Share

Chapter 2

Pagdating ko sa school ay agad na akong lumabas ng sasakyan. Hindi ko na hinintay na pagbuksan pa ako ng Manong Kiko dahil ilang minuto na lang ay late na ako. 

Lakad-takbo na ang ginawa ko papasok sa loob hanggang sa makarating ako sa classroom. Pagpasok ko ay agad kong nakita si Jessa at Carlo. Kumaway sila sa akin kaya agad akong lumapit sa kanila. 

"Muntik ka na ma-late." Pabulong na sabi ni Jessa nang makaupo ako sa pagitan nila. 

"Pasensiya naman. Late lang naggising." Turan ko. 

"At bakit late ka naggising?" Mataray na tanong ni Carlo sa akin. Isa siyang bakla ngunit itinatago niya ang totoong siya sa kaniyang mga magulang. Tanging sa amin lang na mga kaibigan niya pinapakita ang pagiging babae niya dahil malalagot siya sa kaniyang mga magulang kapag nalaman ang totoo.

"Wala. Nag puyat lang." Turan ko. Magsasalita pa sana si Carlo nang napatingin kami sa pintuan at pumasok doon ang kanina ko pa gustong makita. 

"Ivan, dito!" Sigaw ng isang lalaki na kaibigan rin niya. Hinatid ko siya ng tingin hanggang sa makarating siya sa lalaking tumawag sa kaniya kanina. 

"Hatid ng tingin, ah." Pang-aasar ni Jessa at tinusok pa ang tagiliran ko. 

"Ang guwapo." Nakangiti kong sabi habang tinitingnan pa rin siya. 

"Baka matunaw." Pabulong naman na sabi ni Carlo kaya inirapan ko siya. 

Simula noong grade seven pa lang ako ay kilala ko na si Ivan at naging magkaklase kami hanggang ngayong grade twelve. Naging magkaibigan na rin kaming dalawa na ikinatuwa ko. Hindi ko rin makalimutan noong nag-debut ako dahil isa siya sa naisayaw ko. Iyon nga lang marami ding nagkakagusto sa kaniya kaya imposibleng magustuhan niya ako. Ayoko ring umamin sa kaniya at baka masira lang ang pagkakaibigan naming dalawa. Mas mabuti na 'tong magkaibigan kami. 

"Ang sama ng tingin sa 'yo ni Kristine." Pabulong na sabi ni Carlo kaya pa-simple kong tiningnan si Kristine at totoo nga ang sinabi ni Carlo. Masama ang tingin niya sa akin. 

"Kung makatingin sa 'yo akala mo naman sila ni Ivan. Assuming 'yang babae na 'yan e." Inis na sabi ni Jessa. 

Isa rin si Kristine sa nagkakagusto kay Ivan. Ang alam ko ay umamin siya kay Ivan ngunit walang nangyari. At ramdam ko ang pag iwas ni Ivan sa kaniya kaya ganoon na lang ang galit niya kapag may tumitingin o lumalapit kay Ivan dahil basted siya. 

Natigil lang ang pag-uusap naming tatlo nang dire-diretsong pumasok ang unang subject teacher namin sa umaga. Kung minamalas nga naman at mukhang hindi maganda ang umaga ni Mrs. Puerta ngayon. 

Tatlong subject ang umaga namin bago ang lunch break. At dahil kaonti lang ang kinain kong almusal kanina sa bahay ay naririnig ko na ang tunog ng aking tiyan. 

"Tara sa cafeteria." Pag-aaya ko sa kanila nang tuluyan nang lumabas ng huling teacher na nagturo sa amin. 

Medyo maraming tao sa cafeteria dahil lunch break kaya kailangan pa naming pumila upang bumili ng makakakain. 

"Maghanap na kayo ng makakainan natin. Ako ng bahala bumili." Saad ni Carlo. Sumang-ayon naman kami ni Jessa at agad na sinabi ang mga bibilhin niya. Pagkatapos ay agad na rin kaming naghanap ng lamesa. 

Kahit malayo mula sa counter ay pinili namin ni Jessa sa pinaka dulo na lamesa dahil iyon na lang din ang mga bakante. Agad kaming umupo roon at hinintay si Carlo na bumalik. 

Halos sampong minuto rin kaming naghintay ni Jessa bago dumating si Carlo habang dala ang isang tray na puno ng mga in-order namin. Inilapag niya iyon sa lamesa at bumuntong hininga na para bang pagod na pagod. 

"Sabihin niyo lang kung may galit kayong dalawa sa akin." Mataray niyang sabi habang nakatukod ang dalawang kamay sa lamesa. 

"Wala kaming galit sa 'yo. Nakita mo wala ng bakanteng lamesa sa unahan." Sagot ni Jessa. Agad namang tiningnan ni Carlo ang paligid at totoo nga ang sinabi ni Jessa. 

"O, ayan na mga order niyo. Mga baklang 'to." Masungit niyang sabi at binigay sa amin ang in-order na pagkain. 

"Thanks, Carlo." Sabi ko at ngumiti sa kaniya ngunit sinamaan lang ako ng tingin. 

"Hindi ako si Carlo. Carla, Allianah." Pagtatama niya sa akin. 

"Thanks, Carla." Pag-uulit ko na ikinangiti niya at umupo sa kaharap kong upuan. 

"Kung ganiyan ka palagi ay magkakasundo tayo." Nakangiti niyang sabi. 

Nagsimula na rin kaming kumain dahil kanina pa talaga ako nagugutom at naaamoy ko na ang pagkain na nasa harapan ko. Nasa kalagitnaan kami ng pagkain nang may lumapit sa lamesa namin at muntik ko ng malunok nang buo ang kinakain ko dahil mukha ni Ivan ang nakita ko. Napaubo ako at agad naman akong dinaluhan ni Jessa. 

"Okay ka lang ba? Ito tubig." Sabi ni Jessa at inabot ang tubig na agad ko namang ininom. Pagkaraan ay umayos ako ng upo. 

"Okay ka lang ba? Puwede bang maki-share ng upuan sa inyo? Wala na kasing bakanteng lamesa." Tanong ni Ivan kaya nagkatinginan kaming tatlo. 

"Sure, Ivan." Mabilis na sabi ni Jessa at lumipat sa tabi ni Carlo. Agad namang umupo si Ivan sa tabi ko at inilapag ang pagkain niya sa lamesa. Tumingin ako kay Jessa at Carlo na parehong nagpipigil ng ngiti habang nakatingin sa akin. Habang ako ay hindi makakain nang maayos dahil katabi ko si Ivan. 

-

Natapos ang araw na iyon na masaya ako dahil kahit papaano ay mayroong ganap sa amin ni Ivan. Kahit nakauwi na ako ng bahay ay hindi pa rin mawala sa isipan ko si Ivan. 

"Mukhang masaya ka ngayon, hija?" Nakangiting sabi ni Manang Ghie. Napatingin ako sa kaniya habang abala siya sa paglagay ng pagkain sa mesa. Wala pa rin si Mama at Papa. Gabi na at ako na naman mag-isa ang kakain. 

"Wala po 'to, Manang. Anong oras po pala darating sina Mama at Papa?" Tanong ko sa kaniya.

"Mamaya pa sila, hija. Ang bilin sa akin ng Mama mo ay paunahin ka ng kumain." Turan niya. Hindi na rin ako nagsalita pa at huminga na lang ng malalim at tanggapin na hindi ko na naman sila makakasama kumain.

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status