Chapter 6
Isinama ni Belen ang dalagang si Sofia para ilibot sa kabuohan ng mansyon. "Buti nagkikita pa po kayo ni señorito kapag narito kayo sa mansyon?" "Minsan nga hindi na sa sobrang busy ng batang iyon, sinasanay kasi siya ng lolo nya na hawakan ang mamanahin nitong kumpanya pag dating ng panahon!" wika pa ng matanda. "Ang swerte rin po pala ni señorito kasi iisa lang po siyang apo ng lolo niya!" "Swerte pero hindi masaya si señorito, simula pagkabata na nito ay tinuruan na siya ng lolo nya na maging responsable sa lahat ng bagay, kaya akala ng iba masungit ang batang iyan pero sa totoo lang pilyo din yan!" bulong nito sa dalaga at nagpalinga-linga pa. Gaya ng iba ay ito rin ang tingin niya sa binata, mayabang, sarkastiko, at masungit lalo na ng tumira na siya dito sa mansyon nito. "Halika dito sa garden, ituturo ko din sayo kung paano alagaan ang mga bulaklak na narito, ito kasi ang iniwang alaala ng mommy ni señorito sa kanya." kwento pa ng matanda. Namangha naman ang dalaga sa nag gagandahang mga rosas na naroon. Ganitong-ganito rin kasi ang mga klase ng rosas n meron ang garden nila sa kanilang mansyon. "Alam mo ba na alagang-alaga ni señorito ang mga iyan, kaya tanging ako lang at siya ang nag-aasikaso nito dahil mahalaga ang mga ito sa kanya!" Hindi naman alam ni Sofia kung bakit parang nagkaroon siya ng kaunting paghanga sa binata base sa mga kinukuwento ng matandang si Belen. Nag inat-inat si Benedict ng matapos na ito sa kanyang paglalaro ng computer game. Nakita nya ang dalawa mula sa kanyang terasa na naglilibot aa garden. Nagtatawanan pa ang mga ito na parang matagal ng magkakilala. Bigla naman napagtanto ng binata na hindi man lang niya kinilala muna ang dalaga. "I didn't even ask her name or basic info." Pinagmasdan lang ni Benedict ang mga ito habang inililibot ng matanda ang dalaga sa buong garden. "But honestly, she's pretty!" Napahampas na lang siya sa kanyang noo ng maisip ang salitang iyon. Pinilig pa niya ang ulo nito bago pumasok ng silid. Hindi naman maalis sa mga labi ni Sofia ang ngiti dahil sa nag gagandahang mga bulaklak sa garden lalo na ang red roses na paborito nila ng kanyang mama. Habang sa mansyon naman ng mga Del Mundo ay nag-aalala pa rin si Almira sa paglalayas ng kanyang dalaga. "Senyora, baka gusto nyo na po kumain muna? Kagabi pa po kayo hindi kumakain!" alok ni Maria ang personal maid ni Sofia. "Wala akong gana, iniisip ko pa rin ang Ma'am Sofia mo, kung nasaan na ba ito, kumain na ba ito? Para na akong mababaliw sa kakaisip sa kanya!" umiiyak na si Almira. "Huwag po kayo mag-alala sigurado akong nasa maayos na kalagayan si Ma'am Sofia, pasasaan po ba't babalik din po iyon!" pagpapagaan ng loob nito sa ginang. "Sana nga, Maria, bumalik na ang anak ko, hindi ko makakaya kapag may nangyaring masama sa kanya." Hindi na muna pinilit ng kasambahay ang ginang dahil sa naiintindihan niya ito, labis itong nag-aalala sa nag-iisang anak nito. Nasa harap naman ni Armando ang mga tauhan na inatasan nitong maghanap sa kanyang anak. "Ano ng balita sa paghahanap ninyo?" tanong nito sa mga tauhan. "Sa ngayon po ay isang cctv pa lang ang nakukuha namin kung saan dumaan si Ma'am Sofia!" pagbabalita ng isa. "Useless people, my daughter has been missing for days and that's still the only information you have?" galit na tanong nito sa