Share

Chapter 2

Habang sa mansyon naman ay hindi pa rin mapakali si Donya Almira sa pag-aalala sa kanyang nag-iisang anak na si Sofia.

"Lord! Kayo na po ang bahala sa anak ko, sana naman ay maisipan na nitong bumalik sa mansyon," usal na dasal nito.

"Napakatigas talaga ng ulo ng anak mo na iyan Amelia, talagang manang-mana sa 'yo!" pagalit na wika ni Armando sa asawa at napakapit pa sa kanyang sintido.

"Kung hindi mo sana naisip na ipakasal ang anak mo kay Don Facundo ay narito pa sana ang anak mo," sagot naman nito na naiiyak pa.

"Ito ang tandaan mo Almira, kapag nalaman ko na may kinalaman ka sa pagtakas ng anak mo malalagot ka din sa akin," madiin at may pagbabanta na anas ni Armando sa asawa.

Napaiyak na lamang si Almira dahil sa mga nangyayari sa pamilya nito. Hindi na rin nito malaman kung bakit nagbago na ang ugali ng asawang si Armando simula nang malugi ang kanilang negosyo.

"Donya Almira! Ayos lang po ba kayo?" tanong ni Maria na isa sa mga maid nito.

"Yes! I'm okay! Thank you!" sagot nito at pinahid ang kanyang mga luha.

Napatinggin na lamang si Almira sa mga larawan ng kanyang pamilya sa ibabaw ng piano, at masagang tumulo ang kanyang mga luha. Palakad-lakad si Don Armando habang hinihintay ang tawag ng kanyang mga bodyguards para hanapin si Sofia. Maya-maya ay tumunog ang celfone nito at agad niya itong sinagot.

"Hello...! " sagot nito.

Ibinalita ng mga bodyguards nito ang tungkol sa patuloy na paghahanap parin sa dalaga.

"What...? Hanggang ngayon wala pa kayong nalalaman kung nasaan si Sofia?" galit na tanong nito sa kausap.

Napahampas pa sa lamesa ang don habang kausap ang mga bodyguard.

"Huwag kayong titigil hangga't hindi ninyo nahahanap at naibabalik si Sofia dito mga inutil!" sigaw pa ng don at inihagis sa mesa ang celfone nito.

Um-order nang napakarami at paboritong pagkain si Sofia at nilantakan niya ito, gutom na gutom ang dalaga kaya naman mabilis niya itong naubos at um-order pa para mag-take out para sa kanyang hapunan. Namili na rin ng mga bagong damit ang dalaga para may ipamalit ito dalawang pares lamang kasi ang naisilid nito sa kanyang backpack.

"Paano kaya ako ngayon nito? Hindi naman ako pwede magbook sa hotel kasi sigurado akong mahuhuli ako ni dad!" ani ni Sofia habang palakad-lakad ito.

Biglang naalala ni Sofia ang calling card na ibinigay ng lalaki sa kanya kaya naman sumilay sa mga labi nito ang pag-asa. Agad na pumara ng taxi si Sofia at ipinakita dito ang calling card na hawak-hawak. Ibinaba ng taxi driver si Sofia sa isang napakataas na building agad na binayaran ni Sofia ang taxi driver ng pera na na-withdraw nito kanina sa mall.

"Excuse me Ma'am! Saan po kayo?" tanong ng isang security guard sa dalaga.

"May hinahanap lang po sana ako," At ipinakita ni Sofia ang hawak nitong calling card.

"Kay Sir Benedict pala ito bok!" ani ng security sa kasama nito.

"May appointment po ba kayo kay Sir Benedict?" tanong pa ulit nito sa dalaga.

"Ahmmm! Wala po kuya eh!" ani ni Sofia.

"Teka lang po ma'am huh? kasi kailangan po muna namin itawag sa head security, iyon po kasi ang protocol sa 'min kapag walang appointment!" paliwanag naman nito.

"Sige po kuya, maghihintay po ako dito, pakisabi narin po sa boss nyo na ako po iyong muntik nitong mabangga kanina malapit sa restaurant," nginitian pa ni Sofia ang guard.

Pinaghintay naman si Sofia ng mga ito sa labas ng building habang hinihintay nila ang utos galing sa head security. Hindi naman nabigo ang dalaga sa pahihintay nang makita nito na bumababa na ito sa hagdan. Agad na tumayo si Sofia para salubungin ang lalaki, napataas pa ang mga kilay ni Sofia nang makitang itinuro siya ng mga guard na kausap niya kanina.

"Te__!" magsasalita pa lamang si Sofia nang daanan lamang siya nito. Napakuyom ang mga palad ni Sofia sa inasal ng lalaki.

Lihim namang napangiti si Benedict nang makitang naiinis na naman ang dalaga. Hindi nito malaman kung bakit sa pangalawang pagkakataon ay napangiti siya nito kahit inis na inis ito sa kanya.

"Aba't teka nga! Si Sofia Del Mundo babalewalain mo? Talaga ba?" galit na galit na anas ni Sofia sa sarili.

Habang sumakay naman ng kotse nito si Benedict at bahagya pang sinilip sa side mirror nito ang dalaga. Aandar na sana ang kotse nito pero nagulat ito nang biglang tumakbo si Sofia sa harap ng kotse, napapreno nang malakas ang binata.

"Damn! Ano bang ginagawa ng babaeng ito huh?" tanong ni Benedict sa sarili.

Bumusina nang napakalakas ang binata, pero hindi umalis ang dalaga sa harap ng kotse nito.

"Teka bumaba ka d 'yan na lalaki ka!" sigaw ni Sofia dito.

Agad namang tumakbo ang mga guard para awatin si Sofia.

"Boss kami na po ang bahala dito," ani ng guard.

"Teka lang wag kang aalis....!" sigaw pa ni Sofia nang makitang umaandar na ang kotse.

Nagpumiglas ang dalaga dahilan para mabitawan ito ng mga guard, buong lakas na inihagis ni Sofia ang mga paper bags na dala-dala nito dahilan para huminto ang kotse ng binata.

Walang anumang salita ang lumabas sa bibig ni Sofia habang lulan sila ng kotse ni Benedict. Pumasok ang kotse nito sa napakalaking gate at may malawak na garden. Naningkit na naman ang mga mata ni Sofia nang biglang bumaba ang lalaki at hindi man lamang siya nito pinagbuksan ng pintuan ng kotse. Walang lingon-lingong pumasok sa mansyon ang lalaki. Padabog na binuksan nito ang pinto at malakas din nitong isinara ang pinto ng kotse.

"Iha pumasok ka!" aya naman ng isang matandang babae na nakasuot ng uniporme ng maid.

Gusto pa sanang tulungan ng matanda si Sofia sa mga gamit nito pero tumanggi ito. Nagtungo ang dalawa sa maid's quarter at ibinaba ni Sofia ang mga gamit nito.

"Ako nga pala si Belen! tawagin mo na lang akong Nanay Belen." nakangiting pagpapakilala nito sa dalaga.

"Ahmmm! So__! Sonia po pala Nay Belen!" pagpapakilala nito sa matanda.

Itinago ni Sofia ang totoo nitong pangalan sa matanda para sa kaligtasan nito. Tuwang-tuwa naman ang matanda dahil may kasama na ito sa bahay.

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status