Home / Romance / Marupoked / Dropped Off

Share

Dropped Off

 

 

"It's nice to see you again, Josefina. I never thought we would be in the same institution after a few years. We didn't see each other after our Elementary Graduation and look at you, you've grown a lot." Kaloka. Dumaan lang ang high school, naging amerikana na 'tong si Gerlyn.

Gerlyn is my childhood best friend. I remember those days na mga batang hamog pa kami at maging ang pagsisimula naming lumandi noong Grade 6. And up until now, I still can't believe na pumapasok kami sa parehong university. Hindi ko alam kung paano at saan niya ako nakita ngunit hindi ko talaga in-expect na siya pala ang nagbigay sa akin ng message na 'yon.

"Ikaw rin naman. I'm happy to see you again. Nawalan na ako ng balita sa 'yo since second year high school but look at you now, ang ganda mo na!" pagpuri ko na lamang pabalik. Well, totoo namang maganda siya pero hindi pa rin ako nako-convince na maganda siya sa lahat ng aspeto—including the inside ones.

Mayamaya pa'y dumating ang isang lalaking siguro'y matanda sa amin ng three years. May iniabot siyang plastic kay Gerlyn.

"Let's eat?" alok niya sa akin ng isang burger. Pansin kong dalawang piraso lang 'yong tinapay at kinuha kaagad ng kasama niya ang isa kaya naman kahit gusto kong tanggapin ay umiling-iling na lamang ako.

"Sige lang. Katatapos ko lang din kumain bago ako pumunta rito," pagsisinungaling ko at nagbigay ng pekeng ngiti.

Hindi ko rin maintindihan kung bakit niya ako pinapunta dito para makipag-meet kung may kasama naman pala siya. For sure, may something sa kanila ng lalaking kasama niya at ayoko namang tanungin iyon dahil baka magmukha akong tsismosa.

"Boyfriend mo?" I asked. Hindi rin ako pinatulog ng kuryosidad ko.

"Nope." Natigil sa pagnguya ang lalaki at nagkatinginan sila. "But we're on the process," dagdag pa ni Gerlyn at muling ngumiti. Ayoko namang isipin niyang hindi ako support sa love life niya kaya naman ngumiti na lamang din ako't tumango.

Ilang sandali pa matapos ang kwentuhan ay nagpaalam na rin ako sa kaniya. Sinabi ko na lamang na marami pa akong kailangang tapusin ngunit ang totoo, hindi ko na mainda ang awkwardness na nararamdaman ko. Sa harap ko pa kasi sila naghaharutan at baka nakaiistorbo na ako sa kanila kaya't ako na ang nag-insist.

Habang naglalakad papunta sa sakayan ng jeep, nagulat ako nang maramdaman kong nagba-vibrate ang phone na nasa bulsa ko. Agad ko itong kinuha at bumungad sa akin ang pangalan ni Elizze sa screen. Ano na naman kayang problema ng babaeng ito?

"Napatawag ka—Ano?!"

 

***

 

"WALANGHIYA ka! Tumawag ka pa talaga sa 'kin para utusan akong bumili ng sili." Pabalang kong inihagis ang isang plastic ng sili sa lamesa. Naiirita ako sa babaeng 'to, lumabas na nga siya kanina para bumili, kinalimutan pa ang sili. Mabuti na lamang pala't hindi pa ako nakakaalis.

"Nagrereklamo ka pa, eh bumili ka rin naman," sabi niya habang naghahanda sa pagsasaing. Siya ang nakatoka na magsaing sa amin ngayon kaya’t nakatayo lamang ako habang pinapanood siya.

"Hindi mo ba alam na mahal na ang presyo ngayon ng sili?" panunumbat ko. Hindi naman actually malaking kabawasan 'to sa pera ko pero kahit na.

Sa panahon ngayon, every piso counts.

"Wow. Buti pa 'yung sili, mahal. Eh, ikaw ba? Minahal ka ba niya?" pang-aasar nito. Napangisi ako't inirapan siya. Bigla akong nawala sa mood.

Ayokong pag-usapan ang tungkol sa nakaraan kaya naman imbis na sumagot at makipag-asaran pa sa kaniya'y pinili ko na lamang na umalis at bumalik sa kwarto.

Pagpasok ko pa lamang ay sumalubong na agad sa akin ang ilang plastic ng mga ipinamili ni Elizze. Hindi ko alam kung saan niya gagamitin ang mga school supplies na 'yon gaya ng glue, glitters, ilang piraso ng colored paper at yarn.

"Muntik pa akong hindi ako makauwi dahil sa mga pesteng gamit na 'yan. Letse, hindi ko alam na naiwan ko pala 'yung pera ko." Narinig ko sa likod ko si Elizze. Sinundan ako ng bruha at baka mang-asar na naman 'to.

"So anong pinairal mo?" sarkastikong sambit ko sa kaniya bago humiga sa kama. Napagod ako sa paglalakad kaya kailangan ko 'to.

"Grabe ka naman. Mabuti na nga lang at tinulungan ako no'ng lalaking may berdeng buhok. Naku, utang ko pa sa kaniya ang ipinambayad ko diyan at pati ang ipinamasahe ko pabalik. Kung hindi dahil sa kaniya, malamang hindi ako makakauwi unless, maglakad ako. Ayoko namang gawin 'yon kasi sayang ang ganda ko, 'di ba?" Diretso sa pagsasalita si Elizze ngunit naagaw ng atensyon ko ang unang sinabi niya.

