IT’S Monday morning when Lark and I decided to start our plan for our task. Marami-raming tao sa library. Ang iba ay tumatambay lamang at nagpapalamig samantalang ang karamihan ay nakapwesto sa mga computers at may kani-kaniyang ginagawa.Magkaharap kami ni Lark sa isang table. As expected, siya ang nangunguna sa gagawin namin habang ako naman, sumasang-ayon lamang sa mga pinaplano niya. Hindi naman sa ayokong tumulong, ngunit kung ako lamang din naman ang magpapagulo ng project namin, hahayaan ko na lang siya ang magplano."How about, we distribute our questionnaires to different people living in that community according to their socioeconomic status?" suhestiyon niya. Gaya nang kanina ko pang ginagawa, tumango-tango na lamang ako't nagthumbs-up. Lahat naman kasi ng isuggest niya, okay lang sa akin at talagang magandang idea."So kailan tayo magsusurvey? Next next week na ang submission niyan." tanong ko. Nakakahiya naman kasi na puro sang-ayon na lang ako sa kaniya
SA mismong gate pa lamang ng gym ay nagsisiksikan na ang mga estudyante ng Riversky University at Cipriano Academy. Ngayon ay gaganapin ang second game ng laban sa pagitan ng dalawang team. Ayon kina Elizze, kani-kanina pa raw dumating ang mga players ng kalaban at isa na nga doon ang hindi pa namin nakikilalang lalaking may kulay berdeng buhok."Shit. Baka hindi pa natin nalalapitan si guy, magsimula na ang game," bulong ni Elizze sapagkat hindi pa rin kami makapasok sa loob sa dami ng mga estudyanteng manonood."Excited teh?" tanong ko sa kaniya ngunit imbis na sumagot, inirapan lamang ako ng gaga.Out of a sudden, bigla kong naisip na kung second game nila ngayon, bakit parang walang balak si Fritz na lumaro? He's the captain ball of Riversky's basketball team at siya ang nagdadala ng game sa panig namin.Makaraan pa ang ilang paghihintay ay tuluyan na kaming nakapasok sa loob. Humanap kaagad sina Macy at ang iba pa naming kasamahan ng pwesto sa mga bleachers habang kami
SA gitna ng ingay at kasiyahan sa buong paligid dahil sa nagaganap pa ring game, hindi ko mapigilan ang sarili kong magpakawala ng mga luha sa hindi ko malamang dahilan. Pakiramdam ko, isa akong mahina. Sa kabila ng lahat ng mga nangyari, parang bibigay at bibigay pa rin ako at hindi ko magagawang tanggihan ang hinihinging pabor ni Miley.I found myself running away from the gymnasium without considering the people around me. They can judge me as much as they want but I don't care. Right now, ang tanging naiisip ko lamang ay kailangan kong mapag-isa at lumayo sa lugar na ito. Ayokong makita ni Elizze ang kahinaan ko. Hindi pa ako handa sa panenermon na naman niya sa akin kapag nalaman niya ang dahilan kung bakit tumawag sa akin si Miley.Nagtatakbo ako palabas ng unibersidad hanggang sa mamataan ko ang kiosk na malapit sa paaralan. For sure, walang ibang tao doon dahil abala ang lahat sa game. This is a perfect moment for myself.Nakarating ako sa kiosk at tama nga a
"REALLY? Kensley asked for your digits and you just gave it easily?" I couldn't help but to heave a deep sigh as Elizze nodded quicklyHindi ako makapag-focus sa paghuhugas ng mga pinagkainan dahil sa natuklasan. I couldn't even believe she just gave her numbers that fast even though hindi pa naman niya lubos nakikilala 'yung tao. Now, I wonder, sino na ngayon ang marupok sa aming dalawa?"He wants us to be his friends. Siguro kung nando'n ka rin kanina, baka nakuha na rin niya ang number mo kaya lang, inuna mo pa ang pakikipaglandian," pasaring na wika ni Elizze habang nakatayo lamang sa gilid ko at hawak-hawak pa rin ang phone niya.Mukhang wala na itong balak magreview para sa quizzes niya ngayong may ka-textmate na siya. Ang masahol pa doon, 'yong lalaking may kulay berdeng buhok pa. Sana lang talaga ay hindi siya pinagtitripan ng Kensley na 'yon. Kahit pa duda pa rin ako sa totoo niyang pagkatao at kung siya nga ba talaga ang nakaharap ko that time sa bus, hindi
