1 year later.."HERE’S your order, Sir! Enjoy AesTEAtic Milk tea. You made the right choice." Ngumiti ako bago inilapag sa lamesa ang isang cup na naglalaman ng Okinawa bubble tea. Ngumiti lang sa akin ang lalaki bago nagpasalamat.Akmang babalik na ako sa counter since mukhang wala na namang kailangan ang lalaki subalit narinig kong bigla siyang napaismid. Sa totoo lang, suki na siya ng milk tea shop na pinagtatrabahuhan ko for the past few months kaya halos kilala ko na rin siya."Pin, right?" usisa ng lalaki nang agad akong lumingon. Mabilis naman akong ngumiwi bago tumango-tango. "Can I ask for tissues? Medyo natapunan kasi ako," sambit ng lalaki bago itinaas ang laylayan ng shirt niyang medyo nabasa na."Sure, sir. Wait lang po," paalam ko bago mabilis na naglakad pabalik sa counter.Ang tyaga rin naman kasi ng lalaki na tumambay rito nang mag-isa. I mean, he could be with his friends or family but he always chooses to chill alone. Ang isa pang napansin ko sa
PADABOG akong umahon mula sa pool. Tumutulo pa ang tubig mula sa damit ko at paulit-ulit pa akong kinukulit ni Cason subalit nagbingi-bingihan na lamang ako at dali-daling pumasok sa loob. Hindi ko pinansin ang bawat sinasabi niya dahil baka masigawan ko lamang siya sa inis. Minsan nakakapagtaka lang talaga kung bakit natitiis pa naming kasama ang kumag na 'to, eh."Pin, 'wag ka nang magpahabol. Sorry na kasi. Gusto mo hipan kita para matuyo ka?" pangungulit pa ni Cason habang sinusundan pa rin ako sa paglalakad papasok sa loob ng bahay nina Zyde.Tila ba napansin naman ni Zyde na papasok ako sa loob. Bigla na lamang kasi siyang humarang sa daanan na para bang pinipigilan akong pumasok. Isa rin 'to, eh. Pasalamat na lang talaga siya at pagmamay-ari niya 'tong tinatambayan namin."Hep hep hep! Saan kayo pupunta? Basang-basa kayong dalawa, oh? Hindi niyo ba nakikita? Tapos papasok kayo sa loob? Mahiya naman aba," pasaring na sambit ni Zyde at saka tiningnan kami mula u
MATAPOS mag-type ng report na kailangan kong ipasa this week ay kaagad ko nang pinatay at tiniklop ang laptop ko. Magpahanggang ngayo'y nakahiga pa rin si Elizze kahit na kanina pa talaga siya gising. Paano ba naman kasi, ramdam na ramdam niya pa rin ang hilo at pagkalasing. Buti na lamang at kahit papaano'y aware na siya sa nangyari sa kaniya. Hindi ko na kakailanganin pang asikasuhin siya 24/7.Pasado alas-onse na ng tanghali nang mapagdesisyunan kong maghanda ng lunch namin. Hindi pa rin kasi makakapagluto ang gaga dahil sa karamdaman niya. Malas ko lang dahil automatic na ako na naman ang kikilos ngayon."Mabigat pa rin ba pakiramdam mo? Bibili ako ng soda, sabi kasi nila pampatanggal kalasingan daw 'yon. Gusto mo?" wika ko nang maibalik ko na ang laptop sa bag nito at humarap kay Elizze. Bahagyang napagalaw siya sa pagkakahiga bago tumingin sa akin."Bahala ka kung sa tingin mo matatanggal ang hangover ko do'n," sagot na lamang niya kaya't napakamot ako sa ulo.
