Home / Romance / Marupoked / The Vulnerable Girl

Share

The Vulnerable Girl

 

 

"I've learned my lessons already, now it's time to move on and be strong!"

HALOS mabitawan ko ang baso ng juice na hawak ko. Pakiramdam ko, biglang bumagal ang mundo at nagkaroon ng background music sa paligid. Hindi ko rin maintindihan ngunit tila ba biglang lumakas ang hangin at namalayan ko na lamang na tinatangay na nito ang mahaba at makapal kong buhok—’yong para bang tinapatan ka ng electic fan sa harapan pero hindi naman? Gano'n 'yong naramdaman ko.

Habang papalapit nang papalapit siya'y pabilis din nang pabilis ang tibok ng puso ko. Hindi naman ako madaling ma-attract pero bakit ganito na lang impact niya sa akin? Ang lakas ng dating niya; ang kinis ng mukha at para bang ang bango-bango pa.

Hindi na ako makapaghintay pa kaya't naisipan kong humakbang papalapit sa kanya; ni hindi ko na rin pinansin pa ang kaninang kasama kong si Elizze dahil alam kong hindi rin naman niya ako susuportahan dito.

Kaya naman nang sandaling magtagpo ang aming landas, parang kumislap ang aking mga mata nang tingnan niya ako at ngitian.

"Hi, I'm Fritz!" pakilala nito sa akin. Bigla akong napahawi ng buhok sa may tenga ko.

"I know." Napahagikgik naman ako nang mahina.

"Can we be friends?" tanong naman niya.

"We can be friends," sagot ko at pareho kaming natawa.

"At 'yon ang kwento ng karupukan ni Josefina."

Nababadtrip pa rin ako sa tuwing naalala ko ang mga pangyayari. It was two years ago when I’d met that guy. Fritz was my first boyfriend and I don't think I would have a new one. After ng break-up namin, napagdesisyunan ko nang hindi na muna ma-inlove. Never again. Kahit pa ilang beses niyang sinabi sa akin na gusto niyang makipagbalikan, tumanggi ako.

"'Wag kayong maniwala diyan kay Elizze! Bitter lang siya kasi hanggang ngayon, single pa rin. The truth is, hindi naman talaga ako madaling na-attract kay Fritz noon. It took time and process bago ko siya sinagot," pagsisinungaling ko.

Totoo naman kasi lahat ang sinabi ni Elizze, ilang araw pa lang after akong ligawan ni Fritz, sinagot ko na siya.

"Wow! For your information, Ms. Matienzo, nagkaroon na ako ng boyfriend pero hindi nga lang kasing tagal ng relationship niyo ni Fritz. But hey, much serious naman siya compare sa kalokohan niyong relasyon," pang-aasar pa ni Elizze sabay rolyo ng kanyang mga mata na para bang proud na proud pa sa sinabi.

Nagtawanan lamang ang mga kasamahan namin. We’re eight freshmen students here at the kiosk near the school at naging close kami sa isa't isa last week lamang. It's a good thing we found new friends dahil nagsasawa na rin akong samahan itong Elizze na since high school freshers pa 'ata ay kaibigan ko na.

We're currently taking different courses pero nagkakila-kilala kami sa isang subject na magkakaklase kami. Nagkataon lang na pare-pareho kaming vacant kaya naisipan muna naming lumabas para mag-lunch hanggang sa napadaan kami rito sa kiosk. Malas nga lang dahil nang makakita sila ng couple, naungkat ang love story kong hindi masyadong maganda.

"I have to go, may klase na ako," paalam ko sa kanila at isinakbit ang shoulder bag ko.

Gusto ko pa sanang makipagkulitan pa sa kanila ngunit ayoko namang malate sa klase. Mahirap na. Gwapo pa naman 'yung prof. namin. Baka siya na pala ang forever ko.

 

***

 

MABILIS na natapos ang klase at wala naman kaming masyadong ginawa—puro mga nakakaantok na discussions lang at mga seatworks na hindi naman masyadong mabibigat.

