Share

Chapter 5

Nakipagpalit ng gawaing bahay si Sofia sa matandang si Belen dahil narin sa mga iniindang sakit ng matanda kaya nagpasya si Sofia na ito na muna ang maglinis ng silid na malapit sa silid ni Benedict. Binuksan ni Sofia ang silid at humanga pa ito sa ganda ng mga paintings na nakasabit sa dingding ng kwarto. Ibinaba ni Sofia ang mga dala-dala nito at pinagmasdan ang mga larawan na naroon.

"Grabe bakit ngayon ko lang nakita ang mga ito? Ang tagal-tagal ko na dito sa mansyon," ani ni Sofia.

Kinuha nito ang dalang timba na may lamang tubig at nag-umpisa nang maglinis ang dalaga. Pakanta-kanta pa ito habang nililinis ang mga cabinet na naroon. Sa hindi inaasahan ay nabitawan nito ang dalang timba habang nakamasid sa isang painting, kumabog nang mabilis ang dibdib nito ng mapagsino ang taong nasa larawan na iyon.

"Ikaw ang lolo ni Benedict?" napatulo pa ang mga luhang anas nito.

Nagmamadaling umalis si Sofia, sa silid na iyon dala-dala ang pangamba na baka malaman ni Benedict ang tunay na pagkatao nito ga 'yong ang lolo nito ay si Don Facundo ang matandang nakatakdang ipakasal sa kanya ng kanyang mga magulang.

Nag-alsa balutan si Sofia at walang sabi-sabing umalis ito ng mansyon na walang nakakaalam. Balon ang luha na tumawag ito sa kanyang bestfriend na si Lesly at agad naman to the rescue ang dalaga.

"Wait! Where have you been? You know what?Matagal ka nang hinahanap ni Tita Almira sa akin!" Sunod-sunod na tanong nito sa kaibigan habang nagpapahinga sila sa resthouse ng mga ito sa Batangas.

"It's a long story sissy! Basta ngayon gusto ko lang makapag-isip!" umiiyak na anas nito.

Hinayaan na lamang muna ni Lesly na makapagpahinga si Sofia. Alam nito na may matinding pinagdadaanan ang matalik na kaibigan.

"Nay Belen!" malakas na tawag ni Benedict sa matanda.

Dali-daling nagpunas ng kamay si Belen para puntahan ang alaga.

"Nay nakita n 'yo po ba si Sonia? Kanina ko pa po kasi hinahanap kasi may ipagagawa ako sa kanya pero wala po ito!" ani ni Benedict.

"Teka at alam ko'y inutusan ko itong maglinis ng silid ng Lolo Facundo mo sa itaas, wala ba siya doon?" tanong ng matanda.

Hinanap nila ang dalaga pero walang bakas na nasa mansyon ang dalaga. Napakuyom na lang ang kamay ni Benedict.

"Señorito mukhang umalis na si Sonia dito sa mansyon!" pagbabalilita ni Belen sa alaga nito.

"What do you mean Nay Belen?" tanong pa ni Benedict.

"Wala na ang mga gamit dito ni Sonia, Ewan ko ba sa bata na iyan bakit bigla na lang umalis nang hindi nagpapaalam!" takang-taka din naman ang matanda kung bakit umalis na lamang si Sonia ng walang paalam.

Agad na kinuha ni Benedict ang susi ng kotse nito at mabilis na pinaharurot ito. May nakikita pang pag-asa si Benedict na makita n 'ya sa daan ang dalagang kanyang pinakamamahal.

"Sonia nasaan ka na ba?" sigaw na tanong ng isip ni Benedict habang palinga-linga sa paligid.

Lumipas ang mga araw at walang Sonia ang nagpakita kay Benedict. Kaya naman nag-hire ito ng mga tauhan na maghahanap sa dalaga. Ipinakita nito ang larawan ni Sofia sa mga tauhan nito.

Halos bumaliktad naman ang sikmura ni Sofia nang maamoy nito ang ginigisang sibuyas ni Lesly para sa kanilang umagahan. Agad na tumakbo si Sofia sa banyo para ilabas ito. Halos manghina na si Sofia dahil sa pagduwal nito na napansin naman at kinabahala ni Lesly.

"Sissy are you okay?" nag-aalalang si Lesly habang naghihintay sa pinto ng banyo.

Lumabas si Sofia na hinang-hina at hawak-hawak ang kanyang tiyan.

"Mabuti pa dadalhin kita sa hospital na malapit dito!" wika ni Lesly at agad na kinuha nito ang susi ng kotse, Inalalayan nito si Sofia na makasakay sa kotse.

"Congrats....! Your pregnant!" nakangiting anas ng Doktora.

