Share

Chapter 59

SCARLETT

UMAGANG-UMAGA nasa garahe ako para mamili ng gagamitin naming sasakyan. Naghahanap ako ng bulletproof at mabilis ang takbo. Iyon solid na hindi kami mahahabol agad-agad ng kalaban.

Kagabi sabi ko dalawang sasakyan ang gamitin namin, Tag-isa. Nakipag debate pa ako kela Isaiah. Sa huli wala silang nagawa dahil sinunod ako ni Lucien. Hinayaan niya na dalawang sasakyan ang gamitin namin at nakasunod na lang kami kela Isaiah.

Ngingisi-ngisi nga ako kagabi kay Isaiah habang ka video call siya. Tumawag sila kay Lucien para ipa-alala ang oras ng alis namin tapos gagamiting sasakyan. Buti na lang malakas ako kay Lucien kaya pumayag ang lalaki.

Sa totoo lang ayokong madamay sila Ace at Isaiah. Mas dagdag sa guilty ko iyon kung pati sila madamay sa gulong ito. Kaya hanggang maaari iiwas ko sila. Mahirap kung magsasama-sama kami sa iisang sasakyan.

Nang makapili na ako ng sasakyan ni-ready ko ang aking armas. Pati ang dala kong gamit ay nilagay ko na sa likod ng sasakyan.
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP
Mga Comments (1)
goodnovel comment avatar
Che Palmes Cordero
One more update plsss
Tignan lahat ng Komento

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status