Pagkatapos ng last subject ko, lumabas ako ng silid-aralan at napansing maraming estudyante ang nagkalat sa buong unibersidad. Marahil ay ganitong oras din ang dismissal nila kaya't paniguradong mahihirapan na naman akong mag-commute nito sa sobrang dami ng kasabay sa paghihintay ng jeep.

Naglakad na lamang ako palabas ng campus hanggang sa matanaw ko si Jethro sa may gate. He seems waiting for the bus ngunit nang lumingon siya sa direksyon ko ay agad ding nagtama ang aming mga mata. Jethro is one of my new friends. There are four boys and four girls in our group.

"Katatapos lang ng klase niyo?" usisa ko nang lumapit siya sa akin.

"Kanina pa. But I finished some of my requirements kaya ngayon lang ako makakauwi. Ikaw ba?" sagot niya.

I admit, during the past few weeks, hindi pa ako masyadong nagkaroon ng chance na kilalanin ang mga kaibigan ko kaya’t hindi ko expected na kahit pala magagaling sila sa kalokohan ay nagseseryoso pa rin sila sa pag-aaral.

"Yep, katatapos lang din ng classes," tipid kong sagot. Wala rin naman akong masyadong masabi since hindi pa naman kami gaanong ka-close.

Nagulat ako nang biglang humawak siya sa balikat ko't naglakad. Naguguluhan man ay sumunod na lamang din ako sa kaniya't hindi na nag-inarte pa. Hindi naman sa marupok ako pero, parang ang pangit naman kung magpupumiglas ako kung wala namang ibang meaning itong ginawa niya.

"Treat kita. May street foods diyan sa tabi-tabi," anyaya niya.

Parang musika sa pandinig ko ang sinabi niya dahil nagugutom na rin naman ako. Well, food is life din naman kasi itong si Jethro kaya anong aasahan ko? Malamang, madalas kaming magfu-food trip nitong lalaking ito kapag nagkataon.

Mabilis kaming nakarating sa isang cart ng mga street foods. Since medyo pagabi na rin naman, kaunti lang ang nakita naming bumibili kaya mabilis kaming din kaming nakabili ng pagkain.

Abala kami ni Jethro sa pagnguya nang biglang may dumating na grupo ng mga kalalakihan. Tiningnan ko silang mabuti at napagtanto na ang mga varsity players pala ng university namin ang dumating. Tiningnan ko sila isa-isa at hindi ako nabigo dahil nakita ko na naman siya; nakita ko na naman ang ex kong damuho.

"Nahulog na 'yung tokneneng!" Nanlaki ang mga mata ko nang magsalita si Jethro.

Tumingin ako sa ibaba at agad na napansin ang nahulog na isang piraso ng tokneneng.

Nanlumo na lamang ako sa panghihinayang. Masarap pa naman 'yung kinakain ko. Masarap siya dahil masarap talaga 'yung pagkakaluto hindi dahil dumating 'yung mga varsity players kasama si Fritz.

 

***

 

WEEKS have passed at napansin kong kung sino-sinong lalaki na ang nagtangkang pumorma sa akin. Dahil hindi na ako marupok gaya ng dati, walang nagtagumpay sa kanila. Hindi dahil sa hindi sila masyadong gwapo kung hindi dahil sa hindi na talaga ako marupok. At kung gwapo naman sila...

"Paniguradong hahayaan mo agad na manligaw!" bulalas ni Elizze nang ikwento ko sa kanya ang mga napansin ko.

Nagtitiklop ako ng mga damit ko habang siya naman ay abala sa ginagawa niyang critique paper. Magkasama kami sa iisang dorm. No'ng high school pa lang kasi, plano na talaga naming mag-aral sa university na pinapasukan namin ngayon which is medyo may kalayuan mula sa hometown namin. Itong university rin kasi na pinapasukan namin ang suggestion ng former school namin sa mga students nila kaya't karamihan ng mga schoolmates na namin dati ay schoolmates pa rin namin ngayon, kabilang na si Fritz sa kasamaang palad.

