TRUTH be told; it was really hard for me to tell those words and hurt him the way he hurt me. I was never a fan of revenge. It sucks that people do bad things to us but we don't want to do the same thing to them or bring back the pain just because we know it is the right thing to do.Napasinghap ako nang mapagtantong huminto na pala ang tricycle na sinasakyan ko sa tapat ng dormitory namin. Hindi ko namalayan na sa sobrang pagmumuni-muni ko, nakarating na pala ako sa tinutuluyan ko. Mabuti na rin 'to dahil kanina ko pa tinitiis ang kahihiyan na tinamo ko mula sa mga taong nakasalubong ko. Good thing Lark is so understanding. He even asked me if I still want to continue our task but then again, I chose to accomplish it this day kahit pa basang-basa ako at naligo pa sa ulan. Nakakahiya man ngunit bumili na lamang muna ako ng pansamantalang damit pamalit para lang maituloy namin ang interview.Matapos magbayad sa tricycle driver ay dali-dali akong bumaba at nagtatakbo pa
"Alam mo, Mister Abo? 'Wag mo 'kong lokohin, ha? Sawang-sawa na ako sa mga panloloko, 'wag ka nang dumagdag." Sinubukan kong bawiin kay Cason ang wax subalit napakahigpit ng hawak niya rito at para bang ayaw niya talagang bitiwan. "Ibigay mo sa akin 'yan, huy! Hindi naman sa 'yo 'yan, eh!" paulit-ulit kong sinubukang abutin mula sa kaniya ang colored wax ngunit itinataas niya pa ito dahilan upang lalo kong hindi makuha.Bwisit. Pasalamat siya't matangkad siya. Hindi ko tuloy mabawi 'yung wax. Baka angkinin niya pa 'yon kahit na hindi naman talaga sa kaniya."Mister Abo? Anong klaseng pangalan 'yan?" natatawa niyang sambit bago binuksan ang colored wax. Hindi ko pa rin iyon makuha sa kaniya kaya naman pinanlisikan ko na lamang siya ng tingin sa pagbabakasakaling ibalik niya sa akin."Duh! Obvious ba? Syempre dahil sa surname mo, Mr. Ashton!" giit ko habang nakakapit sa magkabilang bewang ko.His smirk grew larger as his eyebrows raised repeatedly. Hindi ko alam kung
IT feels so relaxing to see how aesthetically pleasing the event is. From the extravagant decorations, upbeat music to the students' dress code this year's Founding anniversary is pastel green. The overall place screams nothing but cheerfulness and positivity.Marami na ring dumaragsa sa booth namin upang mag-try ng mga products na ibinebenta namin. Mayroon din kaming maliit na photobooth sa labas ng stall kung saan mayroong mga bubble effects na siyang nagbibigay ng enhancement sa mga photos ng mga dumarayo. Mabuti na lamang talaga na food booth ang naisipan naming itayo dahil alam naming ito talaga ang hahanap-hanapin ng mga students.Nakiisa na rin ako sa pagtitinda dahil sa dami ng mga nakapila. Hindi ko inakala na magiging ganito pala talaga kagarbo ang selebrasyon ng Riversky's foundation day na dati ay nababalitaan ko lamang. Mayroon din kasing mga fun rides na talaga namang pinupuntahan din ng mga students."Pwede ko bang bilhin 'yung nagtitinda?" Natigilan a
WILD people, loud electro music, strangers dancing on the dancefloor without limits, and hesitations are what fulfilled the entire venue of Riversky's grand event hall. Kanina pa kami nakaupong magkakaibigan sa harap ng bilog na lamesa at tila ba naghihintay lamang ng uwian. Hindi ko rin maintindihan sa kanila. We didn't suppose to be like this. We must go wild, too. But instead, nanatili lamang silang nanonood sa mga sumasayaw."Ang boring 'no?" narinig kong pasaring wika ni Macy bago nagsalin ng Iced tea sa wine glass na nasa harapan lamang niya.Elizze was still busy texting. Sabi niya sa amin kanina ay darating si Kensley upang makihalubilo sa party ngunit magpahanggang ngayo'y wala pa rin siya. On the other hand, itong mga lalaking kasama naman namin sa lamesa ay wala ring kibo at nanatili lamang na nakatingin sa mga sumasayaw sa gitna. Uubusin ba namin ang oras namin nang pagani-ganito lamang?"Alam niyo, mas mabuti pa kung kina Zyde na lang ulit tayo nag-party
