Share

Chapter 3

Pagsapit nang sabado ay naggising ako sa katok na mula sa pinto ng aking kuwarto. Ilang sandali lang ay pumasok si Papa habang nakangiti sa akin. 

"Pa." Gulat kong sabi. Minsan lang siya kung pumasok sa kuwarto ko kapag may kailangan siyang sabihin. 

"Hindi ka namin nasamahan kagabi kumain. Sinabi rin sa amin ni Manang Ghie na halatang nalungkot ka nang sinabi niyang hindi mo kami kasama kumain." Paliwanag niya. Agad akong napangiti dahil kahit papaano ay ramdam din nila ako. Ramdam nila na kailangan ko sila. 

"Okay lang po iyon, Pa. Naiintindihan ko naman po na busy kayo palagi ni Mama." Turan ko. 

"Wala kang pasok ngayon, hindi ba? Gusto mo bang sumama sa kompanya?" Nakangiti niyang tanong. 

"Puwede po?" Tanong ko. 

"Oo naman. Magbihis ka na at hintayin kita sa sala." Sagot niya. Mabilis akong bumangon sa higaan dahil sa sinabi ni Papa. Agad din siyang lumabas ng kuwarto kaya mabilis akong kumuha ng susuotin kong damit at pagkatapos ay patakbong pumasok sa loob ng banyo. 

Bihira lang akong isama ni Papa sa kompanya kaya laking tuwa ko nang siya na mismo ang nag-aya sa akin kaya hindi na ako tumanggi pa.

Nang matapos akong maligo at magbihis ay mabilis akong lumabas ng kuwarto at nadatnan ko si Papa na nakaupo sa sofa at halatang hinihintay ako. 

"Tara na po, Pa." Nakangiti kong sabi na ikinatawa ni Papa. 

"Halatang excited kang sumama sa opisina." Nakangiti niyang sabi. 

"Syempre po. Nasaan po pala si Mama?" Tanong ko. 

"May dinaluhan siyang party at mamaya pa ang uwi niya. Kaya dalawa muna tayo." Sagot niya. Tumango lang ako. 

Halos kalahating oras din ang biyahe bago kami nakarating sa nag-iisang kompanya ni Papa. Halos lahat ng mga tao sa loob ay tinitingnan kami habang naglalakad. 

"Good morning, Mr. Hovers. Maaga pong pumunta si Mr. Saavedra dito." Salubong ng secretary niyang lalaki. Tumango lang din siya nang tumingin sa akin. 

Umaga pa lang ay mayroon na agad bisita si Papa. At mukhang mahaba haba na naman ang pag-uusap nila ng kaniyang bisita. 

"Nasaan siya, Mark?" Tanong ni Papa. 

"Pinapasok ko na po sa opisina niyo, Sir." Magalang na sagot ni Mark. 

"Alright. Salamat." Pagkaraan ay muling naglakad si Papa habang nakasunod ako sa kaniya kasama ang kaniyang secretary. 

At pagbukas ng pinto ay agad kong nakita ang mukha ng isang lalaki. Hindi ko inaasahan ang ganitong mukha na magiging bisita ng Papa ko. Ang buong akala ko ay matandang lalaki na malaki ang tiyan ngunit bakit binata ang narito sa loob ng opisina? 

"Good morning, Mr. Saavedra. Pasensiya na at naghintay ka pa sa akin. Isinama ko kasi ang nag-iisa kong anak at alam mo na kapag babae ay marami pang ginagawa sa sarili bago umalis." Natatawang sabi ni Papa. Agad namang tumingin si Mr. Saavedra sa akin kaya ngumiti ako sa kaniya. Ngunit mukhang masungit ang lalaking 'to. 

"She's Allianah." Pagpapakilala sa akin ni Papa. Agad naman akong lumapit sa lakaki. 

"Nice to meet you, Mr. Saavedra." Magalang kong sabi at inilahad ang aking kamay. Ilang sandali rin niyang tiningnan iyon bago niya tinanggap. 

