KABANATA 37ㅤㅤㅤㅤLORRAINE almost jumped from her seat when the door went wide open.For almost two weeks, she was consumed by silence. Paminsan-minsan ay bibisita si Justin pero hindi siya nito kinukumusta. Sa halip ay uupo lang ang binata, tititigan siya, bago siya nito maliitin dahil hindi naman nya kayang kumawala mula sa mga ito.Ilang beses nya itong tinanong kung nasaan ang anak nya pero isa lang ang sasabihin nito— na posibleng sa kabilang buhay na sila magkita ulit ni Laurence.Ngayon lang muling nabulabog ang buhay ni Lorraine matapos ang malungkot na dalawang linggong iyon.“Mukhang buhay ka pa rin naman pala,” bungad sa kanya ni Adrian nang makapasok ito sa kwarto nya.Sa likuran ng binata, mayroong tatlong lalaki ang tila ba handang kunin na naman siya. Kilala na rin nya ang mukha ng mga ito dahil ito rin ang naghiwalay sa kanila ng anak.Adrian clicked his tongue when he got a better view of her. “Mas lalo ka lang pumayat imbes na mag-improve. Kung sa bagay, wala na rin na
KABANATA 38 ㅤㅤㅤㅤNANININGKIT ang mga matang pinagmasdan sandali ni Lorraine ang ilaw na nakatapat sa kanya. Noong hindi nya makayanan ay ipinilig nya ang ulo dahil unti-unti na ring nandidilim ang paningin nya’t hindi na nya makita ang mga taong nakapaligid sa kanya. ‘Kung sa bagay, kahit na makita ko sila ngayon, wala rin namang saysay dahil baka ‘di rin ako makaligtas dito,’ aniya sa isipan. Noong makarating sila sa ospital, walang nai-run na tests para alamin kung compatible ba siyang donor. Basta nang sabihin ni Adrian na huwag nang gawin iyon at dumiretso na lamang sa procedure, sumunod naman kaagad ang doktor na nakuha nito bagamat labag iyon sa polisiya dahil lang naabutan ng malaking pera. ‘...And what do I expect from these people?’ Lihim siyang bumuntong hininga bago nya sinubukang hanapin ang doktor na naatasang isagawa ang surgery. Hindi nagtagal ay pumasok na rin sa emergency room si Rika na noo’y nasa hospital bed na rin at mukhang prepared na para sa nalalapit na sur
KABANATA 39ㅤㅤㅤㅤNOONG magkaroon ng malay si Lorraine, 'tsaka nya natagpuan ang sarili sa isang malaki at magarbong kwarto. Mabilis siyang umahon mula sa kinahihigaan bago nya mabilis na sinuyod ang kapaligiran. Kulay krema ang mga dingding at mamahalin ang mga gamit, moderno ang tema ng kwarto- at wala siyang maalala kung paano siya napunta rito?Marahil dala rin ito ng biglaan nyang pagtayo pero bigla na lamang nakaramdam ng hilo si Lorraine.Kaagad nyang isinandal ang isang kamay sa malambot na kama bago nya sinapo ang noo. Pilit nyang inaalala kung anong nangyari dahil sa pagkakaalala nya, dapat ngayon siya madadaan sa surgery at magiging kidney donor ni Rika."Anong nangyari pagkatapos noon?" marahan nyang tanong sa sarili bago naniningkit ang mga mata at nanlalabo ang paninging tumitig sa kawalan.There was something... pero hindi nya maalala.Natigilan siya noong bumukas ang pinto ng kwartong kinaroroonan nya. Hindi alam ni
KABANATA 40ㅤㅤㅤㅤ“DINOKTOR mo ba ‘to?”Dahil hindi makapaniwala si Lorraine sa naging resulta ng paternity test, hindi nya mapigilan ang itanong iyan kay Jared. The possibility of manipulating the result was high. Hindi iyon imposible kay Jared na mataas ang estado sa buhay, lalo na kung may kailangan ito sa kanya.Ilang segundo pa ang lumipas pero hindi sumasagot ang binata kaya nilingon nya ito.Then she found him staring at her in confusion, surprise, and... somehow offended? Naguguluhan nya rin tuloy na pinagmasdan ang binata.“Did you just... wait, did you accuse me of manipulating DNA results—” Humigop nang malalim na hininga si Jared para ikalma ang sarili bago nya pinisil ang balingusan. “Listen, I may be Justin’s older brother but I’m different from him. Isa pa, ba’t ako magloloko sa ganyang bagay?”Marahan siyang umiling. “‘Di ko alam pero ‘di ko kayang tanggapin na ikaw iyong lalaki noong gabing iyon... I— you were also
