May ibubuga pala ang isang ‘to. Akala ko ay lalampa-lampa. Tsk! “Red, are you ok? You need back up?” Tanong ni Thunder sa akin. Napahawak ako sa aking earpiece. “I'm ok, I can handle this bastard. Bantayan niyong maigi si Lucien.” Sagot ko habang umiilag pa rin sa suntok ng lalaki. “Don't worry he's safe. Nandito na rin ang mga kaibigan niya.” “Good, tatapusin ko lang ang isang ‘to.” Ang sumunod na suntok ng lalaki ay sinalag ko na. Napapagod na ako sa kaka-ilag kaya mabilis ko siyang binigyan ng suntok sa mukha at pinilipit ang braso. “Bibigyan sana kita ng pagkakataon mabuhay pero hindi mo pala deserve. Die bastard!” Gigil kong turan saka ito binaril sa ulo. Hindi kona hinintay na magsalita pa ang lalaki. Nagtalsikan sa aking mukha at katawan ang dugo nito. Tsk! Walang awa ko siyang binitawan at humalundusay sa lapag. Hingal na hingal ako dahil sa mumunting laban na iyon. Pinunasan ko ang mukhang natalamsikan ng dugo saka nagpatuloy na sa paglala
HINDI pa rin makapaniwala si Lucien sa mga nasaksihan. Para siyang sinaksak ng ilang beses dahil ang babaeng mahal niya ay hindi pa pala niya kilala ng lubos. Akala niya ay magiging masaya ang bakasyon na ito pero isa palang bangungot. Habang tinitignan niya ang palapit na dalaga ay pinag-masdan niya ito. Ibang-iba ang awra nito. Magulo ang buhok, puro talsik ang mukha at damit ng dugo, pawisan, Habang tumatagal nag-iiba sa kanyang paningin ang dalaga. Tumigil ito ilang hakbang ang layo sa kanya, nagkatitigan silang dalawa, wala siyang makitang emosyon sa mukha ng dalaga. Pero ang mga mata nitong dati ay buhay na buhay, ngayon ay wala na. Matatalim na ito kung tumingin ngayon. Bumaba ang tingin niya sa hawak nitong baril. Ayaw niyang paniwalaan ang mga nakita kanina. Sana ay nasa malalim lang siyang pagkakatulog at isa lamang itong masamang panaginip. Gusto niyang iuntog ang sarili para magising. Nasasaktan siya sa mga nasaksihan at nalaman. Mas doble ang sakit na narara
SCARLETT I've been standing in front of boss office for a while now, hesitating whether to go inside or not. I have a strong feeling that I won't like what I'll find inside. Pakiramdam ko nasa loob sila Sir Aidan. Matapang ako at walang inuurungan pero sa sandaling ito, Umatras ang katapangan ko. Natatakot akong harapin sila, lalong lalo na si Lucien. Umiiwas nga ako pero hindi pumapayag ang tadhana sa akin. Tila ako pinaparusahan. I took a deep breath and calmed myself. To be honest, my heart has been racing so fast since earlier. Once I felt ready, I knocked on the door three times. “Come in.” Boss responded, so I slowly turned the doorknob and opened the door. At katulad ng inaasahan ko, Tumambad sa akin sila Sir Aidan, Don Miguel, Lucien, Ace and Isaiah. Pigil ang hiningang lumapit ako sa kanila pero iniiwas ko ang tingin sa mga ito at kay Boss lang napako ang aking tingin. Napansin ko rin ang seryosong tingin ni Lucien sa akin. “You're finally here, R
