Home / Romance / Marupoked / Left Hanging

Share

Left Hanging

 

 

"3 hours kaming vacant, kayo ba?"

"Isang subject na lang kami this morning and then wala nang susunod na class."

"So pa'no? Labas tayo?"

"Tara! Samantalahin na natin ang pagkakataong 'to. For sure next week, back to reality na naman tayo."

Wala akong kagana-gana nang mga oras na 'yon. Sinubukan kong mag-focus sa binabasa kong textbook subalit hindi ko magawa dahil sa mga boses nilang sabik na sabik at parang hinihila ako. Ayoko sanang sumama sa kanila at manatili na lamang sa school upang makapagpahinga at makaiwas din sa gastos kaya lang, wala rin akong nagawa nang hilahin at pilitin nila ako lalo pa't nakasakay naman daw kami sa kotse nina Steven.

Sa buong barkada, siya lang 'yung masasabi kong, rich kid talaga. Obvious din naman sa kutis at pananamit niya ngunit ibinabagay naman niya rito ang attitude niya. Although minsan, hindi talaga mawawala ang pagiging hambog, makikita naman sa kaniya na down to earth pa rin siyang tao unlike sa mga pa-rich kid ngayon na hindi naman talagang rich, pero kung kumilos, parang pag-aari na rin nila ang pagkatao mo.

Sa kasamaang palad, natuloy ang gimik na pinag-uusapan nila. Nakakainis man dahil napilitan, hindi ko pa rin maiwasang ma-amaze sa samahan namin dahil never pa silang nag-drawing ng gimik. And this is what I like the most from them. Kapag sinabi ng isa na gumala, matutuloy.

"Kung ako sa 'yo, si Steven na lang ang jojowain ko. Paniguradong lagi kang busog diyan at hindi kayo magtitiis sa paulit-ulit na corned beef," pagbubukas ng usapan ni Elizze habang kumakain kami sa bagong bukas na fast food chain na nadaanan namin sa highway.

Para akong mabibilaukan nang sinabi niya iyon. I can't believe she still remember it. My ever so precious ex and I used to eat lunch together at ang inuulam namin ay isang canned corned beef na baon niya. Hindi ko alam kung bakit, but I consider it the cheapest yet, memorable viand that a girl can ever receive from his boyfriend.

Ngayon ko lang napagtanto na ang mga korning bagay, masyado ko nang ina-appreciate noon. Feeling ko tuloy, ang babaw ng kaligayahan ko.

Natapos ang lunch namin at nagpasya silang gamitin ang natitirang oras sa pag-ro-road trip. I'm nothing against in their decision dahil mukhang masaya rin naman at refreshing. Hindi rin naman kami maha-haggard sa byahe since fully air-conditioned ang sasakyan at may supplies pa ng snacks.

We drive around the city. How I wished I met these people earlier so I can spend more time with them. In a short span of time I’ve been with them, I know that they're genuine and could count on in times of trials. Unlike sa mga fake friends namin ni Elizze noon na bigla na lamang kaming iniwan.

Matapos magsawa sa byahe ay naisipan naming bumalik na sa university. We're on our way back to school when we figured out that Macy was already late for her class subalit hindi na siya nagsabi kanina dahil nakikita raw niyang nag-eenjoy naman ang lahat.

"Bakit mo naman sinakripisyo ang isang klase mo? Dapat sinabi mo na kaagad!" panenermon ni Gracelyn. I guess, wala na rin namang magagawa ang panghihinayang namin.

Macy is a grade-conscious type of student. Sa aming walo, siya ang nakikitaan ko ng potensyal na makakamit ng Latin Honors sa graduation namin. She might be a go with the flow kind of person, but still, alam kong mahalaga rin sa kaniya ang academics. Maybe nahihiya lang siguro siyang magsabi. I really feel bad for her.

Matapos maiparada ang sasakyan ay akmang bababa na agad kami nang mapansin ni Steven ang iniwan naming kalat. Dahil doon ay nag kani-kaniya kaming dampot ng mga balat ng pinagkainan namin hanggang sa napansin naming si Jethro ang may pinakamaraming kinain.

Ilang saglit lamang ay biglang umalingasaw ang hindi magandang amoy sa loob ng sasakyan dahilan upang kaming lahat ay mapatingin kay Jethro.

 

***

 

DALA-DALA ang paper bag na naglalaman ng mga damit para sa PE class at ilang mga papers, binilisan ko ang paglalakad papunta sa PE building. Kinakabahan man para sa first time swimming class namin, mas pinili kong tapangan ang loob. Alam kong malalim ang pool ngunit alam kong marami rin ang hindi marunong lumangoy sa klase kaya, bakit ako matatakot?

Kasalukuyan akong naglalakad paakyat ng hagdan na siyang kinaroroonan ng swimming pool areas nang mamataan ko ang isang hindi kaaya-ayang nilalang. Alam ko ang kahahantungan nito kaya naman minabuti kong bumalik at sa ibang daan na lamang dumaan.

"Rosas!" Napahinto ako sa paglalakad nang saktong maihakbang ko ang paa ko sa unang baitang. This time, he just called me with the nickname he made for me three years ago.

Memories started to drip to my system. It was already two years, yet the pain is still there. Alam ko rin namang nakikipaglokohan lang ako sa sarili ko kapag sinabi kong wala na talagang sakit at wala na akong nararamdamang kahit ano sa kaniya.

Two years.. Dalawang taon lang namang hindi ko narinig ang pangalang 'yon.

