Share

Chapter 61

May ibubuga pala ang isang ‘to. Akala ko ay lalampa-lampa. Tsk!

“Red, are you ok? You need back up?” Tanong ni Thunder sa akin. Napahawak ako sa aking earpiece.

“I'm ok, I can handle this bastard. Bantayan niyong maigi si Lucien.”

Sagot ko habang umiilag pa rin sa suntok ng lalaki.

“Don't worry he's safe. Nandito na rin ang mga kaibigan niya.”

“Good, tatapusin ko lang ang isang ‘to.”

Ang sumunod na suntok ng lalaki ay sinalag ko na. Napapagod na ako sa kaka-ilag kaya mabilis ko siyang binigyan ng suntok sa mukha at pinilipit ang braso.

“Bibigyan sana kita ng pagkakataon mabuhay pero hindi mo pala deserve. Die bastard!” Gigil kong turan saka ito binaril sa ulo. Hindi kona hinintay na magsalita pa ang lalaki. Nagtalsikan sa aking mukha at katawan ang dugo nito. Tsk!

Walang awa ko siyang binitawan at humalundusay sa lapag.

Hingal na hingal ako dahil sa mumunting laban na iyon. Pinunasan ko ang mukhang natalamsikan ng dugo saka nagpatuloy na sa paglala
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status