Ilang segudo akong nakipagtitigan kay Fritz. Alam kong naghihintay na rin ang mga kasamahan ko sa kung ano ang magiging desisyon ko. Hindi man ako tumitingin nang diretso sa kanila subalit alam ko na agad kung ano ang hinihintay nilang gawin ko at 'yon ay ang tanggihan ang kagustuhan ni Fritz."Please?" aniya pang muli. Nakangiti pa rin siya na para bang normal lamang na humihingi ng pahintulot na isayaw ako.I took a deep breath as I nodded. I think there's no reason to neglect his permission. After all, he's still the guy I used to love. Sa kabila ng mga pangyayari, hindi pa rin mababago ang katotohanan na minsan kaming naging partners in crime."Sure. 'Yon lang pala, eh," taas-noo kong sambit at saka ipinatong ang palad ko sa kamay niyang nakalahad sa harap.Agad akong tumayo at sumama sa kaniya sa paglalakad patungo sa gitna. Gulat ang rumehistro sa mukha ng mga kaibigan ko nang mapalingon ako sa kanila. Pero sa pagkakataong ito, hahayaan ko na lang muna na magi
1 year later.."HERE’S your order, Sir! Enjoy AesTEAtic Milk tea. You made the right choice." Ngumiti ako bago inilapag sa lamesa ang isang cup na naglalaman ng Okinawa bubble tea. Ngumiti lang sa akin ang lalaki bago nagpasalamat.Akmang babalik na ako sa counter since mukhang wala na namang kailangan ang lalaki subalit narinig kong bigla siyang napaismid. Sa totoo lang, suki na siya ng milk tea shop na pinagtatrabahuhan ko for the past few months kaya halos kilala ko na rin siya."Pin, right?" usisa ng lalaki nang agad akong lumingon. Mabilis naman akong ngumiwi bago tumango-tango. "Can I ask for tissues? Medyo natapunan kasi ako," sambit ng lalaki bago itinaas ang laylayan ng shirt niyang medyo nabasa na."Sure, sir. Wait lang po," paalam ko bago mabilis na naglakad pabalik sa counter.Ang tyaga rin naman kasi ng lalaki na tumambay rito nang mag-isa. I mean, he could be with his friends or family but he always chooses to chill alone. Ang isa pang napansin ko sa
PADABOG akong umahon mula sa pool. Tumutulo pa ang tubig mula sa damit ko at paulit-ulit pa akong kinukulit ni Cason subalit nagbingi-bingihan na lamang ako at dali-daling pumasok sa loob. Hindi ko pinansin ang bawat sinasabi niya dahil baka masigawan ko lamang siya sa inis. Minsan nakakapagtaka lang talaga kung bakit natitiis pa naming kasama ang kumag na 'to, eh."Pin, 'wag ka nang magpahabol. Sorry na kasi. Gusto mo hipan kita para matuyo ka?" pangungulit pa ni Cason habang sinusundan pa rin ako sa paglalakad papasok sa loob ng bahay nina Zyde.Tila ba napansin naman ni Zyde na papasok ako sa loob. Bigla na lamang kasi siyang humarang sa daanan na para bang pinipigilan akong pumasok. Isa rin 'to, eh. Pasalamat na lang talaga siya at pagmamay-ari niya 'tong tinatambayan namin."Hep hep hep! Saan kayo pupunta? Basang-basa kayong dalawa, oh? Hindi niyo ba nakikita? Tapos papasok kayo sa loob? Mahiya naman aba," pasaring na sambit ni Zyde at saka tiningnan kami mula u
MATAPOS mag-type ng report na kailangan kong ipasa this week ay kaagad ko nang pinatay at tiniklop ang laptop ko. Magpahanggang ngayo'y nakahiga pa rin si Elizze kahit na kanina pa talaga siya gising. Paano ba naman kasi, ramdam na ramdam niya pa rin ang hilo at pagkalasing. Buti na lamang at kahit papaano'y aware na siya sa nangyari sa kaniya. Hindi ko na kakailanganin pang asikasuhin siya 24/7.Pasado alas-onse na ng tanghali nang mapagdesisyunan kong maghanda ng lunch namin. Hindi pa rin kasi makakapagluto ang gaga dahil sa karamdaman niya. Malas ko lang dahil automatic na ako na naman ang kikilos ngayon."Mabigat pa rin ba pakiramdam mo? Bibili ako ng soda, sabi kasi nila pampatanggal kalasingan daw 'yon. Gusto mo?" wika ko nang maibalik ko na ang laptop sa bag nito at humarap kay Elizze. Bahagyang napagalaw siya sa pagkakahiga bago tumingin sa akin."Bahala ka kung sa tingin mo matatanggal ang hangover ko do'n," sagot na lamang niya kaya't napakamot ako sa ulo.