kanyang mga tauhan. "Gagawin po namin ang lahat para maibalik sa inyo ang inyong anak boss!" pangako pa ng isa. "Then do it now!" sigaw nito. Nagmamadaling umalis ang mga ito para hanapin ulit ang dalaga. Galit na galit namang naiwan si Armando, nauubos na kasi ang pasensya nito sa katigasan ng ulo ng kanyang anak. Inaalala rin nito ang nalalapit na pagpapakilala niya sa anak sa matandang bilyonaryong si Don Facundo. Tuwang-tuwa si Sofia dahil natuto siyang magbungkal ng lupa sa tulong ng matanda. Mag-dadalawang araw pa lang siya dito sa mansyon pero may bago na agad siyang natututuhan. "Maghugas ka na ng kamay at maghahanda na tayo ng pananghalian!" utos ni Belen sa kanya. Agad na naghugas ng kamay ang dalaga, naabutan naman nitong nagaayos na ng mga gulay ang matanda sa kusina. "Ano pong iluluto natin, nay?" tanong niya. "Utos ni señorito ay magluto tayo ng menudo, paborito kasi niya ito!" "Menudo?" tanong niya. "Oo, menudo! Alam mo ba iyon, Sonia?" "Hindi po, pero gusto ko po iyon matutuhan sa inyo!" nakangiting sagot niya. "Konte na lang talaga, Sonia, iisipin kong mayaman ka talaga kaya hindi ka marunong magluto at magtimpla ng kape!" biro ni Belen sa dalaga. Bigla namang nakaramdam ng kaba ang dalaga sa sinabi ng matanda. Hindi maaring malaman nito na isa siyang Heredera ng mga Del Mundo, siguradong ibibigay siya nito sa kanyang mga magulang lalo na kapag nalaman pa ng binata ang tungkol sa kanyang sekreto. "A_ahhh, talaga hindi lang po ako tinuturuan ng mama ko na magluto sa kusina, katwiran po kasi nito ay baka masayang dahil hindi masarap ang aking luto!" kakamot-kamot pang sagot niya sa matanda. "Hayaan mo at dito ay ituturo ko lahat ng luto na alam ko sayo, para kapag nakauwi ka sa inyo ay matutuwa ang mama mo sayo!" "Magandang ideya nga po iyan, Nay Belen!" Hinugasan ni Sofia ang mga gulay sa gripo habang inihahanda naman ng matanda ang gagamiting karne sa menudo. "Tapos ko na pong hugasan nay! Ano naman po ang susunod?" "Balatan mo na syempre tapos hiwa-hiwain mo na ang mga gulay!" Hindi naman malaman ni Sofia kung paano niya sasabihin sa matanda na hindi talaga siya marunong mahiwa-hiwa ng mga gulay na gagamiti sa menudo. Buong tapang niyang binalatan ang mga gulay. "Sonia, hindi ganyan ang pagbabalat ng carrots, halos pati ang laman ay isinama mo na rin sa balat, baka mamaya eh wala na tayong makuhang laman diyan sa carrots!" naiiling at natatawang saway nito sa kanya. Nailing na lang si Belen at kinuha nito ang binabalatang carrots ni Sofia at siya na ang nagpatuloy nito. "Mbuti pa ay manuod kana lang muna diyan, para mapabilis din tayo!" wika ng matanda. Pinagmasdan ni Sofia ang pagbabalat ng gulay ng matanda mula carrots hanggang sa patatas. "At bakit si Nay Belen lang ang gumagawa nito lahat?" Napatinggin silang dalawa ng marinig ang boses ng binata. "Tinuturuan ko lang si Sonia magbalat ng mga gulay, señorito!" sagot ni Belen. "What the! Hindi ka marunong magbalat ng gulay? Saang planeta ka ba galing huh?" galit na tanong nito sa dalaga. Hindi naman makapgsalita si Sofia sa tanong ng binata. Napakuyom at pigil ang kanyang inis sa binata. Tiningnan naman ng masama ng dalaga ang binatang si Benedict. "Hayaan nyo siyang gumawa dito sa kusina nay!" "P_!" hindi na natapos ni Belen ang sasabihin ng mahsalita si Benedict. "No, Nay Belen, narito