / The Green – Haired Guy

Share

The Green – Haired Guy

 

 

Nice to meet you, Eldie," wika ko at nagpaalam na sa kaniya. Binuksan ko ang pinto ng kotse niya at kaagad lumabas. We talked for about 2 hours while driving around the town.

Maganda ang estado sa buhay ni Eldie ngunit sinamantala lang siya ng ex-boyfriend niya. Naikwento niya rin kasi sa akin kung gaano sila kadalas lumabas ng ex niya at ang mas nakagugulat, siya pang babae ang gumagastos. Hay. Pag-ibig nga naman!

It's almost 6 in the morning at unti-unti nang lumiliwanag ang buong kapaligiran. Mabilis akong nakabalik sa dorm kung saan naabutan kong natutulog pa rin si Elizze. Her class would be in this afternoon pa naman kaya't okay lang din na hindi ko muna siya gisingin. Mukhang pinagpuyatan niya talaga ang paggawa ng critique paper.

I took a bath and dressed up. Umalis ako ng dorm na kagigising pa lamang ni Elizze. Agad naman akong nag-abang ng bus sa labas. Hindi naman ako naghintay nang matagal sapagkat maraming dumaraang pampublikong sasakyan dito.

Pumwesto ako sa bandang likuran ng bus sa tabi ng bintana. Marami pa namang bakanteng upuan sa harapan but I prefer to sit on the back part dahil nag-eemote ako kapag nakasakay sa bus. Wala lang, feeling ko kasi ang emo ng datingan lalo pa't medyo umuulan at sinasabayan pa malungkot na kanta sa radio.

After a few moments, huminto ang bus at napansin ko ang pagpasok ng isang lalaking nakasuot ng face mask. Agaw atensyon ang kulay green niyang buhok at bumagay rin naman sa kaniya ang suot niyang plain white shirt na pinatungan ng maroon bomber jacket. Medyo nakaka-attract ang pormahan niya but sorry, hindi ko siya type.

Naglakad-lakad pa ito hangang sa bigla siyang tumigil sa tapat ko. Hindi ko na sana siya papansin nang marinig kong magsalita ito.

"I'm sorry but I prefer to sit alone." Ikinagulat ko ang sinabi niya at biglang umupo sa bakanteng upuan sa katapat ko kung saan wala rin siyang ibang katabi.

Wow! Hindi ako makapaniwala sa sinabi niya. Okay na sana dahil ang gwapo ng datingan niya plus ang ganda ng boses niyang medyo malalim kaya lang, parang may attitude. Ni hindi ko siya kinakausap o anuman, pero sinabi niya 'yon? Ang kapal naman pala ng mukha.

"Sinong may sabing gusto kitang makatabi? In your face," sambit ko nang hindi tumitingin sa kaniya. Napairap ako't ibinaling ang tingin sa labas. Nakakainis.

"Tss. Kunwari pa pero grabe naman kung makatitig," pagpaparinig pa niya.

Hindi ako makapaniwalang nagagawa niyang magparinig sa akin. Ang lakas ng tama ng lalaking 'to. Saan niya nakukuha ang kakapalan ng mukha niya?

"Ang kapal ng mukha mo!" Hindi na ako nakatiis at hinarap siya. Natagpuan ko siyang nakatingin sa akin habang may takip pa rin ang mukha niya.

Magsasalita na sana siya nang biglang dumating ang konduktor at naningil na ng bayad. Namilog na lamang ang mata ko sa inis. How dare him accuse me like I want him to sit beside me? Nakakabwisit.

 

***

 

"TALAGA? Dapat tinanong mo kung anong pangalan niya!" Napangiwi ako sa naging reaksyon ni Gracelyn nang ikwento ko sa kanila ang kaganapan kaninang umaga.

Apat kaming sabay-sabay ngayon kumain habang ang dalawa pa naming kasama ay kasalukuyang nakapila sa cashier upang magbayad ng kanilang order.

Bilang lamang sa kamay ang mga tao rito sa cafeteria kaya't halos dinig na rin ng lahat ang pagkukwentuhan namin. Sinenyasan ko siyang 'wag masyadong lakasan ang boses at kung maari, 'wag maging OA ngunit nagpatuloy pa rin siya sa kaingayan. Parang pinagsisihan ko tuloy na nagkwento pa ako sa kaniya.

"Why would I? Kung ikaw ang nasa posisyon ko, baka hindi mo rin ikatuwa ang ugali ng lalaking 'yon. Akala mo naman, ang gwapo," wika ko.

Okay, binabawi ko na ang sinabi kong may hitsura siya dahil hindi naman talaga. Who knows, baka kaya pala siya nagtakip ng mask, ay dahil nahihiya siya sa hitsura niya?

"Eh 'di ba, marupok ka? Dapat hiningi mo na kaagad 'yung number." Narinig kong may nagsalita sa likuran ko. Nandito na pala ang dalawa pa naming kasamah na sina Henrich at Zyde. Pareho silang may bitbit na sandwich at isang juice na nasa tetra pack.

"Wow. Para kayong mag-ja-judge sa isang singing contest," ganti ko na lamang sa pang-aasar nila. Totoo naman, eh. Kadalasan, gan'yan ang pinapakain sa mga judges sa singing contest lalo na kapag sa school.

Matapos kumain ay naghiwa-hiwalay na rin kaming apat dahil may kani-kaniya pa kaming klase. Mamaya'y magkikita-kita din naman kami sa isang subject kung saan magkakasama kaming walo.