Pagkarating namin sa opisina ni Boss ay sinimulan ulit ang pag-uusap tungkol sa pagiging bodyguard ko. Hindi ako umiimik at hinayaan lang sila sa pag uusap nila. Sa huli wala akong nagawa kung hindi pumayag na maging bodyguard ni Lucien. Hindi ko kayang tanggihan si Don Miguel at Sir Aidan. Napalapit na rin sila sa akin. Nagpasya sila Sir Aidan, Don Miguel at boss na manatili ulit ako sa mansion. At ngayon nga ay tinatahak na namin ang daan pauwi. Tahimik lang kaming dalawa ni Lucien habang naka-sunod sa sasakyan nila Sir Aidan. Nandoon din sila Isaiah at Ace doon sila pinasakay ni Don Miguel. Diretso lang ang tingin ni Lucien sa unahan. Hindi na rin niya ako muling kinausap o sinulyapan man lang. Parang isa na akong estranghera para sa lalaki. Hindi ko naman siya masisisi kung ganito na siya makitungo sa akin. Tumingin ako sa side mirror kung nakabuntot pa rin sa amin ang mga bantay na pinasama sa amin ni Boss, mga kapwa ko assassin. Sa unahan ay may dala
SCARLETT KINA-UMAGAHAN Maaga ako nagising at naisipan kong mag jogging para ma-check ang buong area kung may kalaban na nag-mamanman sa mansion. Ngayon na bodyguard na ako ni Lucien at alam naman na niya ang lahat hindi na ako mahihirapan na kumilos. Madali na sa akin ang lahat. Isang oras mahigit din akong nag-ikot sa paligid. For now wala naman akong nakitang kahina-hinala. Ang tangi ko lang napansin ay ang ibang kasamahan namin na nag-iikot-ikot din sa lugar para mag-manman. Nang masiguradong safe sa ngayon ang buong lugar ay bumalik na ako sa mansyon para makapag handa na dahil papasok sa opisina si Lucien. Hindi dapat ako mahuli ng kilos dahil ito ang unang araw ko bilang bodyguard niya. Nakakapanibago dahil nakasanayan ko ng pagtapos mag jogging ay ako ang nagluluto ng almusal at pananghalian naming dalawa pero ngayon ay hindi ko na magagawa dahil iba na ang trabaho ko. Pag-akyat ko sa taas napatigil ako saglit ng makita ang dalawang katulong na n
SCARLETT PAGSAPIT ng uwian, doon lang lumabas si Crystal sa opisina ni Lucien na may masayang awra. Dire-diretso siyang naglakad patungo sa elevator na hindi man lang ako napansin sa gilid. Ano kayang ginawa nilang dalawa sa loob? Bakit ang tagal naman atang nag-stay ni Crystal? Ganon na ba kahaba ang kanilang pinag-usapan? Nagbati na ba talaga silang dalawa? Kung ano-anong eksena ang pumasok sa aking isip na siyang kinakirot ng aking dibdib. Ilang sandali pa si Lucien naman ang lumabas ng opisina niya. Dire-ditetso din itong naglakad. Mabilis naman akong sumunod sa kanyang likod. Tahimik lang kami habang binabaybay ang pababa ng floor. Nang makarating sa lobby ay biglang tumunog ang cellphone ni Lucien kaya tumigil muna ito saglit sa paglalakad saka sinagot ang tawag. “Hello, Isaiah? Napatawag ka?” It's Isaiah. Bakit kaya napatawag ang lalaki? “Yes, paalis na ako ngayon sa kompanya, Why? Nandyan kayo? Alright, pupunta ako dyan. Hintayin niyo ako. Yeah, Sige, b
SCARLETT NAGING abala ako sa kaka-text kay Night, nakikibalita minu-minuto para alamin kung may napapansin na silang kakaiba. Kahit papaano ay nalilihis ang aking atensyon kela Lucien. Pero kahit ganon sumusulyap sulyap pa rin ako sa lalaki at alerto pa rin ang pakiramdam sa paligid. Minsan naman ay kinakausap din ako nila Isaiah, kaso kapag may dumadating silang kakilala ay tumatahimik ako at hinahayaan sila na makipag usap. Ngayon ang atensyon ko ay nasa aking cellphone, Pigil ang aking tawa sa huling message ni Night, may lumapit daw sa kanyang isang babae pero hindi niya pinansin, dahil medyo lasing na ang babae sinabihan daw siyang bakla. Gusto kong tumawa dahil nakikita-kita ko ang reaksyon ng lalaki. Sa gwapong iyon ni Night at sa tindigan nasabihan pa ng bakla. Masyado lang talagang suplado ang lalaki kapag hindi niya kilala ang kausap. Sa akin lang naman nun pinapakita ang tunay niyang ugali. Nakakatawa lang dahil nasabihan siyang bakla porket hindi niy
