Home / Romance / Marupoked / Left Hanging

Share

Left Hanging

 

 

TWO subjects have passed and I'm still stuck at the moment. I am currently at my Physics class that I suppose to listen and focus on but what happened earlier makes me dumbfounded.

Electrical circuits; paths which electrical current flows. I still remember the paths and crossroads we've been through for the past few years. Up until today, I can't find the right insulator that will totally resist his presence away from me.

Conductors are substances that carry electric charges. Unlike insulators, it doesn't resist the electric current to flow.

Life is like an electric circuit, it goes on and on until it reached its designated load. But unlike the circuit, it has no switch that we might able to turn off and turn it on again if we want to. We have these cells, that make our lives continue to go on. I consider my family, dreams, and friends as my cell since they're my source of power.

Going back to reality, pinagmasdan ko ang bawat kaklase kong nasa loob ng silid. Halos lahat ay nag-ja-jot down ng notes habang ang iba naman, nakikinig lang sa discussions. Minsan, napapaisip din ako kung bakit ko ba pinasok ang kursong ito; nakababaliw para sa karamihan ngunit kung gusto mo at pangarap mo, walang mahirap at lahat ng bagay ay kakayanin.

I consider myself as a typical type of Electrical Engineering student. Mula bata pa, hilig ko nang paglaruan ang kuryente. Minsan na rin itong naging mitsa ng buhay ko ngunit ngayon, naniniwala akong ito ang bubuhay sa akin sa hinaharap.

Natapos ang klase. Patuloy pa rin sa paglipad ang isip ko. Para bang nagdadalawang-isip pa ako sa ginawa kong pagbabalewala sa piraso ng papel na nakuha ko sa loob ng locker ko kanina. Sinadya ba talaga 'yon para sa akin?

"May problema ba?" tanong ni Gracelyn. Napansin niya siguro akong nakatulala sa librong hawak ko habang nakatambay kami sa library.

"Tingin ko, hindi ako makakauwi mamaya. Wala na akong pera," pagsisinungaling ko sabay tawa. Napangiwi naman siya't isinara ang librong binabasa.

Minsan, hindi ko rin talaga mabasa kung anong trip sa buhay nitong si Gracelyn. Hindi ako sanay na nakikita siyang masyadong seryoso dahil parang ang matured na niya masyado sa ganito.

"Gano'n? Sige, maglakad ka na lang," pasaring wika niya. Marahil ay naamoy niya agad na nagbibiro ako.

Ilang minuto pa kaming naghintay hanggang sa dumating na ang iba pa naming mga kasamahan. Isang beses lamang sa isang linggo kami magkasabay-sabay ng uwi kaya naman hindi namin pinapalampas ang pagkakataong 'yon. Although sa kani-kaniyang bahay at dorm na naman ang diretso naming walo, masasabi ko nang nag-ba-bonding na rin kami.

Kasalukuyan kaming naglalakad palabas ng unibersidad nang bigla akong nilapitan ni Henrich. Napansin niya rin siguro na parang wala ako sa sarili sapagkat nahuhuli ako sa paglalakad at hindi nakikisali sa kwentuhan at tawanan nila. Para namang bigla akong natauhan sa ginawa niya.

"May problema ka ba?" Same question. May problema nga ba? Oo, alam kong sakit sa ulo si Fritz at ang nangyari kaninang umaga subalit, bakit parang masyado akong naapektuhan?

Laking gulat ko nang bigla niya akong inakbayan at sinabayan sa paglalakad. "Hayaan mo na, sanay akong may inaakbayan kapag naglalakad," wika niya na parang inuunahan na kaagad ako bago pa man magtanong.

Napabuntong-hininga ako. Wala akong dapat isiping kahit ano sa ikinilos niya. Besides, hindi naman na ako marupok pa para kiligin o kung ano man.

"So tell me, is there any problem?" pag-uulit niya. Imbis na sumagot ay walang-imik akong umiling-iling at ngumiti.