Whil I’m heading to the building where my next class is, namataan ko si Fritz. May kasama itong tatlong lalaki na mukhang mga kabarkada niya. Ayoko sanang magtagpo na naman ang aming landas ngunit huli na bago pa man ako makaiwas. Nakita na niya ako't mabilis itong naglakad papalapit sa akin.

It's been weeks since we haven't met each other. Every time I could smell his presence, mabilis akong umiiwas but this time, hindi ako nagtagumpay. Maybe I could ignore him instead.

"Josefina." Nanlaki ang mga mata ko sa itinawag niya sa akin.

What did he just call me?

"You have no rights of calling me by my first name," agad kong giit.

Hindi naman siguro pagiging marupok ang pansinin ko siya, pero hindi talaga ako natutuwa na tinatawag ako sa totoo kong pangalan. I mean, naiintindihan ko kung hindi ako lubos na kilala ng tao. Not even my friends can ever dare to call me with that name.

"2 years and yet, you still ignore me? Kausapin mo naman ako, oh," pakiusap pa niya. Dire-diretso lamang ako sa paglalakad na parang walang naririnig.

Sinalubong ko lamang ang mga kasamahan niyang kasabay niya kanina sa paglalakad na parang walang nakita. Nakatingin din kasi ang mga ito sa amin at parang wala pa silang idea sa nakaraan namin ni Fritz.

"Wala kang pakialam, kaniya-kaniya tayo ng trip." Hindi ko na napigilan pa’t muli ko siyang sinamaan ng tingin.

Ayokong gumawa ng eksena lalo pa't marami ring dumaraang estudyante rito. Mahirap na. Baka isang araw, magising na lang akong sikat na ako dahil sa issue na hindi ko naman ginusto.

"Please, kausapin mo naman ako! Kahit ngayon lang," muli niyang pamimilit. I'm getting annoyed with his childish act so I ended up turning at him and gave my uninterested look.

"May problema ba rito?" Pareho kaming napabalikwas nang marinig na may nagsalita sa gilid ko at nakita kong si Henrich pala 'yon. Inakbayan niya ako at kagaad ko namang naintindihan ang ipinakita niya.

"Wala naman, babe. Gusto lang daw niya makipag-usap sa akin," sabi ko at binigyang diin pa ang salitang babe.

"W-Wait, you guys.."

"Yep, she's my girlfriend," saad ni Henrich. Nagkatinginan kami't ngumiti sa isa't isa.

That's when I realized that he really has the looks. Kung totoong girlfriend niya lang ako, malamang ang saya na ng buhay ko. Full package din kasi 'tong si Henrich, eh. I heard he also graduated High school with flying colors. At hindi rin naman maikakaila na may magandang attitude siya compare sa ibang mga lalaki ngayon na ang tingin sa mga babae ay trophy.

"Woah! Really?" Fritz asked with a tone of sarcasm. Hindi ba siya makapaniwala? Sa ganda kong 'to, nagdududa pa ba siya sa narinig niya?

"Yeah. In fact, today is our monthsary. So, kung may sasabihin kang mahalaga sa akin, better yet, sabihin mo na habang hindi pa kami nakakaalis," wika ko. Alam kong gulat na gulat pa rin siya. Mabuti na rin ‘to para tuluyan na niya akong lubayan.

"Gano’n ba? Sige, I think I'll talk to you some other time. For now, enjoy your day. Happy monthsary pala sa inyo!" sabi niya at tuluyan nang tumalikod sa amin.

Somehow, bigla akong nakaramdam ng kirot. Hindi ko alam kung bakit, ngunit parang nasaktan ako para sa kaniya.

On the other hand, tama naman 'yung ginawa ko, so there’s no reason to feel guilty. I'm trying to prevent myself from the nightmare that keeps returning.

Hindi ako marupok, pero parang nakukunsensiya ako sa ginawa kong pag-iwas sa kaniya.

 

***

 

MAINGAT akong pumasok sa loob ng jeep. Mabuti na lamang at nakasakay agad ako sa kabila ng dami ng pasaherong naghihintay sa labas ng unibersidad. Medyo masikip na rin ang nasakyan ko ngunit wala na akong karapatang mag-inarte dahil marami pa akong kailangang gawin.

Gustohin ko mang makaupo nang komportable, hindi ko magagawa kaya naman, hirap ma'y pinilit ko pa ring pagkasyahin ang sarili ko. Ganito talaga ang pagsubok sa mga pampublikong sasakyan gaya ng jeep; kailangan mong ipagsiksikan ang sarili mo. Well, sanay naman akong pinagsisiksikan ang sarili ko, pero dati pa 'yun. Nagbago na ako ngayon.

Dumukot ako ng barya sa bulsa ko. Nakasanayan ko na ring nagtitira ng mga barya upang ibayad sa jeep. Mahirap din kasing magbayad ng buo lalo pa't minsan, hindi sinusuklian ang mga driver ang perang ibinayad mo.

Nakisuyo ako sa lalaking katabi ko. Ilang beses ko siyang tinawag ngunit hindi ito lumilingon na para bang walang naririnig. Tumingin ako sa kaniya't napansing may nakasalpak na earphones sa tenga niya.

Akmang babalewalain ko na lang sana ito nang mapansin ko ang kulay berde nitong buhok na natatakpan ng kulay itim na saklob. Napangiwi ako sa natuklasan. Bwisit.

 

 

 

 

 

 

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status