sya para tulungan ka sa mga gawaing bahay dito at hindi maging tutor ng babaeng iyan!" sarkastikong anas nito. Inis na inis na kinuha ni Sofia ang kutsilyo at sinimulang magbalat ng patatas. Hirap na hirap ang dalaga lalo na sa paghawak ng kutsilyo. "Arayyyyy!" padaing na sigaw ni Sofia. Nakita ni Sofia ang pagdaloy ng pulang-pulang dugo sa kanyang daliri. Biglang umikot ang kanyang paningin at nawalan ng malay.Napangiwi si Sofia nang maamoy nito ang aroma na nakadikit sa kanyang ilong. "Gising na sya!" Narinig ni Sofia ang boses ng matandang si Belen. Dahan-dahan siyang nagmulat ng mata at nakita niya ang matanda at ang binatang si Benedict."Sonia, ayos ka lang bang bata ka huh?" nag-aalalang tanong nito sa dalaga.Tumanggo si Sofia at biglang bumalik sa kanya ang nangyari kanina."Blood!" anas niya na takot na takot."Ang tapang tapang pero takot sa dugo!" sarkastikong wika ng binata na natatawa pa.Hindi naman nakaligtas sa pandinig ni Sofia ang sinabi ng binata. Tuminggin siya dito at nakita niyang ngingiti-ngiti pa ito."Tama na yan, mabuti pa ay humiga kana lang muna diyan, Sonia, nalinis na ni señorito ang sugat mo sa kamay kaya malinis na iyan!" wika pa ng matanda.Napatinggin naman si Sofia sa kanyang daliri na may benda. "Mauuna na ako, Nay Belen!" paalam naman ni Benedict."Thank you!" bulalas ni Sofia nang palabas na ng pinto ang binata. Napangiti naman si Benedict sa sinabi
Hinatid ng tinggin ni Benedict ang matanda habang pababa ito ng hagdan. Magsasarado na sana siya ng pintuan ng marinig niya ang boses ni Alena na parang may kinagagalitan bigla naman niyang naalala ang dalaga. Kitang-kita ni Benedict kung paano sumalampak sa sahig si Belen na talagang ikinagalit nito. Bubuhusan ni Alena ng juice ang dalawa ng biglang siyang humarang sa mga ito."Benedict!" gulat na anas din ni Alena sa binata."Seriously, Alena, What's going on here?" makapangyarihang boses na tanong niya.Itinayo naman ni Sofia ang matandang si Belen mula sa pagkakasalampak sa sahig."Eh, kasi ang babaeng ito, nilalason ba naman ako!" inis na sagot ni Alena sa kanya.Tuminggin naman siya sa dalagang si Sofia."Eh, kasi po señorito, humingi sya ng maiinom, kaya ayan binigyan ko sya ng juice, tapos bigla na lang syang nagalit at pinagbintangan pa akong nilalason ko sya!" paliwanag nito sa kanya."What? Nilalason?" takang tanong niya sa dalawa."Yes, she put something in that juice!" p
Walang ganang kumain si Benedict ng pananghalian. Hindi rin naman makatagal sa mga tinggin ng binata ang dalagang si Sofia.Napatinggin ang dalawa nang biglang tumayo na ang binata."Tapos na po ba kayo, señorito?" takang tanong ni Belen sa kanya."Opo, nay!" tipid na sagot nito at umakyat na sa silid nito.Inihatid ni Belen ng tinggin ang binata hanggang sa makaakyat ito."Nakakapagtaka naman at kakaunti lang ang kain ni señorito ng kanyang paboritong ulam!" wika pa ni Belen."Hindi po kaya masama ang pakiramdam niya, nay?" "Hindi ko rin alam, pero bata pa lang ay kasama ko na si señorito at pagdating sa menudo ay hindi nawawalan ng gana kumain iyan!" "Baka po, wala lang siya sa mood, dahil sa nangyari kanina?" "Baka nga, oh sya mabuti pa ay ayusin na natin itong lamesa at para makakain na tayo sa kusina." utos nito sa dalaga.Agad namang niligpit at nilinis ng mga ito ang lamesa."Hindi kaya sakin na naman galit si señorito?" tanong niya sa kanyang sarili. "At bakit naman siya m
