Mabilis na tumayo sila Thunder ng makita ako saka lumapit sa akin. “Sigurado ka ba sa desisyon mong ito, Red?” Bungad na tanong ni Night. “Yes, Kailangan ko ito. Sorry pala dahil na-abala ko kayo ni Thunder.” “It's okay, maliit na bagay lang naman ito. Beside kailangan mo nga rin muna ng day off.” “Kayo ng bahala kay Lucien, bantayan niyo siyang maigi ok? Update me kapag may kakaiba kayong napansin.” “Restday mo ng tatlong araw Red, off duty ka non. Kami ng bahala ni Night sa alaga mo. Babantayan namin siya ng maigi.” Nakangiting sambit naman ni Thunder. Tumango na lang ako saka bumaling kela Sir Aidan ng makalapit sa amin. “Saan ka tutuloy niyan Iha? Gusto mo bang ipahatid kita?” Mabilis akong umiling sa offer ni Don Miguel. “Hindi na po Don Miguel, gagamitin ko po ang dalang sasakyan ni Night. Saka may sariling condo po ako, doon muna ako tutuloy.” “Ganon ba, siya sige. Mag-iingat ka ha?” “Opo, Salamat po. Pasensya na po kung naka-abala ako, dapat ay nag
LUCIEN Wala sa dining area sila Dad at Lolo kaya tinanong ko si Manang kung nasaan ang mga ito. Nasa Gazebo daw at nagkakape. Dali-dali ko silang pinuntahan doon habang nag ngingitngit sa galit. Hindi ko akalain na ito ang bubungad sa aking umaga. Agad akong napansin ni lolo kaya ngumiti ito habang papalapit ako sa kanila. “Goodmorning apo, gising kana pala. Nag-almusal kana? Gusto mo padalhan kita dito ng makakain? Mukhang pupunta kana ng kompanya.” Magiliw nitong tanong sa akin habang pinapasadahan ako ng tingin. “Thanks Lo, pero hindi yan ang pinunta ko dito.” Malamig kong turan. Doon na napatingin sa akin si Dad. “Then ano ang pinunta mo dito, Lucien?” Nagtatakang tanong ni Dad. “Gusto ko malaman bakit pumayag kayo sa tatlong araw na restday ni Scarlett? Bakit hindi niyo man lang muna ako tinanong kung ok lang ba sa akin? Bakit kayo lang lagi ang nagdedesisyon? May karapatan din naman akong malaman di ba?” Seryoso kong tanong habang nagpapabali
LUCIEN I stared at Scarlett inside the cafe for a few minutes, hindi pa rin mag sink in sa akin ang mga nalaman. Siya ang may ari ng Cafe na ito. Napakaganda ng kanyang negosyo at galing siya sa mayamang pamilya, pero napapaisip ako bakit kailangan niyang pasukin ang pagiging Assassin? Ganon na may mga negosyo naman siya? Kulang pa ba ang kinikita niya sa mga negosyo o baka may mas malalim pa na dahilan kaya pinasok niya ang ganitong gawain? Ilang sandali pa nagpasya akong bumaba at kausapin ang babae. Akma ko ng bubuksan ang pinto ng magsalita si Thunder. “Saan kayo pupunta Sir?” Nilingon ko siya saka nagsalita. “Sa loob ng cafe kakausapin ko si Scarlett, isasama natin siya pauwi sa mansyon.” Seryoso kong sagot. “Naku, Sir. Sabi ni Sir Aidan sa akin kanina ipakita ko lang sayo kung nasaan si Red at ano ang ginagawa niya. Saka sa nakikita ko Sir Busy si Red, Hindi siya sasama sa atin lalo na ngayon na abala siya sa business niya. Mas mabuti pa dito na lang tayo.”