"Sandali.. Lalaking may berdeng buhok?" pag-uulit ko. Para kasing ang ironic na madalas akong makakita ng lalaking may berdeng buhok lately, eh. Hindi kaya, sinusundan niya ako at maging si Elizze na best friend ko ay nilapitan niya?

"Yes. Nako kung ikaw ang nasa lagay ko, malamang na-starstruck ka rin sa kaniya. Marupok ka pa naman," aniya pa. Bigla akong napatayo mula sa pagkakahiga.

"Ano raw pangalan niya?" usisa ko.

"Interesado ka sa kaniya 'no? Well, sorry ka dahil kahit ako, hindi ko rin naitanong. Hayaan mo't kapag nakita ko siya ulit, i-rereto kita. Malay mo, siya na pala ang forever mo. At siya pala ang lalaking magpapatunay na hindi ka naman talaga marupok, with an ed," sabi pa niya sabay labas muli ng pinto upang balikan ang nilututo.

Buong gabi kong inisip ang naikwento ni Elizze. Kung gano'n, bakit hindi siya magpakilala sa akin? Hindi naman sa nag-aasume na ako na sinusundan nga niya ako't may pakay siya sa akin pero bakit gano'n? I know it could be 90% coincidence at hindi lang naman iisang tao ang pwedeng magkulay ng berde sa kaniyang buhok pero... Hays!

Lumipas ang mga oras na paulit-ulit 'yong tumatakbo sa isip ko. Even when we're having our dinner. Who the heck is that guy?

 

***

 

PAGKAGISING kinaumagahan ay nagbukas ako ng aking social media accounts. Agad na bumungad sa akin ang hinayupak na manunulot ng jowa na si Miley kaya naman nasira agad ang mood ko at hindi na nagpatuloy. Ayoko lang maalala ang mga nangyari noon at kung paano niya inagaw sa akin si Fritz dahil unang-una, hindi hamak na mas maganda at mas may utak ako kumpara sa kaniya pero nagawa pa rin akong ipagpalit ni Fritz sa babaeng 'yon.

Napansin kong wala na si Elizze at malamang ay pumasok na ang babaeng 'yon. May ilang oras pa akong bakante bago ang unang klase ko kaya't ginamit ko 'yon sa panonood ng anime. I'm a fan of anime since primary school especially those days na anime pa ang pinalalabas sa telebisyon tuwing hapon.

I'll be forever Gray Fullbuster's disciple. He's from Fairy Tail. And sa ilang years kong pagiging fan ng anime, walang pumalit sa obsession ko sa kaniya—not even Fritz Delotavo.

Ilang oras din akong nanood ng pinapanood kong anime hanggang sa mapagpasyahan kong kumilos na para sa pagpasok.

Mabilis din naman akong nakaligo at nagbihis. Hindi ko alam subalit nang makasakay ako ng bus papasok ay para bang hindi ako mapakali. Pakiramdam ko, may kulang. I can't figure it out but I really feel like there's something that is missing. O siguro'y may hinahanap lang akong hindi ko makita. I don't know.

Pagkababa ko ng sasakyan ay mabilis akong naglakad papasok. Napadaan ako sa gym at napansin kong may mga naglalaro. Isa na ang bugok kong ex doon.

I was about to ignore them and just walk away nang biglang magsigawan ang mga ito dahilan upang makuha muli nila ang atensyon ko. Next thing I know, nagkumpol-kumpolan na ang mga lalaking nagbabasketball sa nakadapang si Fritz. Inaasar at tinatawanan nila ang damuho dahil natamaan pala ito ng bola.

"Pre, 'wag kasing masyadong tumitig. Baka matunaw si ate girl," pasaring wika ng isa sa mga varsity players. Hindi ko alam kung may alam sila sa past naming dalawa pero sa tono ng pananalita niya, mukhang wala naman at talagang nakita lang nilang nakatitig sa akin si Fritz.

Minsan tuloy napapaisip ako. Seryoso kaya ang lalaking 'to sa lahat ng sinasabi niya? I mean, he might be a fool for fooling me once pero paano kung, totoong mahal pa rin niya ako? Gusto ko siyang paniwalaan, pero ayoko nang mapaglaruan ulit. And I think he deserves to be treated like that. After all, ako 'yung agrabyado rito in the first place.

"Mga pre, mahirap kasing pigilan ang pag-ibig. Tingnan niyo, tingin pa lang ni ate girl, grabe na ang epekto sa pare natin." May nagsalita pang isa.

Muli'y nagtama ang mga mata naming dalawa hanggang sa mapailing-iling na lamang ako't tumuloy sa paglalakad.

Bakit kaya, ako pa rin ang hinahabol-habol niya? Hindi ba't 'yon ang nakapagtataka? Paulit-ulit ko na siyang pinagtatabuyan subalit determinado pa rin siyang mapatawad ko siya't magbalikan kami. Paano kung may pakay pala talaga siya sa akin kaya niya ito ginagawa?

Hindi ko namalayan na sa paglalakad ko'y may nabangga akong isang lalaking gaya ko'y nakasuot din ng uniform. Mabilis akong humingi ng pasensya sa kaniya ngunit hindi man lamang ito lumingon sa akin kaya't hindi ko siya nakilala.

Maglalakad na sana akong muli papunta sa aking unang klase nang may mapansin akong isang bilog na bagay sa sahig, tila isang wax na inilalagay sa buhok ng mga lalaki. Kunot-noo ko itong dinampot at binasa ang nakasulat.

"Washable colored hair wax: Green—"

Sa isang iglap, natagpuan ko na lamang ang sarili kong tumatakbo upang habulin ang lalaking nakaiwan ng hair wax

 

 

 

 

 

 

 

 

 

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status