About the AuthorPranz Cipriano, also known as simplestabBer, is a person who’s inclined with both music and literature. He is currently taking Bachelor of Arts in Communication and he loves to explore his passion more by editing stuff such as photos, video, and even music. He loves writing Mystery/Thriller and Fantasy stories but he is also open to trying other genres such as Teenage angst, Humor, and Rom-Com stories. As an ultimate fan of music particularly Pop-punk bands and Avril Lavigne, he also does song covers. Doing content is also his cup of tea and he has a goal of inspiring his fellow youth and motivating them to achieve their dreams no matter how slow the progress is.
"Break na tayo."Tatlong salita lamang 'yan ngunit nagawang pabagsakin ang mundo ko. Hindi ko alam. Hindi ko rin maintidihan. Marahil ay nagmahal lang talaga ako nang lubos. Wala naman sigurong hindi masasaktan kung sabihin sa 'yo ng taong mahal mo na makikipaghiwalay na siya. Ang masaklap doon, mahal mo pa siya."Ayoko na, pagod na 'ko."Hindi ko rin alam kung saan ako nagkulang. Sa tingin ko naman, ginawa ko ang parte ko. Bigla na lamang dumating 'yung araw na naramdaman ko ang panlalamig niya. Tinanong ko naman siya kung bakit. Sinubukan ko naman siyang kausapin. Subalit sa huli, wala rin akong napala. Hindi ko pa rin naisalba ang pinahahalagahan kong relasyon.Napaisip tuloy ako,minahal niya kaya talaga ako?O sinabi niya lang na mahal niya ako para maging kami at magkaroon siya ng pampalipas oras?"Tama na, itigil na natin 'to."Napakadali para sa kaniyang sabihin ang mga salitang 'yon. Hindi ko alam kung isang music lang ba ang tingin niya sa ak
"I've learned my lessons already, now it'stime to move on and be strong!"HALOS mabitawan ko ang baso ng juice na hawak ko. Pakiramdam ko, biglang bumagal ang mundo at nagkaroon ng background music sa paligid. Hindi ko rin maintindihan ngunit tila ba biglang lumakas ang hangin at namalayan ko na lamang na tinatangay na nito ang mahaba at makapal kong buhok—’yong para bang tinapatan ka ng electic fan sa harapan pero hindi naman? Gano'n 'yong naramdaman ko.Habang papalapit nang papalapit siya'y pabilis din nang pabilis ang tibok ng puso ko. Hindi naman ako madaling ma-attract pero bakit ganito na lang impact niya sa akin? Ang lakas ng dating niya; ang kinis ng mukha at para bang ang bango-bango pa.Hindi na ako makapaghintay pa kaya't naisipan kong humakbang papalapit sa kanya; ni hindi ko na rin pinansin pa ang kaninang kasama kong si Elizze dahil alam kong hindi rin naman niya ako susuportahan dito.Kaya naman nang sandaling magtagpo ang aming landas, parang
Nice to meet you, Eldie," wika ko at nagpaalam na sa kaniya. Binuksan ko ang pinto ng kotse niya at kaagad lumabas. We talked for about 2 hours while driving around the town.Maganda ang estado sa buhay ni Eldie ngunit sinamantala lang siya ng ex-boyfriend niya. Naikwento niya rin kasi sa akin kung gaano sila kadalas lumabas ng ex niya at ang mas nakagugulat, siya pang babae ang gumagastos. Hay. Pag-ibig nga naman!It's almost 6 in the morning at unti-unti nang lumiliwanag ang buong kapaligiran. Mabilis akong nakabalik sa dorm kung saan naabutan kong natutulog pa rin si Elizze. Her class would be in this afternoon pa naman kaya't okay lang din na hindi ko muna siya gisingin. Mukhang pinagpuyatan niya talaga ang paggawa ng critique paper.I took a bath and dressed up. Umalis ako ng dorm na kagigising pa lamang ni Elizze. Agad naman akong nag-abang ng bus sa labas. Hindi naman ako naghintay nang matagal sapagkat maraming dumaraang pampublikong sasakyan dito.Pumwesto