LUCIEN HUMUGOT ako ng isang malalim na buntong hininga habang sinusundan si Scarlett. Buong araw akong hindi mapakali dahil sa kanya. Kaya hindi ako makakapayag na masayang lang ang pagpunta ko dito. Tumigil sa gilid ng cafe malapit sa sasakyan namin si Scarlett saka seryosong humarap sa akin. Tumigil din naman ako sa kanyang harap. “Umuwi kana, Lucien. Sinasayang mo lang ang oras mo dito dahil hindi ako sasama sayo pauwi. May mga bagay pa akong dapat unahin at gawin.” Panimula nitong sabi. Ang tigas talaga ng babaeng ‘to pero kung magmamatigas siya ganun din gagawin ko. Matira matibay na lang. “No, hindi ako aalis dito hanggang hindi kita kasama.” Mas sumeryoso ang mukha niya. “Jeez, Lucien, stop acting like a kid. Try to understand what I'm telling you instead of insisting on what you want.” Nainis ako sa kanyang sinabi, acting like a kid huh? Kanina pa niya sinasabi ang mga katagang iyon. Nakakapikon na! Inilang hakbang ko ang pagitan naming dalawa saka si
SCARLETT SA PARKING LOT ng bar ako matiyagang naghintay kay Lucien. Nakasandal ako sa kotse habang nakahalukipkip at nakatingin sa exit ng bar. Hindi na ako nag abalang pumasok pa sa loob dahil baka hindi ko mapigilan ang sarili at kaladkarin ko palabas ng Bar ang pasaway na lalaki. Binilin ko na lang kay Night, Thunder at kela Ace na ilabas na lang ang lalaki. Hanggang maaari ayoko ng makagawa ng gulo o atensyon sa loob. Nakakahiya na kay Ace lagi na lang kasi may nangyayari, kaya mas minabuti ko ng umiwas sa pwedeng mangyari. Patingin-tingin ako sa aking relo, Bakit ang tagal naman ata nila Night? Ilalabas lang nila si Lucien sa bar pero trenta minutos mahigit na ang lumipas. Ganon ba kahirap ito palabasin? Apa't na sila doon ah. Mukhang wala akong choice kung hindi pumasok sa loob. Umayos ako ng tayo saka humakbang na pero napatigil din agad ng makita kong lumabas si Lucien habang may kaakbay na isang sexy na babae at naghaharutan ang mga ito. Awtomatikong tuma
Tahimik akong nagmaneho, binabalewala ang walang humpay na landian ng dalawa sa likod. “Oh gosh, babe. Stop..hihihi gosh nakikiliti ako.” Malanding turan ng babae. Gusto kong umirap dahil ang sakit sa tenga ng boses ng malanding babaeng kasama ni Lucien. “Hmm, You smell like sweet vanilla.” Mapang akit na sagot naman ni Lucien. “Oh babe, stop..stop..nakakahiya sa driver mo..” Mahinang sabi ng maharot na babae pero rinig ko naman. Nahihiya pa siya sa lagay na ‘yan ha? “Tsk, don't mind here. She's only my bodyguard. Hindi tayo niyan pakikialaman.” “Oh, I see..” Humigpit ang hawak ko sa manibela. Fvck, kung alam ko lang na ganito pala ang madadatnan ko kanina sa bar, Sana pala hindi na ako sumama kay Night. Hinayaan kona lang ang lalaki! Kung hindi lang ako nag-aalala ay hindi ko talaga siya pupuntahan. Isa pa ayoko rin na mag alala sila Sir Aidan at Don Miguel. Ilang minuto ang lumipas tumingin ako sa rear mirror para tignan ang dalawa pero wrong move ako dah
SCARLETT Nakatingin lang ako kay Lucien habang hinihingal. Nang wala pa itong balak magsalita ay nagsalita ulit ako. “Alam kong kinamumuhian mo ako dahil sa nalaman mo. To be honest hindi ko naman inaasahan na magiging ganito ang misyon ko, Hindi ko akalain na mapapalapit tayo sa isa't isa at magiging close. Hindi ko gustong saktan ka dahil sa mga nalaman mo tungkol sa akin. Pero anong magagawa ko? Ito ang misyon ko at ito ang klase ng trabaho ko. Kasama sa trabaho ko ang mag-panggap na ibang tao. At Lahat naman ay ginawa ko para ma-protektahan ka kahit ibuwis ko pa ang aking buhay gagawin ko, Please, stop this. Tapos na ang lahat nangyari na… “..Hindi ko hinihiling na patawarin mo ako, tanggap ko kung kinamumuhian mo ako dahil sa klase ng trabahong meron ako at sa mga nalaman mo sa misyon ko. Ang gusto ko lang mangyari ay tigilan mo ang ganitong klaseng ugali, ‘wag mo ng ibalik ang dating ikaw dahil lang sa nangyari. ‘wag mo ng pahirapan ang sarili mo…Ngayon hinihingi k
Continuation.. SCARLETT “Alam kong ginagawa mo lang ang trabaho mo lalong lalo na ang protektahan si Lucien at kahit ano gagawin mo para sa kanya kahit na abala kapa sa ibang bagay… “...Louise, hinihiling ko sana na ituloy mo ang tatlong araw na day off na binigay ko sa ‘yo…” Nangunot ang noo ko at naguguluhang nakatitig kay Sir Aidan. “Hindi ko maintindihan Sir Aidan, pwede po bang direct to the point na kayo kung ano man ang gusto niyong tumbukin? Seryoso kong tanong Wala na akong balak ituloy ang tatlong araw na off dahil paniguradong magiging pasaway na naman si Lucien at pahihirapan lang nito sila Night. Isa pa pati ako ay hindi rin makakapag trabaho ng maayos dahil guguluhin ako nito. “Gusto kong tapusin mo ang tatlong araw na off at 'wag sundin ang aking anak sa gusto niya mangyari. Hayaan mo siyang masanay na wala ka sa tabi niya, Kapag natapos naman ang lahat ng ito ay mag kakanya-kaya na ulit tayo. Kami ay babalik sa dating buhay at ikaw ay ganon na rin. Gus