Share

Chapter 5

Naggising ako kinabukasan dahil sa ingay na naririnig ko mula sa labas ng kwarto ko. Boses iyon ni Mama at halatang nag-aaway na naman sila ni Papa. Agad akong bumangon at binuksan ang pinto ng kwarto ko. 

"Hindi pwede ito, Harold. Saan tayo titira kapag kinuha na itong bahay natin?" At mas lalo akong nag-alala nang makita kong umiiyak na si Mama kaya agad akong bumaba ng hagdan at nilapitan sila. 

"Ma, Pa." Tawag ko sa kanila. 

"Allianah." Gulat na sabi ni Mama. 

"Kailangan ng malaman ni Allianah ang lahat, Irene. Huwag na nating ilihim pa ito sa kaniya." Wika ni Papa na ikinakunot ng noo ko. 

"A-ano pong dapat kong malaman, Papa?" Kunot noong tanong ko. 

"Huwag na, Harold. Dahil hindi pa rin naman ako papayag sa gustong mangyari ni Mr. Saavedra." Sabi ni Mama. Anong gustong mangyari ni Mr. Saavedra?

"Pa, anong ibig niyong sabihin?" Naguguluhan kong tanong. 

"Anak, kapag hindi kami makabayad sa utang sa kompanya ay pati itong bahay at lupa na tinitirhan natin ay kukunin niya." Sabi ni Papa. 

"W-wala na po bang ibang paraan para bigyan tayo ng palugit, Pa?" Tanong ko. 

"Meron, Anak. Pero hindi kami papayag ng Mama mo sa gusto niyang kapalit." Agad akong nagtaka sa sinabing niyang 'yon. Anong kapalit ba ang nais ni Mr. Saavedra? 

"A-ano pong kapalit, Papa?" Naguguluhan kong tanong. 

Nagkatinginan sila at para bang hinihingi ang permission ni Mama bago niya sabihin sa akin. Tumango naman si Mama kaya agad na bumalik ang tingin ni Papa sa akin. 

"I-ikaw ang h-hinihingi niyang kapalit, Anak." Kumunot ang noo ko sa sinabi ni Papa. Kapalit ako sa naging utang ng kompanya? Nababaliw na ba ang lalaking iyon? 

"Pa, baka po baliw 'yong Mr. Saavedra na 'yon. Hindi po ba siya galing sa mental?" Tanong ko na ikinakunot ng noo niya. Baliw lang ang naiisip kong mag-iisip ng ganoong kapalit dahil lang sa utang na puwede namang bayaran ng tama. Iyon nga lang ay hindi ganoon kadali upang bayaran dahil hindi pa maayos ang kompanya. 

"Anak, huwag mo ng isipin iyong sinabi ko. Huwag kang mag-alala dahil hindi kami papayag na ikaw ang kapalit." Saad na Papa at niyakap ako. 

"Pa, puwede ko po bang makausap si Mr. Saavedra?" Tanong ko kaya agad na humiwalay ng yakap sa akin si Papa. 

"Hindi pwede, Anak. Si Papa na ang bahala roon." Turan niya na ikinailing ko. 

"Pa, hayaan niyo pong tulungan ko kayo. Kahit sa ganoong paraan ay makatulong man lang ako sa inyo ni Mama. Kakausapin ko lang po si Mr. Saavedra at baka sakaling pumayag po siya na kahit paunti unti tayong magbabayad sa kaniya." Paliwanag ko. Tiningnan lang ako saglit ni Papa at bumuntong hininga. 

"Okay, sige. Pero sasamahan kita." Pagpayag niya. 

"Sige po." Sagot ko. Tiningnan ko naman si Mama na ngayon ay nakatingin sa akin at ngumiti. 

Kinabukasan, pagkatapos ng klase ko ay sabay kami ni Jessa at Carlo na lumabas ng classroom. Masyadong maingay si Carlo kaya napapatingin sa amin ang ibang estudyante. 

"Kumandong ba naman sa akin kanina. Kadiri!" Pagsusumbong niya. 