Chapter 10Agad na nagpalit ng kanyang damit si Sofia. Napatinggin ito sa salamin at nakita niya ang galos na nasa pisngi nito. Naalala naman niya ang band-aid na ibinigay ng binata kanina pero nalungkot ito ng basa na ito ng tubig sa pool kanina.Nasa loob din ng silid nito si Benedict at nagpalit ng kanyang damit. Biglang sumilay ang pilyong ngiti nito ng maalala ang basang katawan ni Sofia. Kitang-kita kasi ang hubog ng katawan nito na talagang masasabi mong inaasam ng isang lalaki. "My crazy side is coming out, dude!" Pinilig niya ang kanyang ulo para maalis ang pilyong isipin nito tungkol sa babae. Halos magdadalawang buwan na kasi itong walang naikakamang babae dahil sa busy schedule nila ng kanyang lolo.Napapitlag naman si Sofia ng biglang may kumatok sa pinto."Sonia, matatapos ka na ba diyan, pwede bang ikaw na muna ang magtapos ng piniprito kong fried chicken sa kusina, medyo sumama lang ang tiyan ko!" wika ni Belen sa labas ng pinto ng banyo."Opo, nay, coming na po!" D
Nasa harap ng gate ng mansyon ang binatang si Benedict at hinihintay ang mga kaibigan. Isa-isang pumarada ang mga sports car ng mga kaibigan nito.Si Jeric na naka-yellow camaro, Si Vince na dala ang puting mustang at si Arthur na naka-blue ferrari. Isa-isa na itong pumasok sa loob ng mansyon."Let's party!" sigaw naman ni Vince."Kamusta na brod! Ang tagal na natin hindi ito ginagawa ah!" si Jeric."Eh kasi naman, badtrip ang lolo nito eh, puro negosyo!" naiiling na sagot naman ni Arthur."Tara na, ano-ano pa sinasabi ninyo eh!" aya ni Benedict sa mga ito.Nagtunggo sila sa pool area at namangha naman ang mga kaibigan nito dahil sa magandang arrangement ng pool area."Did Manang Belen set this up?" tanong ni Arthur sa kaibigan."It looks like manang anticipated are visit." natawa pang anas ni Vince."It wasn't Nanay Belen who arranged all this." anas niya sa mga ito.Napakunot naman ang mga noo ng mga kaibigan."And who?" tanong ni Vince."Don't tell me, it's Alena?" natatawang tanon
Napatakbo si Sofia sa kanilang silid at nagkulong ito sa kanilang banyo."Kung hindi lang sana ako ipapakasal ng mga parents ko sa Don Facundo na iyan, eh hindi sana ako narito sa mansyon ng antipatikong Benedict na iyon!" umiiyak na sigaw ng isip niya habang patuloy sa pag-agos ang kanyang mga luha."Sonia, pagpasensyahan mo na ang señorito, malamang ay nabigla lang iyon!" wika ni Belen na nasa harap ng pinto ng banyo."Ayos lang po ako Nay Belen, pasensya na rin po kung palpak na naman ang trabaho ko!" paghingi niya ng paumanhin sa matanda habang pigil ang kanyang pagiyak."Hayaan mo at kakausapin ko si señorito, ipapaliwanag ko sa kanya ang nangyari!" "Huwag na po nay, ayos lang po talaga ako!" Naawa naman ang matandang si Belen sa dalaga dahil alam nito na sobra itong napahiya sa mga harap ng bisita ni Benedict."This tastes great, even if it's slightly overcooked." seryosong anas ni Arthur habang kinakain nito ang fried chicken.Natawa naman ang dalawang binata sa ginawa ni Art