"Hindi rin. Wala pa talaga akong planong mag-boyfriend ngayon. At isa pa, nangako ako sa pamilya ko na magiging successful ako so I have to focus on my dreams first before anything else," sagot ko na lamang.

Ako na lang ang inaasahan sa aming pamilya. All of my brothers, lahat may asawa na. Mayroon pa akong isang kapatid ngunit pinili niyang tumigil na sa pag-aaral at magdesisyong magtrabaho na. Unlike them, I want to pursue my dreams and it will only happen if I finish my studies.

"Wala akong planong sundan ang yapak ng mga kapatid ko. Kung kaya ko namang i-control ang karupukan, bakit hindi? Besides, dreams over matter muna talaga sa ngayon," dagdag ko pa. Natahimik lamang si Elizze.

Nang matapos sa gawain ay pinili kong magpahinga na habang si Elizze naman ay nagpatuloy sa kanyang ginagawa si Elizze. Sinabi ko na lamang na hindi ko na kayang tiisin pa ang antok ko.

 

***

 

KINABUKASAN ay maaga akong naalimpungatan. Nang lumingon ako upang usisain si Elizze ay napansin kong humihilik na ito habang nakabukas pa ang laptop niya. Napabuntong-hininga na lamang ako't dali-daling nag-save ng mga naiwan niyang gawain at kaagad ding pinatay ang laptop.

Nag-inat upang mabanat ang katawan. Napasulyap ako sa bintana at napansin ang may kadiliman pang paligid. Hindi ko alam kung anong pumasok sa isip ko ngunit bigla ko na lamang natagpuan ang sarili na lumabas ng dorm nang ganito kaaga.

It's already 4 am at marami na rin ang tao sa paligid. Hindi ako sanay sa urban area dahil laking probinsya talaga ako kaya naman naninibago ako na ganitong oras pa lamang ay napakaingay na ng paligid.

Sa paglalakad-lakad ko'y namataan ko ang isang convenience store. I decided to buy a coffee in can pero nang makarating ako sa beverages section ay napansin ko ang isang babaeng nagpipigil sa pag-iyak habang paikot-ikot ang tingin sa mga beer na para bang hindi siya makapili ng kung anong bibilhin.

Napansin niya sigurong nakatitig ako sa kanya kaya naman lumingon ito sa direksyon ko. Hindi ko na nagawang kumilos pa kaya't nagtama ang aming paningin. Tipid naman akong ngumiti upang hindi magmukhang suplada subalit tinaasan niya ako ng kilay.

"Is there any problem?" tanong niya. Teka sandali, ayoko ng gulo.

"Wala naman. Napansin ko lang na umiiyak ka pero wala akong balak mangialam. Sorry," sabi ko na lamang at mabilis na kumuha ng dalawang canned coffee.

Akmang maglalakad na ako palayo upang makaiwas sa babae nang marinig kong tinawag niya ako.

"Do I deserve this? Kapalit-palit ba ako?" tanong niya. Nagulat ako sa sinabi niya ngunit natagpuan ko na lamang din ang sarili kong tinitingnan siya mula ulo hanggang paa.

"Paano mo naman nasabi? You're beautiful and I don't think ipagpapalit kita kung ako man ang boyfriend mo," kunot-noo kong sambit, nag-aalinlangan na baka mas masaktan ko pa siya lalo.

Nagpunas siya ng kaniyang mga luha bago muling tumingin sa akin.

"Come with me. I'll pay for that and we'll go. I just need someone to talk with," wika niya.

Naguguluhan man dahil sa estrangherong babae, nagkibit-balikat na lamang ako't sumama sa kaniya.

Marupok din siguro ang isang 'to. Sayang, maganda pa naman.

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status