"It's nice to meet you too, Allianah." Mahigpit ang pagkakahawak niya sa kamay ko kaya agad kong binawi iyon sa kaniya. Kakaiba rin siya kung tumingin sa akin at hindi ko alam ngunit nakakatakot siya tumingin. 

"Umpisahan na natin ang pag-uusap, Mr. Saavedra. Mark, pakisamahan mo muna si Allianah sa labas." Utos ni Papa. Tumango naman si Mark at sabay kaming lumabas ng opisina. 

"Mark, sino ba si Mr. Saavedra? At ano ang pag-uusapan nila ni Papa? Bakit pati ako ay kailangan pang lumabas ng opisina?" Nagtataka kong tanong. 

"Sandali lang, Ma'am Allianah. Isa-isa lang ang tanong." Wika niya. 

"Pasensiya na."

"Si Mr. Saavedra lang naman ang may ari ng Zeke's Hotel at ang alam ko ay meron din siyang shipping port. At hindi ko alam kung ano ang pag-uusapan nila ng Papa mo dahil hindi rin sinabi sa akin ni Mr. Hovers." Paliwanag niya. Ibig sabihin sobrang yaman pala ni Mr. Saavedra. Sikat ang Zeke's Hotel hindi lang dito sa Pilipinas kung hindi sa ibang bansa rin. Ngunit ano ang pag-uusapan nila ni Papa? At bakit kahit ako ay pinalabas rin? 

"May gusto po ba kayong kainin o inumin, Ma'am Allianah?" Tanong ni Mark. 

"Wala. Salamat na lang. Huwag mo na akong alalahanin dito." Turan ko. Tumango lang siya at muling bumalik sa kaniyang ginagawa. Hihintayin ko na lang na matapos ang pag-uusap ni Papa at ni Mr. Saavedra. 

Nililibang ko na lang ang sarili ko habang tinitingnan ang mga dumadaan sa puwesto ni Mark kung saan ako nakaupo. Halatang abala rin ang secretary ni Papa dahil hindi niya na ako kinakausap sa dami ng papel na nasa mesa niya. At minsan ay may pumupunta pa sa mesa niya at may ibinibigay. 

"Mahirap ba maging secretary ni Papa?" Tanong ko. 

"Medyo. Kailangan ay mabilis kumilos at hindi burara sa mga papel na ibinibigay dahil siguradong lagot ako kay Mr. Hovers." Turan niya habang hindi nakatingin sa akin. 

"Kumakain ka pa ba sa dami ng mga ginagawa mo?" Tanong ko. Huminto siya sa kaniyang ginagawa at tumingin sa akin na ipinagtataka ko. 

"Ma'am Allianah, huwag po kayong ganiyan at baka isipin kong may gusto ka sa akin." Sabi niya na ikinatawa ko. 

"Baliw. Concern lang ako dahil mukhang pinapahirapan ka ng Papa ko." Natatawa kong sabi. 

"Hindi naman ganoon kahigpit si Mr. Hovers. Hindi pa naman ako pumapayat kaya masasabi kong kumakain pa ako kahit hindi sa tamang oras." Sagot niya ag mulinh bumalik sa kaniyang ginagawa. 

Halos isang oras din akong nakaupo at naghihintay na lumabas ang bisita ni Papa. Nakailang hikab na rin ako sa kahihintay at agad akong napaayos ng upo nang bumukas ang pinto ng opisina ni Papa at naunang lumabas si Mr. Saavedra at sumunod si Papa. 

"Thank you ulit, Mr. Saavedra. Malaking tulong iyon para sa kompanya." Nakangiting sabi ni Papa at nakipag kamay sa bisita niya. 

"No problem, Mr. Hovers. Kailangan ko ng umalis dahil may meeting pa akong pupuntahan." Paalam ni Mr. Saavedra. Tumango lang si Papa. 

Ngunit bago tuluyang umalis ang bisita ni Papa ay tumingin pa siya sa akin kaya ngumiti ako sa kaniya. May kakaiba sa titig niyang iyon o baka ako lang ang nagbibigay ng meaning sa bawat titig niya? 

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status