Isang pangyayari ang hindi inaasahan ng dalaga na mangyayari. Napalaki ang kanyang mga mata ng biglang maglapat ang mga labi nila ng binata ng madaganan siya nito."No freakin' way! He's ruining my first kiss!" bulalas niya sa sarili habang pilit niyang inaalis ang nakadagan na lalaki.Mas lalong nanlaki ang kanyang mata ng bigla silang makita ni Belen sa ganoong ayos."Diyos ko! Anong nangyayari sa inyo ni señorito?" gulat na tanong nito sa kanya."Nay, pwede po ba na makahinginng tulong ang bigat-bigat ng antipatikong ito!" daing niya sa matanda.Pinagtulungan nilang maisandal sa dingding ng kusina ang binatang si Benedict. Napasandal din at hinahangos ang dalaga sa bigat ng binata."Nay Belen, wala po ba kayong ibang nakita?" nag-aalaang tanong niya sa matanda.Kita naman niya ang bahagyang pagkunot ng noo ng matanda sa kanyang tanong."Bakit? Ano bang nangyatir sa inyo ni señorito at nakasalampak kayo sa sahig?" Ikinuwento naman niya sa matanda ang nangyari kung bakit nasa ibabaw
Nagising si Sofia sa isang napakasarap na amoy. Nag-inat ang dalaga at nagulat pa ito nang makitang wala na roon si Belen at mas nagpalaki pa ng kanyang mga mata ay makitang nakahiga na siya sa kama. "Paano nangyari ito?" takang tanong niya.Bigla siyang napatakbo sa banyo at napatingin sa salamin ng biglang niyang maalala ang panaginip na binubuhat siya ng binatang si Benedict."Shocks! Was that just a dream or real? Did Señorito Benedict truly carry me?" Napatutop ang kanyang mga kamay sa bibig nito. Hindi niya maalala kung bakit siya nakahiga sa kutson na ibinigay nila ni Belen sa binata.Maya-maya ay narinig ni Sofia na may pumasok sa silid."Sonia?" Narinig niyang tawag ni Belen sa kanya. Agad siyang lumabas ng banyo at hinarap ang matanda."Gising ka na pala? Teka para kang nakakita ng multo?" takang tanong nito sa kanya."Mukhang minulto po talaga ako kagabi, Nay Belen!" "Huh? May multo rito kagabi?" "Eh kasi naman nay, hindi po ba inilagay natin itong kutson ko sa kusina
"Sa isang buwan ay pupunta tayo sa mansyon ng mga Del Mundo para makilala mo ang anak nila." "Ano pa bang magagawa ko?" bulong niya sa sarili."I think, magkakasundo kayo ng mapapangasawa mo, sabi ni Armando ay very charming daw ang anak niyang si Sofia kaya feeling ko perfect kayong dalawa." nakangiting ana ni Don Facundo."Ito lang ba ang reason, lo! Bakit pinapunta mo ako dito sa mansyon?" seryosong tanong niya rito."Yes, at gusto kong makasal na kayo sa lalong madaling panahon para naman makita ko pa ang magiging mga apo ko sa tuhod sa inyong dalawa." Hilaw na ngumiti si Benedict sa kanyang Lolo Facundo."Anak lang pala eh, bakit hindi na lang tayo maghire ng babaeng magdadala ng mga apo mo." naiiling na sigaw niya sa kanyang isipan.Nasa Hapag naman ang mag-asawang Armando at Almira. "May balita ka na ba sa anak mo?" tanong ni Almira sa asawa."Nothing, until now ay hindi pa rin siya nahahanap ng mga tauhan ko." "Anong gagawin natin? Baka kung napaano na si Sofia?" nag-aalal
Hindi na niya alam ang sunod na nangyari ng unti-unti na lang manlabo ang kanyang mga mata. Napabalikwas siya ng bangon ng makita niya na nasa kama siya. Agad niyang hinanap si Belen."Nay Belen!" tawag niya.Napatinggin siya sa pinto ng marinig niyang parang may naglalakad patunggo sa kanilang silid. "Gising ka na pala!" Natahimik si Sofia nang biglang pumasok ang binata na may dalang mainit na sabaw."Mabuti pa ay humigop ka ng mainit na sabaw, para mainitan yang sikmura mo." utos nito sa kanya.Naamoy naman niya ang aroma ng chicken soup na inilapag nito sa mesa."Teka, si Nay Belen po, señorito?" tanong niya sa binata."Nasa pharmacy si Nay Belen, bumibili ng gamot mo, kaya take your soup para mainitan ang sikmura mo bago dumating si Nay Belen," seryosong anas niya dito."Ayos lang naman po ako, pasensya na po kayo sa abalang ginagawa ko." "Next time huwag kang magmarunong, dapat sinabi mo kay Nay Belen na takot ka pala sa matataas na place, para hindi nag-aalala sayo si Nay B