Ngumiti na lamang din siya na para bang satisfied na siya sa naging sagot ko.

Good thing we have this guy. I don't want to lose this kind of person kaya't mas mabuting ganito na lamang kami. Hindi naman sa ina-assume ko na maaring mag-level up ngunit maraming possibilities. This time, ayokong sumugal. Hindi dahil sa walang kasiguraduhan dahil ang lahat naman ng sugal ay swertihan lamang, kung hindi dahil naniniguro lang ako na may mga taong ayoko talagang mawala sa akin.

 

***

 

PASADO alas-sais na ng hapon at kanina pa ako palakad-lakad sa loob ng kwarto. Mabuti na lamang at lumabas si Elizze dahil may bibilhin daw siya. Paniguradong kung nandito ang babaeng 'yon, kanina pa niya ako tinanong kung bakit hindi ako mapakali.

Should I meet that stranger? Marahil ay wala naman siyang masamang pakay sa akin dahil ang meeting place na ibinigay niya ay isang public area ngunit, bakit hindi siya nagpakilala sa akin? Magpahanggang ngayo'y iniisip ko pa rin kung sino ang posibleng nagbigay ng sulat na 'yon.

Lumipas nang lumipas ang oras hanggang sa namalayan ko na lamang na ilang minuto na lamang ay alas-siyete na ng gabi. Hindi pa rin bumabalik si Elizze at madilim na rin ang kapaligiran.

Hindi ko na kayang tiisin pa ang kuryosidad kaya't natagpuan ko na lamang ang sarili kong kumukuha ng jacket. Sinuklay ko rin ang buhok ko't nag-ayos ng sarili. Sa puntong ito'y isang bagay lamang ang naiisip ko—naghihintay ang kung sino mang nagpadala sa akin ng sulat na 'yon doon sa plaza.

 

***

 

SUMALUBONG sa akin ang nagliliwanag na kapaligiran sa plaza nang makababa ako mula sa jeep. Nagkalat ang mga tao sa buong parke. May pailan-ilan akong nakikitang couples ngunit karamihan ay mga estudyanteng tila tumatambay muna sa plaza bago umuwi.

As soon as I walk towards the ground, I hear a pattern of beats from a drum. Nasundan ito ng tunog ng gitara at mga naghihiyawang tao. Doon ko lamang napagtanto na may banda palang tumutugtog ngayon sa plaza. Mukhang mahihirapan akong hanapin ang kung sino mang nilalang na 'yon.

I can hear the fascination coming from the loud speakers which ironically makes the atmosphere soothing. Nick Carter's Get over me was playing and I can hear the audience scream at the top of their lungs.

The song is perfect for my ever dearest ugly ex-boyfriend. I want him to get over me but still, I can't get him out of my life.

Naglakad-lakad pa ako hanggang sa makakita ako ng isang batang babaeng bumibili sa bangketa kasama ang isang babaeng siguro'y nasa late 30's. Nakuha nito ang atensyon ko sapagkat kitang-kita ko sa matandang babae na alagang-alaga niya 'yung bata. Tingin ko'y mag-ina sila.

Pinagmasdan ko ito habang bumibili ng mga posters. Gusto ko sanang matawa nang makitang posters pala ng mga KPOP groups ang binibili nito ngunit bigla na lamang lumingon sa direksyon ko ang babae. Imbis na matawa'y ngumiti na lamang ako't nagpasyang maglakad papalayo.

Inilibot kong muli ang paningin ko. It's already 7 pm ngunit patuloy pa rin ako sa paglalakad. Wala akong makitang kahit sino na posibleng makikipag-meet sa akin dahil lahat ng nakikita't nakasasalubong ko'y hindi nag-iisa; may mga magbabarkada, couples at meron ding pamilya.