Napakapit na lamang si Sofia sa kanyang tiyan nang marinig ang balita na iyon. Habang napamulagat naman si Lesly sa sinabi ng Doktora. Umuwi ng resthouse ang dalawa ng walang imikan. Hinayaan muna ni Lesly ang tahimik na si Sofia. Naglalaro naman sa isip ni Lesly kung bakit nabuntis ang kaibigan at sino ang nakabuntis dito gayong wala naman itong boyfriend man lamang.

Pumasok sa silid nito si Sofia at isa isang bumagsak ang mga luha nito.

"Kung ganun nagbunga ang pagmamahalan namin ni Benedict? Pero hindi maari malaking gulo ito kapag nalaman ni daddy at mommy! At hindi ko din alam paano sasabihin kay Benedict na ang lolo n 'ya ang dapat kong pakasalan!" umiyak na lamang si Sofia sa nangyayari sa kanya. Mahal na mahal nito si Benedict pero napakadaming hadlang doon.

Lumipas ang mga araw, linggo at buwan. Unti-unti nang lumalaki ang tiyan ni Sofia naikwento narin nito sa bestfriend na si Lesly ang tungkol sa paglalayas niya hanggang sa makarating ito sa mansyon ng mga Monteverde.

"I know na mahirap ang situation mo sa ngayon! Pero hindi ba dapat mas malaman ng Benedict na iyon na buntis ka sa baby 'nyo?" tanong ni Lesly.

"Hindi maari dahil ipapakasal na si Benedict ng lolo nya sa anak ng kaibigan ng pamilya nila kaya mas okay narin na hindi ko na ipakilala sa kanya ang anak ko!" anas ni Sofia at naguunahan na namang tumulo ang mga luha nito.

"Ibig mong sabihin ay magpapakasal ka sa lolo ni Benedict? kahit alam mo na ang apo n 'ya ang mahal mo?" tanong pa ulit ni Lesly.

"Ayaw kong sirain ang magandang plano ng lolo nito sa nagiisang apo nitong si Benedict." anas ni Sofia.

"Kung yan ang desisyon mo ay susuportahan na lang kita, Ano handa kana ba bumalik sa mansyon? Sigurado akong nag-aalala na si Tita Amelia sa 'yo!" nakangiting si Lesly.

Kinuha ni Lesly ang mga gamit ni Sofia at isinakay ito sa likod ng kotse. Inalalayan din nito si Sofia na makapasok sa loob ng sasakyan bago ito pumasok sa driver seat.

Umiiyak naman si Amelia na sinalubong at niyakap ang anak na si Sofia.

"Finally dininig narin ng nasa itaas ang mga prayers ko anak! San ka ba nagpunta huh? Tsaka parang pumayat ka?" sunod-sunod na tanong nito kay Sofia.

Wala namang maisagot si Sofia sa ina basta masaya rin ito dahil nakauwi at nakita na nito ang kanyang mommy.

"Finally, Your back!" makapangyarihang tinig ni Armando na bumababa ng hagdan.

"Armando!" wika ni Amelia sa asawa at hinawakan ang braso ng anak na si Sofia.

"Anong katangahan ang pumasok sa kokote mo at umalis ka sa mansyon?" tanong ni Armando sa anak.

"Armando, Pwede ba ay hayaan mo munang magpahinga ang anak mo sa silid nito, bago tayo mag usap?" nagmamakaawang tanong ni Amelia sa asawa.

"Kaya lumalaking spoiled ang anak mo dahil narin sa kagagawan mo!" may galit sa boses ni Armando.

"Pwede ba tama na? I know na mali ang ginawa ko!Pero hindi n 'yo man lang ba ako tatanungin kung bakit ako umalis sa mansyon huh?" umiiyak na tanong ni Sofia sa mga ito

"Then why?" malakas na boses na tanong ni Armando.

"Dahil sa ipapakasal n 'yo ako sa taong hindi ko naman mahal at lalong hindi ko naman lubos na kilala," umiiyak na ito, " Para ano? Pangbayad utang dahil sa nalulugi nating negosyo? Ganon ba kababa ang tinggin n 'yo sakin bilang anak n 'yo huh? mommy, daddy?" sigaw na tanong ni Sofia sa mga ito.

Itataas na sana ni Armando ang kamay nito para sampalin si Sofia pero biglang naagaw ng pansin ng mga ito nang sumigaw si Lesly.

"No po tito..! Sofia is pregnant maawa ka po sa kanya!" sigaw na wika ni Lesly na ikinagulantang ng mga magulang ni Sofia.

Napatakbo naman si Sofia sa kanyang silid at inilock ang pinto ng kwarto nito.

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status