TRUTH be told; it was really hard for me to tell those words and hurt him the way he hurt me. I was never a fan of revenge. It sucks that people do bad things to us but we don't want to do the same thing to them or bring back the pain just because we know it is the right thing to do.Napasinghap ako nang mapagtantong huminto na pala ang tricycle na sinasakyan ko sa tapat ng dormitory namin. Hindi ko namalayan na sa sobrang pagmumuni-muni ko, nakarating na pala ako sa tinutuluyan ko. Mabuti na rin 'to dahil kanina ko pa tinitiis ang kahihiyan na tinamo ko mula sa mga taong nakasalubong ko. Good thing Lark is so understanding. He even asked me if I still want to continue our task but then again, I chose to accomplish it this day kahit pa basang-basa ako at naligo pa sa ulan. Nakakahiya man ngunit bumili na lamang muna ako ng pansamantalang damit pamalit para lang maituloy namin ang interview.Matapos magbayad sa tricycle driver ay dali-dali akong bumaba at nagtatakbo pa
"Alam mo, Mister Abo? 'Wag mo 'kong lokohin, ha? Sawang-sawa na ako sa mga panloloko, 'wag ka nang dumagdag." Sinubukan kong bawiin kay Cason ang wax subalit napakahigpit ng hawak niya rito at para bang ayaw niya talagang bitiwan. "Ibigay mo sa akin 'yan, huy! Hindi naman sa 'yo 'yan, eh!" paulit-ulit kong sinubukang abutin mula sa kaniya ang colored wax ngunit itinataas niya pa ito dahilan upang lalo kong hindi makuha.Bwisit. Pasalamat siya't matangkad siya. Hindi ko tuloy mabawi 'yung wax. Baka angkinin niya pa 'yon kahit na hindi naman talaga sa kaniya."Mister Abo? Anong klaseng pangalan 'yan?" natatawa niyang sambit bago binuksan ang colored wax. Hindi ko pa rin iyon makuha sa kaniya kaya naman pinanlisikan ko na lamang siya ng tingin sa pagbabakasakaling ibalik niya sa akin."Duh! Obvious ba? Syempre dahil sa surname mo, Mr. Ashton!" giit ko habang nakakapit sa magkabilang bewang ko.His smirk grew larger as his eyebrows raised repeatedly. Hindi ko alam kung
IT feels so relaxing to see how aesthetically pleasing the event is. From the extravagant decorations, upbeat music to the students' dress code this year's Founding anniversary is pastel green. The overall place screams nothing but cheerfulness and positivity.Marami na ring dumaragsa sa booth namin upang mag-try ng mga products na ibinebenta namin. Mayroon din kaming maliit na photobooth sa labas ng stall kung saan mayroong mga bubble effects na siyang nagbibigay ng enhancement sa mga photos ng mga dumarayo. Mabuti na lamang talaga na food booth ang naisipan naming itayo dahil alam naming ito talaga ang hahanap-hanapin ng mga students.Nakiisa na rin ako sa pagtitinda dahil sa dami ng mga nakapila. Hindi ko inakala na magiging ganito pala talaga kagarbo ang selebrasyon ng Riversky's foundation day na dati ay nababalitaan ko lamang. Mayroon din kasing mga fun rides na talaga namang pinupuntahan din ng mga students."Pwede ko bang bilhin 'yung nagtitinda?" Natigilan a
WILD people, loud electro music, strangers dancing on the dancefloor without limits, and hesitations are what fulfilled the entire venue of Riversky's grand event hall. Kanina pa kami nakaupong magkakaibigan sa harap ng bilog na lamesa at tila ba naghihintay lamang ng uwian. Hindi ko rin maintindihan sa kanila. We didn't suppose to be like this. We must go wild, too. But instead, nanatili lamang silang nanonood sa mga sumasayaw."Ang boring 'no?" narinig kong pasaring wika ni Macy bago nagsalin ng Iced tea sa wine glass na nasa harapan lamang niya.Elizze was still busy texting. Sabi niya sa amin kanina ay darating si Kensley upang makihalubilo sa party ngunit magpahanggang ngayo'y wala pa rin siya. On the other hand, itong mga lalaking kasama naman namin sa lamesa ay wala ring kibo at nanatili lamang na nakatingin sa mga sumasayaw sa gitna. Uubusin ba namin ang oras namin nang pagani-ganito lamang?"Alam niyo, mas mabuti pa kung kina Zyde na lang ulit tayo nag-party