"3 hours kaming vacant, kayo ba?""Isang subject na lang kami this morning and then wala nang susunod na class.""So pa'no? Labas tayo?""Tara! Samantalahin na natin ang pagkakataong 'to. For sure next week, back to reality na naman tayo."Wala akong kagana-gana nang mga oras na 'yon. Sinubukan kong mag-focus sa binabasa kong textbook subalit hindi ko magawa dahil sa mga boses nilang sabik na sabik at parang hinihila ako. Ayoko sanang sumama sa kanila at manatili na lamang sa school upang makapagpahinga at makaiwas din sa gastos kaya lang, wala rin akong nagawa nang hilahin at pilitin nila ako lalo pa't nakasakay naman daw kami sa kotse nina Steven.Sa buong barkada, siya lang 'yung masasabi kong, rich kid talaga. Obvious din naman sa kutis at pananamit niya ngunit ibinabagay naman niya rito ang attitude niya. Although minsan, hindi talaga mawawala ang pagiging hambog, makikita naman sa kaniya na down to earth pa rin siyang tao unlike sa mga pa-rich kid ngayon na h
TWO subjects have passed and I'm still stuck at the moment. I am currently at my Physics class that I suppose to listen and focus on but what happened earlier makes me dumbfounded.Electrical circuits; paths which electrical current flows. I still remember the paths and crossroads we've been through for the past few years. Up until today, I can't find the right insulator that will totally resist his presence away from me.Conductors are substances that carry electric charges. Unlike insulators, it doesn't resist the electric current to flow.Life is like an electric circuit, it goes on and on until it reached its designated load. But unlike the circuit, it has no switch that we might able to turn off and turn it on again if we want to. We have these cells, that make our lives continue to go on. I consider my family, dreams, and friends as my cell since they're my source of power.Going back to reality, pinagmasdan ko ang bawat kaklase kong nasa loob ng silid. Halos
"It's nice to see you again, Josefina. I never thought we would be in the same institution after a few years. We didn't see each other after our Elementary Graduation and look at you, you've grown a lot." Kaloka. Dumaan lang ang high school, naging amerikana na 'tong si Gerlyn.Gerlyn is my childhood best friend. I remember those days na mga batang hamog pa kami at maging ang pagsisimula naming lumandi noong Grade 6. And up until now, I still can't believe na pumapasok kami sa parehong university. Hindi ko alam kung paano at saan niya ako nakita ngunit hindi ko talaga in-expect na siya pala ang nagbigay sa akin ng message na 'yon."Ikaw rin naman. I'm happy to see you again. Nawalan na ako ng balita sa 'yo since second year high school but look at you now, ang ganda mo na!" pagpuri ko na lamang pabalik. Well, totoo namang maganda siya pero hindi pa rin ako nako-convince na maganda siya sa lahat ng aspeto—including the inside ones.Mayamaya pa'y dumating ang isang lal
"HOY saan ka pupunta?" Natigilan ako sa pagtakbo nang biglang sumalubong sa harap ko ang kunot-noong si Elizze. Langyang babae 'to. Wrong timing naman siya."That guy! Siya 'yong may kulay green na buhok," nagmamadaling wika ko. Inilibot ko ang paningin ko subalit hindi ko na siya makita. Ni hindi ko man lang na-memorize 'yung hitsura ng likuran niya kaya't mahihirapan akong makita siya nito."Ha? Sino? Wala naman akong nakitang may berdeng buhok," sambit pa niya. Napakamot na lamang ako sa ulo. Wala na, hindi ko na siya maabutan."Kasi walang kulay 'yung buhok niya ngayon!" giit ko. Tila ba mas lalong kumunot ang noo niya."Pwede ba 'yon? So transparent gano'n?" Napangiwi ako't nasapo ang noo. "Teka nga, bakit ba parang naging interesado ka na talaga sa kaniya? Eh hindi mo pa naman siya nakikita in person. Wait, don't tell me—""Nakita ko na ang lalaking 'yon. Dalawang beses na. Una sa bus, pangalawa sa jeep. I don't know why but there's really something in him. A