KABANATA 41ㅤㅤㅤㅤMATAPOS siyang ayain ni Jared na magpakasal, nagpaliwanag si Lorraine na kailangan nya muna iyong pag-isipan nang mabuti. Sa totoo lang, inaasahan nyang ikakagalit din iyon ni Jared pero noong sumang-ayon ito sa desisyon nya, hindi nya maiwasan ang magulat.Jared raised three of his fingers. “Let’s say I’ll give you time. Three weeks, to be exact. Makakapagdesisyon ka na ba niyan, Raine?”Lorraine blinked in surprise and her jaw almost dropped. “You’re... you’re actually giving me time? ‘Di mo ako pipilitin na magpakasal sa ‘yo agad, sir Jared?”“Oo naman. Though, sigurado akong gusto ko na ring magpakasal sa ‘yo lalo na’t may anak tayong dalawa, ayoko namang ipilit sa ‘yo iyong gusto ko. Take all the time you need—for three weeks lang pala.”Still, three weeks is still a long time.Ipinagkrus ni Jared ang mga braso bago nya pinasadahan ng tingin si Laurence. Alam nilang dalawa na hindi pa rin naiintindihan ng bat
KABANATA 42ㅤㅤㅤㅤ“TITO Lorenzo!” masiglang tawag ni Laurence sa tito nito.Binitawan ni Lorraine ang anak noong mapansing sabik na sabik itong mabati ang tito nito, siya namang mabilis na pagtakbo ng anak nya tungo sa direksyon ni Lorenzo.Noong makita sila nito, sandaling namilog ang mga mata nito bago nito mabilis ding lumapit sa kanila. Una nitong binuhat si Laurence na agad nakalapit dito bago ito lumapit sa kanya para yakapin din siya.“Diyos ko po, mabuti at ayos lang kayo! Mula no’ng kinuha kayo noong Justin Elizalde, ‘di ko alam kung pa’no kayo babawiin!” nanginginig ang boses na ito habang mahigpit silang niyayakap.Mahinang tumawa si Lorraine. “Okay lang ‘yon, kuya. Maganda rin na wala kang nagawa dahil ano na lang ang laban mo sa mga Saavedra at Elizalde?”“‘Di ko alam. Kaya ko namang itaya itong buhay ko basta alam ko lang na maayos kayo...” Sandaling humiwalay sa kanya si Lorenzo bago nito pinasadahan ng tingin si Lau
KABANATA 43ㅤㅤㅤㅤPABALIK-BALIK ang tinging ibinato ni Jared kina Adrian at Justin na noo’y nakaupo sa harap nya. Parehong masama ang tingin ng mga lalaki sa kanya at kung pupwede lang, baka nabutasan na ng mga ito ang ulo nya sa talim ng pagkakatitig ng mga ito sa kanya pero tinawanan nya lamang ang mga ito.“Ba’t ganyan naman kayo tumingin sa ‘kin? All I did was take Lorraine back,” natatawa nyang sabi dahil halos hindi maipinta ang itsura ng kapatid nya at ng brother-in-law nito.Si Adrian ang unang tumugon sa sinabi nya, “Jared Elizalde... ‘Di ba ilang beses ka nang binalaan ng kapatid mo na ‘wag mangialam sa gulo namin?”“Yeah. Though, I still don’t get the appeal of torturing someone when she’s served her sentence properly.”“At palagay mo natatapos na lang do’n ang paghihiganti namin matapos nya kaming lokohin at paglaruan?”“I think so.” Nagkibit balikat si Jared. “Naiintindihan ko namang galit kayo sa kanya per
KABANATA 44ㅤㅤㅤㅤ“HINDI mo pakakasalan ang Jared Elizalde na iyon, naririnig mo ba ‘ko?” nakapameywang na pagbabala ni Lorenzo sa kanya. Naniningkit ang mga mata nito at tila ba sinusuri pa ang itsura nya. “No’ng huling beses mong pinagtanggol iyong isang Elizalde sa ‘min ni mama no’ng nandito pa siya dahil ang sabi mo, kakampihan ka nya, sa’n iyon napunta? ‘Di ba sa wala?”Bumuntong hininga si Lorraine habang inaaalala ang mga salitang iniwanan sa kanya ni Lorenzo. Hindi nya rin naiwasang pasadahan ng tingin si Jared na nakaupo sa tabi nya’t kalong-kalong si Laurence na nakatanaw sa labas ng sasakyan at tila ba namamangha na naman.Naiintindihan nya ang punto ni Lorenzo.Iyan din naman ang naisip ni Lorraine kaya humingi siya ng oras kay Jared na mag-isip isip. Ayaw nyang matulad sa nakaraan ang resulta ng pagpili nya rito.Oo, tatay nga ni Laurence si Jared pero ano naman?Paano kung isang araw ay ma-brainwash din nina Rika iton