"Pin?" Halos mapatalon ako sa gulat nang marinig na may nagsalita sa likuran ko. Kaagad ko itong liningon at nakitang si Trixine pala ito—kaklase ko sa Philosophy subject. May kasama siyang isang lalaki na parang ang f*ckboy ng datingan. Hindi naman sa nag-ja-judge ako, pero 'yon talaga ang nakikita ko.

"Oh, Trixine! Andito ka pala? Sino 'yang kasama mo?" usisa ko. Saka ko lamang napagtanto na parang ini-invade ko na ang privacy niya.

Obviously, hindi siya kaibigan ni Trixine dahil kita ko naman sa pag-akbay-akbay niya na may something. At isa pa, marami na rin akong naririnig na balita tungkol sa babaeng ito na marami na raw dumaan sa kaniyang lalaki na halos hindi man lang umabot ng isang linggo. Hay, buhay malandi nga naman.

"He's Kelvin, my boyfriend. Gwapo 'di ba?" nakangiti niyang sambit. Kelvin. Pangalan pa lang, pang f*ckboy na.

"Hmm.. yeah," sagot ko na lamang. Ayokong makipagtalo kaya mas mabuti na ring sumang-ayon na lamang ako sa kaniya kaysa sabihin kong mukhang hypebeast ang jowa niya. I don't want to be rude. Exemption na 'yon kung sa utak ko lang sinabi.

"How about you? May ka-date ka?" tanong naman niya. Pansin kong panay ang titig sa akin nitong si Kelvin subalit hindi ko siya binibigyan ng atensyon. Mahirap na. Baka akalain pa ng isang 'to, marupok din ako gaya ng syota niya.

Hindi naman lahat ng babae, kaya niyang paikutin at gawing trophy.

"Wala. Hindi ko pa iniisip ang mga ganoong bagay. Alam mo naman, study first ang lola mo," sagot ko. Hindi ko na rin kayang tiisin ang toxic na namamagitan sa aming dalawa kaya't nagpaalam na ako sa kaniya't sinabing may importanteng lakad ako.

Ilang minuto pa akong nagpalakad-lakad at nagpabalik-balik sa plaza ngunit walang lumalapit o tumatawag man lang sa akin. Kung sino man ang sender na 'yon, siya ang dapat mag-adjust at mag-approach sa akin dahil hindi ko naman siya kilala.

Nang makaramdam ng pagod ay nagpasya na akong bumalik na lamang sa dorm. Baka talk shit ang nagbigay ng papel na 'yon at wala naman palang balak na sumipot.

Naglalakad-lakad na ako papunta sa bus stop nang maramdaman kong may humigit ng braso ko. Dala ng gulat ay mabilis akong napalingon at kunot-noong tumingin sa taong bumungad sa akin.

"Dumating ka!"

 

***

 

THIRD PERSON'S POV

 

"325.75 pesos," wika ng kahera nang matapos niyang i-punch lahat ng mga ipinamili ni Elizze na siyang gagamitin ng dalaga para sa isang proyekto. Mabilis namang nagbukas ng kaniyang bag si Elizze upang kumuha ng pera sa pitaka ngunit laking gulat niya nang mapansing walang laman ang pitaka.

"Miss, pwede bang ibalik ko na lang 'yong bayad?" tanong niya at napakagat-labi na lamang si Elizze nang hindi pumayag ang babaeng kahera. Tuluyang namawis ang dalaga lalo pa't marami pang nakapila sa likuran niyang naghihintay rin na makapagbayad.

Nagpaliwanag si Elizze subalit hindi ito pinakinggan ng kahera. Ilang sandali'y biglang nagsalita ang isang lalaking nakapila sa likuran niya.

"Sige miss, ako na ang magbabayad," wika ng lalaki. Laking gulat naman ni Elizze at nagpasalamat sa lalaki.

Ngunit, kaagad ding kumunot ang noo niya nang titigan niya ang lalaki at mapansin ang kulay berde nitong buhok.

"Bakit parang pamilyar ka?”

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status