SCARLETT PAGKARATING sa mansion agad kong inutusan ang dalawang bantay na pagtulungan buhatin si Lucien. Habang papasok kami sa loob ay nakasalubong namin sila Don Miguel at Sir Aidan. Bahagya pa akong nagulat dahil gising pa ang mga ito. Tumigil ako sa paglalakad at binati ang mga ito. “Magandang gabi, Don Miguel, Sir Aidan.” “Magandang gabi din Iha, Bakit lasing na lasing ata ang aking apo?” Nag-aalalang tanong ng matandang Saavedra. “Pasensya na kayo Don Miguel hindi ko ho napigilan si Lucien na ‘wag uminom. Hindi rin ho siya nakinig sa akin na ‘wag muna siya mag-aalis-alis sa ngayon dahil delikado. Wala po akong nagawa kung hindi doblehin na lang ang pagbabantay sa kanya.” Mahabang paliwanag ko. “Tsk, tsk, ang batang iyon talaga. Alam naman niyang nanganganib pa ang kanyang buhay.” Naiiling na sagot ng matanda. “Matigas na naman ang ulo ni Lucien. Hayaan mo kakausapin ko siya bukas Louise. Pasensya kana kung nahihirapan ka.” Sambit naman ni
Mabilis akong bumaba ng sasakyan at sumunod sa lalaki. Baka magbago pa ang isip. “You like K-restaurant, right? Then order whatever you want. It’s on me,” He said bossily as we sat down. Instead of getting annoyed, I just smiled and shook my head. I think I already know why he’s acting like this—it’s because of Night. “Why are you shaking your head? Don’t you want to eat here? Where do you want to go? Let’s go there instead,” he said.“Nah, I like it here,” I replied with a smile. “Tss. Stop smiling.” “Why? I’m happy.” “Really, huh?”“Yeah, good thing you asked me to join you. I didn’t eat properly earlier. I didn’t even finish my food.” “Huh, paano enjoy na enjoy ka makipag usap sa Night na 'yon. May pa punas punas pa sa gilid ng labi mo.” I grinned at his reaction. He looked like a jealous boyfriend. “Why? Are you jealous? Do you want to be the only one to do that for me? Why? Are you in love with me?” I teased him.“What the… In your dreams. I’m loyal to Crystal,” he s
UWIAN Nakasunod ako kay Lucien at Crystal na magkahawak ang kamay. Patungo kami sa paborito nilang kainan para mag dinner. Well, Sila lang ang kakain dahil hindi naman nila ako niyaya. Hindi pa rin kami nagpapansinan ni Lucien. Isa pa ayoko din silang makasabay. Sa bahay na lang siguro ako kakain or bibili na lang ako. Nasa harap na kami ng restaurant ng biglang tumunog ang cellphone ko. Shit, nakalimutan kong i-silent. Naka-agaw tuloy ako ng atensyon. Tumigil ako saglit at nagmamadaling kinuha sa bulsa ang phone. Napansin kong tumigil din ang dalawa at sinulyapan ako ni Lucien. Hindi ko siya pinansin, nang makitang si Night ang tumatawag ay agad ko iyong sinagot. “Hello Night?” “Hi, Are you guys having dinner?” Nangunot naman ang noo ko. “Huh? No, just them. I’m not joining. Why?” “Good, then let’s eat together. I’ll come to you.” “Huh? Where are you?” “Same place kung nasaan kayo. wait for me there.” “Naku, ‘wag na sa bahay na ako kakain ok—” Hindi kona nata