"Sino ba 'yon?" Tanong ko. 

"Iyong kaklase nating sumasali sa pagiging model. Gusto yata ako tapos hindi niya alam lalaki rin gusto ko." Wika niya na ikinatawa namin ni Jessa. 

"Ewan ko sa 'yo, Carlo. Ang guwapo mo sana kung hindi ka lang bakla. Sayang lahi." Natatawang sabi ni Jessa. 

"Tumahimik ka nga, Jessa. Wala ka ng magagawa dahil guwapo rin ang gusto ko." Turan ni Carlo. 

Habang naglalakad kami palabas ng gate ng school ay napahinto kaminh tatlo sa paglalakad nang may tumatawag sa pangalan ko at paglingon ko ay mukha ni Ivan ang nakita ko. 

"Ivan." Gulat kong sabi. 

"Uuwi ka na ba? Aayain sana kitang lumabas." Wika niya. Halatang nagulat din ang dalawa sa sinabing iyon ni Ivan. 

Sinong hindi magugulat kung ang isang Ivan ay inaya akong lumabas. Gustuhin ko man ngunit ngayong araw ko kakausapin si Mr. Saavedra. 

"Pasensiya na, Ivan. May kailangan pa kasi akong puntahan ngayon." Turan ko. Agad na nawala ang ngiti niya dahil sa sinabi kong iyon. 

"Ganoon ba? Bukas ba ay may pupuntahan ka ulit?" Tanong niya muli. 

"Wala na." Mabilis kong sagot. 

"Puwede naman bukas kung gusto mo." Wika niya. Lihim akong napangiti dahil gusto niya talaga akong ayain lumabas. 

"Oo, yes, Ivan. Sa 'yong sa 'yo 'yan bukas ang kaibigan namin. Ingatan mo 'yan bukas at iuwi mo nang maayos." Mabilis na sabi ni Carlo na ikinangiti ni Ivan. 

"Sige, hintayin kita bukas ng hapon, Allianah. See you tomorrow." Paalam niya at agad na umalis. Tiningnan ko naman ang dalawa na halatang inaasar ako. 

"Prayer reveal naman dyan." Pang-aasar ni Jessa. 

"Grabe na 'yang buhok mo naaapakan ko na." Pang-aasar din ni Carlo na ikinangiti ko. 

"Tumahimik na nga kayo. Tara na." Nakangiti kong sabi at nagpatuloy na muli sa paglalakad. 

Nang tuluyan na kaminh makalabas ng gate ng school ay agad na rin akong nagpaalam sa dalawa. Pagkaraan ay naglakad na ako patungo sa sasakyan. 

"Magandang hapon, Ma'am Allianah. Ihahatid daw kita sa kompanya ni Mr. Saavedra at naghihintay na roon ang Papa mo." Wika ni Manong Kiko n

ang makapasok na ako sa loob ng kotse. 

"Sige po, Manong. Salamat po." Turan ko. 

Agad namang pinaandar ni Manong Kiko ang sasakyan at tinahak ang daan patungo sa sinasabi nitong kompanya ni Mr. Saavedra. Hanggang ngayon ay iniisip ko pa rin kung bakit ako ang nais niyang kapalit sa utang ng mga magulang ko. Paano kung may asawa na siya? Anong gusto niyang mangyari? Gagawin niya akong kabit niya? Kahit kailan ay hindi ko pinangarap maging isang kabit. 

Halos kalahating oras din ang naging biyahe namin bago nakarating sa isang mataas na gusali. Agad akong lumabas ng sasakyan at ganoon din si Manong Kiko. 

"Hatid na kita, Ma'am Allianah sa loob." Sabi niya kaya tumango na lang ako. Sana lang sa pagpunta ko rito ay makumbinsi ko si Mr. Saavedra at mapakiusapan patungkol sa utang ng pamilya ko. Dahil kung hindi ay baka tuluyan na talagang mawala sa amin ang kompanya at pati na rin ang lupa at bahay kung saan kami nakatira. 

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status