Nakatitig ako sa namumulang mukha ni Lucien. Bigla itong lumamlam, kitang kita ko sa mga mata niya ang iba't ibang klaseng emosyon..galit, sakit, pagmamahal… May kung anong kirot akong naramdaman sa aking dibdib. Bakit humantong sa ganito? Bigla akong nanghina. “Fvck, I didn't want to rush you, Louise. I know you have doubts, but I'm telling the truth. I love you, don't you notice that? I've done everything to get your attention… “...Akala mo ba iyong mga nasabi ko sa‘yo noong nakainom ako ay hindi totoo? Akala mo nadala lang ako ng alak? Kahit iyong tungkol sa halik? No, binawi ko lang ‘yon para hindi ka mailang sa akin, para hindi mo ako iwasan. “...Ayokong umalis ka ng mansion, hindi ko kakayanin na mawalay sa‘yo Louise. I've changed, I am no longer the old Lucien, And you are the reason for that change. Please, I'm begging you, don't leave me, don't leave this mansion. Papatunayan ko sa‘yong totoo ang nararamdaman ko para sa‘yo.” Hindi ako umimik, mas lalong na
SCARLETT UMAGANG-UMAGA nasa garahe ako para mamili ng gagamitin naming sasakyan. Naghahanap ako ng bulletproof at mabilis ang takbo. Iyon solid na hindi kami mahahabol agad-agad ng kalaban. Kagabi sabi ko dalawang sasakyan ang gamitin namin, Tag-isa. Nakipag debate pa ako kela Isaiah. Sa huli wala silang nagawa dahil sinunod ako ni Lucien. Hinayaan niya na dalawang sasakyan ang gamitin namin at nakasunod na lang kami kela Isaiah. Ngingisi-ngisi nga ako kagabi kay Isaiah habang ka video call siya. Tumawag sila kay Lucien para ipa-alala ang oras ng alis namin tapos gagamiting sasakyan. Buti na lang malakas ako kay Lucien kaya pumayag ang lalaki. Sa totoo lang ayokong madamay sila Ace at Isaiah. Mas dagdag sa guilty ko iyon kung pati sila madamay sa gulong ito. Kaya hanggang maaari iiwas ko sila. Mahirap kung magsasama-sama kami sa iisang sasakyan. Nang makapili na ako ng sasakyan ni-ready ko ang aking armas. Pati ang dala kong gamit ay nilagay ko na sa likod ng sasakyan.
SCARLETT HINDI ko pinansin ang katanungan ni Lucien, mas binilisan ko pa ang takbo ng sasakyan. Nang makalayo kami ng sobra sa van ay agad kong ginilid ang kotse. Tahimik ang lugar at talahiban na. “Red, tumigil ang sasakyan ng mga kaibigan ni Saavedra. Anong gagawin namin?” Biglang tanong ng isa naming kasamahan. “Don't let them come near here. Block them and protect them no matter what happens.” Seryoso kong sagot. “Copy.” Kinapa ko sa gilid ng aking upuan ang isang baril at magazine. Saka seryosong tinignan si Lucien. “When I get out of the car, move here and just stay low.” “What? What are you going to do? Are you getting out? It's dangerous!” Sambit nito. May himig ng gulat at takot. “I know, just follow me and don't get out. understand?” Kitang kita ko sa mata ng lalaki ang pagkalito. Titig na titig din siya sa akin dahil sa tagal namin magkasama ngayon niya lang akong narinig magsalita ng ingles. Nilabas ko ang baril saka chineck ulit iyon. “Y-you
May ibubuga pala ang isang ‘to. Akala ko ay lalampa-lampa. Tsk! “Red, are you ok? You need back up?” Tanong ni Thunder sa akin. Napahawak ako sa aking earpiece. “I'm ok, I can handle this bastard. Bantayan niyong maigi si Lucien.” Sagot ko habang umiilag pa rin sa suntok ng lalaki. “Don't worry he's safe. Nandito na rin ang mga kaibigan niya.” “Good, tatapusin ko lang ang isang ‘to.” Ang sumunod na suntok ng lalaki ay sinalag ko na. Napapagod na ako sa kaka-ilag kaya mabilis ko siyang binigyan ng suntok sa mukha at pinilipit ang braso. “Bibigyan sana kita ng pagkakataon mabuhay pero hindi mo pala deserve. Die bastard!” Gigil kong turan saka ito binaril sa ulo. Hindi kona hinintay na magsalita pa ang lalaki. Nagtalsikan sa aking mukha at katawan ang dugo nito. Tsk! Walang awa ko siyang binitawan at humalundusay sa lapag. Hingal na hingal ako dahil sa mumunting laban na iyon. Pinunasan ko ang mukhang natalamsikan ng dugo saka nagpatuloy na sa paglala