Papaakyat pa lang ng entertainment room ang binata ng tumunog ang kanyang celfone."Hello, lolo!" sagot niya sa kabilang linya."Hello, Benedict! Please come to my mansion now; we need to discuss something." "But, lo! Hindi po ba bukas pa ang usapan natin na dadalaw ako dyan?" tanong niya rito."Ngayon na, sige na hihintayin kita dito!" Ibinaba na ng kausap nito ang tawag. Napabuntong hininga na lang ang binata. Naabutan niyang busy pa rin ang mga ito sa panunuod ng movie."Dude! Anong nangyari sayo? parang badtrip ka?" tanong ni Vince sa kanya."Hulaan ko, inaway mo na naman si Sonia ano?" natatawang tanong ni Arthur."Si lolo, kailangan kong pumunta ngayon sa mansyon ." sagot nito.Napailing na lang ang mga ito."Mabuti pa, sabay-sabay na lang tayo umalis, iisa lang din naman ang way natin eh!" mungkahi ni Jeric.Nagmadaling nag-ayos ng sarili si Benedict. Isang simpleng t-shirt at pants lang ang isinuot ng binata."Let's go, guys!" aya niya sa mga ito.Isa-isa ng bumaba ang mga i
Tumayo siya para kumuha ng tubig sa kusina."Dude! Saan ka pupunta?" tanong ni Jeric sa kanya."I'm going to grab a glass of water to the kitchen!" sagot niya rito."Okay, idamay mo na rin kami, dude!" wika pa ni Vince.Tumango naman siya at lumabas ng entertainment room. Nagulat pa siya ng makarating malapit sa kusina. Nakita niyang may sinisilip si Benedict at napapangiti pa ito.Malaya lang niya itong pinagmasdan habang naisipang magkubli sa isang haliging bato na naroon. Hindi rin naman nagtagal si Benedict sa labas ng kusina at palinga-lingang umalis ito."What's Benedict looking at inside?" tanong niya sa sarili.Palinga-linga rin siya at nang masigurado na niyang wala na si Benedict ay agad siyang nagdahan-dahang lumapit sa pinto ng kusina.Napailing at napatawa pa siya ng makitang, sumasyaw ang dalagang si Sofia habang nagpupunas ito ng sink."I feel you dude!" natatawang si Arthur.Aliw na aliw siyang pinanunuod ang dalaga sa loob ng kusina habang feel na feel nito ang ginaga
Halos maubos ni Sofia ang nasa kalderong sopas na niluto ni Belen."Sabi na sayo eh, makakalimutan mo lahat ng pagkain na paborito mo kapag natikman mo ang sopas na niluto ko." natatawang wika nito sa kanya.Hinamas pa ni Sofia ang kanyang tiyan at napakapit sa kanyang bibig ng dumighay ito nang napakalakas. Tawang-tawa naman si Belen sa ginawa ng dalaga."Nay Belen, the best among the rest talaga pala po ang sopas mo!" wika pa niya sa matanda.Napahinto si Sofia at napayuko nang pumasok ang mga binata at dala-dala ang kanilang mangkok."Bakit, kayo pa ang nagdala ng mangkok dito sa loob?" tanong ni Belen sa mga binata."It's fine, Manang Belen. This task is effortless." wika naman ni Jeric."Ang sabihin mo nagpapa-cool ka lang kay Sonia!" biro naman ni Vince."Naku, Manang since mga little boy pa kami eh ito naman po ang nakagawian namin sa tuwing bibisita kami rito sa mansyon!" nakangiting anas ni Arthur sa matanda."Hayaan nyo sila, Nay Belen, ang kakapal naman ng mukha nila kung i