“Ouch! Why did you push me, Lu? That hurts!” I heard Crystal's pained complaint. But instead of paying attention and helping her, I froze in place as if rooted to the ground. “OPEN THIS FUCKING DOOR!! WHY IS YOUR DOOR LOCKED?!” Oh fck! Natataranta kong nilapitan si Crystal na kakatayo lang. “Fix your clothes quickly! Then sit over there.” “Why? Why are you panicking?” Nakataas na kilay na tanong niya. “Just do what I’m telling you.” Medyo naiinis kong sabi. “No. Don’t tell me you’re scared because your bodyguard might see us like this? Let me remind you, I’m your fiancé, there’s nothing wrong with what we’re doing. Kung makita man niya tayo wala na siya don, Right?” Inis na sagot niya sa akin pero hindi ko ‘yun pinansin dahil focus ako sa babaeng kanina pa katok ng katok. “Tsk, Just do what I'm telling you.” Sagot ko sa kanya saka inayos ang sarili at humakbang papalapit sa pinto. “KAPAG HINDI MO BINUKSAN ANG PINTO SISIRAIN KO TO LUCIEN!!” D*mn it! This woman is re
“Tsk, that's not what I want to hear. That's not the Louise I know who loves my son. I'm here to give you a chance to fight for what you feel for Lucien. Find a way to catch his attention and stir up his mind and heart.” Natigilan ako sa sinabi ni Sir Aidan. Seryosong seryoso ito. “I’m doing this because I don’t want us to have any regrets in the end. I don’t want us to blame each other later. I’m giving you a chance, but if there’s truly nothing, I’ll let Lucien go ahead and marry Crystal. I’ll intervene for the last time. So, gawin mo na ang lahat habang may natitirang araw pa. It’s up to you what fate has in store for the two of you.” Hindi agad ako nakasagot. Mariin akong pumikit saka sumandal sa kinauupuan ko. Nahihirapan akong magdesisyon lalo na sa mga binitawang salita ni Sir Aidan. Gusto kong ipaglaban si Lucien, gusto kong bawiin ang lalaking mahal ko. Pero nagtatalo ang puso’t isip ko. Sinisigaw ng puso ko na ipaglaban ko siya pero ang isip ko sinasabing mali dahil m
KINABUKASAN Ang aga-aga pero wala sa mood ang boss ko. Hindi man lang ako pinansin mula kanina, mukhang napikon ko ata kagabi. Argh! Araw araw ba na magiging ganito ang ganap ko kapag badmood ang boss ko? Bumuntong hininga ako saka sumandal sa kinauupuan at kinuha ang aking phone. Oorder na nga lang ako ng pagkain tsk! Hindi ako nakapag almusal kanina dahil na late ako ng gising ‘e. Tapos nagmamadali pa ang boss ko na pumasok. Ang ending wala akong almusal kahit man lang humigop ng hot choco or kape wala! Buti pa siya nakapag kape at almusal ‘e. Sakto naman na tumunog ang phone ko hudyat na may nag text. Bumungad sa akin ang pangalan ni Night, Agad kong binasa ang text niya. Night: Good morning, Red. Are you busy? Mabilis naman akong nagreply. To Night: Not really, why? Night: I’m here outside Lucien’s office. I brought some hot chocolate and a sandwich. I found out you didn’t have breakfast earlier, so I brought you some. Come on out, let’s eat together. Hindi
PAGBALIK sa opisina ganon pa rin ang mood ni Lucien. Hindi man lang niya ako tinatapunan ng tingin o kahit sulyap man lang. Ano bang problema niya? Ano ba ang nangyari sa kanila ni Crystal? Nag-away ba sila? Kung nag-away man sila bakit pati ako damay? Or… Galit siya sa akin dahil hindi ako sumabay sa kanila sa pagkain? Hm, imposible naman ‘yun. Pakialam ba niya sakin ‘diba? Argh! Ewan! Ang hirap na nga ng sitwasyon ko dinadagan pa ng ganito. Bahala nga siya d’yan. Hahayaan ko siya sa toyo niya. Mahirap kapag sinabayan ‘e, Baka kung saan kami humantong kapag pinatulan ko siya. Hanggang sa mag-uwian hindi pa rin niya ako pinapansin. Bad mood pa din ang hinayupak. Pati ako dinadamay, nakakainis! Seryoso ako sa pagmamaneho ng biglang magsalita ang katabi kong lalaki. “Have you known that guy for a long time?” Nangunot naman ang noo ko dahil sa tanong niya. Anong sinasabi niya? Sinong guy? Bahagya ko siyang sinulyapan. “Who?” Taka kong tanong. “The guy who was sitting