HINDI pa rin makapaniwala si Lucien sa mga nasaksihan. Para siyang sinaksak ng ilang beses dahil ang babaeng mahal niya ay hindi pa pala niya kilala ng lubos. Akala niya ay magiging masaya ang bakasyon na ito pero isa palang bangungot. Habang tinitignan niya ang palapit na dalaga ay pinag-masdan niya ito. Ibang-iba ang awra nito. Magulo ang buhok, puro talsik ang mukha at damit ng dugo, pawisan, Habang tumatagal nag-iiba sa kanyang paningin ang dalaga. Tumigil ito ilang hakbang ang layo sa kanya, nagkatitigan silang dalawa, wala siyang makitang emosyon sa mukha ng dalaga. Pero ang mga mata nitong dati ay buhay na buhay, ngayon ay wala na. Matatalim na ito kung tumingin ngayon. Bumaba ang tingin niya sa hawak nitong baril. Ayaw niyang paniwalaan ang mga nakita kanina. Sana ay nasa malalim lang siyang pagkakatulog at isa lamang itong masamang panaginip. Gusto niyang iuntog ang sarili para magising. Nasasaktan siya sa mga nasaksihan at nalaman. Mas doble ang sakit na narara
SCARLETT I've been standing in front of boss office for a while now, hesitating whether to go inside or not. I have a strong feeling that I won't like what I'll find inside. Pakiramdam ko nasa loob sila Sir Aidan. Matapang ako at walang inuurungan pero sa sandaling ito, Umatras ang katapangan ko. Natatakot akong harapin sila, lalong lalo na si Lucien. Umiiwas nga ako pero hindi pumapayag ang tadhana sa akin. Tila ako pinaparusahan. I took a deep breath and calmed myself. To be honest, my heart has been racing so fast since earlier. Once I felt ready, I knocked on the door three times. “Come in.” Boss responded, so I slowly turned the doorknob and opened the door. At katulad ng inaasahan ko, Tumambad sa akin sila Sir Aidan, Don Miguel, Lucien, Ace and Isaiah. Pigil ang hiningang lumapit ako sa kanila pero iniiwas ko ang tingin sa mga ito at kay Boss lang napako ang aking tingin. Napansin ko rin ang seryosong tingin ni Lucien sa akin. “You're finally here, R
Pagkarating namin sa opisina ni Boss ay sinimulan ulit ang pag-uusap tungkol sa pagiging bodyguard ko. Hindi ako umiimik at hinayaan lang sila sa pag uusap nila. Sa huli wala akong nagawa kung hindi pumayag na maging bodyguard ni Lucien. Hindi ko kayang tanggihan si Don Miguel at Sir Aidan. Napalapit na rin sila sa akin. Nagpasya sila Sir Aidan, Don Miguel at boss na manatili ulit ako sa mansion. At ngayon nga ay tinatahak na namin ang daan pauwi. Tahimik lang kaming dalawa ni Lucien habang naka-sunod sa sasakyan nila Sir Aidan. Nandoon din sila Isaiah at Ace doon sila pinasakay ni Don Miguel. Diretso lang ang tingin ni Lucien sa unahan. Hindi na rin niya ako muling kinausap o sinulyapan man lang. Parang isa na akong estranghera para sa lalaki. Hindi ko naman siya masisisi kung ganito na siya makitungo sa akin. Tumingin ako sa side mirror kung nakabuntot pa rin sa amin ang mga bantay na pinasama sa amin ni Boss, mga kapwa ko assassin. Sa unahan ay may dala
SCARLETT KINA-UMAGAHAN Maaga ako nagising at naisipan kong mag jogging para ma-check ang buong area kung may kalaban na nag-mamanman sa mansion. Ngayon na bodyguard na ako ni Lucien at alam naman na niya ang lahat hindi na ako mahihirapan na kumilos. Madali na sa akin ang lahat. Isang oras mahigit din akong nag-ikot sa paligid. For now wala naman akong nakitang kahina-hinala. Ang tangi ko lang napansin ay ang ibang kasamahan namin na nag-iikot-ikot din sa lugar para mag-manman. Nang masiguradong safe sa ngayon ang buong lugar ay bumalik na ako sa mansyon para makapag handa na dahil papasok sa opisina si Lucien. Hindi dapat ako mahuli ng kilos dahil ito ang unang araw ko bilang bodyguard niya. Nakakapanibago dahil nakasanayan ko ng pagtapos mag jogging ay ako ang nagluluto ng almusal at pananghalian naming dalawa pero ngayon ay hindi ko na magagawa dahil iba na ang trabaho ko. Pag-akyat ko sa taas napatigil ako saglit ng makita ang dalawang katulong na n