"Please, mag-usap tayo."

Ang bigat-bigat ng pakiramdam ko. I somehow asked myself, what did I do to deserve this? Marahil ay masyado akong nagpadala sa bugso ng damdamin ko noon pero bakit kailangang gawing pangmatagalan ang pagdurusa? Bakit, hindi na lang tuluyang mabura ang lahat? Bakit kailangang makita ko pa siya araw-araw?

I almost believe we were meant to be. I almost believe that our relationship will last long. I thought, he's the perfect guy for me. Nabulag ako sa katotohanang, hindi nga lang pala ako naging girlfriend niya. Pakiramdam ko, masyado akong espesyal para maging kaniya. Hindi ko alam. Masyado akong nabulag.

"Alam kong may hinanakit ka pa rin sa 'kin. But I want you to know that I regret everything. Nasilaw lang ako kay Miley noon kaya nagawa ko 'yon. Pero ang totoo, mahal kita at—"

"Then why the fuck left me hanging?" I saw the regret from his eyes, making me more confused since I thought he left me because it was really his intention. In the first place, ako naman talaga dapat ang nang-iwan sa kaniya but he insisted on twisting everything para ako ang maiwan sa ere.

"Pin, listen to me—" He tried to pull my arms ngunit kaagad ko rin itong iwinakli.

"Why would I?" tanong ko. Ayoko siyang sumbatan dahil ayokong masira ang mood ko. Hangga't kaya ko pang magtimpi, gagawin ko.

"I said before that I still love you. Hindi kita pinipilit na maniwala but I want you to know that you're the most caring girl I ever had. Nagkamali ako. I realized that I don't want to lose you. That's why I'm asking you to give me a second chance," paliwanag niya.

Ang gandang pakinggan ng mga sinabi niya. Gusto kong maniwala subalit mahirap. Mahirap na tumayang muli sa isang bagay na wala ng kasiguraduhan. Kahit noon pa man ay wala rin namang kasiguraduhan ang lahat ngunit tumaya ako sapagkat nagmahal ako.

But asking me to take a risk once again? Mahirap 'yan.

"You know, Fritz? You were my first boyfriend. Alam ko sa sarili ko na madali akong mahulog at ma-attract sa isang tao pero 'yung sabihin mong pumasok sa isang commitment? Hindi ko basta ginagawa 'yon," wika ko. Nakatungo siya't parang pinapakita sa akin na nagsisisi talaga siya.

I left him with those words. I can no longer take his presence and the drama that is revolving around the two of us so I decided to go up the stairs and proceed to my class.

Some noticed the tears I was trying to keep but I managed not to talk about anything that happened. Gusto kong mag-refresh. But as soon as I witness the blue pool that is waiting for me, para akong biglang nalula. Marunong naman akong lumangoy ngunit hindi ko nasisigurong kakayanin kong languyin ang 12 ft. swimming pool.

May narinig akong sinabi ng isa sa mga kaklase ko na masyadong mababaw ang pool pero para sa akin, napakalalim na nito. Unang-una, wala akong masyadong knowledge about swimming at pangalawa, lampas tao ang lalim nito.

Ayoko na ring isipin pa ang naging pag-uusap namin ni Fritz kaya't itinuon ko na lamang ang atensyon ko sa PE class. Natatakot man, wala rin akong nagawa nang inutusan na kaming magpalit ng damit ng aming instructor, senyales na magsisimula na ang malagim na karanasang ito.

 

***

 

MATAPOS ang PE class na hindi ko inakalang matatapos ko, dumiretso ako sa cafeteria upang bumili ng tubig. Kahit papaano'y napagod din naman ako sa paglangoy. Mabuti na lamang talaga at magaling mag-instruct ang professor namin kaya na-guide niya kami nang maayos all through out the period.

Pagpasok ko sa loob ng cafeteria ay napansin ko si Macy na mag-isang kumakain. Sa tabi ng kinakain niyang macaroni ay ang mga makakapal na libro. Kaagad ko rin naman siyang nilapitan upang hindi naman siya magmukhang outcast.

"Anong oras ang klase mo?" usisa ko habang hinihila ang isang monobloc chair sa tapat niya.

"10 am. Ikaw? Kapapasok mo lang?" tanong naman niya pabalik.

"Kanina pa. Katatapos lang ng PE namin, actually. Ayun, napalangoy nang wala sa oras," natatawa kong sagot. Tumango-tango naman siya.

"Ah, I see. Akala ko kapapasok mo lang kasi basang-basa pa 'yung buhok mo, eh."

Masyadong observant talaga 'tong si Macy. No wonder, mataas ang nakukuha niyang grade kasi bukod sa masipag mag-aral, may utak naman talaga.

Hinintay ko siyang matapos sa pagkain bago ako nakabili ng tubig. Nagpaalam kami sa isa't isa dahil may klase na rin daw siya, habang ako naman ay nagtungo sa locker area upang ihatid ang mga basang damit na ginamit ko kanina. Ayoko namang bitbitin iyon sa iba ko pang mga klase.

Nang makarating sa tapat ng locker ay hindi na ako nag-atubili pang buksan. Ipapatong ko na sana ang mga gamit nang mapansin ko ang maliit na piraso na papel. Dala ng kuryosidad, mabilis ko itong kinuha at kunot-noong binasa.

 

Meet me at the Town's Plaza tonight, at 7 pm. - gly.

Gly? Para sa akin ba 'to? Wait, pupunta ba ako? Is this the ikalawang yugto ng karupukan?

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status