"NASAAN nga pala ang family mo? Saka, bakit ka nagtatrabaho as a crew? Ang tagal ka na naming kilala pero wala pa rin akong masyadong alam sa 'yo. Bukod sa nakakainis ang presensya mo minsan—ay mali pala. Madalas ka palang nakakainis." Habang nagsasalita ay pinipigilan kong tumalsik ang kinakain kong fishball. Alam kong I shouldn't talk while my mouth is full but I can't really resist the silence between. Hindi ako sanay na hindi kami nag-aaway ng abong ito.Umayos siya nang pagkakaupo sa sidecar. Katabi ko lang kasi siya dahil gusto niya raw ng may sandalan. Nakatambay lamang kami sa tapat ng lakeside kung saan kitang-kita namin ang tubig sa gitna at ang mga nagtataasang building sa kabilang bahagi ng lakeside. Mabuti na lamang at medyo pababa na ang araw kaya hindi na rin masyadong mainit. Kanina pa rin kasi kami nakatambay rito.Narinig ko ang pagbuntong-hininga niya. Did I offend him? I mean, I'm worried that I might offended him. But I chose to remain calm and se
IS that what life always brings to us? Is that really what life offers to us? I really don't know if I still want to be happy if so. The fact is, life always taught me to keep still and enjoy whatever comes, but in the end, after being so fulfilled and happy the entire day, here comes tomorrow which will give you another day of sorrow.Sa kabila ng pagmamadali ko ay hindi ako nagpadala sa tensyon bagkus pilit kong pinakalma ang sarili at itinatak sa isipan na wala akong dapat ipag-alala. Tuluyan nang dumilim ang paligid nang makarating ako sa terminal ngunit sa kasamaang palad, buntot-buntot pa rin sa akin si Cason na tila ba walang balak lumayo sa akin. Hindi ko alam kung bakit magpahanggang ngayon ay nakasunod pa rin siya kahit pa ilang beses ko na siyang pinagtabuyan kanina at sinabihang umuwi na."Nandito na ako. Thanks for being here but I want you to know that you don't have to be with me everywhere. Umuwi ka na at magpahinga. Alam kong napagod ka rin buong araw
REGRETS do really happen. If we did something wrong and realize it later, that's when the art of regret exists and enters the scene. Too bad I'm a victim of that idea. Now, I'm suffering and blaming my stupid self for doing such an idiotic move like what I've said earlier."Ikaw, ha? Gusto mo pala akong maging boyfriend, hindi ka nagsasabi," narinig kong pang-aasar ni Cason mula sa tagiliran ko subalit hindi ko siya pinansin.Nanatili lamang akong nakatanaw sa ibaba kung saan kitang-kita ko ang mga sasakyang dumaraan at maging ang mga bubong ng mga bahay na malapit sa kinaroroonan naming ospital. Kasalukuyan kasi akong nakatambay sa rooftop at nagpapalipas ng gabi. Hindi rin naman kasi ako makakatulog lalo pa't mayroong asungot na umaaligid pa rin sa akin."Alam mo, Pin? 'Wag mo na kasing i-deny. Alam ko naman na sa gwapo kong ito, hindi malabong mahulog ka sa akin. Tapos 'yung sinabi mo kanina sa mga magulang mo? Sus. Kunwari ka pang nabigla ka. Halatang-halata nama
"OH, well. After almost 2 years, we got to see each other again. How's life, Josefina?" pangangamusta ni Miley habang nakangiti pa nang malapad. Gulong-gulo pa rin ako kung bakit siya naririto sa tapat ng mismong bahay namin ngunit pinili kong kumalma at 'wag magpa-intimidate sa presensya niya."Gago ayaw niyang tinatawag siyang ganiyan," bilang sabat ni Cason at matapos ay umakbay pa sa akin. Hindi ko alam kung ano ang natripan ng abong ito para biglang umakbay ngunit imbis na magpumiglas ay nakiayon na lamang ako sa sitwasyon.Kahit papaano ay parang nabawasan ang inis ko dahil sa ipinakita niya. I mean, he's right, I don't want to be called by my first name dahil pakiramdam ko, matanda na ako but then again, hindi rin naman kami close ni Miley para tawagin niya ako sa nickname ko. Nagkataon lang talagang siraulo 'tong si Cason at sinabi pa talaga 'yon kay Miley. Humanda sa 'kin mamaya ang damuhong 'to."So he's your boyfriend?" tanong pang muli ni Miley. She point
THE entire room remained silent as we are all waiting for my parents' response. Shock was registered on their face, even my Lolo who was just lying on his bed suddenly smiled as if Cason's words made him happy in an instant. Habang ako naman, litong-lito at gulat na gulat pa rin sa mga pangyayari. How can he even ask that question confidently? At saka, bakit naman niya ako liligawan?"He must be kidding. 'Wag niyo na pong problemahin ang sinasabi niyan. Pinagtitripan lang tayo niyan," basag ko na lamang sa katahimikan dahil mukhang walang gustong magsalita matapos magtanong ni Cason.Para akong nabalot ng kahihiyan dahil sa mga pangyayari. I didn't expect it to be that fast. I mean, nahahalata ko na naman na sa mga ikinikilos ni Cason na may something pero syempre, ayoko naman maging assuming dahil baka sa huli, ako lang pala itong umaasa pero itong ginawa niya ngayon na buong-tapang na humarap sa mga magulang ko at sabihing liligawan niya ako? Isn't it that too fast?