MASAYA akong tumalikod para puntahan ‘yung dalawa. Atleast ma-eenjoy ko ang lunch ko! “Hey!” Masayang bati ko sa dalawa sabay upo sa tabi ni Night. Parehas naman silang nagulat at napatingin sa akin. “Gulat na gulat? Hindi niyo man lang napansin na palapit ako. Mukhang seryoso ang pinag-uusapan niyo.” Nakangiti kong sambit. “What are you doing here, Red?” Nagtatakang tanong ni Night sa akin. “Oo nga, anong ginagawa mo dito? ginulat mo pa kami. Nasaan ang alaga mo?” Segundang tanong naman ni Thunder. Aba parang ayaw nilang nandito ako ah. Pero imbes na sagutin sila ay nginuso ko na lang kung nasaan sila Lucien tapos nanguha ng lutong pork sa plato ni Night at kinain ‘yun. “Oh, I get it. Sasabay ka dapat sa kanila no? kaso nakita mo kami ni Night dito kaya lumipat ka?” Napaangat ako ng tingin kay Thunder saka nag thumps up at ngumisi. “Yeah, good thing nandito kayo kaya nakatakas ako. Hindi ko kayang makasama ng matagal ang Crystal na ‘yun. Saka sa lagay e, mukha akong third
NANG makarating sa mansyon ay nauna itong bumaba habang ako ay pinarada muna ang sasakyan tapos pumasok na rin sa loob. Saktong pag pasok ko siyang labas naman sa kusina ng lalaki, Mukhang uminom muna ito ng tubig or tinanong ang mga katulong kung ano ang dinner. Hindi na lang ako umimik at pinauna siyang umakyat ng hagdan habang ako ay nakasunod lang. Tumigil ako sa aking kwarto at akmang bubuksan na ng biglang magsalita si Lucien. “Si Dad ba ang pumili ng kwarto mo?” Nagtataka ko naman siyang binalingan dahil sa biglaan nitong tanong. Akala ko pa naman papasok na siya sa kanyang kwarto. “Oo, bakit?” “I see, alam mo bang ang kwartong ‘yan ang pinaka maganda at espesyal sa mansyon. Maswerte ka dahil ‘yan ang naging kwarto mo. Hm, halatang paborito ka ni Dad.” Mahaba niyang turan habang nakasandal sa pader ng kanyang kwarto habang ang mga pagod niyang mata ay nakatingin sa akin. Pero wait, pinaka maganda at espesyal? Bakit hindi ko alam `yon? Hindi nabanggit ni Sir Aid
Hindi pa rin talaga siya makapaniwala na close kami noon, Hindi pa rin siya sanay na ang isang katulad ko ay malapit sa kanya. Tinuon ko na lang ang pansin sa folder na hawak para basahin ‘yon. Saka naglakad sa harap ng table ni Lucien para maupo sa bakanteng upuan. Nang maintindihan ko para saan ang folder ay sinimulan kong ipaliwanag sa kanya. Nakinig naman siyang mabuti at wala akong narinig na reklamo. Pati ang ibang hindi niya maintindihan ay pinaliwanag ko na rin.Hanggang sa abutin kami ng ala singko ng hapon. “Naintindihan mo naman ba lahat ng pinaliwanag ko?” Marahan kong tanong habang nag-uunat. Masakit din sa likod ang maghapon nakaupo habang nagpapaliwanag ah. Buti na lang talaga ay may alam ako, kung hindi siguradong aburido maghapon si Lucien. Saka masaya akong nakatulong sa kanya at nabawasan ang kanyang stress. “Yes, Thank you for helping me. Kung hindi mo pina-intindi sa akin ang lahat siguradong wala akong magagawa mag-hapon.” Malamyos niyang sagot sa akin. N